C32 Planning to escape
“Hindi mo ba talaga matandaan kung sino ang gustong pumatay sa inyo?” Tanong ni Halmoni. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng nasa panaginip ko na gusto kaming patayin ni Mommy. Umiling lang ako. Hindi ko talaga maalala.
“Eh ikaw po Halmoni? May clue po ba kayo kung sino?” Ako naman ang nagtanong. Madami kasing alam si Halmoni tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin. Ngunit tahimik lang daw siya
