Just obey me/C5 Kabanata apat
+ Add to Library
Just obey me/C5 Kabanata apat
+ Add to Library

C5 Kabanata apat

Josefina p.o.v

Namangha ako nung makita ang isang magandang harden pagbaba na pagkababa ng helicopter!

"Don't be so silly. Be alert." bulong sa akin ng prinsipe.

agad akong kinabahan nung ibulong niya iyon sa'kin kung kaya't pilit kong itinuon ang aking paningin sa harapan at minsan minsan ay tumitingin tingin sa paligid upang tignan kung may kahina-hinala bang bagay!

nakarating na kami sa isang malaking pintuan na kulay ubeng pinto! napalingon ako sa aming likod at gulat pa 'ko nung makita ang mga guwardya galing sa mansyon!

"I said focus." mariing bulong na naman ng prinsipe kaya agad akong umayos ng tayo!

bumukas ang pinto一 hindi tulad sa mansyon ng prinsipe, hindi ito nagkukusa bagkos ay may mga katulong na gaya kong nagbukas ng malaking pintuan!

Pumasok na ang prinsipe na taas noo pang deretso ang tingin sa harapan habang ako? Nakatungo at papasok na sana sa kwarto nung bigla akong harangin ng isang katulong na gaya ko!

gulat pa akong nakatingin sa yaya at lumingon sa prinsipe at hindi na bago sa'kin nung dere-deretso lamang siya sa pagpasok ng kwarto.

Walang imik na inihakbang ko paatras ang aking mga paa upang magbigay ng espasyo sa pagpasok ang ibang guwardya. At kasabay ko rin ang paglabas ng dalawa pang yaya.

napasimangot nalang ako nung makitang isinara na ng mga ito ang pinto. 'Ako raw ang personal na yaya niya, munit walang pakealam kung sa labas lang ako maghihintay.'

Dapat talaga ay masanay na ako, hindi porke na ako ang personal nyang alalay ay dapat na nasa tabi niya na ako lagi. May mga oras talagang dapat mag isa lamang ang prinsipe一 munit hindi ko pa rin maiwasan ang magmukmok.

bagamat sanay akong laging mapag isa ay gamay ko naman ang lugar na aking pinupuntahan, hindi katulad dito..

Hindi man gaano kadilim sa labas ay nagulat ako nung marinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para sumilip saglit ang ilaw sa loob.

Hindi ko iyon pinansin sa pag aakalang katulong iyon at nag isip isip nalang munit bahagyang kumunot ang aking noo nung makita ko ang isang pamilyar na sapatos na nakahinto sa aking harapan. Bagaman ay kilala na kung sino ang nag mamay-ari non ay hindi ko pa rin maiwasang magulat nung makita ko ang seryosong tingin ng aking amo.

"Bakit hindi ka sumunod?" malamig nitong ani.

lumunok ako 'tsaka ipinilig ang aking ulo. napatungo ako atsaka nagsalita. "Pinigil ako ng isang alalay na gaya ko, sa tingin ko ay mahalaga ang inyong pag uusapan kung kaya't bawal pumasok ang isang alalay sa loob." wala mang salitang 'po' ay magalang na ani ko.

narinig ko ang pagsiring niya, akala ko ay aalis na siya munit nabigla ako nung bigla niyang hawakan ang aking braso at marahang hilain ito!

"M-My lord" hindi ko alam kung pabulong bang sinabi ko iyan o malakas, bagkos ay hindi ko na masyadong marinig ang sarili kong boses dahil sa kabang aking nararamdaman.

"You forgot already? I already told you to obey my words and do what i want you to do. But why you followed her? She's not your boss." ramdam na ramdam ko ang inis niya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin munit ramdam ko pa rin ang pag iingat niya.

hindi ko alam kung ano dapat ang aking mararamdaman. hindi ko inaasahang babalik ang prinsipe dahil lamang sa kadahilanang hindi ako sumunod sakaniya一 munit sa tingin ko ay walang kakaiba roon, gusto niya lang yatang sya ang lumabas bagkos ay maaring hindi ako sumunod at mag alinlangan pa kung iba ang susundo sa akin.

pagpasok sa loob ag agad kong inilibot ang tingin sa loob ng kwarto一 at literal akong napanganga nung makita kung gaano kakintab ang mga gamit sa loob!

