+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 One

"Hindi ka ba na late sa pictorial nyo?" Agad na sinalubong ako ng halik at yakap ni Mamsi ng marating ko ang main branch ng Purple Vanity.

May mangilan ngilan na customers.

She was talking about the graduation picture pictorial. Muntik na kasi akong ma late dahil hindi ako nagising agad kanina. Mabuti na lang at chineck nya ko sa kwato bago sya umalis.

Mamsi owns Purple Vanity, it’s a salon with four branches already. Tumutulong tulong din ako sa mga branch na malapit sa amin kapag walang pasok. And now, one month na lang at gagraduate na ako sa course ko na Business Management, thanks to Mamsi.

"Hindi naman po. Buti na lang Mamsi, nadaanan mo ako." Then I laughed.

"Nako. Humihina na ang alarm mo ah?" Pang aasar nya pa.

Kaya rin nya ako pinapayagan gumimik o lumabas labas dahil alam nya na hindi ko papabayaan ang pag aaral ko.

I started wearing a bit revealing clothes when I turned to college. Bata pa lang ako, malaking bulas na ako. While my classmates in High School are struggling for puberty, I already have the curves in the right places. I always use make up to accentuate my face. I usually use red lipstick because it looks good on me. Si Mamsi ang nagturo sa akin mag make up, ang kapatid ni Mommy na nagpalaki sa akin.

Mahilig din ako gumimik. Me and my friends would frequent well known and high scale bars along the metro.

And they think I am a bitch because of these things. But they don't know my story. Mapapagod lang ako magpaliwanag, kaya ginagawa ko na lang ang payo ni Mamsi sa akin:

"Learn the art of dedma. Di naman nila tayo binubuhay para mahiya at magpa apekto tayo sa kanila."

And for four years, yan ang naging motto ko sa buhay. I do whatever I want, suportado ako ni Mamsi. Sya na kasi ang nagpalaki sa akin when my real mother died of cancer before I graduated High School.

Nang ampunin nya ako, kinausap nya ako ng masinsinan. She told me na ibibigay nya ang lahat ng gusto ko, wala daw problema sa gastos o ano pa man, basta matupad lang daw ang pangako nya kay Mama bago ito mamatay, na makakatapos ako ng pag aaral at hindi ako mapapariwara. At nangako naman ako.

And now, alam ko kung gaano ka proud si Mamsi sa akin. Ilang beses syang pumunta sa campus para samahan ako kumuha ng certificate of exelency, or para mang away ng prof or parent ng kapwa ko studyane dahil sa pang aaway o panghuhusga sa akin. Hindi ako warfreak, pero ayoko ng binubully o minamaliit ako dahil sa way ng pananamit ko o ano pa man. Ang nangyayari, maga guidance kami at sasamahan ako ni Mamsi. As much as possible ay di ko sila pinapansin, pero ibang usapan na kapag dinadamay nila ang academics ko sa panghuhusga nila.

Ever since pa man, magaan na ang loob ko kay Mamsi. Tuwing bumibisita kami ni Mama sa kanya, palagi nya ako'ng bininigyan ng regalo at pera. She's only thirty eight pero marami na syang naipundar. Wala na nga yata sya plano mag asawa.

Tuwing binibiro kasi namin sya, palaging ako at ang salon na lang daw ang pagkaka abalahan nya. Tumatawa lang ako pero concern ako sa kanya. I want her to be happy too.Sa likod ng main branch ay may office si Mamsi. Sa taas naman ay may sala, kusina at kwarto. Kanya rin kasi ang lupa nito. Sinundan ko sya sa office nya.

"Where do you want to go after your graduation? I can book you a flight to Japan, Thailand or China, just tell me the date." Agad na sabi nya sa akin nang makapasok na ako.

"Mamsi naman? Pinapaalis nyo na ako agad." Kunwari ay nagtatampo na sabi ko.

Tiningnan nya ako at tumawa sya. "Gaga. Bakasyon yan. Di naman kita pinapag tatrabaho doon." Naiiling na sabi nya.

