LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C3 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library
LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C3 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library

C3 LEANDRO'S OBSESSION

Maaga akong nagising para sa abalang araw na iyon. Inutusan akong mag-ayos ng mga pagkain sa hapag-kainan. Ang ibang katulong naman ay nasa iba't ibang parte ng mansyon at abala sa kaniya-kaniyang gawain.

Tatlong linggo na kami rito sa mansyon. Alam na rin ni Tita Lea kung paano ko naging kapatid si Erriah. Maging ang mga gamit ni Mama ay nasa akin na pero puro lang 'yon litrato. Ang maliit na kahon naman na sinasabi ni Tita Lea ay may susi at hindi ko mabuksan.

"Ate,tulungan na kita riyan" nabigla ako nang sumulpot si Erriah sa aking tabi.

Pinandilatan ko siya. "Erriah! Ang sabi ko ay sa kwarto ka na muna. May mga libro ako roon. Hindi ka pwedeng lumabas at baka makita ka ng iba"

Ngumuso siya. "Ate naman! Nakakabagot doon. Pati sa garden ay bawal? Tapos dito rin bawal?" Bagsak ang balikat nya ng lingunin ako. Bigla syang nag-paawa sa akin. "Sige na ate, tutulong naman ako,e"

Tumigil ako sa paglalagay ng plato. Hinarap ko siya at seryosong umiling.

Malungkot syang tumango at nagmartsa palabas ng dining area. Ayaw ko namang mapagod siya, isa pa ay baka magsumbong ang ibang katulong kapag nakita siya, ang karamihan ay alam ang tungkol sa kanya pero ang iba'y marahil daw ay magsumbong gaya ng kampo nila Angelika, samahan yata sila ng mga taong hindi ago gusto.

Si Tita Lea na raw ang bahala pero ayoko paring laging umasa nalang sa kanya.

Napag-isipan ko na ring pag-aralin si Erriah. Malaki nga ang sweldo rito tulad ng sinabi ni Tita Lea. Tatlong linggo na kaming narito kaya may aasahan na ako para mapag-aral ko si Erriah. Ang sabi naman nya ay nasa Grade 8 na siya sa ampunan. Pwede niya 'yon ipagpatuloy para kahit hindi ako nakapagtapos ay siya ang pupuna doon.

"Harrietta, sa susunod na araw na ang dating ng magkakapatid, kailangan mong ayusin ang kwarto ni Zarria" utos sa akin ni Tita Lea.

Agad akong tumango. Natapos na rin naman ang paghahanda ko ng pagkain para sa matandang Saavedra. Nakilala ko si Mr.Saavedra nang sumunod na araw karating namin rito. Isa siya sa malalaking tao sa larangan ng negosyo. Kilala ko siyang malakas pero akala ko'y kasing lakas ng pangangatawan niya ang pagkakakilala ko sa kanya sa negosyo. Matanda na ito at mahina na rin ang katawan. Ang lola ng mga ito na si Mrs. Evangeline Saavedra ay nasa Greece naman. Ang alam ko ay namamasyal ngayon ang matanda kasama ang mga apo nito at ayon nga kay Tita Lea ay pauwi na sa susunod na araw ang mga ito.

Isang pambabaeng silid ang pinasukan ko. Maganda sa mata ang kwarto ni Zarria. Halos puro puti at lilac ang makikita kong kulay doon. Tipikal na mayamang anak, alam mong nakukuha ang lahat ng gusto. Ang daming mamahaling gamit doon. May tatlong pinto doon. Ang isa ay marahil ay ang bathroom nito. Malinis naman ang buong silid liban na lamang sa kaunting alikabok.

Mukhang hindi ako mahihirapang maglinis. Nag-umpisa na akong maglinis. Inuna ko ang pagpupunas at pagpapalit ng bedsheets. Maging ang mga punda ng unan na mukhang malinis naman ay pinalitan ko na rin. Hindi ko maiwasang mapairap dahil napakaarte nila. Kami nga ni Erriah ay nagtitiyaga sa maalikabok na kumot namin sa kwarto pagkatapos sila'y papalit-palit ang sapin sa kama kahit wala namang gumagamit? Napabuntong hininga ako. Mayaman sila at may pera, ano pa bang aasahan ko?

