+ Add to Library
+ Add to Library

C7 Seven

"Nako, balita ko nag click kayo ni Neil ah? Kapag nangligaw sayo, sagutin mo na agad. Wala ka na hahanapin doon." The moment na pumasok ako sa pinto ng shop ay iyon agad ang bungad ni Beth sa akin.

I smiled. "Yep!" Matipid na sabi ko.

"Nako. Ngiting ngiti ka. Ano ginawa nyo kagabi? Pigil na pigil ako ng asawa ko na tawagan si Neil habang magkasama kayo." Tapos himagikhik sya.

Tumawa na lang din ako. "We'll take it slow." Sabi ko na lang.

Matapos mag confess ni Neil sa akin kagabi na bakla sya, saglit lang ako napatigil. When I looked at him, I saw someone na parang takot na takot ma reject. Aaminin ko na kahit papaano ay umasa ako na pwedeng maging kami ni Neil since unang 'date' namin ay wala ako naging problema.

But I told him that it's okay. Then I smiled at him.

Kita ko yung relief sa kanya nang sabihin ko iyon. Pakiramdam ko, na relief din ako. Ang ending, inaya ko sya sa bahay. Pinakilala ko sya kay Mamsi na nakipag chikahan sa amin.

Nung sinabi nya kay Mamsi na gay sya noong nagpapahaging na si Mamsi kung manliligaw ko sya, ayaw maniwala ni Mamsi. Neil told us na bakla sya, pero discreet sya. Hindi daw alam ng family nya.

Kaya naman pala si Beth, todo match sa amin.

Hindi pa daw sya ready mag out. Kapag kasama nya friends nya, malaya sya, pero hindi rin naman daw kasi sya talaga bakla kumilos. Inaasar nga daw sya na TUOD ng mga kakilala nyang bakla. May mga crush daw sya pero never pa sya nagka boyfriend. Busy daw sya masyado.

In the end, ako na nag volunteer na para rin makaiwas sya sa tanong, na sabihin nya kay Beth at Jonas na gusto namin ang isa't isa and we clicked.

I promise na ipakilala sya kila Nella one time.

Sinasakyan ko na lang si Beth sa pangbi build up nya pa rin kay Neil buong araw. Hindi naman mahirap umarte na interisado ako kay Neil dahil interisado talaga ako. At least I gained a friend.

"Five days na lang tayo magkakasama. Sa facebook na lang tayo mag uusap. At well, kung sasama ka sa bahay kasama ni Neil, welcome na welcome ka." Kumindat pa sya.

The next days ay nakakausap ko naman via text si Neil. He added me on facebook, nakita nya raw ako kay Beth. Nagpapalitan rin kami ng comments sa mga status namin. Pinapatulan ko mga 'panlalandi' nya sa facebook.

Buti na lang talaga, inamin nya na agad na gay sya. Baka umasa ako sa kanya kung sakali. Enjoy rin naman makipag flirt kay Neil sa fb, everyone's asking me kung sino si Neil sa message na sinasagot ko lang ng smiley.

Me: Sira ka talaga. Ang dami na nag p pm sa akin kung sino ka. Hahahaha.

Neil Andrew Gomez: Tell them manliligaw? Lol

Me: Ewan ko sayo. Hahaha.

Neil Andrew Gomez: Parang mas excited pa sila na may kausap kang lalaki. :)

Me: Ganon talaga. Hahaha.

Neil Andrew Gomez: Kung straight lang alo, binakuran na kita. I really like you. Straightforward kang tao. :)

Me: Kung straight ka, malamang hindi tayo magkaka kilala dahil may jowa ka na, matagal na. Hahaha.

Neil Andrew Gomez: Haha. Oo nga no? Okay din pala na gay ako. :)

Kung anu ano pa pinag usapan namin hanggang sa pareho na kami nag good night sa isa't isa. Inaya ko rin sya sa Saturday ng gabi na sumama sa amin dahil nag aya si Nella. At hindi naman sya tumanggi.

Magla log out na sana ako when a notification popped up. Someone added me.

Darius Feinberg.

Si Neil ang mutual friend namin and thinking na kaibigan yon ni Neil, I accepted without looking at his profile. Tutal naman, pinag a add na din nman daw ng mga fb friends ko si Neil sabi nya.

Last day na ni Beth at nagpa kain sya sa buong staff sa shop. Nagpa deliver sya ng mga pagkain galing sa Ambers at ag enjoy naman kami lahat. Medyo naging madrama si Beth sa mga matagal nya na nakasama.