Alam ko naman iyon. Noon nya pa sinasabi sa akin na reregaluhan nya ako ng one week vacation sa isang bansa sa Asia na gusto ko, kasi di daw ako nagloko at makaka graduate daw ako na walang binalikan na subjects. And It felt good knowing she’s pleased about the fact.

Tumawa din ako. "Gusto ko kasama ka."

"Nako. Naglalambing ka na naman." Lumapit sya sa akin tapos naupo kami sa sofa. "Alam mo naman na di ko pwede maiwan kahit ito'ng main. Hinahanap din ako ng mga suki ko." Nilaro laro nya ang buhok ko.

"Kahit ilang araw lang Mamsi." Ungot ko pa ulit. "Ngarag na ngarag ka na dito, oh."

Tumawa lang sya. "Soon."

"Nakailang soon ka na." Kunwari ay nagtatampo pa rin na sabi ko. Once pa lang kami naka alis na magkasama, at overnight sa Tagaytay lang. Two years ago pa.

"Promise, malapit na."

Hindi ko na kinulit si Mamsi. Natulog na lang ako sa taas. At dahil birthday ni Queenie, isa sa pinaka unang hairstylist at makeup artist ni Mamsi, sa labas kami kumain kasama ng mga crew.

Limang tao ang mga all around crew sa main branch ng Purple Vanity plus si Mamsi. Mas dinadayo kasi talaga ang main. Mayayaman ang mga client ni Mamsi kaya medyo malaki ang parking space sa labas dahil pulos de kotse ang karamihan na clients.

Si Queenie at Oyie lang ang mga bakla sa kanila at sila rin ang pinaka unang nagtrabaho doon. Tatlo ang mga babae at lahat sila mababait at makukulit.

Alas diyes na kami nakauwi ni Mamsi sa bahay. Nakatira kami sa isang townhouse sa New Manila. This is the seventh year na hinuhulugan iyon ni Mamsi at dalawang hulugan na lang, kanya na ang town house.

Naguilty pa ako noon dahil alam ko naman na kung hindi ako naging responsibilidad ni Mamsi, kayang kaya nya iyon mabili in two years tops. Sa UE nya pa kasi ako pinag aral, medyo mahal ang tuition pero inassure nya ako na wala ako dapat ika guilty.

The next day ay nag aya na naman ang mga kaklase ko na gumimik. Nagpaalam lang ako kay Mamsi via text dahil sa labas na lang din ako magdi dinner.

"Wala ng lugar ang mga virgin pa sa competitive world ng business dito. Uso ang sulutan ng mga clients. You have to be daring and bold. Even if you need to use your beauty and well, body."

Iyon ang naabutan ko na usapan nila Claire, Sasha, Nella at Laurie. Sa aming lima ay kami na lang ni Laurie ang virgin. All of the other got rid of their virginity while we were in college. Magkakaklase na kami since first year college.

Unfortunately, may mga back subjects sila Claire at Sasha, so hindi pa sila gagraduate. Sa October pa. And they are cool with that. Nagkita kita kami sa isang Japanese restaurant.

"Oooh. Usapang virginity. Tamang tama ang pagdating ko." Natatawa na umupo ako sa space sa tabi ni Sasha. Naka indian seat lang kami.

"Bruha ka. Gisang gisa na ako sa mga 'to kanina pa. Buti dumating ka na, wala ako kakampi." Parang bata na nagsusumbong si Laurie na ikinatawa ko na lang.

Tumawa din sila.

"I was just saying. Not that hindi namin pinahalagahan ang virginity namin, but hindi ako nagsisisi. I gave it to Matt nung kami pa. We love each other that time at tumagal kami ng isang taon. I got over him, pero honestly, pakiramdam ko, mas naging bold ako sa mga decisions ko sa buhay knowing na yung iniingatan ko ay naibigay ko na sa tao na mahal ko that time." Mahabang litanya ni Sasha sa tabi ko.