Isang nakakapagod na araw ang natapos. Gabi na at nag-aayos parin ako ng kwarto. Pangatlong kwarto ko na ito. Sa pangalawa kasi ay bahagyang magulo. May nakita pa akong sex toys na pakalat-kalat, pamilyar sa akin ang ganoon dahil minsan ko yong nakita sa Facebook feed ko. Halos mangilabot ako habang inaayos ang mga 'yon. Hindi ko alam kung sinong may-ari ng pangalawang kwarto at wala akong balak alamin! Ang alam ko ay binanggit ni Tita Lea ang pangalan ng lalaki pero masyadong nakatuon ang atensyon ko sa paglilinis kaya di ko na napansin.

Ang pangatlong kwarton naman ay maayos. Hindi na kailangan linisin o ibahin ang pagkakaayos ng mga bagay. Mukhang napaka-organisado ng may-ari nito.

May nakita akong painting sa tabi malapit sa pinto papunta sa banyo. Halos mawalan ng kulay ang mukha ko nang makita ko ang painting na ito. Isang babae ang naroon. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa puno habang nagbabasa ng libro.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatingin sa painting. Sa malayo ay hindi mo aakalaing kamukha ko ito. Nang lumapit lamang ako ay doon ko lamang nakita at napagmasdang mabuti. Kamukha ko ang babae!

Pero bakit? Bakit naman ako magkakaroon ng portrait dito? O masyado lang akong assuming? Hindi naman siguro ako iyon. Diba? Paano nga bang magiging ako iyon?

Nakatagilid ang mukha ng babae kaya mahirap ngang ako iyan. Baka kamukha ko lamang ito. Iniling ko nang ilang beses ang aking ulo. Pinilit kong alisin ang haka-haka sa aking isipan.

"Ate,okay ka lang?" Tanong sa akin ni Erriah nang matapos akong maglinis at handa na para magpahinga.

Nakakapagod. Higit pang pagod ang aking isipan keysa sa aking katawan. Kanina pa kasi laman ng isip ko ang painting na nakita ko kanina sa isa sa kwartong nilinisan ko.

"Matulog ka na"

Tumango lamang si Erriah. Humiga na siya at nauna pang nakatulog sa akin. Hiling ko ay sana'y makatulog na rin ako pero di kayang pumikit ng mga mata ko.

KINABUKASAN AY ISANG NAKAKAPAGOD nanamang araw. Naglinis kami ng bodega ng araw na iyon. Dumating na rin sina Shel at Lane. Napaaga ang balik ng mga ito dahil kailangan na sila sa mansyon. Ang babait nila. Agad namin silang nakasundo ni Erriah.

Ang laki laki talaga ng mansyon. Hindi ko pa inaasahan ang napakalaking lupain ng mga Saavedra. Kung hindi pa ako inutusan ni Tita Lea na maghatid ng pagkain sa Farm ay hindi ko pa masisilayan ang napakalawak na lupain ng mga Saavedra.

Nakarating ako sa Farm na puno ng mga mais at iba't ibang uri ng gulay sakay lamang ng aking bisikleta. Nasa basket na nasa harapan nito ang dala kong mga pagkain. Maayos naman ang daan papunta rito kaya hindi ako nahirapan.

"Nasaan po si Macoy?" Tanong ko sa isang matandang lalaki na abala sa pag-aayos ng isang makina. Gamit sa paghuhukay ng lupa.

"Macoy?" Kumunot muna ang noo ng matanda bago ngumiti. "Ah! Nasa kubo" itinuro niya ang isang malaking kubo sa tabi ng irrigation. May malinaw na tubig iyon pero ang alam ko ay hindi pwedeng maligo roon?

Isang babae ang sumalubong sa akin. Tinaasan muna ako nito ng kilay bago ako inirapan. Nilagpasan lamang ako nito nang magtatangka sana akong magtanong kung nasaan si Macoy.

Ang kubo ay may tamang laki. Napakalinis sa loob at ang mga gamit ay maayos. Hindi mukhang bahay ng isang magsasaka ito dahil masyado itong maganda, halatang customized ang kubo na yon. Hindi katulad ng binibili talaga. Mayroon pa itong maayos na sofang kahoy na may manipis na kutson. Kumpleto pa ang kagamitan sa sala at maging sa kusina!

