+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Three

My initial reaction nang magising ako at nakita ko ang mukha ni Mikael na tulog na tulog habang nakayakap sa akin ay ang sumigaw.

Pero hindi iyon ang ginawa ko.

Pilit ko'ng inalala ang mga nangyari kagabi. Medyo hilo lang ako, pero sigurado ako na hindi iyon dahil sa hangover.

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang lahat. Mula sa pagkakakilala namin ni Mikael, sa pagbigay sa akin ni Dominique ng inumin, sa paghila ko kay Mikael at sa.. pamimilit ko sa kanya?

Kakatuwa na ang pinagpuputok ng butsi ko ay ang kahihiyan sa lalaki na nakayakap ngayon sa akin, hindi ang katotohanan na hindi na ako virgin. I enjoyed my first time.. Pero shit talaga. Nakakahiya mga pinag gagawa at pinag sasabi ko kagabi!

I tried to move to test kung magigising si Mikael. I smelled sex in the room, halo sa amoy ni Mikael. Hindi sya gumalaw. Umalis ako sa pagkaka yakap nya. Napangiwi ako ng makaramdam ako ng gutom.

"Fuck."

Pinulot ko ang mga damit ko. I flushed my panty in the toilet bowl at kumuha na lang ako ng dispposable underwear na nasa cabinet ng bathroom. Nag quick shower ako dahil ayoko na sana maabutan na gising si Mikael.

Pero palabas na sana ako ng suite when I heard someone clearing his throat.

Napatigil ako sa paglalakad.

"Where do you think you are going?" That voice. The owner of that voice fucked me senseless last night.

Jesus! What the hell is wrong with me? Ang perverted ko na mag isip bigla! Gosh!

Dahan dahan ako humarap sa kanya. Bitbit ko nag high heels ko para sana wag gumawa ng ingay.

Naka suot na sya ng pants nya. He's half naked at suot nya na ang eye glasses nya. His hair's a mess pero mas bagay sa kanya. Mukha pa syang inaantok pero ang gwapo nya. His tattooes screamed sexiness.

"Er uuwi na ako." Sabi ko.

Tumaas ang kilay nya. "That's it?"

"Ano'ng that's it?" Ako naman ang nagtataka.

Dahan dahan sya naglakad palapit sa akin. "Resha.. if Resha nga real name mo, if you remember, may nangyari sa atin. I was your first." Itinuro nya pa ang sarili.

I licked my lower lip. "I know."

Tumaas ulit ang kilay nya. "You know? That's it?"

"Eh ano ba gusto mo? Di naman ako mabubuntis, diba? Sa labas mo naman.." I trailed off. "Anyway.. Pasensya ka na. Una na ako, may klase pa ako in three hours." Sabi ko. Pinatatag ko ang boses ko para naman may pride pa rin ako kahit papaano.

Akmang tatalikod na ako nang hawakan nya ang braso ko. Agad ko'ng hinila ang kamay ko nang makaramdam ako ng parang daloy ng kuryente. This isn’t right.

"We have to talk." Sabi nya pa. "Ihahatid na kita." Hinila nya ako bigla.

"Ha? Hoy wait lang! Wag mo na ako ihatid." Pigil ko. Bigla ako nag panic.

He stopped walking at humarap sa akin.

"Tsaka.. baka gusto mo na magdamit muna?" Nguso ko sa katawan nya.

Yumuko sya tapos biglang hinablot mula sa kamay ko ang dala ko'ng sapatos. "Wait for me then, or umalis ka kung kaya mo umuwi ng naka paa."

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Aba? Bakit ang angas mo na ngayon? Kagabi shy type ka pa ah?" Nagtataka na tanong ko. Ibang iba sya sa Mikael na nakilala ko kagabi.

Tumigil sya maglakad bago magsalita. "It's a social experiement, honey. I combined the two things that people in bars and clubs will most likely be snobbed, tattooed and nerd."

Napa awang lang ang labi ko. “Para saan naman?”

Nagkamot sya ng noo bago inilagay ang mga kamay sa bewang nya. “I wanted to be alone so I put on the glasses and showed my tattoo. But you came near me, sweating kaya inalok ko ang panyo ko.”

Napa ismid ako. He wanted to be alone kaya nag disguise sya? “Kalokohan. Edi sana uminom ka na lang dito mag isa.”

“Because I needed to go out.” he paused, bago na realize na napatigil pala sya kaya tumingin sya ulit sa akin. “Just.. just stay there.” Parang inis na sabi nya na lang.