We all know the story. Wala naman pariwara sa amin. Lalo na yung tatlo. Desente naman sila, although may occasional flings and one night stand, they still make sure na protected sila at safe. I guess, it's already a part of being open to sex, ang maging sexually active.

"Right. I feel the same too. With Jace, kahit naman hindi kami nagkatuluyan, hindi ako nagsisisi na sya ang nakakuha ng virginity ko." Si Claire naman iyon. Chinese kasi si Jace, at pinakasal sa iba. Naalala ko pa nung hindi kami lahat pumasok sa klase dahil nagwawala si Claire nang mag hiwalay sila ni Jace.

Bumuntong hininga ako. "Well, should I find someone na makakapag divirginize sa akin?" Biro ko.

"No, hindi naman sa ganon." Si Nella naman. Sya ang pinaka maaga na namulat sa sex, actually. First year college kami nang sabihin nya na may nangyari na sa kanila ng long time bf nya na si Edrich. Nag break sila after a few months. "What we say is, parang nag boost ang confidence namin. I feel like hawak ko ang mundo in making bold decisions kasi sa isip ko, nalagpasan ko nga ang pain nung first time ko, ano pa ba ang hindi ko mako conquer?"

"Exactly." Tuwang tuwa na sabi ni Sasha.

"Eh ayoko pa ibigay kay Kito." Biglang sabi naman ni Laurie. Sya lang ang may bf sa aming lima sa ngayon.

Tumawa kami.

"Hey, that's just us. Hindi namin sinasabi na gawin nyo rin. Lalo na ka, Resha." Turo sa akin ni Nella. "Wag mo basta ibigay dahil lang gusto mo na madivirginize. Wala ka pa naman hilig sa lalaki."

Tapos nagtawanan sila.

It maybe true, pero hindi totoo na hindi ako mahilig sa lalaki. I have my fair share of crushes at alam nila yon. Wala pa nga lang ako nagiging boyfriend dahil pakiramdam ko, magkakaroon ako bigla ng restrictions. Saksi ako sa mga away bati nila with their bf's at dahil pa iyon sa mga gusto nila na either hindi nasusunod or hindi nagagawa.

Ang resulta? Away.

Dumiretso kami sa favorite bar namin. Halos angkinin na namin ang isang pwesto doon sa dalas namin. Parang automatic na naka reserve na sa amin. Kilala na kami ng mga crew at bartenders.

Habang lumalalim ang gabi ay pa hyper kami ng pa hyper. Tumatawa pa ako na pumunta sa bar counter para umorder pa ng mojito. Sumandal ako sa counter habang humihingal pa. Iniwan ko na muna sila sa dance floor.

"Hi. I guess you could use this?"

Mula sa gilid ko ay may nakita ako'ng kamay na nag aabot ng panyo. But it's not what got my attention. It's the tattoo that started on whoever it is that's holding the hankerchief's wrist pataas. Sinundan ko iyon ng tingin at napalunok ako ng makita ng mukha ng lalaki.

A nerd.

His jet black hair is brushed up, ang kapal pa ng suot nyang eyeglasses at alanganin ang ngiti nya sa akin. Naka light blue polo sya at naka upo sa high chair.

Tiningnan ko ulit ang panyo nya at inabot iyon.

"Thanks." Sabi ko at sinimula na punasan ang leeg ko at dinampi ang panyo sa mukha ko.

Nilingon ko sya, parang nahihiya sya na ewan. Hawak nya ang baso nya na may laman na whiskey at nakayuko lang sya.

Hindi ko ugali mang husga ng tao dahil biktima na ako noon. Pero matatawag ko ba talaga syang nerd kung tadtad sya ng tattoo, obvious na maganda ang katawan, mga piercing sa tenga at well, nandito sa bar at umiinom?

Nilingon nya ako.

"Basa na panyo mo. Sorry." Nakangiwi na sabi ko. Wala naman na ako balak isoli sa kanya iyon.

Parang nahihiya na ngumiti rin sya, parang namumula pa nga. "It's okay, keep it."