Hindi rin natigil sa pag pursue sa akin si Beth na sagutin si Neil kung mangligaw sa akin.

"Alam mo kasi.. He deserve someone na hindi sya papatulan dahil lang sa pera nya. Kita mo naman, ang bait bait nya. Gwapo pa. Sayang naman kasi kung magkaka first girlfriend sya na gagamitin lang sya." Sabi ni Beth.

Tumango tango lang ako.

"Sa tagal namin ni Jonas, halos may uhog pa lang yan si Neil, alam ko na mabait na. Medyo nerd, pero pinagkakitaan nya naman buong araw na pagtutok sa computer nila."

Pasara na ang shop kaya nag aayos na kami.

"Basta usap sa facebook ha? I entertain nyo pa ako sa paglalandian nyo." Kinikilig pa na bilin ni Beth bago sya tuluyan na sumakay sa sasakyan ng asawa nya.

Tumawa ako. "Ingat kayo."

Nang makauwi na ako, nag status agad ako sa facebook. May High School friend ako na Mika ang pangalan na nag comment. Si Mikael agad naalala ko. Well. Dahil naeentertain ako kay Neil, aminado ako na tingin ko, mawawala lang sya sa sistema ko in no time.

Sayang nga lang at hindi magiging kami ni Neil.

Dahil naka unfriend lang naman sya, i tried looking at his facebook account. Nangasim lang ang mukha ko dahil nagbago na naman sya ng profile picture, tapos kasama pa si Irina with her Royal Rebel shirt.

Nag status na lang ako na magkikita kita na naman kami nila Nella kinabukasan tapos tinag ko sila tapos nag log out na ako at pinatay ang laptop. As much as possible kasi ay iniiwasan ko mag facebook sa cellphone ko.

Kapag kailangan lang talaga.

Naglaro na lang ako ng games sa cellphone ko when my phone vibrated. Someone is calling me. Hindi naka save ang number, at hindi ko alam kung bakit bigla ako'ng kinilabutan. Tinitigan ko lang ang cellphone ko na hawak ko, still thinking kung sasagutin o hindi.

Nakahinga ako ng maluwag when it stopped.

Plano ko na itetext ko ang number asking kung sino sya, but the moment i picked it up, nag vibrate na naman at tumatawag na naman. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan, eh baka kakilala ko na nagpalit lang naman ng number 'to.

I cleared my throat then sinagot iyon.

"Who is this?"

Agad na nagregister sa akin ang ingay sa paligid.

"Hello? Is this Miss Resha?" Mahina ang boses at palayo ata sya sa ingay dahil pahina ng pahina ang ingay.

"Uh who is this?" Nagtataka na tanong ko ulit.

"Miss Resha, I am Gil. Waiter po ako sa Hard Rock cafe. Number nyo lang po kasi ang naka save sa cellphone na ito. Do you know the owner?"

Nangunot ang noo ko, I looked at my phone at hindi talaga nala register and number. "No. Hindi naka save sa cellphone ko ang number." But bakit number ko lang daw ang naka save sa cellphone?

"May i.d ko dito. Sir Mikael Bustamante. Maam sobrang lasing na po kasi si Sir."

Napa nganga ako.

Really? Si Mikael?

"Sigurado ka ba? Mikael Bustamante? May tatto? Gwapo?" Sunod sunod na tanong ko. Tiningnan ko ang orasan, pasado alas diyes pa lang.

"Opo Maam. Driver's license po ito. Opo, may tatto po at.. Gwapo." Bahagya pang natawa ang waiter. "Paki sundo na lang po dito. O kung may contact po kayo sa relative nya."

Napapikit ako ng mariin.

Yon na nga ang problema. Wala ako masyado alam sa kanya. Shit.

Wala ako nagawa kundi tanungin ang exact location kung saan Hard Rock cafe. Tulog na si Mamsi kaya hindi ko na ginising. Nag pantalon ako at sando na pinatungan na hoodie. I already called a taxi via application kaya may taxi na paglabas ko.

"Shit naman oh." Inis na mura ko pagka baba ko ng cab. I called the number at sinabi na nasa labas na ako.

May sumundo sa akin, nagpakilala na sya raw kausap ko. Binigay nya sa akin ang cellphone at wallet ni Kael, tapos tinuro kung nasaan si Kael. Sa dulong mesa, naka hangdo sya sa mesa.

Umupo ako sa tabi nya at ginising sya.

"Mikael. Hoy." Yinugyog ko sya.

He just groaned.

"Hoy, ano ba? Tumayo ka nga. Nakaka abala ka." Sabi ko pa.