Hindi ko na namalayan na pumasok na sya ulit sa kwarto. Lumabas sya na naka bihis na. Pinaupo nya ako ay sya ang nagsuot ng high heels ko. Damn. Kinikilig ako sa lalaking to!

"Come." Hinapit nya ako sa bewang at lumabas na kami ng kwarto.

Nawala na sa isip ko na hindi dapat ako nakikipag close sa lalaki na 'to. Inaya nya ako kumain sa SM MAKATI at hindi na ako nakatutol.

"Pwede pakibilisan? Baka hindi ako makapasok eh." Sabi ko. Sige lang ang subo ko habang sya parang ninanamnam pa ang pagkain.

"Saan ka ba pumapasok?"

"La Salle." Pagsisinungaling ko.

"Really? Sa Taft?" Parang naging interisado pa sya.

Shit. Mali. Dapat FEU na lang sinabi ko.

"Sa Fern." Sabi ko na lang.

Nangunot ang noo nya. "Fern? Ang layo naman? You said sa New Manila ka nakatira?"

"Hindi ah. Andon lang bahay ng kaibigan ko." I don’t want to be involve with him. I mean, that’s what’s right sa sitwasyon namin ngayon.

Tinitigan nya lang ako. I am not a good liar, but I am doing my best here. Nguya lang ako ng nguya at kunwari fascinated ako sa pagkain.

Ibinaba nya ang kutsara at tinidor nya at sumandal sa upuan. "So, saan kita ihahatid exactly?"

Tiningnan ko sya. Halatang nag dududa na sya. Ayoko malaman nya saan ako nakatira o nag aaral. What happened between us isn’t supposed to happen in the first place so mabilis ako’ng nag isip.

"Sa Pasig." Walang gatol na sabi ko. "May condo ako doon." The truth is, condo ni Claire yon. Kunwari papasok ako pero lalabas lang din ako kapag umalis na ang sasakyan nya.

In thirty minutes ay nasa sasakyan nya na kami. Tinuro ko sa kanya ang building ng condo ni Claire. Sa school na lang ako magpapaliwanag sa kanila. Ang dami na nilang missed calls sa akin at text, pati na yung Dominique na yon. Sa school ko na lang din sya sasampalin.

Nagpa thank you lang ako kay Mikael at bumaba na. Parang may gusto pa sya sabihin pero mabilis ako na bumaba sa sasakyan nya. Nagbanyo lang ako tapos lumabas na at nag hanap ng taxi. Tinawagan ko si Mamsi. Sinabi ko na nag hotel ako kagabi at pauwi na ako.

Kinuha ko lang ang gamit ko at nagbihis since naligo naman na ako at baka ma late pa ako. Nakalimutan ko magpatawag ng taxi kaya lalakarin ko na lang palabas at may mga makakasalubong na ako na taxi.

I still feel a bit disoriented by the fact na nawala na lang ng ganoon ang pinaka iingatan ko, pero ano pa ba ang dapat ko’ng isipin? Come to think of it, na enjoy ko naman sya. Iyon na lang ang iisipin ko. Medyo masakit pa ang katawan ko but I can manage.

Kakalabas ko pa lang ng gate nang muntik na ako mapasigaw. Mikael was standing in front of me habang naka sandal sa Mercedes Benz nya. He's still wearing the same clothes.

Nanglamig ako at nanlaki ang mga mata ko.

"M-Mikael.."

"You lied to me." His tone is flat pero punong puno iyon ng pang aakusa. His arms are curled in his chest. Wala na ang eye glasses nya, naka chin up na rin sya and he looked so damn edible right now.

Kalma, Resha. Galit nga sayo eh.

"Ah eh.." Hindi ko alam ang sasabihin. Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko. Seeing him like this, alam ko na lalong tatatak na ang mukha nya sa akin. Lahat ng features ng gwapo nyang mukha.

Tumayo sya ng maayos at binuksan ang pintuan ng kotse nya. "Get in."

Napa atras ako. "Magtataxi ako, Mikael. Umuwi ka na." Kalmado na sabi ko.

His charcoal black eyes narrowed on me. "Get in, Resha. Now." Matigas na sabi nya.

Ayoko, pero fuck. Napasakay ako ng wala sa oras. What the hell happened? Parang sinunod ko na lang sya bigla.

Namalayan ko na lang na umaandar na ang sasakyan nya. Tinatahak na namin ang kahabaan ng E. Rodriguez.

"S-Sa UE." Nahihiyang sabi ko.

"I know." Walang emosyon na sabi nya. Nakatingin lang sya sa daan. Probably dahil sa i.d lace na suot suot ko. God. I am so stupid.