"Ella! Sanda—" natigil ang isang lalaki sa pagsasalita nang makita ako.

Napaawang naman ang bibig ko nang makita ko ang ayos niya. Ang gulo ng buhok niya, tila may kaunting maga ang labi niya at hawak hawak niya pa sa kaniyang kaliwang kamay ang suot na sinturon.

Nag-iwas ako ng tingin. Sinong nakakaalam ng pwedeng nangyari dito bago pa man ako dumating.

Narinig ko ang mga yapak niya kaya napatingin akong muli sa kanya.

"You must be Harrietta?" Tanong niya sa akin. Ayoko ng klase ng tingin niya sa akin, dumaan yon sa paa ko hanggang sa mukha ko.

Nakaramdam ako ng inis lalo na nang tumuon ang tingin ng lalaki sa aking dibdib. Ang bastos naman nito! Lantaran kung tumingin.

"Nandito ako para dalhin ang mga pagkain"

Inilapag ko ang dala kong mga pagkain sa malapit na lamesa.

"Aalis na ako"

Bago pa ako makaalis ay hinawakan niya na ako. Dala marahil ng init kanina ay parang nakakaramdam ako ng inis. Sumama ang tingin ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako at nagtaas pa ng dalawang kamay.

"Chill! I'm harmless" aniya,ang lakas ng loob niyang sabihing harmless siya kung ang mata niya ay parang kakainin ako ng buhay.

Pinilit kong iwaksi ang kanyang kamay. Inis ko siyang hinarap.

"Naparito lang ako para dalhan kayo ng pagkain"

Nangunot ang noo niya. "I haven't asked anyone to bring me foods here? But thank you"

"Pero ang sabi ng tiyahin mo ay pagkain para sa inyo ito"

Kumunot lalo ang kanyang noo. Ang kanyang kilay ay salubong na ngayon.

Aalis na sana ako nang may isang lalaking pumasok sa kubo. May kapayatan ito at may buhat-buhat na mga kahoy na pinagpipiraso na sa maliliit.

"Sir, ayos na po ang kabayo niyo" anito. Napabaling ang tingin nito sa akin. Nang una ay mukhang nagtataka ito pero nang mapadako ang tingin nito sa dala ko ay ngumiti siya. "Iyan na ba ang pagkain?" Tanong niya.

Sir? Wait, ito ba si Macoy at hindi ang lalaking kausap ko lang kanina?

Hinarap ko muli ang lalaki. Ang isang kilay nito ngayon ay nakataas na sa akin.

"I'm Leandro" umukit ang ngisi "And I'm one of the grandkids of the old Saavedras"

Napatulala ako. Teka isa siya sa mga apo ng matandang Saavedra.

Napatanga ako sa kanya. Kaya pala ang bango-bango niya, ang kisig kisig niya at ang gwapo gwapo niya. Ang g*ga ko! Bakit nga ba pagkakamalan kong si Macoy ang gwapong nilalang na ito.

Ang pangalan niya ay Leandro. Saan ko na nga ba narinig ang pangalang Leandro? Hindi ko na matandaan kung saan at kailan ko narinig ang pangalan niya.

"Siya ang isa sa mga apo ng matandang Saavedra,Harrietta" si Macoy na mismo ang sumagot sa tanong sa aking isipan.

Para akong mahihimatay. Ang sama pa naman ng naging tingin ko sa kaniya kanina? Siya si Leandro Saavedra. Siya nga ang isa sa mga apo ni Mr.Saavedra. Ang akala ko ba ay bukas pa lamang ang dating ng mga ito?

"Sir Leandro, handa na po ang kabayo niyo" sabi ulit ni Macoy.

Hindi ko magawang magsalita. Maging ang tuhod ko ay ayaw gumalaw.

"Harrietta"

Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtawag niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya. Nang magsalubong ang aming mga mata ay parang kakapusin na ako ng hininga. Iba kasi ang paraan ng pagtingin niya sa akin, kung paano tumaas ang sulok ng labi niya at kung paano masungit na tumaas ang kaliwang kilay niya. May kung ano sa kanya na nagbibigay kaba sa akin.

