LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C2 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library
LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C2 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library

C2 LEANDRO'S OBSESSION

Hindi ko alam ang gagawin ko. Habang umikot sya papunta sa pintuan ng harapang upuan ng sasakyan ay dali-dali akong umayos ng upo at umambang susuntukin sya. Nang buksan niya ang pintuan ay agad dumapo ang kamao ko sa mukha niya.

Narinig ko pa ang kaniyang matigas na ungol at ang sunod-sunod na pagmumura niya pero hindi ko na yon binigyan ng pansin at mabilis na tumakbo palayo doon. Grabe din ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakain ng takot ang lakas ko pero pinilit ko parin ang tumakbo ng mabilis. Natatakot ako na baka mahabol ako ni Haxton. Ayoko na muling makita ang pagmumukha niya, baka kung ano pang mangyari sa akin kung sakaling magkita kami muli.

Nang makakita ako ng taxi ay agad ko 'yon pinara. Hindi na pinag-isipan pa kung may sapat ba akong pera na bayaran yon.

Nakita ko pa si Haxton na malapit nang makarating sa akin bago ko sinarado ang pintuan ng taxi.

"Sige na po,Manong! Pakiusap" anito ko, patuloy parin sa panginginig ang katawan ko.

Nakikita ko parin sa aking isip ang galit na mukha ni Haxton. Natatakot ako sa kanya. Baka kung ano pa ang gawin nya sa akin kapag nahuli nanaman nya ako. Paano nalang kung hindi ako nakatakas sa kanya?

Nakarating ako sa bahay na halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Ang tahimik nanamang kabahayan ang nadatnan ko. Paano kung alam pala ni Haxton kung saan ako nakatira? Paano kung sumugod sya dito at gawan ako ng masama? Paano kung. Sunod na sunod na negatibong bagay ang pumasok sa aking isipan.

"Huwag mong isipin muna ang mga bagay na yon, Harrietta! Ang isipin mo ay paano ka makalalayo sa kaniya" Kantyaw ko sa aking sarili. Iniling ko ang aking ulo at humiga na sa kama.

Maghahapon palang at dapat ay naghahanda na ako papasok sa Cafe pero ayokong pumasok na muna ngayon, baka naroon din si Haxton. Siya ang tipo ng taong hindi ako hahayaang makatakas hangga't hindi siya nakagaganti.

Biglang tumunog ang telepono ng aming bahay. Tumayo ako upang sagutin 'yon. Ang caller marahil ay si Tita Lea, siya yong kaibigan ni Mama sa Cebu. Lagi kasi itong tumatawag sa akin para mamilit ng isang trabaho, ang maging katulong.

"Hello po?" Sagot ko sa tawag. Hanggang ngayon ay dinaramdam ko parin ang nangyari sa pagitan naming dalawa nu Haxton.

"Hello, kumusta? Payag ka na,ija? Mayordoma dati rito ang mama mo. Alam kong naghahanap ka ng trabaho, isa pa maganda ang buhay dito sa bayan ng Villa Larra" heto nanaman sya. Lagi niyang sinusuhestyon ang bagay na yon, na pwede akong manirahan doon tulad ng Mama ko. Hindi ko alam kung maganda ba talaga ang suhestyon nya.

"Ija, malaki ang sahod ng mga katulong dito" dagdag nya pa na akala nya'y iyon ang magpapasang-ayon sa akin. "Sariwa ang hangin dito at masaya talaga ang manirahan sa probinsya" dagdag nya pa.

Napabuga nalang ako ng hininga. Tinangka kong ibaba ang telepono pero nagsalita ulit sya. "May mga natira pang ala-ala ang mama mo rito gaya ng mga litrato nya" napahinto ako. Hindi ako nakapagsalita. "Bago sya umalis at mag-asawa diyan sa Manila ay naiwan nya ang mga ito"

Napalunok ako. Ang mukha ni Mama na nakangiti ang bumukas sa aking isipan. Isang takas ng luha ang kumawala sa aking mata. Si Mama.

