LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C4 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library
LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C4 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library

C4 LEANDRO'S OBSESSION

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong sa akin ni Tita Lea isang araw nang makita niya ako sa loob ng kusina imbis na ayusin ko ang mga pagkain sa hapag kainan.

Limang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang pagkain namin ng sabay ni sir Leandro. Sa loob ng limang araw ay hindi ko na siya nakita dahil iniiwasan ko siya. Ayokong magkrus muli ang landas namin. May kung ano kasi sa kaniya ang nagpapagulo sa damdamin ko at hindi ako pamilyar sa mga yon.

Imbis na sumunod ako sa sinabi ni Tita Lea na ayusin ang mga pagkain sa hapag ay hindi ko ginawa, imbis ay pinakiusapan ko si Lane na siya na muna ang pumalit sa akin at ako na muna ang dito sa kusina para sa paglilinis.

Ayokong makita si Leandro. Hindi ako mapakali kahit isang tingin lang sa kaniya.

"Dito na muna ako,Tita"

Pinagmasdan muna ako ni Tita Lea bago bumuntong hininga.

"Ikaw ang bahala" aniya.

Lumabas na siya pagkatapos n'on.

Nakarating na ang maglolola. Ayon kay Tita ay nauna raw si Leandro na umuwi isang araw bago ang usapang pag-uwi nilang apat. May kikitain daw kasi ang binata. Tila may imahe ng babae ang kumudlit sa aking isipan. Marahil ay yon ang tinutukoy ng binata na kikitain nito. Natatandaan niya ang pangalan nito na Ella. Marahil ay yon ang girlfriend ng lalaki.

Nakilala ko na ang dalawa pang apo. Maging ang lola nila na si Madam Evangeline. Tama nga ang hinala ko sa babaeng apo ng mga ito. Isa itong spoiled brat. Tipikal na anak mayaman. Minsan na akong isinama ni Zarria sa pagsho-shopping. Isinama niya ako upang bitbitin ang ilang shopping bags niya. Talagang naging literal na alalay ako nang araw na yon.

Ang kakambal naman nito na si Zarrick ay hindi palasalita. Nakakaintimidate din ang katangian nito. Mas tila seryoso siya sa panganay na kapatid ng mga ito, malamig kasi ang bawat titig niya. Laging umuuwi ng lasing at paminsan-minsan pa ay may dalang babae. Tila may tinatagong sikreto ang malalim niyang mata. Ang dilim dilim ng pares ng kaniyang mga mata.

Si Leandro Saavedra naman ay may tila bossy na awra. Sa unang pagkikita pa lamang namin ay halos mahimatay na ako sa kaba. Talagang malakas ang presensya niya kaya kahit sino marahil ay malalamang hindi siya ordinaryong tao. Parang isa siyang leader ng bansa, kung hindi man yon eksaheradang ekspresyon.

Usap-usapan sa buong mansyon na nakakatakot daw talaga si Leandro. Ayon sa ibang mga katulong na naririnig kong panay ang chismisan ay masyadong seryoso raw ito, liban nalang sa tuwing may kasiyahan ang magbabarkada doon. Ang personalidad ni Leandro ay alam kong hindi makabubuti sa akin. Ayon pa kay tita ay basagulero ito nang nasa kolehiyo, kasama ang isa sa kaibigan nito na si Nicholas.

"You are avoiding me,aren't you?"

Halos mapatalon ako at hindi sinasadyang mahulog ang basong pinupunasan ko nang marinig ko ang kaniyang boses. Kanina lang ay iniisip ko siya, ngayon nga ay narito na siya sa harapan ko.

Nakatingin siya sa akin. Diretso sa mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin. Tumalikod ako sa kanya. Ayokong tingnan siya o kausapin. Yumuko ako para pulutin ang basag na baso. Maingat ko 'yong ginawa. Nananalangin na sana ay umalis na siya doon.

"Nice ass" ramdam ko ang ngisi niya doon. Teka, bakit ba hindi ito tumitigil sa pagiging bastos. Natural ba yon dito?!

Napatayo tuloy ako ng diretso. Hinarap ko siya at lalabas na sana nang bigla siyang humarang sa aking daraanan.

