C1 First Meet
Kia POV
Naranasan mo na rin bang magpa uto at maniwala sa pag ibig? Yung tipong nagbubulag bulagan ka kapag signs palang ang napapansin mo. Kapag naman isinampal na sayo ang katotohanan, mapapaisip ka pa na baka ikaw yung mali, na baka may kulang sayo kaya hinahanap niya sa iba. Required ba talagang maging tanga kapag nagmamahal?
My name is Kianna Myst Saavedra, and like all the other cliches in the movie, my boyfriend or should I say my fiance cheated on me with my sister. Yup! My sister! Half sister to be precise. Ang titigas ng mga mukha no? Sa dinami rami ba naman ng babae sa mundo, kapatid ko pa talaga ang napili niya. Isa pa itong kapatid kong ahas, sa dinami rami ng lalaking aahasin niya… Fiance ko pa talaga. Sweet no? Gusto niya kasi siguro matchy kami. Boyfriend ko, boyfriend niya rin.
Teka– Akala niyo ba doon na lang nagtatapos ang kwento? No! Dahil dito palang magsisimula ang lahat. I drowned my sorrow and met a man. Oh teka– unexpected lahat ng nangyari ah! Wag niyo muna akong i judge. Pakinggan niyo muna ang aking kwento.
-
Just one hour ago, I was about to surprise my boyfriend sa condo niya. Anniversary kasi namin ngayon. Nag away din kasi kami kagabi and para sana bumawi, nag abala ako para surpresahin siya. However, ‘di ko inaasahang ako ang masusurpresa. Kakapark ko lang nun, lalabas na sana ako but then I saw him, with his arms around my stepsister, papasok ng building ng condo niya…
I have never thought such a dramatic story would happen to me! My 5 years of love! All fucking wasted!
Tinutungga ko ngayon ang isang bote ng carlo rossi california red, baka sakaling matulungan ako ng alcohol para makalimutan ko siya at mawala yung sakit na dinulot niya sa akin. Pero bakit ganon? Bakit parang mas nararamdaman ko ngayon yung sakit? Bakit kailangan kong pagdaanan yung ganitong bagay? Deserve ko ba na masaktan? Am I not enough, kaya niya ko nagawang ipagpalit sa step sister ko? Wala nalang ba talaga sa kanya yung tagal naming pagsasama?
Heto na naman ako… Tinatraydor na naman ako ng mga luha ko… Kusa na naman silang nag uunahan sa pag bagsak…
Narito ako nga pala ako ngayon sa hallway ng hotel at hinahanap kung nasaan na nga ba ang restroom. Kanina pa ako pa ikot ikot dito at naduduling na rin ako dahil halos magkamukha lamang ang mga pinto. Pag liko ko ay ganoon pa rin.
“How come it’s the corridor again?!” Sambit ko sa aking sarili. Naliligaw na yata ako.
Sob…
Hindi ko na makontrol ang sarili ko at parang unti unti ng umiikot ang mundo ko. Nararamdaman kong parang nag iiba na ang timpla ng tiyan ko. Kailangan ko na talagang mahanap kung nasaan ang restroom. Baka mamaya ay masuka ako dito sa hallway. Nakakahiya naman sa ibang tao at sa mga tauhan sa hotel na to kapag nakita nila akong sumuka nalang bigla sa kung saan.
Ang weird… Kanina pa ako naglalakad at umiikot sa hotel na ito pero wala pa rin akong makasalubong na tao. Hays, could someone show up to tell me the way papuntang restroom?
Nang makaramdam ng hilo ay agad akong napakapit sa pinto na nasa harapan ko. Isinandal ko lang saglit ang aking ulo sa pinto at ipinikit ang aking mata. Hindi ko na talaga kaya ang hilo na nararamdaman ko. Dumausdos ako papasok nang may biglang nag bukas ng pinto na aking sinasandalan. Sumalpok ako sa isang lalaki na sa tantya ako ay nasa 5'11 ang taas.
"Are you alright?" He said in a husky voice. Agad kong iniangat ang paningin ko at bumungad sa akin ang mala anghel nitong mukha. Shit! Nakakasilaw! Nasa langit na ba ako?!
