Lost in Korea/C3 I am lost
+ Add to Library
Lost in Korea/C3 I am lost
+ Add to Library

C3 I am lost

Iyak lang ako nang iyak habang nakapatong pa rin sakin ang lalaki na patuloy akong ginagalaw. Napalingon ako sa gilid dahil hindi ko na kayang tignan ang pagmumukha ng lalaki sa ibabaw ko. Ito ang mahirap kapag nagpunta ka sa ibang bansa na first time mong mapuntahan. Yong tipong sa isang salita ka lamang kumakapit at agad agad kang nagtiwala dahil ang akala mo ay mabuti ang pakay niya sayo. Ngunit mali pala. Dapat nagsaliksik muna ako bago ako nagtiwala. Hindi sana ako aabot sa ganito. Hindi ko sana maranasan ang mapagkatuwaan.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang piraso ng chopstick na nakapatong sa mesa. Dali dali ko itong inabot saka tinusok ang tenga ng lalaki. Ayoko man gawin pero ito lamang ang natatangi kong paraan upang makatakas. Napadaing ang lalaki sa sakit kaya nabitawan niya ako. Agad ko naman siyang sinapak sa mukha saka itinulak pahulog sa sahig para makawala ako ng tuloyan sa pagkakakulong sa mga braso niya.

Tumayo ako at tatakbo na sana pero naabot ng lalaki ang buhok ko kaya hindi ako maka alis dahil hinila niya ang buhok ko. Napasigaw pa ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Iginala ko ang paningin ko sa gilid at may nakita akong vase sa na nakapatong sa lamesa. Binuhat ko ito at saka hinampas ang ulo ng lalaki dahilan para mawalan ito ng malay. Nabitawan niya ang buhok ko kaya nagmadali akong lumayo sa kanya habang patuloy na umiiyak.

“Anong kaguloha---Akira what are you doing?” Nakita ko ang galit na galit na pagmumukha ni Ms. Kim na nakatayo sa pinto. Nakapamewang pa ito habang nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Patuloy pa rin na bumubuhos ang luha sa mga mata ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. “Walanghiya ka! Niloko moko Ms. Kim!” Galit na sigaw ko. Nagtangka akong lumapit sa kanya para sana sabunotan siya ngunit napahinto ako ng tutokan niya ako ng baril. Napalunok ako sa kaba habang pinagmasdan ang baril na hawak niya. Ito na ba ang kataposan ko?

“Sige lumapit ka kung gusto mong mabura ang existence mo sa mundong ito!” Banta niya habang nakangisi at nakataas ang isang kilay.

How dare you Ms. Kim? Anong klase kang nilalang para saktan ako ng ganito.

Napaluhod naman ako sa harap niya. “Ms. Kim ayoko dito! Ibalik mo nalang ako sa pamilya ko! Please nagmamakaawa ako sa inyo!” Pagmamakaawa ko habang humahagulgol ng iyak. Hindi na mahinto sa pagpatak ang mga luha ko. Nananakit na yong mga mata ko sa kakaluha. “Babayaran nalang po kita sa lahat ng nagastos mo po. Please pauwiin mo lang po ako! Pangako! Hahanap ako ng trabaho para mabayaran po kita!”

Narinig kong tumawa si Ms. Kim. Yong tawa na para bang nababaliw na siya. “Wala ka nang magagawa pa Akira. Pumayag ka ibig sabihin sumangayon ka na sa gusto kong mangyari. Pagmamayari na kita ngayon Akira at hindi ka na makakawala pa!” Napahalakhak siya sa kanyang sinabi na sinabayan niya nang paghithit sa sigarilyong hawak niya.

Tinapunan ko siya ng masasamang tingin. “Magbabayad ka Ms. Kim! Magbabayad ka! ” Tumayo ako at tumakbo ng malakas palapit sa kanya. Wala na akong pake kung paputokan niya ako. Ang gusto ko lang ay ang makalaya ako at makalayo sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay itinulak ko siya para makalabas ako ng kwarto.

Nagpasalamat nalang ako dahil hindi niya ako binaril. Nais ko pang mabuhay dahil gusto ko pang makapiling ang pamilya ko.

