LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C5 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library
LEANDRO'S OBSESSION [TAGALOG]/C5 LEANDRO'S OBSESSION
+ Add to Library

C5 LEANDRO'S OBSESSION

"I'm just kidding, don't worry" May nakakalokong ngisi siya sa kaniyang labi.

Lalo akong napasimangot. Nauna na lang akong naglakad kahit na nabigla rin ako sa sinabi niya lalong-lalo na sa pagtawa niya. May kung anong kumalabit sa dibdib ko nang marinig ang malalim na tawa niya. Ang sexy ng tunog ng pagtawa niya! Bakit ba parang iba ang dating ng bawat kilos ni Leandro sa akin?

Umayos ka nga,Harrietta! kastigo ko sa sarili ko.

Ipinilig ko ang ulo ko. Pilit na iniwaksi ang nasa isip ko.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Hindi kalaunan ay sumabay na siya sa paglalakad ko.

"So,how's the three days being away from me?"

Napalingon ako sa kaniya. Hindi ba siya titigil?

Ang seryoso ng ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya. Biglaan na lamang hinawakan ang kamay ko. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy mula sa kamay namin hanggang sa buo kong katawan.

Pinilit kong sagutin siya kahit na parang magkasintahan kami kung umasta siya. Sa mga kilos niya kasi ay hindi ko alam kung ano bang gusto niya. Hindi ko matukoy.

"Okay lang naman" pinilit kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya ako hinayaang magtagumpay. Mas lalo lamang humigpit ang hawak niya. "Leandro baka may makakita sa ati-"

"What?" Ngumisi siya sa akin. "Don't worry. I just don't want you to get lost that why I am holding your hand"

Gusto kong tumawa nang pagak pero hindi ko ginawa. Ano ba talaga ang gusto niya? Pinilit kong huwag pansinin ang kung anong matamis na pakiramdam na namuo sa dibdib ko.

"Pero Leandro..."

Huminto siya. May multo ng ngiti sa kaniyang labi. "I like it when you say my name"

Napatanga ako sa kaniya. Ganito ba ang epekto ng Manila sa kaniya? Nakakain yata ito ng isang gusali sa Manila kaya ganiyan siya umasta.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Dapat na ba akong matakot? Pero simula palang ay takot na ako sa kaniya. Ilang araw palang kaming magkakilala pero kung ituring niya ako ay parang ilang taon na kaming magkasama.

"Are you okay?" Biglaang tanong niya sa akin nang nasa daan na kami papunta sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan kami patungo. Alam kong hindi dapat ako magtanong dahil ang sabi niya'y sumunod ako sa lahat ng gusto niya. Isang control freak kasi siya kaya 'yon ang ikinatatakot ko. Kapag didilim ang mukha niya doon ako mas lalong kinakabahan. Para niya akong kakainin ng buhay kapag ganoon ang itsura niya. Hindi sa nakakadiring paraan, kundi yung parang sekswal. Iniwasiwas ko yun sa aking isipan.

"I'm asking you" aniya. Nasa daan parin ang kaniyang paningin.

Hindi pamilyar sa akin ang daanan na ito. Bago lang ako sa Villa Larra kaya natural lang na wala akong kaalam-alam rito. Malay ko bang nililigaw na pala ako ng lalaking 'to.

"Ayos lang ako" tumingin na lamang ako sa labas.

"What are you thinking? Kanina ka pa tahimik"

Natural! Kinakabahan ako! Malay ko ba kung saan mo'ko dadalhin?!

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Sumulyap siya sa akin saglit pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"We're going to Holly Hill" aniya. "May bibisitahin lang tayo"

Tumango na lamang ako kahit na hindi ko man alam ang lugar na 'yon. Malapit nang gumabi at gaganapin na ang party. Kung umuwi ngayon si Leandro,marahil ay inaasahan siya sa party na 'yon. Kung ganoon ay saan niya balak pumunta? Kailangan na namin makauwi.

"Si-" tumikhim ako. "Leandro, kailangan na natin umuwi. Maggagabi na at-"

Hindi na ako nakapagsalita nang makitang tumigil na ang sinasakyan namin. Nasa paanan kami ng maberdeng burol.

"Sandali lang tayo rito" aniya.

Bumaba na siya ng sasakyan. Medyo nabigla pa ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng passenger seat. Hindi ko inaasahan sa kaniya 'yon. Isa pa'y isa lamang akong katulong para pagbuksan niya ng pinto.