Inayos ko ang tayo ko at lumayo ng kaunting hakbang mula sa kanya. "Oh, I'm sorry. Na-naligaw kasi ako eh. I-i didn't mean to break in…" Nauutal kong sambit. Bigla akong natauhan at naramdaman na naman ang sama ng pakiramdam ko para bang aangat na lahat ng kinain ko kanina. Medyo naiihi na rin ako. Kailangan ko na talagang mag banyo. "Ah—do you mind if I use your restroom?... Please…" Nahihiya kong pakiusap sa kanya. Ginamitan ko pa siya ng beautiful eyes ko. Ewan ko nalang talaga kung hindi pa tumalab.
Tinitigan lang niya ako ng napaka seryoso. May mali ba akong nasabi? Ayaw niya ba akong pagamitin ng restroom niya? Parang tutunawin na ata ako sa tingin ng lalaking ito. "Excuse me, you are?...." Balik nitong tanong sa akin.
"Kianna… Kianna Myst Saavedra." Sagot ko sa kanya.
Bigla siyang namula at nginisian lang ako. Ano bang problema ng lalaking to? Weird masyado. Medyo kinakabahan na ako sa kanya ah! Mamaya psycho pala tong mokong na to. Jusko po! Baka matagpuan nalang ako bukas na naka silid sa maleta. Lord, help me!
Humakbang siya papalapit sa akin at yumuko ng bahagya para magpantay kami. Masyado yata kasi akong matangkad. Nasa 5'3 kasi ang height ko mi, tangkad di ba? So balik na tayo kay pogi. Pinagmasdan niya lang ang mukha ko at tumigil ito sa mga mata ko. Literal na eye to eye kami sa sobrang lapit niya sa akin. Naaamoy ko na rin ang amoy ng hininga niya na amoy mouthwash. Refreshing!
"You—" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng bigla kong takpan ang bibig nito at inilayo sa akin. Gulat na gulat itong tumitig sa akin at pinag dikitan ako ng kilay. "Please lang! Mamaya na yang sasabihin mo. Pwede bang ituro mo muna kung nasaan yung restroom mo?!" Pasigaw kong sambit sa kaniya na halata namang sobrang ikinagulat nito. Para siyang nakakita ng dragon na bumubuga ng apoy.
Tinitigan ko siya at naghihintay ng sagot sa kaniya ngunit hindi manlang ito nag salita. Nakatayo lang ito at tinitignan ako na para bang iniisip niya na isa akong baliw sa kalye.
*Blurgh*
Agad akong napahawak sa bibig ko. Bigla kong naramdaman na kusa ng umaangat ang mga kinain ko. Oh my God! Hindi ko na kaya. Kailangan ko na talagang mailabas to!
"Wh-what's wrong? Shit! Nasusuka ka? Wait… Don't wag diyan. Wait lang. Wag diyan!" Sigaw niya ng wala na siyang nagawa dahil nasukahan ko na ang sahig ng room niya.
"Ah— Finally, nailabas ko na rin. Kanina ko pa gustong sumuka. Sobrang nakakagaan ng loob…" Wala sa wisyo kong sambit ng mailabas ko na ang kanina ko pa kinikimkim. Sa sobrang panghihina ng katawan ko ay agad akong napa upo sa sahig na sa kalaunan ay humiga na ako.
"What the fuck woman?! Don't sleep on the vomit!" Rinig ko pang sigaw ng poging nasa harapan ko.
Hindi ko na talaga kaya… Pinipilit kong magising pero kusa akong tinatraydor ng aking mga mata. Hindi na rin ako makapag isip ng matino dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay umiikot na ang mundo…
-
Ares POV
I was about to go outside nang bigla nalang may isang babaeng sumubsob sa dibdib ko. What is this woman doing right in front of my door? "Are you alright?" I asked her calmly. Iniangat niya ang paningin sa akin at bahagyang natulala. Agad kong ikinagulat ng mapagtanto ko kung sino ang babaeng ito.
It's her! It's been 8 years, I didn't expect that we'll meet again.
"Excuse me, you are?..." I asked her. Kailangan kong siguraduhin kung tama ba ang iniisip ko. Alam kong ikaw yan pero hindi pero meron pa ring parte sa akin na nag aalinlangan kung ikaw ba talaga yan? Ang laki na ng pinag bago mo, halos hindi na kita makilala...
"Kianna… Kianna Myst Saavedra," she answered.
It's her indeed! It's like we are destined to meet.
"You—"
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko na agad ko namang ikinagulat. "Please lang! Mamaya na yang sasabihin mo. Pwede bang ituro mo muna kung nasaan yung restroom mo?!" She shouted.