"Mga litrato lang po ba?" Sa unang pagkakataon ay nagawa ko syang tanungin. Dati ay hindi ko magawang maging interesado sa mga sinasabi nya.

"Hindi,ija" gumalak ang kanyang boses. "Meron din syang naiwan na isang cabinet dito, maging ang iba nyang damit ay narito pa" anito.

Sa murang edad ay mayordoma na si Mama noon. Nakuha kasi ni mama ang loob ng mag-asawang Saavedra. Ikinukwento sa akin ni mama ang ibang karanasan nya sa Villa Larra. Dati ay masaya kong iniimagine ang lahat ng ikinukwento nya. Kapag minsan ay sumasali si Papa kapag naaabutan nya kaming nagkukulitan na ni mama. Namimiss ko tuloy yong mga panahong kasama ko pa sila. Yong boses ni mama sa umaga sa tuwing tatawagin niya ako para sa almusal at yong tawa niya sa tuwing nagkukulitan sila ni Papa.

"Nandyan ka pa ba,ija?" Bigla akong nabalik sa reyalidad ng marinig ko ang boses nito.

Tumango ako kahit hindi nito kita. "Opo"

"Kung nakapagpasya ka na na magtrabaho dito ay nakabukas lang ang aking kamay para tulungan ka. Ija, sana ay maisipan mong maparito" ang kanyang boses ay naging malambing. Ayoko man tumanggi pero'y hindi talaga pwedeng iwan ko ang buhay ko rito sa Maynila.

Napakislot ang labi ko nang maalala ko si Haxton. Paano sya? Hindi ako makakapasok sa University kung naroon sya. Sana'y na-band sya doon para makapag-aral ako ng maayos pero imposibleng hindi sya makapasok doon lalo na't may kapangyarihan sya na magpabalik-balik doon.

Dumating ang kinabukasan na hindi ko parin alam ang gagawin. Dapat ay tumayo na ako at magtrabaho pero tamad na tamad ang buo kong katawan. Marahil ay resulta ito ng masamang nangyari sa akin. Naalala ko ang aking kapatid. Kailangan ko syang sunduin para maiuwi ko na siya rito. Pinilit ko ang sarili kong bumangon at mag-ayos. Isinuot ko ang isang cap, hindi ko alam kung para saan ba talaga 'yon. Gusto ko lang manigurado na hindi ako masusundan ni Haxton o hindi nya ako mapapansin. Baka kumukuha lang sya ng tyempo para gawan nanaman ako ng masama.

"HETO ANG MGA DOKUMENTO ni Erriah. Nandyan na ang birth certificate nya. Don't worry, maayos na yan at wala ng problema. Lahat ng kailangan nya ay nariyan na" ani ni mother Joy.

Tumango ako. Hinarap ko si Erriah na nasa aking tabi. Hinawakan nya ang aking kamay. Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Ayokong biguin ang kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para lang mabuhay ko siya.

"Ayos ka lang,ate?" Tanong ni Erriah nang nasa daan na kami papunta sa bahay. Kailangan kong masanay sa pagtawag niya sa akin ng ate.

Habang nasa taxi pauwi rito ay nakabuo na ako ng desisyon lalo na nang sabihin ni Mother Joy ang labis na nagpalungkot sa akin. May sakit si Erriah,mahina ang puso niya. Lahat ng nagpapatindi sa kanyang emosyon ay pwedeng pumatay sa kanya. Nagulat ako nang ibunyag sa akin yon ng mother superior. Hindi ko matanggap paano pa kaya ang kapatid ko? Ngumiti lang siya sa akin at sinabihan pa akong hindi siya mawawala. Kahit anong sakit ang kalaban nya ay kakayanin nya para sa akin. Umiyak ako nang sabihin nya sa akin ang mga bagay na iyon.