Nang makalabas ako ng kwarto ay bumungad sakin ang balkonahi ng bahay ni Ms Kim. Dali dali akong tumakbo papuntang balkonahi at tinignan kung gaano kataas ang palapag na ito. Narinig ko ang mga yabag ni Ms. Kim kaya nilingon ko siya at nakita ko siyang naglalakad palapit sakin, dala ang baril niya. Dahil sa sobrang takot na baka matamaan ako ay nagmadali akong umakyat sa balkonahe at saka tumalon pababa upang makalabas ako ng bahay.

Napasigaw ako nang marinig kong pumutok ang baril na hawak niya. Naramdaman ko ang pagtama ng bala sa balikat ko. Ito na ba ang kataposan ko?

“Sige lang tumakas ka Akira. Kung hindi ako ang magkukulong sayo , pwes batas ang magkukulong sayo!”

Saka ko lang napagtanto na wala akong dalang papeles dahil nandoon kay Ms. Kim lahat at hindi ko alam kung saan niya iyon tinago. Mapagkamalan nila akong TNT ngunit bahala na. Babalikan ko nalang kapag humupa na ang gulo sa aming dalawa. Sa ngayon ay lalayo muna ako. Wala na akong lakas para ipagpatuloy ko ang pakikipaglaban sa kanya. Kung mahuli man ako ng mga police, mas mabuti na iyon kaysa si Ms. Kim ang makahuli sakin. Bahala na kung mabilanggo ako basta hindi lang sa bahay ni Ms. Kim. Baka kung lumapit ako sa mga police ay may chance pa akong makauwi at makapagsumbong. Sana lamang ay makinig sila sakin at tulongan nila ako.

“Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka!” Sigaw ni Ms Kim. Muli siyang nagpaputok at mabuti dahil hindi ako natamaan. Nanghihina na ako ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo, gusto kong makalayo sa lugar na ito.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Sinunod ko lang ang mga daan na nakikita ng dalawang mata ko. Sobrang sakit na ng balikat ko dahil sa sugat na natamo ko. Ramdam ko rin ang pag agos ng d*go sa balikat ko. Pagod na pagod na rin ako na parang anytime ay babagsak na ako. Nang makakita na ako ng mga tao ay huminto na ako sa pagtakbo. Pinagtitinginan ako ng mga tao at nakita ko silang bumubulong sa katabi nila. Pinaguusapan nila ako.

Huminga ako ng malalim saka iginala ang paningin sa buong paligid. Bumuhos na naman ang mga luha ko. Ang lugar na ito…

Ito ang lugar na dati rati kong pinapangarap na mapuntahan.

Ang laki ng kaibahan ng paligid nito sa lugar na kinalakihan ko. Iba iba talaga. Na kahit ang mga letra sa paligid ay hindi ko maintindihan. Pati na rin ang mga pinag uusapan nila ay hindi ko rin maintindihan. Paano na ako nito?

Nasa South Korea ako. Pero saang bahagi ng Korea ako naroroon? Hindi ko alam kung anong lugar ito. Hindi ko maintindihan ang mga signboard.

Saan ako magsimula? O dito na ba ang wakas ng buhay ko?

Paano ako makakauwi? Makakauwi pa ba talaga ako? Paano?

Napaiyak ako sa aking naisip at namalayan ko nalang na bumagsak na ako sa malamig na samento dahil sa sakit at pagod na naramdaman. Ubos na ubos na ako. Wala na akong lakas para bumangon pa. Ang sakit lang sa pakiramdam na naloko ka na nga tas nabaril ka pa. Tapos hindi mo rin alam kung saan ka patungo.

“I a-am lo-lost. I a-am lo-lost in Ko-korea…” Huli kong nabanggit bago nilamon ng kadiliman.

Third Person’s pov

“Ms. Kim bakit mo naman pinakawalan? Paniguradong malalagot ka kay Boss nito.” Wika ng isang lalaki habang nakasunod kay Ms Kim na humihithit pa rin ng sigarilyo. Bakas sa mukha nito ang pag aalala at takot. Nang mawala ang babae ay ayaw ng kumalma ang puso niya habang iniisip ang magiging reaction ng boss nila. Malilintikan talaga sila! Damay siya eh kasi siya ang assistant ni Kim.

“I will just let her enjoy her stay first before I will end her life. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi pwedeng hanggang dito nalang ang lahat. Kailangan kong magtagumpay! Kailangan kong makuha ang gusto ko.” Sigaw ni Ms Kim.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height