I couldn't help but stare at her. Trying to figure out why she's acting like this. Hindi pa man ako tapos sa pag iisip ng bigla nalang nag bago ang itsura nito at para bang nag pipigil na matae. Napahawak siya sa kaniyang bibig at bigla nalang siyang sumuka sa sahig. Ang masaklap pa ay hinigaan niya ang suka niya. Kung siniswerte ka nga naman. Bakit kailangan pang sa ganitong paraan pa tayo muling magkikita.
"Don't sleep on the vomit!" I screamed.
Sinubukan ko siyang gisingin pero masyado ng mahimbing ang pagkakatulog nito. Maya maya pa ay humihilik na ito. Ang bilis naman nitong lamunin ng antok. Binuhat ko siya at amoy na amoy ko ang amoy ng alak sa kaniya. Mas nangingibabaw nga lang yung amoy ng suka niya. Iba pala talaga ang tama ng alak sa sistema niya. Buti nalang at ako ang nakasalubong niya. Paano nalang kaya kung ibang tao ang makabangga niya? Mahirap pa naman na sa panahon ngayon dahil marami ng nagkakalat na manyakis.
"You're still a pain in the neck…How come she's so drunk?" I whispered.
I never imagined we'd meet again after eight years in such dire circumstances.
"How could you treat me like this?... Please, don’t leave me…" She murmured while sleeping.
Turns out she lost her love. Kianna Myst Saavedra, I will never let you go this time!
-
Umaga na ng magising si Kia. Tumatama na rin ang sikat ng araw sa mukha niya kaya wala rin siyang nagawa kundi ang idilat na ang mga mata. Hinayaan niya munang mag adjust ang mata niya dahil sobrang labo pa ng nakikita niya. Nakatitig lamang siya sa kisame ng biglang may kumirot sa sintido niya.
Umm? Shit! Nahihilo ako…
Dahan dahan niyang ibinangon ang sarili mula sa pagkakahiga. Bumungad sa kaniyang paningin ang napakagandang silid. Mapapansin mo mula sa mga gamit na mukhang mayaman ang nag mamayari nito. Doon lamang nag sink in sa kanya na wala siya sa kaniyang kwarto.
Nasaan ako?
Hmm… After drinking a lot last night…
Natigilan ito sa pag iisip ng maalala niya ang lalaki kagabi. Hindi niya na napigilang mapasigaw ng mag simula na siyang mag overthink sa mga pwedeng nangyari habang wala siyang malay.
"You are awake."
Agad na napatingin si Kia sa pinagmulan ng boses. Basa ang buhok nito at tumutulo pa ang tubig sa sahig na mula sa kaniyang buhok. Mukhang kakagaling lang niya sa banyo.
Ang lakas naman ng loob ng lalaking to na lumabas na pambaba lang ang naka tapis. Maganda ang hubog ng katawan niya pero hindi niya ko madadala sa ganyan!
"You wretch! What have you done to me?!" Galit na galit na sigaw ni Kia. Parang hindi siya nito naririnig at naglakad pa papalapit sa kanya. "Stay back!" Paghahamon ni Kia dito.
Sa sobrang takot ni Kia ay nanginginig itong nagtago sa kumot. Hindi naman mapigilang mag taka ni Ares sa weird na ikinikilos ni Kia.
"Take it easy. Nothing happened, kaya kumalma ka na diyan." Kalmadong usal ni Ares.
Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Kia sa kaniyang narinig. "Nothing happened? My clothes have been...been... Anyways, I'm calling the police to arrest you! You rascal! Dirty dog!" Galit na galit na sigaw ni Kia.
Napabuga nalang ng hangin si Ares. Hindi niya inaasahang ganito kalala ang iisipin ni Kia sa ginawa niyang pag tulong dito. "... You broke into my room and vomited last night. That's why... Kung ayaw mong maniwala sakin, we can check the hotel surveillance. It must shoot very clear. Para malinawan ka na rin sa mga pinag iisip mo." Inis na sambit ni Ares.
Natigilan naman si Kia at tila ba'y na speechless pa sa mga sinabi ni Ares. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o mahihiya sa kaniyang ikinilos kanina.
"But I am wrong to decide on my own. I'm sorry... I am not a jerk taking advantage of others. I will be responsible for you." Dagdag pa ni Ares.
Agad namang namuo ang pagtataka sa isip ni Kia dahil sa mga binitawang salita ni Ares. Hindi niya malaman kung ano ba ang gustong ipahiwatig nito sa kaniyang sinabi.
"So..." Nakangiting sambit ni Ares. "Let's get married!"