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. He looks decent. Tantya ko ay hanghang balikat nya lang ako kapag tumayo sya. At ngayon ko lang sya nakita dito. Not that kabisado ko ang mga mukha ng mga tao na madalas ditto, but it just means nab ago lang sya rito.

Kinuha ko ang order ko nang ilapag na iyon sa harap ko. Umiwas na sya ulit sa akin ng tingin. Sumimsim ako at nagpasya na kausapin muna sya. He seemed interesting.

"So.. ngayon lang kita nakita dito." Paninimula ko at hinarap sya.

He looked at me with disbelief. As if nagtataka sya na kinakausap ko sya. But then naka bawi sya.

"F-First time ko dito."

Tumango ako. "I see. Madalas kasi kami dito." Sumimsim ako ulit sa baso ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. I was so damn fascinated. He looked dorky and nerdy dahil sa hair style nya, salamin at way ng pananalita. But his tattoos, piercing and obvious lean body says otherwise.

Nilaro laro nya ang baso nya habang nakatingin doon. I bit my lower lip. First time ko gagawin 'to, ang ako ang magpakilala at magsabi ng totoong pangalan ko pero mukhang mabait naman sya. Parang kabado pa nga sya na kinakausap ko sya.

"I'm Resha. Ikaw?" I offered a handshake.

Tinitigan nya ang kamay ko, tapos tumingin sa mukha ko at sa kamay ko ulit bago nya inabot.

"Mikael."

His handshake was firm pero binawi nya agad.

"Bakit mag isa ka lang, Mikael?" I want to remember his name and in order to do that I have to keep on calling him his name for at least three times. Madali ako makalimot ng pangalan, eh. Isa pa, kahit na may salamin sya, his visible tattoos are hot.

"I just need to unwind. Wala ako masyado kaibigan na pwede makasama." This time ay medyo relaxed na sya.

"You still studying, Mikael?" Gusto ko sana tanungin bakit wala sya kaibigan na pwede makasama, pero awkward kung gagamitan ko pang name nya, so since curious din naman ko kung mas matanda sya sa akin o hindi, tinanong ko na lang kung nag aaral pa sya. I am really not good at this. Nagba bar ako para magsaya, hindi ganito.

"Graduate na ako last year, and now I am still contemplating if I'll take another course."

Napa awang ang labi ko sa accent nya. Halatang sanay mag english. Must really be from an upper class.

"Ano'ng course kinuha mo, Mikael?" I asked again. Siguro naman tanda ko na pangalan nya nito.

He pressed his lips first. "Uh I took Engineering." Then he flashed this winning smile. Okay, na apektuhan ako doon ng kaunti. Lumapit ako ng kaunti pa sa kanya. Mukhang okay sya kausap. Mysterious looking pero there’s something about him that’s pulling me in.

Tumango tango ako. Nag iisip pa ako ng sasabihin, I honestly find him interesting. I just hope he feels the same. Ngumiti ako sa kanya, pero palihim ko’ng tinitingnan ang katawan nya.

“Ikaw? You are with your friends?” Taas ang kilay na tanong nya.

Tumango ako. “Yep.” Pilit ko’ng pinapagana ang utak ko para may masabi pa ako pero na frustrate lang ako. He’ll find me boring, I am done. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito, at hindi ko alam kung bakit sa lalaking ito pa ako nagsimulang umarte.

Ngumiti sya at sumimsim sa inumin nya. Napansin ko ang paghagod nya rin sa akin ng tingin. Lumakas ang loob ko ng nakita ko na parang nagustuhan nya ang nakita nya sa akin. Nerdy looking hot guy with tattoos.

“You party a lot?” Maya maya ay tanong nya. Magkaharap na magkaharap na kami ngayon. Mas halata na ang lapad ng katawan nya na bakat sa suot nyang polo.

Nahihiya ako’ng tumango. Bigla ay ayoko isipin nya na pakawala ako’ng babae na palaging nasa bar para maghanap ng lalaki. I feel like explaining pero pinigilan ko ang sarili ko. Magiging defensive ako sa harap ng isang stranger. He maybe hot, pero he’s still a stranger.