"Ayos lang ako, Erriah" hinaplos ko ang kanyang buhok. Bahagya nya akong niyakap.

"Pwede na ba akong pumasok niyan sa eskwelahan talaga?" Umaasang tanong nya.

Hindi agad ako nakapagsalita.

Tumawa siya ng bahagya. "Joke lang,ate. Alam ko namang hindi ako pwede sa eskwelahan dahil sa sakit ko. Naiintindihan ko yon, ate" nakangiti na nyang sabi.

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mula pagkabata ay nasa bahay ampunan na siya. Hindi nya naranasan ang mag-aral sa paaralan. Hindi nya naranasan na lumabas sa bahay ampunan. Ngayon pa ngang namamangha siya sa mga bagay na bago sa kanyang paningin ay labis na ang awa ko.

"Pupunta tayo ng Cebu" ngumiti ako sa kanya. Tumingin lang sya sa akin na puno ng pagtataka. "The Queen City of the south"

"Saan sa Cebu?"

"Villa Larra" ani ko at ngumiti.

Halos matawa ako nang puro reklamo na si Erriah sa akin. Kanina lang ay nahihiya syang magtanong nang kung ano-ano sa akin ngayon naman ay puro reklamo na siya dahil sa barkong sinasakyan namin.

"Nahihilo na ako,ate" sabi nya pa habang hinihilot ang kanyang sentido.

Natawa ako. Ang sarap pakinggan kapag tinatawag nya akong ate. Labing anim na taong gulang palang ito. Ang ibig sabihin ay dalawang taong gulang na ako nang magkaroon nang relasyon sa iba si Papa. Hindi ko alam ang kwento sa likod ng relasyon nila Papa at Mama. Marahil ay hindi ko na malalaman dahil wala na ang magulang ko at wala na akong mapagtatanungan.

"MAGPAHINGA KA MUNA" HINILA KO SYA paupo sa ibaba ng double deck na para sa amin. Marami ang mga tao rito. Halos okupado ng mga grupong turista ang ibang deck at mahimbing nang natutulog.

"Oo nga, ate, kanina pa ako hilong-hilo. Baka mabawasan ang hilo ko kapag natulog ako"

Mahabang byahe ang naubos namin sa dagat. Isang mahabang mesa ang nakahanda bago tuluyang dumaong ang barko. Natawa pa ako nang mamangha si Erriah sa mga pagkaing dagat na nakahanda sa mahabang lamesa. 56 Anniversary raw ng kompanya na nagmamay-ari sa mga barkong yon kaya nagpakain sila ngayon. Maging ang ibang barko ay nakikita ko sa kalayuan. Huminto rin ang mga ito. Hating gabi na at nagliliwanag ang kalangitan dahil sa makukulay na fireworks.

"Ang ganda ate..." Bulong sa akin ni Erriah. Nasa kamay nya pa ang kinakaing alimasag. Natawa ako at tumango nalang.

Habang nasa barko ay tinawagan ko na si Tita Lea. Ang sabi naman nito ay may inutusan na siyang kukuha sa amin sa daungan. Gusto kong magpasalamat kay Tita Lea dahil kahit ang lamig ng pakikitungo ko sa kanya noon ay nagagawa niya parin akong tulungan ngayon. May mga tao talagang handang suklian ka ng kabutian kahit na halos itaboy mo na sila. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si Tita Lea.

Hininto ko ang pag-aaral ko sa Manila. Inasikaso ko lahat ng kailangan namin bago ako umalis. Ngayon ay narito na nga kami ni Erriah sa Villa Larra. Isang napakagandang bayan nga nito. Nakabukas ang bintana ng pick up na sumundo sa amin kaya pumapasok ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng sasakyan.

"Dito na ba talaga tayo,ate?" Bakas sa boses ng aking kapatid ang labis na tuwa.