Sinubukan kong lumusot sa kanyang gilid nang bigla na lamang niyang ipinalupot ang kanyang matigas na braso sa aking beywang. Napasinghap ako.

"Not so fast, sweet"

May hindi pamilyar na emosyon ang dumaan sa kaniyang mata. Napasinghap nanaman ako at nagmamadaling inalis ang kanyang kamay pero masyado siyang malakas.

"Sir, mag-didilig pa po ako ng halaman.

Binitawan niya ako. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Tinitigan ko siya na ngayon ay nakangisi na.

"That's great! I am willing to help you" tuwang sabi niya.

Napanganga ako. "Pero sir..."

"I don't like buts. Remember my rule,Harrietta"

Napalunok ako. Ayokong makipag-argumento sa kaniya. Tumango ako.

"Good"

Siya na mismo ang humila sa akin papunta sa hardin. Siya pa mismo ang kumuha ng hose at sinindihan ang gripo. Nanatili lamang ako doon at pinanood siya sa kaniyang pagkilos.

Iniabot niya sa akin ang hose. Halos magsitindig ang balahibo ko nang magkadikit ang balat namin dahil doon. Sa simpleng pagdikit lang ng balat naming dalawa ay naghuhuramentado na ang puso ko, kaya hindi talaga siya magandang balita para sa akin.

"Who planted these roses?" Takang tanong niya. Napansin niya ang bagong tanim na mga rosas.

"Yong kapatid ko po" hindi ko na napigilan ang bibig ko. Ang tanga tanga ko talaga.

Napabaling siya sa akin. "You have a sister?"

Tumango na lamang ako. Tutal naman ay alam na rin ng lahat ang tungkol sa kapatid ko. Ayoko lamang talagang pinapalabas siya sa kwarto namin.

"I've never seen her before, where is she?"

Hindi ko alam kung may lakas ba ang mga labi ko para bumuka at sagutin siya.

"Sa kwarto po namin" mabuti nalang at hindi ako nautal. Wala na din naman akong magagawa kundi sabihin ang totoo, minsan talaga ay hindi dapat pagkatiwalaan ang sarili ko.

Tumango-tango siya. "You're a new recruit" tinitigan nanaman niya ako.

Tumango nanaman ako. Wala na yata akong magagawa kundi ang tumango na lamang.

Nagsimula na kaming magdilig ng halaman. Hindi ko rin inaasahan na handa siyang gawin ito. May kaunti ng putik ang dulo ng kanyang suot na jeans.

"Sir, ako na po rito" ani ko pero iniiwas niya lang ang hawak na hose. Nadiligan nanaman namin ang lahat ng halaman kaya maaari na kaming pumasok sa loob. Tumataas na rin ang sikat ng araw.

Nagseryoso siya bigla. "Would you stop calling me sir. You can just call me by my first name"

Napanganga ako. "Pero—"

"Do what I said" malamig na sabi niya.

Napalunok ako at umiling. Bakit ba minsan nagpapakabossy nalang talaga siya? Hindi sa kinukwestiyon ko yon, dahil boss naman talaga namin siya. Minsan kasi ay napaka-arogante niyang pakinggan o tingnan.

Mas lalong dumilim ang kaniyang mukha. "Do what I said so we will not have any problems"

Iiling nanaman sana ako pero lumapit siya. Napasinghap ako nang dumapo ang kaniyang daliri sa aking labi. Hinaplos niya ang ibabang labi ko.

"Stop being stubborn" lumapit ang kaniyang mukha sa aking gilid. "If you don't want me to kiss you" bulong niya sa punong tainga ko.

Ramdam ko ang pagtindig ng balahibo ko sa katawan.

Umurong siya at ngumisi sa akin. "You don't want to see me mad,Harrietta"

Umalis na siya roon pagkatapos. Nanghina ang mga tuhod ko at napaupo ako sa malapit na bench.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng araw na iyon. May kung ano sa akin na gustong kumawala. Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko at magtatatalon sa harapan ko. Ang init init ng pisngi ko.