"Harrietta,right?" Lalaking-lalaki ang boses niya at malalim. Lalaking-lalaki ang dating ng presensya niya.

Tumango lamang ako. "Mauna na po ako...sir" hindi ko na tuloy alam kung paano kumilos sa harapan niya. Nakakakaba ang presensya niya. Parang tataas ang balahibo ko sa kaniya kahit pa titingnan ko lang siya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. Pati ang pagtatagalog niya ay napakatigas.

Tumango ulit ako kahit na kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Hindi nga ako nagkamali. Bigla na lamang tumunog ang tiyan ko. Taksil talaga ang tiyan ko minsan.

Narinig ko ang pagtawa niya. Napahinto ako at napatingin kay Leandro. Napahinto naman siya sa pagtawa. Tinitigan niya ako na para bang isa akong pagkain na nakahain sa kaniya. Oo, ganoon talaga siya tumingin.

"Eat with us,Harrietta. The mansion is too far. Don't say that you're not hungry because your tummy says the opposite" ngisi niya sa akin.

Naglakad siya papunta sa lamesa. Ngumiti naman sa akin si Macoy.

"Sumabay ka na,Harrietta" aniya.

Bigla siyang lumabas kaya nagtataka akong bumaling kay Leandro. Nag-aayos lamang ito ng mga pinggan. Seryoso habang ginagawa 'yon.

"Sir, mauuna na po ako" gusto ko nang lumuhod habang sinasabi 'yon. Ayokong kumain kasama siya, baka malunok ko pati kutsara dahil sa kaba sa kaniya. Hindi ko gusto ko ang maglalapit sa lalaking ito.

Binalingan niya ako. "You didn't heard what I've said a while ago,didn't you?"

Napakapit ako nang mahigpit sa laylayan ng uniform ko.

"I'm one of the Saavedras so technically I'm your boss" aniya gamit ang malamig na boses, parang nanginig ako lalo doon. Napatango ako na hindi ko alam kung bakit. Talagang nagwawagi siya sa pagpapakaba sa akin. "You need to be obedient." Humakbang siya papalapit sa akin. "You need to follow all my orders" humakbang nanaman siya. Humahakbang ako paurong habang siya ay palapit naman sa akin ang mga paa. "You can't say no. If I say eat with me, you have to eat with me because I say so, understand, miss Harrietta?"

Tumama ang aking likuran sa kahoy na dingding ng kubo. Dahan-dahan akong tumango.

Ikinulong niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Hindi ako makagalaw hindi dahil sa nakakulong niyang dalawang braso sa magkabilang gilid ko kundi dahil sa intensidad na namuo sa dibdib ko. Parang nanghihina ako. Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Parang may isang spell na iginawad siya sa akin. Nalulong ako sa kulay tsokolate niyang mga mata. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.

Unti-unting lumapit ang kaniyang mukha sa akin. Ngumisi siya. Mariin akong pumikit. Anong gagawin niya?! Is he going to kiss me? Hahalikan niya ba ako?

Ilang sandali akong pumikit bago ko narinig ang mga yapak niya. Napamulat ako. Nakita ko siyang pabalik na sa lamesang ayos na para makakain kami.

"Come here"

Napabuga ako ng hangin at suminghap. Kanina pa pala ako hindi humihinga.

Umiling ako. Ayokong kumain kasama siya! Kanina pa ngang malapit kami ay halos mawalan na ako ng huwisyo ngayon pa ba na magsasabay kaming kumain.

Tatanggi nanaman sana ako pero nang makita ko kung paano dumilim ang mga mata niya ay nanghina nanaman ako.

"Keep this in mind,Harrietta" ang lamig talaga ng boses niya. "You have to do whatever I say to keep me sane. I should enjoy being your boss, ain't that interesting?"

May laman ang sinabi niyang yon kaya naman parang may kusang utak ang dibdib ko nang bumilis ang tambol nun.

Sumunod ako sa gusto niya. Hindi alam kung tama ba na narito ako at kumakain kasama siya. Ano bang gusto ng lalaking ito? Napaka control-freak naman niya!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height