Pagkababa ko ay inilibot ko ang aking paningin. Paakyat na siya sa burol kaya sumunod na lamang ako. Ang matitigas niyang binti ay kayang kaya ang pag-akyat sa medyo mataas na burol samantalang ako ay nahihirapan na. Nangangalay na ang mga binti ko.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsunod kay Leandro. Napasigaw nalang ako nang may matitipunong braso na nagpaangat sa akin mula sa lupa. Biglaan akong binuhat ni Leandro kaya hindi ako agad nakaangal.

"Ibaba mo 'ko"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay seryoso lang siyang nagpatuloy sa pag-akyat sa burol. Kumapit na lamang ako sa kaniyang leeg. Tama ba ang ginagawa ko? Tama ba ang namumuong pakiramdam ko para sa lalaking 'to. Hindi, dapat ko siyang iwasan pero paano? Paano ko iiwasan kung iba ang sinasabi ng isip ko sa gusto ng katawan ko. Masyado siyang mataas para maabot ko. Sabi nga sa akin ni mama noon ay 'Ang mayaman ay para sa mayaman, ang mahirap ay para lang sa mahirap'. Uso ang paniniwalang iyan at naniniwala akong totoo ang kasabihan na iyan. Hindi kami kailan man bagay ni Leandro sa isa't isa. Mayaman siya samantalang ako ay mahirap.

Ibinaba niya ako pagkarating namin sa tuktok ng burol. Ang kaniyang mga binti at kamay ay tila hindi manlang nangalay. Marahil siguro'y lalaki siya. Mayroon siyang lakas lalo na't matipuno ang pangangatawan niya. Parang araw araw siya sa isang gym.

"It's been a long time,Leandra"

Gulat akong napatingin kay Leandro pagkatapos ay sa lapidang naroon sa aming harapan. Ito lamang ang nag-iisang lapida dito. Hindi naman libingan ang burol dahil walang mga lapida doon o estatwa ng mga anghel, maliban nalang sa lapidang nasa harapan namin.

Natutop ko ang bibig ko habang nakatingin sa lapida.

Leandra Jeann Saavedra. Sino kaya siya?

Umurong ako nang bahagya. Gusto kong bigyan ng oras si Leandro. Hindi ko alam kung sino ang nakalibing dito pero alam kong importante ang babae sa lalaki.

"Sa sasakyan lang ako" sa pagod kong pag-akyat dito ay bababa din pala ako agad.

"No" pigil niya sa akin nang hahakbang na sana ako paalis. "Stay here" matigas na sabi niya.

Napatitig ako sa likuran ni Leandro. Hindi ko makita ang mukha niya pero base sa kaniyang boses ay natatakot siya.

Anong ikinakatakot niya?

Nabigla ako nang hilain niya ako palapit sa kaniya. Nasadlak ako sa matigas niyang dibdib. Sa paglapat palang ng kaniyang katawan sa akin ay halos mabaliw na ako.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman kong ito pero kailangan kong iwaksi ang kabaliwan na ito. Hindi ako pwedeng lumagpas sa lugar ko, sa dapat ko lang na lugar. Ni hindi ko nga inasahan na magiging malapit kaming dalawa gaya ng ganito.

"She's my sister" lumuhod si Leandro. Bahagya niyang inalis ang mga damong tumubo na sa gilid ng lapida. Pinagpag niya rin ang kaunting dumi na nasa itaas no'n.

Kapatid niya pala ito? Bakit walang nasabi si Tita Lea tungkol kay Leandra? Sa mansyon din ay wala akong makitang litrato ng dalaga.

"Anak siya sa labas ni Daddy" 'yon ang naging sagot sa katanungan ko sa aking isipan.

Hindi ko magawang magsalita. Ito marahil ang tamang oras para sa pananahimik.

Tumingala si Leandro sa akin. Nanatili lamang akong nakatayo sa kaniyang tabi. Ngumiti siya sa akin. Ngiting hindi umabot hanggang sa kaniyang mata

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Leandra is a tough woman. Naalala ko pa kung paano niya sigaw-sigawan si Daddy nang mga panahong nalaman nito na isa siyang Saavedra" bumalik ang tingin nito sa kaniyang kapatid.

Bakit siya nariyan? Anong nangyari? Bakit wala ito ngayon sa mansyon? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung May karapatan ba akong malaman ang mga bagay na yun sa buhay ni Leandro.