I cleared my throat. "Mikael.. Wala ka naman obligasyon sa akin. Pasensya ka na kagabi. I hope ito na ang last na magkikita tayo." Sabi ko. Gusto’ng tumutol ng isip ko pero alam ko na iyon ang tama.

"Alright."

Napakurap ako sa sagot nya. Hindi sya lumingon sa akin.

Ganon na lang yon? Di sya tututol?

Eh bakit umaasa ako na hindi sya papayag?

Wag kang shonga, Resha. Ikaw nagsabi nyan.

Hindi na ako nagsalita. Sinusulyap sulyapan ko na lang ang braso nya na nasa steering wheel. Nakagat ko ang labi ko imagining his arms and hands are all over me last night. Ganito ba talaga? Madalas o kung hindi ay palagi ko syang naiisip. Para ako’ng tanga na nag iinit tuwing maaalala sya na gumagalaw sa ibabaw ko.

Pati yung gwapo nyang mukha na halatang sarap na sarap.

Palihim ako’ng napailing. What am I even thinking?

Nagpasalamat na lang ako sa kanya nang ibaba nya ako, ni hindi man lang sya tumingin, tumango lang sya tapos diretso pinasibad ang sasakyan.

Nang magkita kita kami nila Nella, Claire, Laurie at Sasha, I told them what happened, minus the part na hindi na ako virgin at may naka one night stand ako. Sinabi ko na umuwi na lang ako.

"That bastard! Kunwari pa concern na concern kagabi, yun pala, kasi pinagbabalakan ka na?" Inis na sabi ni Claire.

"Wag magpapakita sakin yang Dominique na yan, makakatikim yan." Sabi pa ni Sasha.

"Kaya nga medyo umiwas na ako. Nakisama lang ako kagabi, muntik pa ako madali." Although nadali rin ako, ibang tao nga lang at di naman ako nagsisisi.

Naalala ko na naman tuloy si Mikael.

Ang gaga ko kasi. Bakit ba aayaw ayaw pa ako na magkita kami ulit? Eh ano naman kung may nangyari? Ganoon din naman siguro mangyayari kung di nya ako inalis doon, kay Dominique nga lang bagsak ko kung sakali.

Napangiwi ako.

The next day, wala kami pasok. Lalo ko lang tuloy naalala si Mikael. What the hell is wrong with me? Bigla tuloy akong nagka idea.

Tinawag syang Mr. Bustamante sa Fairmont. Graduate ng Engineering, kung totoo nga sinabi sya. May social experiment pa syang nalalaman.

Nag log in ako sa facebook tapos naghanap ng Mikael Bustamante. Bingo. May dalawa, pero yung nasa pinaka taas ang nag aral sa St. Benilde. I opened it.

Para tuloy ako'ng stalker.

Side view ng mukha nya in black and white ang profile picture nya. Naka private ang setting ng facebook nya kaya mga profile pictures nya lang kita ko. Minsan pala talaga may eyeglass sya. Pero parang totoong totoo pag arte nya nung gabi na nahihiya sya.

Ako naman tuloy nahiya.

Ang aggressive ko lang, tapos virgin pala.Eh kasalanan naman ‘to ng Dominique na yon!

Wala naman ako mahita sa facebook nya kaya nag log out na lang ako. Wala ako'ng balak na i add sya. Ako na nga nag inarte, biglang ako pa mauuna. I still have my pride.

Binilin ni Mamsi na wag na muna ako umalis ng umalis dahil takaw aksidente daw kapag graduating. Wala pa naman na ako balak gumala. Balak ko buruhin ang sarili ko sa panghihinayang dahil nag inarte ako.

Eh ano naman gagawin ko don? Malay ko ba kung may girlfriend o asawa na yon? Basta natikman ko na, period!

Napasabunot pa ako sa sarili ko. Ano baa ng nangyayari sa akin?

Bahala na. I have to forget that guy. Wala ako mahihita sa kanya!

Graduation day. Nagpa cater si Mamsi sa terrace ng main branch ng Purple Vanity. Nang invite kami ng mga kapit bahay since residential area din yong pwesto ng salon. Pinasara pa ni Mamsi ng maaga ang lahat ng branch para doon na sila maghapunan.

"Girl, congrats. Pwede ka na mag asawa." Bungad ni Queenie sa akin.

"Hoy, anong pwede na mag asawa? Baby pa yan si Resha! Hindi pa sya pwede mag asawa." Natawa na lang kami sa sagot ni Mamsi kay Queenie.

Tsala wala ako plano mag asawa pa. Ni boyfriend nga, wala.

Naka one night stand, meron.

