Lost in Korea/C1 The offer
+ Add to Library
Lost in Korea/C1 The offer
+ Add to Library

C1 The offer

“Shin won an award again!” Napasigaw ako sa labis na kaligayahan matapos kong mabasa ang isang post sa isang page na nagpopost ng updates tungkol kay Shin.

Oh my ghad! Kyaaaahhh ang galing galing talaga ng baby ko. Hinakot na naman niya lahat ng awards. As her future wife, syempre super proud ako sa kanya. For sure, yong dingding ng bahay niya, puno’m puno na yon ng mga awards and trophy.

“Hoy Akira anong nginiti ngiti mo jan?” Sigaw ng kapatid ko na nakita kong nakatayo sa pintuan ng kwarto. Mukhang kanina pa siya diyan na nakatingin sakin kasi ang sama ng titig niya at mukhang tinatawag niya ako ngunit hindi ko narinig.

Humarap naman ako sa kanya sabay pakita ng ngiti kong abot langit. Mainggit siya sa kintab ng ngipin ko!

Tumayo ako at nilapitan siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat saka tinitigan ang mga mata niya. “Ate yong asawa ko nanalo ulit ng award! Kyaaaahh!” Napasigaw ulit ako sabay talon.

Nagsalubong ang kilay ni ate. Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa balikat niya dahil nadadamay siya sa kalikutan ko. “Ul*l! Ang kapal naman ng apog mo. Anong asawa ka jan? Che! Pwede bang itigil mo yan Akira? Hindi ka pinalaking assuming ni nanay. Kaya tigil tigilan mo ang kakaganyan mo!”

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Basher talaga siya! Kahit kailan talaga panira ang bruhang ito. Hindi man lang ako supportahan sa mga pangarap ko sa buhay. Parang hindi ko kapatid. Tse!

Napamewang ako at tinaasan ko siya ng kilay. “Kontrabida ka talaga! Hmp! Ano pala ginagawa mo dito sa maganda kong kwarto?” Inis na sabi ko. Pero napangiti pa rin ako sa sinabi kong ‘maganda kong kwarto’. Syempre naman! Puro picture kaya ni Shin ang nandito kaya super ganda talaga!

“Nagpunta ako dito para tawagin ka dahil kakain na tayo! Saka pwede ba! Pumayag akong lagyan ng pictures ang kwarto ‘natin’ pero hindi ibig sabihin na sa iyo na ito! Sira na talaga ulo mo. Nawawala na sa katinuan! ” Sigaw niya. Aray jusko, anong tingin niya sakin. BINGI?

Oo nga pala! Hindi kami mayaman kaya wala kaming sariling kwarto. Siksikan lang kami ng mga kapatid ko sa kwartong ito. Saka yong mga pictures, pinadevelop ko lang yon sa halagang tres pesos. Pero keribels na yon no! Maganda naman ang quality!

“Tss!” Inirapan ko siya at inunahan ko siyang magtungo sa kusina. Iniwan ko talaga siya doon. Kausapin niya ang mga tuko at magsungitan sila sa isa’t isa. Wapakels na ako! Ang sama ng ugali niya! Daig niya pa ang manghuhula sa ginawa niyang paghula sa kapalaran ko.

“Nay tuyo na naman?” Reklamo ng isa ko pang kapatid. Hay naku! Napaka arte naman ni bunso!

“Eh pasensya na anak. Yan lang ang nakayanan namin ng tatay niyo. Hayaan mo birthday mo naman sa susunod na araw. Bibili ako ng masarap na ulam.” Malungkot na sabi ng nanay ko. Parang may kumurot sa puso ko habang pinagmasdan ang ngiti niya.

Speaking of my tatay… Hindi pa rin siya umuuwi kasi alas otso pa ng gabi ang uwian nila. Janitor sa isang kompanya si tatay.

“Ayaw ko nalang nga kumain!” Galit na sigaw ng kapatid ko sabay padabog na tumayo at lumabas ng kusina. Susundan ko sana siya at pagalitan kaso pinigilan ako ni ate.

Nakita ko naman si Mama na malungkot na umupo sa hapag kainan. Nakita kong may butil ng luha na pumatak sa mata niya ngunit agad nya itong tinuyo gamit ang kanang kamay niya. Humarap siya samin sabay pilit na ngumiti.

“Mga anak kain na kayo!” Alok niya sa amin ni ate.

Ngumiti naman kami ni Ate saka kami tumabi kay mama sa hapag kainan at nagsimula ng kumain. Ito nalang ang magagawa namin para pakalmahin ang loob niya, ang samahan siyang kumain.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng plato’t kutsara ay umakyat na ako sa kwarto para magonline gamit ang mumurahin kong cellphone. Nabili ko ito dati noong nagwowork pa ako sa bakery. Now, nagstop na ako dahil nagsara na yong bakery. Sa ngayon ay team bahay lang ang peg ko at kasalukuyang naghahanap ng panibagong trabaho.

“Ano bayan ang hina ng signal!” Nanonood kasi ako ng concert ni Shin ngayon at itong hayuf na signal ayaw makisabay. Sayang load ko na bigay ng kaibigan ko dahil namburaot ako sa kanya. Sorry naman! Ngayon lang eh! Wala akong pera pambili ng load dahil wala akong trabaho.

“Ayon nagplay na!” Tuwang tuwang sabi ko ngunit napabusangot na naman ako nang tumunog bigla ang messenger ko dahilan para magloading ulit ang video. Leche!

Inis kong binuksan ang messenger at tinignan kung sinong nagchat. Disturbo ang p*tek sa date namin ni Shin! Nagtaka ako dahil isang korean ang nagchat sakin. Paano niya natagpuan ang account ko?

“Hey do you want to have a job?” Message niya sakin.

Napakunot ako ng noo. Modus ba ito? “What kind of job?” Reply ko sa kanya.

“A waitress here in South Korea. Ako na ang bahala. Your expenses , passport at iba pang mga papeles. All I want is your approval” she said. Nashookt ako nang malamang marunong siyang magtagalog. Kahiya naman! Siya marunong magtagalog pero ako hindi ako marunong mag korean.

Teka South Korea? Omo taga doon si Shin. Kyaaahh baka ito na ang chance ko na makita siya sa personal. Alam kong malaki ang South Korea pero gagawin ko ang lahat para makita ko siya at makausap. Omo! Ito na ba ang simula ng pangarap ko?

Saka naghahanap din ako ng trabaho para makatulong sa pamilya ko. Tiyak na malaki ang sweldo doon. Baka ito na rin ang chance na maiahon ko sila sa kahirapan. Para naman mapalitan ng lechon manok ang tuyo na madalas naming ulam.

“Ano papayag ka ba? I bet you cant say no if sasabihin kong dito madalas kumakain ng lunch si Shin sa restaurant! Diba idol mo si Shin Lee?” Omo! Pati iyon alam niya? Grabe naman! Stalker ko ba ang babaeng ito?

“Ofcourse! I stalked your profile!” Ang galing naman nya. Nakalkal niya talaga ang bawat sulok ng social media ko! Tapos alam niyang tatanongin ko siya kaya inunahan na niya ako! Magpatagisan kaya sila ni Ate sa panghuhula. Sino kayang mananalo sa kanila? They are both advance magisip eh.

“Papayag ka o papayag ka?” She asked.

Oh my ghad I cant say no.

Yes agad!

South Korea here I gooooo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height