Hindi nawala ang tingin nya sa akin. I was still clutching his handkerchief on my hand.

“Work hard, party harder type?” Halata ang amusement sa boses nya.

Nakatanga lang ako sa kanya. “I don’t work yet, pero sabi nga nila, you only live once. Kaya isagad mo na ang pagcecelebrate ng buhay.” Hindi ko alam kung saan galing iyon, but come to think of it, it makes a lot of sense.

Bahagya syang tumawa at napakagat ako ng labi. Pati pag tawa nya, sexy. “Yeah, sure. I think that too.”

"I see-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating sa tabi ko ang pawis na pawis na si Nella.

"Tara! Ang tagal mo dito. Kanina ka pa hinahanap ni Dominique!" Hinila nya ang kamay ko.

"Wait!" Nilingon ko si Mikael. "Wait lang ah? Babalik ako." Binigyan ko sya ng napaka tamis na ngiti. I will definitely come back.

Tumango lang sya at sumama na ako kay Nella. Agad ako'ng hinapit ni Dominique sa bewang nang makita nya ako. He's been my constant fling for five months na. Madalas kami lumabas at nang one time maging intimate kami, umiwas na ako sa kanya.

Ngayon ko na lang sya ulit nakita.

Umiwas ako pero mahigpit ang hawak nya sa bewang ko.

"Hey. Wag mo naman ako iwasan ngayon. Kahit for old time's sake lang." Bulong nya sa akin.

I don't know if it's just me or talagang nakakakilabot yung way ng pagkakasabi nya. Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya. Kunwari ay sumayaw na lang din ako kasabay nya.

"Let me get us some drinks. Okay? Wag ka umalis." Muli ay bulong nya, then sindya nya na idikit ang labi nya sa tenga ko. Napangiwi ako sa kilabot. Tumango na lang ako.

Sumali ako kila Sasha tapos inabutan ako ng isang margarita ni Dom pagbalik nya. Ininom ko iyon out of courtesy at nakipag sayaw pa rin sa kanya.

Maya maya ay nakaramdam ako ng discomfort. Kinabahan ako. Nanunuyo ang lalamunan ko at nag init bigla ang pakiramdam ko. I looked at Dom at mukhang enjoy na enjoy sya.

Did he put something on my drink? Damn. Iyon agad ang naisip ko.

Maya maya ay binulungan ko sya na magbabanyo lang ako. Mapungay ang mga mata ni Dom. This bastard thinks na umeepekto na ang nilagay nya. Masasakal ko ang gago na yon.

Mabilis ako na umalis pero imbes na pumunta sa banyo ay hinagilap ko ng tingin sila Nella. Bigla na lang sila nawala. Shit naman oh. Paglingon ko pa ay nakita ko sa may counter si Mikael. He's still there!

Hindi ko alam pero biglang ang saya ko knowing na nandoon pa sya. He's waiting for me!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso.

Nanlaki ang mga mata nya nang makita ako. "Resha?"

"C-Can you please.." Napalunok ako. Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang kunin ko sa kamay nya ang hawak nyang baso at ininom ang whiskey. Ininda ko na ang pait pero uhaw na uhaw talaga ako!

Napa awang ang labi nya. "Resha?"

"Get me out of here. Please." Sabi ko habang lumilinga linga. Baka makita ako ni Dom.

"Huh? P-pero.." Halata ang confusion sa mukha nya.

Pakiramdam ko butil butil na ng pawis ang inilalabas ng katawan ko. Sumasama na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nilalagnat ako as my hands started shaking.

"Please, please please!" Hindi ko na naisip kung mukha na akong tanga. "Tatanawin ko'ng malaking utang na loob 'to."

Tumingin pa sya sa akin na parang may hinahanap pa bago sya tumayo mula sa high chair. Naglapag sya ng ilang libo sa counter at walang salita kaming lumabas ng bar na iyon habang hawak nya ang kamay ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height