Just obey me/C6 Kabanata lima
+ Add to Library
Just obey me/C6 Kabanata lima
+ Add to Library

C6 Kabanata lima

Josefina p.o.v

Wala pang araw nung magising ako dahil sa katok na aking narinig mula sa pinto.

"Hoy! Open the door!" sa boses pa lamang ay alam ko na kung sino ang nasa likuran ng pinto-- walang iba kung hindi ang mainiting ulong prinsipe.

Hindi pa ganon kagising ang buong diwa ko munit mabilis rin akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo, my lord?" tinakpan ko pa ang aking bibig upang humikab.

"Gawan mo ako ng pancake." mabilis nyang sagot.

inaantok pa ang mga mata kong nakatingin sakaniya munit kahit gaano pa kaunti ang siwang ng aking mata ay napansin kong tila pinapawisan siya kahit pa nagyeyelo na ang buong kwarto dahil sa sobrang lamig!

"Bakit kayo pinagpapawisan, my lord? Kulang pa ba ang aircon sa kwartong ito--"

"Just do it." inis na naman nitong utos bago tumalikod.

Ang akala ko ay babalik ito sakaniyang malaking kama munit nagkamali ako--bagkos ay sa pintuan siya dumeretso at binuksan iyon.

munit nung mapansing hindi pa ako kumikilos pasunod sakaniya ay lumingon siya sa akin na may matalas na tingin!

"Move." utos na naman nito 'tsaka nagpauna nang lumabas dahilan para mabilis akong kumilos para maglakad papalabas ng kwartong iyon.

Naglalakad ako saktong distansya mula sa prinsipe nung bigla itong tumigil dahilan para tumigil rin ako.

"Bakit ba ganyan ka kalayo sa'kin?" magkasalubong ang kilay nitong sabi.

"H-Huh?" taka kong tanong.

"Tayong dalawa lang nandito kaya hindi mo na dapat sundin ang rules dahil wala namang nakakakita at isa pa wala sa'kin kung magiging pasaway ka." mahaba niyang sabi.

Taka akong tumingin sakaniya bago yumuko. "Hindi ko maaring gawin ang inyong gusto, my lord. Kahit pa walang ibang tao ay nararapat ko pa ring sundin ang nakasulat bagkos ay ginawa iyon para sundin ng lahat hindi lamang sa pagpapakitang tao lang--"

"Bakit ba yang papel ang lagi mong sinusunod at hindi ako?" tila naiinis niya na talagang sabi!

binigyan ko sya ng ano-bang-sinasabi-mo-dyan na tingin

Huminga sya ng malalim bago tuluyang humarap sa akin. "I am the prince of this castle and one more thing is I'm your boss.. You should've obey me or you'll lose your work. And that thing is just a sheet of paper who can't do anything about you." seryoso niyang sabi. "So who you should follow? Me that can make you lose your work or that sheet of paper that can't do anything?"

umiwas ako ng tingin at maya maya ay iniangat ang tingin. "Alin man sainyo ay aking susundin, my lord." iyon ang naging sagot ko.

"Pwede mo namang sundin ang nakasulat sa papel kung talagang kinakaylangan munit tuwing tayong dalawa lang ay dapat ay kumilos ka kung paano ka kumilos sa mga kaibigan mo." mas lalo akong nagtaka sa huli niyang sinabi.

'kumilos base sa pagkilos ko sa kaibigan ko?' tinignan ko sya sakaniyang mga mata munit mabilis nyang iniiwas iyon.

"Huwag kang mag isip ng kung ano." pagkatapos niyang sabihin yon ay nauna na siyang maglakad.

Sa tingin ko ay mas malaki na sa ilong ko ang nguso ko dahil sa pagtataka sa mga ikinikilos at sinasabi ng prinsipeng iyon.

Ang sabi nila ay nagbabago daw ang ugali ng isang tao kapag malapit na silang pumanaw一 huwag, maaga pa para roon.

hindi ko pa talaga masyadong kilala ang prinsipe. minsan ay may pagka misteryoso, minsan ay mainit ang ulo at madalas ay loko-loko.

sa ilang araw ko rito sa mansyon ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti man lang bagkos ay puro ngiwi o simangot lamang ang ginagawa nito一 madalas pa ay isang ngisi na tila may ginawang kalokohan.

"Tsk, bakit ba ang tagal mong maglakad? Nagugutom na 'ko!" hindi ko na naman napansin na bumalik pala sa aking harapan ang prinsipe at ngayon ay hila hila na ako papuntang kusina!