Lumipas ang dalawang araw. Isang buwan na kami rito sa Villa Larra. Ika-dalawa ng oktubre nang nagkaroon ng party sa mansyon.

Sa loob ng tatlong araw ay hindi ko nakita si Leandro. Ang sabi ni Shel ay nasa Manila raw ito at may inasikaso sa kompanya ng pamilya.

"Ate,totoo ba ito?" Nagtatalon si Erriah nang ipakita ko sa kaniya ang mga gamit niya para sa pagpasok sa eskwelahan.

Naayos ko na ang lahat ng kailangan niya para sa pagpasok. Itutuloy niya ang pag-aaral dito sa Villa Larra.

"Nasa Grade 8 kana. Sayang naman kung hindi mo itutuloy"

Nagtatalon nanaman siya at niyakap ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Salamat ate!"

Tumayo na ako. "Bukas na ang pasok mo. Monday na bukas. Inayos ko na ang lahat kaya wala ka na dapat ipag-alala"

Niyakap nanaman niya ako. Umiyak siya kaya napatawa ako.

"Sige na, mag-aayos na ako para sa party mamaya"

Tapos na silang mag-ayos ng mga lamesa sa hardin. Nasa tamang pwesto na rin ang mga palamuti para sa magaganap mamaya. Ang alam ko ay may selebrasyon ang pamilya para sa pagdidiwang ng isang magandang balita.

"Harrietta"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Tita Lea. "Ayusin mo ang mga guestrooms. Sasamahan ka nila Shel at Lane"

Tumango ako. Naglakad ako papunta kina Shel At Lane na nasa tabi ng pintuan papasok sa kusina. Marahil ay hinihintay nila ako.

"Ang galing talaga ni Sir Leandro,'no?" Rinig kong papuri ni Lane kay Leandro.

Umakyat na kami sa taas. Pumasok kami sa isang kwarto para magsimula nang maglinis.

"Nakuha niya agad ang shares na pinag-kaisahan ng mga gahaman sa kompanya nila"

Hindi tumigil si Lane sa pagpupuri kay Leandro.

"Umayos ka nga,Lane! Nagpapantasya ka nanaman"

Halos mabilaukan ako sa sariling laway nang marinig ko ang sinabi ni Shel sa kapatid.

Hindi naman mahirap na magustuhan si Leandro. Hindi ko masisisi si Lane dahil maging ako ay humahanga kay Leandro pero alam ko kung paano ilugar ang sarili. Hindi ako kailanman magkakaroon ng halaga kay Leandro. Isa pa ay masyadong imposible na magkaroon ng ganoong ugnayan sa aming dalawa.

"Sabi nila ay pinanganak ng matalino si Sir Leandro" hindi parin tumigil si Lane sa pagpuri niya kay Leandro.

"Tumigil ka nga!" Saway nanaman ni Shel sa kapatid.

Umirap lang ito kay Shel at biglaang tumingin sa akin.

"Ikaw Harrietta, wala ka bang gusto manlang kay sir?"

Tuluyan na akong nabilaukan kahit wala namang tubig. Nagulat akong humarap kay Lane na siyang ikinatawa naman ng huli.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Shel.

Tumango ako sa kaniya.

"Masyado kang halata,Harrietta" tatawa-tawang sabi ni Lane.

"Lane! Tumigil ka nga!"

Umiling ako. "Ayos lang,Shel. Wala akong gusto kay Leandro. Tsaka hindi tayo dapat magkagusto sa kaniya. Isa pa ay nagtatrabaho lang tayo dito. Hindi tayo dapat umasang magkakagusto siya sa atin"

Tumawa nanaman si Lane. Malakas na sa pagkakataong ito. "Ikaw naman! Crush lang! Masyado kang lumalagpas,e. Hindi ko naman sinabing may pag-asa na magkakagusto siya sa atin" hinampas pa ako ng pabiro ni Lane sa braso. "Ikaw,ha! Napaghahalataan ka talaga"

Napakagat labi ako. Anong meron sa sinabi ko?

Bumalik na kami sa paglilinis. Hindi na rin naman ako kinulit ni Lane. Nagseryoso na rin ito sa paglilinis pero sa tuwing napapatingin ako sa kaniya at nakatingin din siya sa akin ay ngingisihan lang niya ako.