I saw him gently opened his eyes, pero hindi buo. Nang makilala nya ako, inangat nya ang ulo nya tapos umayos ng upo. Hindi nya ma balance ang sarili nya.

Bigla nya ako'ng yinakap.

I rolled my eyeballs. Nagpatulong ako sa mga waiter na makasakay kami ng taxi. Nakita ko naman na may keycard pa rin sya ng fairmont. Ano, ganoon sya katagal na naka stay doon? Wow. Iba pagka rich kid nito.

Amg bango bango nya pa rin. Humandusay sya sa akin ng makapasok na kami sa taxi. I instructed the driver kung saan kami magpapahatid.

"Missed me, Resha?" Medyo slur pa ang pagkakasabi nya. Para syang tanga naka ngiti habang nakapikit at halos yakapin na ako.

"Seriously, Mikael? Ang aga aga, lasing ka na agad? At nagpalit ka pa ng number?" Marahan ko syang tinutulak palayo sa akin.

Naghalo ang alak ang pabango nya and well, a little cigarette smell but ang bango pa rin sa ilong ko.

Bigla nyang ipinulupot ang dalawang kamay nya sa bewang ko at sinubsob ang mukha nya sa leeg ko. Tumaas ang balahibo ko sa batok. His hot breath on my neck at ang higpit pa ng yakap nya. I froze.

Medyo napapatingin na yung tax driver sa amin. God! Hindi ko na matulak si Mikael. He was wearing a polo. His necktie and hair was a mess. Dala dala ko ang coat nya na nalaglag na sa mesa.

Napa pitlag ako when I felt his lips kissing my neck now. Tinulak nya ako at natumba kami sa backseat. Impit ako'ng napatili, tinulak ko sya pero mabigay si Mikael.

"Mikael, isa!" Mariin na sabi ko.

He groaned. "I miss your smell, Resha. So sweet." Parang wala sa sarili na sabi nya.

Napakagat ako ng labi. Shit.

Bumwelo ako at malakas na tinulak si Mikael. I succeeded. Umupo ako ulit. Umurong ako sa kabilang side ng taxi at hinila pahiga ang ulo ni Mikael para makahiga sya. Hindi naman na sya tumutol at nakatulog na.

Nagpatulong ako para maibaba si Mikael sa taxi at maiakyat sa kwarto nya sa mga bell boy. Nagbigay na lang ako ng tip ng maihiga na sya sa kama nya.

Napapailing na tiningnan ko sya. Inilapag ko ang lahat ng gamit nya sa bedside table. Napapamura ako tuwing maiisip ko yung paglapat ng labi ni Mikael sa leeg ko. I can still feel it. Shit.

Tinanggal ko ang sapatos nya. Wala ako plano mag overnight o magtagal. Inayos ko lang ang pag higa nya. Pabiling biling sya sa kama. He was moaning at tinitingnan ko lang sya.

"Irina.."

Napa nganga ako.

Seriously? Ako yung nandito pero si Irina tinatawag nya?!

Well, not that I expect him to drunk call me while he was laying there.

Pero nakaka gago. Alam nya na ako yung kasama nya. He even called me by my name, kissed me on my neck. Tapos si Irina tatawagin nya? Ugh!

One more look at pumapadyak ako na niwan sya. Nagpatawag ako ng taxi sa guard.

When i got home, i tossed and turned. Buti at wala ako pasok kinabukasan kung hindi ngarag akong papasok. Hindi naman nagising si Mamsi, which is a good thing dahil hindi ko alam ang sasabihin once na mahuli nya ako.

Not that I am doing it everyday.

This is just once. Kinalkal ko na rin ang iphone ni Mikael. True to the waiter's word, number ko lang ang nandoon. Ni kay Irina, wala. Ang the iphone looked so damn new. Wala pang scratch, wala pa nga pictures or what.

"Matulog ka na, Resha!" Saway ko sa sarili ko.

Heto na naman kasi si Mikael. Ini entertain ko na nga ang sarili ko para mawala sya sa sistema ko, susulpot sya at sisirain ang pader na paunti unti kong tinatayo. Tapos lakas pa mang asar kaka Irina kanina.

Pasado alas onse ako nagising kinabukasan. Nag iwan ng note si Mamsi na initin ko na lang daw yung sinigang na baboy na niluto nya para sa tanghalian ko. Hindi ko na nga ininit dahil sa gutom.

Naglinis ako ng kwarto ko bago ako nag open ng laptop. Nag uusap na sila Neil at sila Nelly at Sasha at Claire sa post ko kagabi. Nagbabasa lang ako ng mga comments nila. Si Laurie missing in action pa rin.