Hindi na ako umimik pa at nagpahila na lamang dahil nasa parte na kami ng daanan kung saan ang mga kwarto ng kagaya kong alalay.

"Bilisan mong kumilos." yan na naman ang salubong nyang kilay habang nakatingin sa'kin na tila ang dami ko nang nagawang kasalanan.

Pero dahil nga isa akong mabuting alalay ay mabilis akong kumilos upang magluto ng pancake一 mabuti na lamang ay naranasan ko ng magtinda ng pancake sa aming lugar kung kaya't hindi na gaano bago sa'kin ang pagluluto non at dahilan para mapabilis ang kilos ko.

Nagluto ako ng tatlong piraso at inilagay iyon sa isang babasaging plato一pagkatapos non ay naghanap ako ng butter at agad nilagyan ang itaas ng pancake. Hinanap ko rin kung nasaan ang sugar at mabuti na lamang ay nahanap ko bago pa man magbuga ng apoy ang prinsipe.

malaki ang ngiting may pag iingat na inilapag ko ang plato ng pancake sa harapan ng prinsipe一 isinayasat nya ito at kita ko kung paano unti unting nagsalubong ang kilay nya!

"Where's the syrup?" kunot noo niyang ani tsaka iniangat ang matalim na tingin sa'kin!!

"Syrup? Hindi naman kaylangan iyon kung meron namang butter at asukal sa一" nagitla ako nung bigla niyang malakas na hampasin ang lamesa!!

"It does matter to me!!" pagalit niyang sabi! "You should've ask me before doing some d*mb action miss rodriguez!!" napayuko ako dahil sa sobrang hiya.

Alam kong kaming dalawa lamang ang nasa kusina munit malaki ang tiyansang marinig ang sigaw ng prinsipe hanggang dulo ng hallway dahil sa lakas non.

"Tsk, hindi dapat ikaw ang ginising ko. I should've wake our professional chef." pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumalikod at naglakad palabas ng kusina..

Habang ako ay naiwang tulala sa pancake na ginawa ko..

hindi ko na namalayang nagsisipag unahang magsitulo ang aking mga luha dahil sa sobrang tulala at nung napansin iyon ay agad ko iyong pinunasan.

"Napaka liit na bagay josefina. Sus, parang yon lang iiyak kana? Para namang hindi kana nasigawan sa lugar ninyo." natatawa pang ani ko sa aking sarili habang sinimulang kainin ang pancake na aking gawa.

habang nginunguya ay hindi ko maiwasang mapaiyak一 ito ang kauna-unahang sinigawan ako ng isang lalaki dahil sa gawa kong pancake. Hindi ako sensitibo pero iisang bagay lang kasi ang pinaka ayaw ng puso ko at tuwing nangyayari iyon ay hindi ko naiiwasang mapaiyak一 iyon ang sigawan ng isang lalaki.

Oo nga't ilang beses na akong sinigawan ng prinsipe pero ito lang ang unang beses na sa tingin ko ay wala akong ginawang mali一 sinunod ko lang ang gusto nya kung kaya't anong mali doon?

"Dapat masanay kana." napalingon ako sa isang tinig na narinig ko mula sa pinto at naroon ay nakita ko ang isang lalaking mayroong suot suot na puting bistidabg pang chef!

mabilis kong pinunasan ang aking mukha tsaka umayos ng tayo.

"Paumanhin, ayaw ko kasing masayang ang ginawa ko一"

"Huwag kang mag-alala hindi kita susungitan dahil lamang diyan." nakangiti niyang ani tsaka naglakad patungo sa'kin. "Nagising ako dahil sa sigaw na narinig ko mula sa kusina kung kaya't dali dali akong pumunta rito" nakangiti niyang ani.

Tumango ako 'tsaka muling tinignan ang pancake na gawa ko.

"Ganyan talaga sya." napatingin na naman ako sa lalaking iyon. "Sa ilang taon kong pinagsilbihan ang pamilyang vixon ay kilalang kilala ko na ang ugali nila at tuwing titignan ko ang mga alalay ay nahuhulaan ko na kung anong nangyari sa pagitan nila at ng kanilang amo munit iisang tao lamang ang hinding hindi ko yata mahuhulaan ang kilos." napatitig ako sakanya "Sa pamilyang vixon si prince matthew lang talaga ang hindi mo mahuhulaan ang kilos. Madalas kasi ay kakaiba at hindi mo mababasa, munit minsan ay magugulat kang kaya niya palang gawin iyon." nakangiti pang sabi nya.