"Leandra lived in our house for almost 3 years. She was always alone. Ni ayaw niya nga kaming kausap o makasama manlang kapag kakain siya. Kahit nasa mansyon siya parang hindi namin siya kasama. Leandra wasn't really her real name. Her true name was Claudia" bigla na lamang itong ngumiti. Tila may matamis na naalala. "I was the one who gave that name to her. I named her Leandra because I wanted it be like mine. Leandro and Leandra. Mula nang bigyan ko siya ng pangalan ay naging malapit na siya sa akin. She was always there when I needed her the most. Those times when my parents were busy fighting. Lagi siyang nandiyan para damayan ako"

Umihip ang mabining hangin. Napapikit ako habang dinadama 'yon. Patuloy naman sa pagsasalita si Leandro. Naroon lamang ako para pakinggan siya. Alam ko sa mga oras na iyon ay kailangan niya ng taong makikinig sa kaniya.

"But my father was an ass, well he is still an ass" nabigla ako ng marinig ang galit na boses ni Leandro. "He killed her!"

Napasinghap ako nang makita ko kung paano niya suntukin ang lupa na nasa tabi lang ng lapida ni Leandra. Agad akong lumuhod at hinawakan ang kamay niya.

"Leandro..."

Pinatay nito ang sariling anak? Ang ama ng mga ito? Anong nangyari?

Nahinto ito at napatingin sa mga kamay naming magkadikit. Bigla na lamang lumuwang mula sa pagkakakuyom ang kaniyang kamao.

"Leandra loved someone, a guy far from my father's ideal partner for her and I was aware of their relationship... but father pushed her to marry someone he liked. Hindi yung gusto ni Leandra. Hindi yung mahal niya." Tumawa siya ng pagak. "Because of his eagerness for wealth and connection, he chose to tie her daughter to someone she doesn't love?" Bumuga ito ng marahas na hangin. Nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Leandra died when she decided to run away from our dad. Alam kong may plano silang magtanan ni Harold, the man she loves. But Daddy did everything to stop them. Pinasunod sila at nahulog ang sinasakyan nila Leandra sa bangin."

Natutop ko ang bibig ko. Habang pinagmamasdan si Leandro ngayon parang pinipiga ang dibdib ko.

Bigla itong humarap sa akin. Nabigla ako sa klasi ng kaniyang pagtingin. Ang mga mata niyang nangungusap. Oh Harrietta maghunus dili ka!

"I don't want to go to that party. The real agenda of that party is for publicity and for their investors. That wasn't my sister's death anniversary" malungkot na sabi niya.

Nabigla ako sa naturan niya. "Ang ibig mong sabihin ay?"

Tumango si Leandro at hinila ako palapit sa kaniya. "Dito na lang tayo."

Hindi ako tumango. Hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang gusto. Nanatili lamang kaming naroon habang pinagmamasdan na lamunin ng dilim ang kabuuan ng langit.

Hindi ko alam na may malalim pa palang pinaghuhugutan si Leandro. Hindi ko kailanman yata maiintindihan ang buhay nilang mayayaman. Iniisip ko palang na mararanasan naming dalawa yun ay mas pipiliin kong mabuhay si Leandro kahit na hindi na siya maging parte ng buhay ko. Kung magiging kalaban namin ang ama nito ay alam kong wala kaming kasiguraduhan na manalo. Tama si mama dahil kailanman ay hindi kami mananalo ni Leandro sa ama nito.

Tila sumikip ang dibdib ko dahil doon. Napabuntong hininga ako at tahimik siyang pinagmasdan. Nahahawa ako sa pagsayaw ng lungkot sa kaniyang mata.

Nagtagal kami roon ni Leandro. Halos maghahating gabi na rin nang maisipan niyang umuwi. Inalalayan niya akong bumaba sa burol at halos buhatin nanaman niya ako kung hindi ko lang siya binawalan.

Tahimik ang naging buong byahe namin pauwi. Saka lamang siya nagsalita nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng kaniyang sasakyan.

"Thank you,Harrietta" pasasalamat niya.

Ngumiti lamang ako sa kaniya. Sabay na kaming naglakad papunta sa mansyon. Ang mga ilaw sa party ay naroon pa. Ang malakas na musiko ay nagpapagulo parin sa katahimikan ng gabi. Hindi pa marahil tapos ang kasiyahan.

Babalik na sana ako sa likuran ng mansyon para makatulong pero nagulat ako nang bigla na lamang akong hilain ni Leandro. Napatingin ako sa mga mata niya.

Magtatanong sana ako nang unahan na niya ako.

"I'm sorry, I need to do this"

Bago pa ako makapagtanong kung anong ibig niyang sabihin ay naramdaman ko na ang kaniyang labi na lumapat sa labi ko. Sinakop ng kaniyang labi ang akin na tila pagmamay-ari niya yun.

Parang mabubuwal yata ako sa pagkakatayo nang tuluyan akong lamunin ng eksenang yun.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height