Tsaka ko lang naisip tingnan ang cellphone ko.

Five missed calls and two messages.

All from Mikael's new number.

Message 1: Why did you left?

Message 2: Sorry. Let's talk.

Umismid ako at binura lang ang text. Mukha nya. Si Irina kausapin nya. Ilalapag ko na sana nang tumawag si Mikael. Hindi ko pa rin sinisave number nya at wala ako'ng balak.

"What do you want?" Tinigasan ko ang boses ko sa pagsagot.

He groaned. "You just woke up? Parang ikaw pa yung lasing ah." He chuckled. Buong buo ang boses nya, made me miss when he moans my name.

Napailing ako para ialis ang eksena ng kahalayan na namunuo na naman sa utak ko.

"Anong pake mo? Bakit ka ba tumatawag?" Imbes ay sagot ko.

"Sorry last night. I meant to call you to join me earlier pero naka block nga talaga number ko sayo." He chuckled on the line.

So hindi sya nag try na tumawag before? Kagabi o kahapon lang? Nakaka disappoint.

"Whatever. Ayaw ko rin naman if ever." Mahinang sagot ko.

He groaned in the other line. "C'mon, Resha. Wag mo naman ako masyado pahirapan." I felt a hint of sweetness in his voice.

"Shut up. You might wanna call your Irina by now. You kept on calling her last night. Bye." Hindi ko na sya pinagsalita at binaba ang linya.

Nataranta ako kaya nag airplane mode na lang ako bigla.

I tried to resume browsing the internet pero naiinis ako. Hindi ko na napigilan mag status.

Yung mga lalaki na papansin sayo pero paasa lang? Iba naman gusto? Akala lahat ng babae magpapaka tanga sa kanya kasi gwapo sya? Lol.

Ini hide ko kila Sasha, Nelly, Laurie, Claire, at Neil ang status na iyon. Mahirap na ma kwestyon pa, baka lalo lang uminit ulo ko.

Unang una nag like yung Darius.

Oh. Hindi ko pala na hide sa kanya, baka magtanong yon kay Neil at isipin na si Neil yung kinaiinisan ko. I bit my lower lip. Tanga mo, Resha.

Nag isip ako kung buburahin ko, pero may anim naman na ang nag like, baka magtaka naman sila. Ah. Bahala na. Hindi naman si Neil yan.

Lalo tuloy ako nainis kay Mikael. Pang kumplikado ng buhay eh.

Kung anu ano na lang ang ginawa ko at umidlip pa ako ulit bago ako nag handa sa paglabas namin nila Neil and the girls. Backless ang theme namin for tonight, pumili ako sa mga backless dress ko. Pinili ko yung peach balloon dress na may malaking teardrop shape na buras sa likod.

Hinintay ko na dumating si Mamsi around nine ng gabi. Neil said na susunduin nya ako. Dinalhan nya si Mamsi ng isang box ng chocolate roses na tuwang tuwa naman si Mamsi.

The whole drive, wala naman nababanngit si Neil about sa status ko, so I guess, that Darius guy wasn't a talker. Hindi ko na rin inopen.

Sa sobrang pagka kumportable ko kay Neil ay nakwento ko si Mikael at lahat ng nangyari. We were just laughing about it.

"But admit this. You find the guy so yummy, tumikim ka pa ulit sa Puerto." Sabi pa ni Neil.

Sabay kaming humalakhak.

"Well, he's really hot. Big. And you know, hindi sya lousy sa bed is all I can say. Although wala naman ako pagkukumparahan."

"Not bad for your first huh? Pero seriously, how come hindi mo pa na kwento sa mga kaibigan mo? You're one sneaky little bitch." Nakangisi na sabi nya.

Nakakatuwa na parang lalaki lang din ang kausap ko dahil ni pagpilantik ng kamay o pag sasalita ay hindi mo talaga masasabi na bakla sya. He's used in being a guy.

I laughed. "Soon. Wala ako sa mood mag kwento. Lipas na ang kilig ko. Nakakainis na lang."

"Sabagay. May Irina na kamo sya, and by the way you told me, mukhang intimate sila. Kung trip ka lang naman ipang side track nyan, kahit gaano ka hot pa yan, it's not worth it. Kahit magaling sa performance." Ngumuso si Neil.

"Yeah. Yan din talaga iniisip ko." Mahinang sabi ko.

We arrived at the meeting place. Kami na lang daw ni Neil ang hinihintay sabi ni Claire. All smiles pa ako habang papasok, para lang mapanganga nang makita na kasama nila sa table namin si Mikael.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height