Napangiti naman ako at tumango. "Madalas nga ay nakakagulat ang mga sinasabi at ginagawa niya.." mahina kong sambit.

"Pero sakanilang lahat ay si prince matthew lang ang may awa.." napatitig na naman ako sa lalaki. "Noong bata pa lamang ang prinsipe ay siya yata ang pinaka malambing at pinaka magalang na prinsipeng nakilala ko.. Sapagkat kahit mababa sakaniya ay binabati niya pa rin na tila ba para sakaniya ay walang nakakataas at nakakababa.. Gusto ng lahat ang prinsipe noon dahil sa angking gwapo nito kahit bata pa lamang. Tinuringan nga itong 'Cuteness overload' ng ibang bansa." may pagmamalaki sa boses nito at may sayang nagningning sa mga mata nito munit ilang sandali lamang ay bigla itong nalungkot.

"B-Bakit po?" hindi ko na maiwasan ang magtanong.

Ngumiti siya sa akin munit halatang pilit iyon. Tumingin siya sa lapag na tila ba ay nagdadalawang isip kung sasabihin ba o hindi pero maya maya ay malakas itong bumuntong hininga.

"Nagbago iyon lahat simula nung.." pinutol nito ang sariling sasabihin at luminga linga sa paligid na tila ba ayaw may makarinig na iba sa mga sasabihin. "Nakidnap ang prinsipe." halos pabulong nitong sabi!

Pabulong man ay parang sigaw na sa akin iyon. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla at tila naging yelo ang aking buong katawang naiwan ang tingin sa ere!

"N-Nakidnap?" utal kong ani habang prinoproseso ang sinabi nito sa aking utak!

"Oo. Noong bata pa lamang ang prinsipe ay nakidnap siya ng kaaway ng kaniyang ama一 ang pamilyang hindi na namin nakilala bagkos ay pinilit na naming kalimutan. Halos buong bansa at buong guwardya ang naghanap sa prinsipe pero ilang araw silang umuuwing bigo.. At nung natagpuan ang prinsipe nahuhulaan mo ba kung saan siya nadatnan?" patanong nitong ani, sasagot na sana ako nung unahan niya ako. "Sa isang maliit na kubo sa isang probinsya.." literal na nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sakaniya! Bakas naman sa mga mata nito na totoo ang mga sinasabi niya munit hindi talaga makapaniwala ang aking sarili!

Kung nagawang kunin ng mga kaaway ng hari ang prinsipe一 maaring isa itong malakas na kumpo kung kaya't nakakapagtakang bakit s iisang maliit na kubo inilagay ang prinsipe? Maliban na lamang kung ginawa nila iyon para mahirapan ang mga naghahanap rito..

"Simula non ay naging masungit na ang prinsipe at hindi na masiyadong palakibo hanggang sa ngayon.." pilit pa rin ang ngiti nitong sabi. "Kung noon ay hindi ko na siya mabasa一 ngayon ay mas lalong hindi ko na mabasa ang mga ikinikilos niya. Naging matigas na kasi ang puso niya pati na rin ang ulo niya siguro na rin sa nangyari sakaniya noong bata pa lamang siya.." mahaba pa nitong sabi.

Napatango nalang ako at hindi maiwasang malungkot para sa prinsipe.

Iyon talaga ang pinaka malungkot na reyalidad sa mundo一 na ikaw ang magiging kabayaran o pain para sa pamilya o kaibigan mo.

"Isa lang ang mapapayo ko sa'yo iha.." napalingon na naman ako sa lalaki! "Minsan lamang magising sa isang bangungot ang prinsipe sa ganitong panahon munit tuwing tag-ulan ay araw araw siyang nagigising sa isang bangungot na paulit ulit niyang napapanaginipan.. at paulit ulit rin siyang nagigising ng alas tres pasado.." nakatingin lang ako sa lalaki at ipinapasok ang mga sinasabi nito sa aking utak upang matandaan ko! "Ang pancake na gusto niya ay hindi gaano sunog at kinakaylangan ay syrup lang ang ilalagay mo, maliwanag ba?" napatango nalang ako at ngumiti.

"Maraming salamat sainyo." yumuko pa ako upang magbigay ng galang.

"Nako walang anuman. Ilang slave na rin ang napagsabihan ko munit lahat sila ay wala man lang nakaalala.." nabigla ako nung hawakan niya ang aking balikat! "I'm counting on you. Sana iba ka sakanilang lahat, at sana maalala mo ang payo ko sa'yo ngayon.." pagkatapos nun ay pinanood ko siyang gumawa ng pancake at dalhin iyon sa sigurado akong kwarto ng prinsipe..