Mayroong isang malaki at mahabang lamesa sa gitna na ang kulay ay katulad na katulad ng kulay ng pinto! Madami ding upuan at madami ding nakahain na mga pagkain, prutas at iba pang hindi ko alam ang tawag munit ang kulay non ay kulay brown.

sa paglilibot ng tingin ay nakita ko ang isang medyo may katandaang lalaki na suot ang isang tuxedo at sa iisiping siya ang kameet up ng prinsipe, agad akong tumungo sakaniya upang ipabigay ang aking paggalang na sinuklian niya lamang ng ngiti.

muli kong inilibot ang aking paningin munit nagtaka ako nung wala akong makitang alalay maliban na lamang sa'kin! wala rin ang mga guwardyang nagsipasok kanina munit nahuhulaan kong nasa isang pinto sila! mayroon kasi iyong siwang at nakikita ko ang uniporme ng guwardya ng palasyo ng prinsipe.

naglakad ako papunta roon sa iisiping dapat doon ako pumunta munit natigilan ako nung hawakan ng prinsipe ang likod ng aking suot at marahan itong hilain pabalik!

"Sit here." seryoso niyang ani na sinenyasan ang katabi niyang upuan.

mabilis akong umupo roon dahil sa tingin ko ay marami na akong nagagawang mali sa araw na 'to, baka mamaya ay sa labas na ko tumira at hindi na muling tanggapin pa ng mainiting ulo na prinsipeng ito.

"Let's start." walang emosyon nitong sabi.

pigil na pigil ko ang aking sarili na tumingin sa mga pagkaing nakahain bagkos ay alam kong matatakam lamang ako kung kaya't hanggang maari ay nakatungo lamang ang aking ulo upang hindi makita ang mga nakahain! kulang na nga lang ay takpan ko ang aking ilong upang hindi maamoy ang mabango nitong amoy!

'mas gugustuhin kong sa labas na lamang maghintay kesa sa ganito.' hindi ko na napigilang sabihin iyon sa isip ko.

nagsimula na silang mag usap habang ako ay pilit na nililibang ang sarili sa paglalaro ng aking mga kamay at sa panalalanging sana ay matapos na agad itong pag uusap nila dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko.

Naputol lang ang pag iisip ko nung biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang dalawang alalay na may dala dalang may gulong na tray at papalapit sa lamesa.

'ang dami nang nakahain na halos mapuno na ang lamesa一pagtapos ay maghahain na naman sila?' hindi makapaniwalang sabi ko sa aking utak.

"You can eat if you want to." nagitla ako nung marinig ang boses ng prinsipe!

Napakurap ako bago umayos ng upo. "Hindi na, my lord." pagtanggi ko. "Siguro ay roon muna ako sa labas u-upang maging maayos ang inyong pag uusap一"

"Eat. Now." hindi galit o banta nitong ani pero mayroon iyong awtoridad na tunog kung kaya't wala akong nagawa kun'di ang sumunod!

Kumuha ako ng pagkaing sa tingin ko ay masarap munit oonti lamang ang kinuha ko dahil mayroon pa naman akong hiyang nararamdaman kahit papaano.

Nung lumabas na ang mga alalay na gaya ko ay 'tsaka pa nagpatuloy ang pag uusap. Munit hindi ako gaano nakakakilos dahil ramdam ko ang tingin ng prinsipe sa akin!

"B-Bakit?" hindi ko na naiwasan ang magtanong.

Tumaas ang kilay niya bago iniiwas ang tingin at nakipag usap na sa kameet up niya! Ikinibit balikat ko na lamang ang pagiging weirdo ng prinsipe tsaka kumain lng ng kumain.

hindi ko alam kung nakailang dagdag na ba ako ng kulay brown na pagkain, napakatamis kasi nito at masarap sa dila. hindi pa ako nakakain ng ganon sa buong buhay ko.

Sa totoo lang ay hindi talaga ganito karami ang nakakain ko, siguro sa kinakain ko ngayong araw ay ganon ang kain ko sa buong bwan. Mas gusto ko kasing mabusog ang mga kapatid ko kung kaya't inoontian ko ang aking pagkain at idadahilang busog pa naman ako kahit ang totoo ay hindi pa ako kumakain buong araw.

mabuti nalang talaga ay isinama ako rito ng prinsipe, kung hindi ay hindi ko maeenjoy ang pagkain.

Hindi ko na namalayang naubos na pala ang tatlong putahe kasama na ang brown na matamis sa harapan ko一 munit hindi ko naramdaman ang hiya bagkos ay sigurado naman akong hindi nila mauubos ito lalo pa't napapansin kong oonti lamamg ang nasa plato nila!

gusto ko sanag ibulong sa prinsipe na magbaon kami ng brown na matamis upang makakain ang iba pang tauhan sa mansyon munit natatakot akong putulin ang usapan nila lalo pa't sa tingin ko ay seryoso na sila sa kanilang pag uusap.

imbis na makinig sa pinag uusapan nila ay mas pinili ko na lamang ituon ang sarili ko sa mga pagkaing nakahain一 ito ang kauna-unahang beses na makakain ako ng ganito masarap na putahe kung kaya't sino ba naman ang titigil sa pagkain?

kukuha na sana ako ng isang putahe upang tikman nung bigla kong naramdaman ang tingin ng prinsipe!