Natapos kami sa paglilinis ng mga guestrooms. Napakalaki talaga ng mansyon ng mga Saavedra. Sandamakmak na pera siguro ang inilaan nila para rito.

"Tapos na?" Tanong sa akin ni Tita Lea.

"Opo. May iuutos pa po ba kayo?"

Umalis na sila Lane at Shel. Parehong abala nanaman ang dalawa sa pagtulong sa kusina. Ako nama'y naghihintay lang na utusan ni Tita Lea.

"Samahan mo si Jojo"

Napatingin ako kay Tita Lea. "Saan po ang punta?"

Tumingin siya sa kaniyang relo. "Pauwi na si Sir Leandro, nagpapasundo sa Airport"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nandoon nanaman ang pamilyar na bilis ng tibok ng puso ko. Sa pagbanggit pa lamang ng pangalan niya ay halos magharumentado na ang yon. Ano bang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Sige na,Harrietta! Baka mahuli pa kayo" biglang pumalakpak si Tita Lea kaya nabalik ako sa katinuan.

"Ah! Opo!" Nagmamadali na akong pumunta kay Kuya Jojo na naghihintay na sa akin. Bakit kailangan pa akong kasama?

"Kuya, halika na po"

Tumango naman ito. Sumakay ako sa passenger seat. Pagkarating namin sa Airport ay ako na lamang ang pinapasok ni Kuya Jojo. Ako na raw ang maghintay kay Leandro.

Hindi rin naman nagtagal ang pagbaba ng eroplano ni Sir Leandro. Nang una'y hindi ko alam ang dapat na gawin kaya ngumiti na lamang ako pero nang makita ko siya ay hindi ko alam ang dapat bang gawin.

Iiwas sana ako ng tingin pero huli na dahil nagsalubong na ang mga mata namin ni Leandro.

"Hey,Harrietta. It's good to see you again" bungad niya sa akin.

Bakit parang namiss ko siya? Lalo na nang banggitin niya ang pangalan ko.

Nilunok ko ang nakabarang bagay sa lalamunan ko bago ako ngumiti kay Sir Leandro. Tila nagustuhan niya yon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya lalo na nang bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi. Ilang saglit lang 'yon dahil umangat ulit ang tingin niya sa mata ko. Napansin ko ang pagkagat ng itaas na ngipin niya sa ibabang labi niya.

"Nasa labas na si Kuya Jojo" panimula ko. "Naghihintay na sa atin" may gusto sana akong itanong ngunit minabuti ko na lamang na sarilinin yon.

Ano ba, Harrietta! Gumising ka!

Ngumisi lang siya sa akin. Tumingin siya ng nakakaloko sa akin.

"We're not going home...not yet"

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Sir?"

Biglang dumilim ang mukha niya. "Mamaya na tayo uuwi. Pinauna ko na si Manong Jojo" lumapit siya sa akin. "And didn't I tell you to stop calling me sir" malamig niyang sabi.

Napalunok ako. Nakalimutan kong ayaw niya palang tinatawag siyang sir. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na tawagin siyang 'Leandro' lang. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi siya nagagalit sa tuwing tinatawag siyang ganoon ng ibang mga katulong.

"Saan po tayo... Leandro?" Buti nalang at mabilis kong napigilan ang pagtawag muli sa kaniya ng 'sir'.

"Also cut the po'"

Tumango na lamang ako. Ang daming gusto ng lalaking 'to. Ako ang kinakabahan dahil baka makagalitan pa ako ni Tita Lea dahil parang hindi ko ginagalang ang amo namin. Isa pa ay hindi naman kami magkaibigan para maging kaswal sa isa't isa.

Nagsimula na siyang maglakad at nauna sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kaniya.

Bigla na lang siyang huminto at humarap sa akin. Gumalaw ang kaniyang ulo pakaliwa na para bang nag-isip sandali pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin saka namuo ang ngisi sa kaniyang labi.

"Anyways," Ayoko nang klase ng tingin niya. Kinakabahan ako. "Where's my welcome back kiss?"

Napanganga ako. Kiss?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height