Tumango ako at iginala pa ang aking paningin sa kulay berdeng kagubatan. May mga taniman din kaming nadaanan. Mga puno ng niyog na nakahilera at puno pa ng bunga.

"Dito na muna tayo, Erriah. Magsisimula tayo diti" ngiti ko sa kaniya.

Pumasok ang sinasakyan naming pick up sa isang malaking gate, akala ko ay 'yong kaninang malaking gate na ang para sa mansyon ng Saavedra pero nagkakamali pala ako. Mas doble ang laki ng gate na nauna kesa rito sa huli. Gumarahe ang pick up sa di kalayuang garahe, sumulyap ako sa kinaroroonan namin. I'm sure hindi pa ito ang main garage dahil dalawang sasakyan lang ang narito. Itong pick up na sinakyan namin at isang kulay puting SUV.

Malayo pa ang mansyon. Nagliliwanag 'yon dahil madaling araw palang. Iginiya kami ni Manong, na Jojo ang pangalan, sa daanan papunta sa likuran ng mansyon. Well, hindi naman kami bisita para dumaan sa harapan at may welcome party na pasabog. Katulong lang ang ipinunta ko rito.

"Welcome sa Saavedra mansion!" Isang may katandaang babae ang sumalubong sa amin.

Pagkapasok namin ay nasa kusina kami. Halos malaki pa ang kusina sa bahay na tinitirhan namin sa Manila. Napasinghap kaming dalawa ni Erriah. Kompleto sila sa gamit. Napasulyap pa ako sa malaking ref nila na nagmistulang cabinet sa laki! Parang built in pa yon

Tumawa ang matanda. "Ako si Lea" nakipagkamay ito na tinanggap ko naman. Natuon ang kanyang atensyon sa aking kapatid. "Ang akala ko ay mag-isa ka lang?"

Oo nga pala. Hindi ko nabanggit sa kanya. Napakagat sa ibabang labi si Erriah, na pansin kong lagi nyang ginagawa kapag nahihiya sya.

Ngumiti ako at hinila si Erriah. "Ito po si Erriah, nakababatang kapatid ko po"

Napakunot ng noo si Tita Lea pero kalaunan ay tumango nalang.

"O'sya! May bukas naman para makapag-usap tayo. Magpahinga na muna kayo. Sa maids quarter kayo para makapagpahinga na kayo" iginiya nya kami sa isang pintuan.

Binuksan nya 'yon at tumambad sa amin ang isang kwarto na may dalawang double deck na kama. Ang isa ay nasa tabi ng bintana at ang isa ay nasa malapit naman sa pinto.

Itinuro ni Tita Lea ang double deck sa tabi ng bintana.

"Diyan na lamang kayo. Kayo na ang bahala kung sino ang sa taas o sa ibaba" itinuro naman nya ang double deck malapit sa pinto. "Diyan si Shel at Lane. Magkapatid din sila at parehong katulong rito. Nasa probinsya nila sila kaya wala pa ang mga ito"

Itinabi ko ang mga bagahe namin sa aming pwesto. Umupo si Erriah doon at humikab.

"Matulog kana,Erriah"

Tumango lang siya at humiga na. Lumabas na si Tita Lea kaya sinundan ko siya.

"Uh,ahm, Tita" tawag ko sa kanya. Hindi alam kung pwede ko ba syang tawagin sa ganoon pero mukhang wala naman sa kanya kaya ngumiti nalang ako.

"Bakit,ija?"

"Iyong tungkol po sa gamit ni Mama?" Nahihiya kong tanong.

Ngumiti sya at tumango. "Nasa dating kwarto niya. Ipapakita ka sayo bukas. Ngayon, magpahinga ka muna,Ija" aniya tsaka na ako tinalikuran.

Hindi na ako umangal at nag-ayos na lamang para makatulog. Gusto kong malaman ang totoo kina Mama at Papa pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height