C29 LEANDRO'S OBSESSION
"Welcome to the Philippines, Ma'am,Sir"
Napangiti ako nang sandaling lumapag na kami. Sumikdo ang aking damdamin nang bumuhos muli sa aking isipan ang araw na nilisan ko ang bansang ito. Kung saan ako ipinanganak at kung saan ako binaha ng sakit. Kung saan ako nadapa at kung saan ako nawasak.
"Yey! Mabahay!" rinig kong sigaw ni Dion na nasa bisig ni Duke