"What do you think?" hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o abg kausap niya kung kaya't hindi ako sumagot bagkos ay ayaw kong mapahiya!

kumuha ako ng dalawang karne at inilagay iyon sa aking plato na may mga bakas na ng iba't ibang putaheng kinain ko rin! wala kasi ritong kanin kung kaya't hindi ako mabusog busog.

"I'm asking you, Miss Rodriguez." agad akong natigilan nung marinig ko ang apelyedo ko.

Lumingon ako sa kanilang dalawa at non ko lang napansin na parehas pala silang nakatingin sa'kin kung kaya't napaayos ako ng upo!

"H-Huh?" taka kong tanong!

nakita ko kung paano tumaas ang labi at kilay ng kausao ng prinsipe! at ang pagsalubong ng kilay ng prinsipe!

"Huh?" panggagaya nito. "Hindi kaba nakikinig?" kunot noo nitong sabi!

Sumulyap ako sa kausap ng prinsipe na ngumiti naman sa'kin 'tsaka kinakabahan na tinungo ang ulo at umiling!

"This sir right here said that he planned to create a factory which will make new hightech that he's sure that everyone needs. What's your thoughts about it?" seryoso nitong tanong.

"A-Ah.. Maganda yan, aprub" pilit akong ngumiti at nagthumbs up pa sa lalaking kausap ng prinsipe! Lumaki ang ngiti nito kung kaya't ay ngumiti rin ako munit agad nawala ang ngiting iyon nung napatingin ako sa prinsipe!

"You're free to say what's your thoughts." maawtoridad na naman nitong sabi!

napalunok ako 'tsaka lumingon sa lalaki na tumango lang at nakangiti pa rin!

"Look at me and tell me your thoughts, Miss Rodriguez." yan na naman ang awtoridad sa boses nito!

tumingin ako sakaniya at tumingin sa saktong mga mata niya.

"Naiisip kong m-mali kung papatayuan mo ang isang lungsod na puno ng mga taong n-naghihirap ng i-isang f-factory na magagamit lamang ng mga t-tulad niyong mayaman." tumigil ako sandali. "Hindi magandang ideya ang magtayo ng f-factory kung maari namang isang bahay tuluyan na lamang ng mga w-walang magulang na mga bata o ang mga p-palaboy." napalunok ako pagkatapos kong sabihin iyon!

nakatungo na ang ulo ko bagkos ay hindi ako makatingin sa lalaki! alam kong isang malaking mali ang sabihin iyon at maaring kung anong sabihin ng lalaking nasa harapan namin bagaman ay wala akong magagawa dahil inutos ng hari na sabihin ko ang nasa isip ko at alam kong walang masama roon.

"You heard her, right?" at doon dumagdag ang kaba ko!

"Y-Yes, ofcourse. Ofcourse" ramdam ko ang tingin nito sa'kin dahilan para mas mapayuko ako!

"Then, i think you already know my answer?" doon ko iniangat ang aking tingin at gulat pang nakatingin sa prinsipe!

"But that's not right Prince Finn! You shouldn't let the lower level to decide! She doesn't know anything!" mas nagulat ako nung biglang sumigaw ang lalaki habang nakaturo pa sa'kin!!

"and why isn that?" nakangisi nitong tanong! "dahilan na ba ang pagiging mababa upang hindi magdesisyon sa ganitong bagay?" sarkastiko na nitong sabi!

Halos mamula mula na ang lalaking nasa harapan namin dahil sa sobrang galit! Para na itong sasabog!!

"And the other thing why i didn't agree on this agreement because of you proposal, mister sir. I don't get your point and its so nonsense!!" kung natakot ako sa lalaki ay mas natakot ako sa prinsipe!

bagkos kahit gaano kalumalay ng boses nito at makikita mo namang parang umaapoy ang mga mata nito!

"Our economy needs home, not those nonsense idea." madiin niyang sabi bago tumayo at hinila na naman ako!

lumingon pa ako sa huling pagkakataon sa lalaki munit agad ring umiwas ng tingin nung makita ang sobrang sama nitong tingin!!

'parang kanina lang ay ngiti ang nakikita ko rito, tapos ngayon ay galit na huhu.'

pagkalabas namin ng kwarto ay nagulat ako nung nasa labas na ang lahat ng guwardya!

"Let's go home." seryosong utos ng prinsipe at nauna nang naglakad!

nagkatinginan pa kami ng mga guwardya at sabay sabay na nagkibit balikat!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height