Naiwan akong nakatulala sa kawalan habang prinoproseso ang sinasabi nito.. at hindi ko namalayang pumutok na pala ang araw!

pero hindi man lang ako makagalaw dahil sa sobrang antok.. at hindi ko namalayang nakapikit na pala ako at nakasalampak ang mukha sa malinis na lamesa!

"HINDI ko alam, basta't ang bilin ng prinsipe ay 'wag siyang gigisingin.." naalimpungatan ako dahil sa narinig kong boses na batid kong nasa aking likuran.

gising na ang diwa ko munit hindi ko magawang kumilos, tila ba may gusto pang marinig.

"Ang narinig ko'y isa lamang siyang bagong salta, anong karapatan niyang matulog sa gitna ng trabaho?"

hindi ko kilala ang boses munit dahil sa mga sinasabi nila'y batid kong katulong din sila.

"Tama ka nga, ang kapal din ng babaeng 'to na matulog sa kusina habang tayo'y naghihirap dito sa pagtratrabaho. Pumunta lang yata siya dito upang magbuhay-prinsesa."

nakagat ko ang aking labi nung marinig yon, gusto ko mang sumagot at sabihing hindi totoo lahat ng sinasabi nila pero wala akong lakas para labanan sila dahil alam kong ako rin ang talo.

"Tsk, hindi kaya palalayasin sya kapag gising niya riyan?"

"Yata, binilin din ng prinsipe na kapag nagising siya'y ideretso siya sa opisina ng prinsipe.."

napalunok ako at natigilan.

Hindi na 'ko masiyadong makahinga dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko一 hindi ko na narinig ang kanilang sumunod na sinabi bagkos ay tila nabingi ako sa huling sinabi nila..

ilang oras akong nakamulat munit hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakasalampak sa lamesa, at nung magising ang aking isipan ay pansin kong tumahimik na ang paligid..

Doon ko lang napagpasyahang tumayo mula sa pagkakasalampak..

Napatulala ako sa lamesang nasa aking harapan, pilit iniisip kung anong gagawin ko kapag pinalayas ako sa mansyong ito..

Ilang minuto akong nakatulala doon hanggang sa may napansin akong pigura ng tao na naka tayo mula sa pintuan..

At sa pigura pa lamang na iyon ay kilala ko na kung sino ang nakatayo sa pintuang iyon.

Unti unti kong iniangat ang aking tingin sakaniya一 at tama nga ko, ang nakatayo sa pintuan ay walang iba kun'di ang prinsipe.

Blangko ang tingin nito na nakatingin sa'kin habang naka cross ang brasong nakasandal sa pinto.

Ilang segundo kaming nagkatitigan bago pa siya nagsalita.

"Lumapit ka dito." hindi pasigaw, pagalit o kahit malokong ika nito.

Hindi niya sinabi iyon sa tonong kilala ko, bagkos ay tila sinabi niya iyon ng walang ekspresyon.

Kinakabahan ma'y tumayo pa rin ako一 ayokong madagdagan ang kasalanan ko sa araw na ito.

"Pasensya na一"

"Tara na, Onti nalang ang oras natin para maghanda." hindi nya na ako pinatapos pa bagkos ay nagsalita sya agad siya na tila bang walang nangyari.

Naguguluhan akong tumingin sakaniya. "Munit, akala ko'y一"

"Mamaya na natin pag-usapan yan, May kailangan pa tayong puntahan at hindi na sasapat ang oras kung mag uusap tayo ng mahaba rito." blangkong mukha pa rin ang nakikita ko sakaniya, wala niisang ekspresyon o kahit kislap ng mata man lang.

Napatungo ako at dahan dahang tumango. "Masusunod, my lord."

narinig ko ang yapak nya na nagsimula nang lumayo sa'kin, ilang yapak pa ang hinintay ko bago sumunod sakaniya munit nakatungo pa rin ako一 nahihiyang tumingin sakaniya bagkos alam kong may kasalanan ako.

"Hindi mo ba bibilisan ang paglalakad mo? Mahuhuli na tayo!" rinig kong ani niya!

Nakagat ko na naman ang aking labi 'tsaka mas lalong binilasan ang paglalakad一 ay mali, parang tumatakbo na ako dahil sa bilis ng paglalakad niya tapos idagdag mo pa ang tangkad niya..

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height