Ugh! Kainis. Palagi na lang sumusulpot sa isip ko si Mikael. Nasaan na kaya yon? Wala talaga lumalabas sa facebook nya maski status o ano, although nagpalit naman na sya ng profile picture.

A week after graduation, nagkaayaan na lang kami sa Puerto Galera. Doon na lang kako ako kaysa out of the country nga, mag isa lang naman ako. Tsaka first time ko sa Puerto Galera.

Nag decide kami na mag bus at mag bangka na de motor. Parang wala kasi thrill kapag eroplano. In an hour or so, nandoon na agad. Hindi nakasama si Laurie dahil pumunta sila ng probinsya ng family nya.

Alas tres ng hapon kami dumating. Madaming tao dahil bakasyon, pero nagpa book na kami ng isang room para sa aming apat. It's one of the most expensive pero kumpleto naman na daw kaya okay na sa amin. Nagpa reserve kami for three days and two nights.

Sa mismong White Beach Resort na kami binaba ng malaking motor boat na sinakyan namin for almost three hours. Walking distance na ang kinuha naming kwarto sa beach at sa mga bars at resto.

Kung yung iba, huhusgahan kami sa way ng pananamit namin, Puerto Galera screams YOU BELONG HERE dahil sexy din manamit ang mga tao dito. Madaming foreigners. Walang manghuhusga kung bakit halos wala ka na damit.

Dalawang double bed ang nandoon, may lutuan na I doubt kung magamit din namin. Wala marunong magluto sa amin. Laga siguro ng noodles or itlog.

Nagpahinga lang kami ng ilang minuto tapos nagpalit na kami into swimsuit. Orange bikini ang akin na pinatungan ko ng fishnet dress. Ako na ang unang lumabas. Hinintay ko sila sa labas ng kwarto.

Nagmamasid ako sa lugar, maingay dahil may mga labas pasok na mga bakasyonista. Malapit lang kami sa canteen at di ganoon kalayo ang beach. Super convenient sa amin yung place ng room naming apat.

Inikoy ko ulit ang paningin ko hanggang sa mapako ako sa pintuan ng katabi na unit namin. Nahigit ko ang paghinga ko ng makita kung sino yung lumabas.

"What the!" Mahinang usal ko.

Si Mikael. Darn, si Mikael Bustamante.

Naka sando lang sya at surf shorts. Nagmumura ang tattoo nya at ang kaputian nya. Para akong namatanda, napatingin din sya sa akin. At halata din ang pagka gulat nya. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at aminado ako na namula ako sa pagtingin nya.

Gusto ko sya lapitan at yakapin, buti na lang at bumukas na din ang pinto sa kwarto namin at sabay sabay na lumaba sila Nella, Sasha at Claire na mga naka bikinis na din at kanya kanyang malong. Inabot ni Claire saken ang itim na malong ko.

"Tara na." Aya nila.

Iniwas ko na lang ang tingin kay Mikael. Malakas loob ko na huwag syang pansinin. Sigurado naman na mamaya makakapag usap kami. Hindi ko alam kung nakatingin pa rin sya, pero inartehan ko ang paglalakad ko.

Although di ko alam kung ano ba talaga gagawin ko knowing na nandito din sya.

Naghanap kami ng makakainan along the beach bago kami naligo. I made sure na sa malapit lang kami mag stay para makita ko kung sakali na lumabas sya at maligo rin. It's either di talaga sya lumabas o di ko nakita.

Alas siete kami umahon. Naging bar na ang mga resto sa paligid at gusto namin i try ang night life doon kaya naglakad na kami pabalik sa unit namin. Kumabog ang dibdib ko ng makita ko sya sa tapat ng kwarto nya. Nakaupo lang sya sa pasimano ng harang ng kwarto namin, and he's smoking!

Kunwari ay hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako pumasok. Isa isa kami naligo, nang makapag bihis na kami ay naghanap ulit kami ng ibang makakainan. Jampacked lahat kaya nag take out na lang kami at bumalik sa unit para kumain. Wala na sya doon pero bukas ang ilaw sa kwarto nya.

Bakit ba lagi ko napapansin lahat sa kanya? Nakakainis.

Nag stay na muna kami sandali sa kwarto. Malakas naman ang wifi kaya nag online ako. Napanganga pa ako when I saw a friend request.

Mikael Bustamante.

Hindi ako makatili dahil wala naman alam mga kasama ko. Shit! Sabi ko na nga ba! Affected sya! Para akong tanga na pigil na pigil ang tawa. Pumunta pa ako sa banyo para magtatatalon. Pagbalik ko ay may message na nag pop up.

Come to my room.

Tumaas ang kilay ko. At bakit naman nya ako papa puntahin sa kwarto nya? Seenzone ka.

Maya maya ay may nag pop up na naman.

Or I'll go there instead and fuck you in front of your friends.

Napasinghap ako sa sinabi nya. What the hell? Napasara ako ng laptop ng wala sa oras. Tumayo ako at nagpaalam na may titingnan lang sa labas. Nagtaka naman sila pero sabi ko na itext na lang ako if ever umalis na sila.

Luminga linga ako bago ko pinihit ang seradura ng pinto sa kabila. Pumasok ako at sinara agad ang pinto. Ramdam ko na yinakap ako agad ni Mikael nang makapasok na ako as if hinihintay nya talaga ako. Same smell, same effect on me.

Tinulak ko sya at hinarap sya.

"Anong kagaguhan naman yong minessage mo?" Salubong ang kilay na tanong ko. Pigil na pigil ko ang sarili ko na ipakita ang excitement sa boses at reaction ko.

He's half naked. He chuckled. "Effective naman diba? Kailan pa kayo dito?" Parang wala lang na tanong nya tapos yinakap na naman ako. He started giving me wet kisses on my neck.

At di ko alam kung bakit pumapayag ako! I just stood there, letting him kiss me on my neck.

"Kanina lang." Walang gana na sagot ko.

Di sya sumagot. He just kept on giving me small kisses on me neck.

"Mikael."

"Hmmm." His voice vibrated on my neck at nakiliti ako.

"I have to go back. May sasabihin ka ba?" Kunwari ay walang interes na sabi ko, pero hindi ko sya pinipigilan. Shit, I miss him and his touch.

"I miss you."

Tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi nya. Parang natunaw ang puso ko. Ganoon na ganoon ang pakiramdam. I never knew feelings like this existed. Nakokornihan pa ako sa kwento nila pero si Mikael.. I miss you pa lang sinasabi nya.

"Resha."

"I- I miss you t-too." Sabi ko tapos luminok ako.

Humarap sya sa akin and cupped my face.

"You mean it?" Parang di naniniwala na tanong nya.

Nahihiya na tumango ako. Kinikilig ako! I feel like a fool. Mabuti at nag aya sa Puerto Galera si Sasha! Buti si Nella ang nagpa book ng kwarto namin! Nagtitigan kami saglit. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, nahiya ako bigla.

Bigla nya ako'ng hinalikan at gumanti ako.

Humihingal kaming naghiwalay.

"Lalabas ba kayo?" Tanong nya.

Tumango ako. Di ko inaalis ang tingin ko sa gwapo nyang mukha.

"Tell me kung nasaan kayo. Put your number here." Ibinigay nya sa akin ang iphone nya at nag type naman ako. May kung ano’ng kilabot ang gumapang sa akin knowing na may communication na kami ulit. Ilang beses ko syang naaalala, akala ko hindi na talaga kami magkikita.

Images of him on top of me emerge at napailing na lang ako. Ibinalik ko na sa kanya ang cellphone nya at baka dambahin ko pa sya sa sobrang pagka sabik ko sa kanya.

Nang makuha nya na ay nag dial pa sya at nag ring ang phone ko.

"Sigurista?" Natatawa na tanong ko.

"You lied to me before." Nakangisi na sabi nya. Hinila nya ang braso ko at napa kandong ako sa kanta paharap. Isinubsob nya ang mukha nya sa pagitan ng mga dibdib ko at hinayaan ko lang sya.

"About that.." Gusto ko sana mag explain kahit tingin ko ay huli na ang lahat.

"Shhh. It's okay, you're confused. I understand." Anas nya while his face’s still on my breasts.

"Hindi ako confused. It's just that.. Wala naman kasi ako alam na gagawin after a one night stand. It just happens, diba? Tapos wala na pansinan?" Tanong ko pa.

"You almost raped me, buti pumayag ako." Biro nya.

Sumimangot ako at pinalo sya. "Hindi kaya! I was drugged." Umalis ako mula sa pagkaka kandong ko sa kanya.

Tumawa sya. "I know." Akmang hihilahin nya ako ulit pero lumayo na ako.

"You knew?"

"Yep. Napansin ko agad nang di ka na mapakali sa kotse. Naghinala na ako." Nakangisi na sabi nya.

"Huh? Alam mo talaga?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko.

"Sige na, go back to your room. I'll call you." Bigla ay sabi nya na lang.

Magsasalita na sana ako nang halikan nya ako ulit tapos tinulak nya na ako palabas.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height