Lost in Korea/C6 Helping the girl
+ Add to Library
Lost in Korea/C6 Helping the girl
+ Add to Library

C6 Helping the girl

Shin Pov

Nagtataka akong tinignan ang babae. I am so confused kung paano siya nakapasok dito at ano ang ginagawa niya. I don’t know her and I don’t care who she is. Pwede ko siyang kasohang trespassing sa ginagawa niya. She is probably one of my fan.

While staring at the girl bigla akong naisip na tawagan si Tito. Silang dalawa lang ni tita Shiona ang nakakaalam ng password ng pinto ko. Well, also my dad and my bro but they are not here. So back to the topic. Baka may alam si Tito kung sino ang babaeng ito. Siya ang naiisip kong kamag anak ko na gusto akong imatch sa ibang babae. Tsk siguro ay pakana na naman niya ito. Puro siya kalokohan!

*Dialing Tito’s number*

Fck! Ayaw sumagot! Maybe he is busy. Always naman yong busy. Nakalimutan kong doctor pala ang trabaho nun. May pasyente yatang kinakausap yon ngayon.

“Hey miss wake up!” Darn! Humihilik pa. Pamamahay mo to? Ibang klaseng babae!

Dinial ko ulit ang number ni tito but still cannot be reached. Si Tita nalang kaya? Baka masagot niya ang mga katanongan ko. Total nagkakasundo silang dalawa ni tito sa pagawa ng kalokohan. Tsk! Bagay nga sila! Parang nakasinghot ng dr*ga.

*Dialing Tita Shiona’s number*

“Yes Shin?” Buti pa si tita. Hindi yata ito busy. Sabagay sa party lang naman ito laging abala. Nagwowork siyang model pero hindi naman ganoon kabusy ang schedule niya.

“Tita can I ask kung sino itong babaeng nasa loob ng condo ko?” Tanong ko while staring at the girl. Patuloy pa rin itong humihilik kaya napairap ako. Nakakairita ang hilik niya. Parang baka na umuungol. Tsk!

“Sinong babae? Waka akong alam diyan Shin… Ahhh I heard your tito talking to the phone earlier. May ihihire siyang babae to be your personal maid“ She explained while giggling. Anong nakakatawa? Tsk!

Wala raw siyang alam pero alam ko namang siya ang kasama ng babaeng ito na nagpunta dito. I saw a lot of paper bags on the floor. Kabisado ko na ang brands ng product na gusto ni tita. Kaya I know for sure na sa kanya ito galing. Tsk! Iniispoiled niya ang babaeng ito.

Wait… Did she said personal maid? Seriously? Anong tingin nila sakin bata? I can live all alone by myself. I don’t need a maid at all. Mas peaceful ang buhay ko kung ako lang ang mag isa dito.

“Tita alam niyo naman diba na ayaw na ayaw ko ng ibang tao sa pamamahay ko lalong lalo na babae!” Sigaw ko. Naiinis ako! Sobrang naiinis ako. Nakakarami na sila sa akin!

“Hmmm…” Mukhang nagising yong babae sa gising ko. Nakita ko siyang magdilat ng mata. Nang tumingin siya sa akin ay inirapan ko siya.

“I’ll talk to you guys later!” I said then hang up. May kailangan akong gagawin na trabaho.

Nilapitan ko ang babae na nakahiga pa rin sa sahig. Nakataas ang kilay ko habang tinitignan siya ng masama.

“What are you doing here?” I said habang tinitignan siya ng seryoso. Gusto kong ipaabot sa kanya kung gaano kasama ang tingin ko sa kanya. Gusto kong matakot siya sa akin at magpaalam na umalis dito.

Pero si babae, nanatili lang na nakatulala habang nakatingin sa akin. Hindi na siya gumagalaw at mukhang timang na nakanganga lang. Nababaliw na yata ito. Yumuko ako at iwinagayway ang kamay ko sa harap niya.

“Binabayaran kaba ng tito ko para landiin ako?” I asked.

Nagulat siya sa tinanong ko. Mukhang nagising ang diwa niya dahil sa tanong ko. Ikinurap kurap niya ang mga mata niya at saka niya ito nirub gamit ang kanan niyang kamay.

“Hi-hindi!” Matipid at nauutal niyang sagot. “Hindi ako binayaran para landiin ka.”

Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Then what are you waiting for? I don’t want a person na mukhang squater like you here in my condo! You don’t belong here. I don’t like you so back off.” Galit na sigaw ko sabay hila sa kanya papunta sa veranda.

“Sir Shin te-teka!” Pagmamakaawa niya pero hindi ko siya pinakinggan. Narinig ko siyang umaray pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya! Kasalanan naman niya kasi pumasok siya sa condo ko nang walang pahintulot sa akin. Nagdirediretso lang ako sa paghatak sa kanya papuntang veranda. Nang makarating na kami ay itinulak ko siya dahilan para mapaupo siya sa sahig. Rumehistro ang sakit sa kanyang mukha at nakita ko ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng awa.

I am being too much but I don’t care. I hate being sorrounded with other girls. She must be an obsessive fan of me and maybe she paid my uncle to access me.

“Aww!” Napadaing siya.

“Diyan ka magstay. Diyan ka nababagay. Gusto mong makasama ang isang katulad ko? Pwes! Hindi mo deserve iyon. Diyan ka sa labas. Deserve mo yan. Sasaeng!” Sabi ko saka siya sinaraduhan.

Nagtungo ako sa kusina at nagluto muna ako ng pagkain ko. Nang matapos ako ay kinain ko ito habang nanunuod ng tv. As usual, concert ko ang pinapanuod ko. Ang gwapo ko sa screen. Pero mas gwapo ako sa personal.

Tss! Baka pagsamantalaan pa ako ng babaeng iyon. Yong damit niya ang iksi. Tss! Hindi naman bagay sa kanya. Wala na akong tiwala sa babae. Nag iisa lang ang babae sa puso ko kaya sarado na ang puso ko sa iba.

Lumipas ang isang oras at natapos na ako sa pagkain. Naisipan kong maligo muna kaya umakyat ako sa kwarto ko. Napadaan ako sa veranda at narinig kong may umiiyak kaya tinignan ko ang babae. May hawak itong cellphone at parang may kausap siya. Naglakad ako palapit sa veranda at binuksan ng konti ang pinto. Narinig ko ang hagulgol ng babae.

“Doc Lee este Kuya Pogi *sobs* ang sama po ng pamangkin nyo!” Wtf… Tss! Sumbongera. Nagpapatulong pa sa uncle ko. Ang weak!

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpunta nalang ako sa banyo para maligo. Gusto kong ilabas sa banyo lahat ng galit ko. I need a shower to calm myself and wash away my anger.

Tsk! Nagsumbong ang duwag. Edi mas maganda. Sana kunin siya ni Tito at doon nalang sa kanila patirahin. Mahilig naman siya sa babae kaya walang problema sa kanya yon.

30 minutes later narinig kong may nag doorbell. Nagtapis muna ako ng tuwalya saka nagtungo sa pinto upang tignan kung sino yon. Nang mabuksan ko na… Isang kamao ang sumalubong sa akin na ikinagulat ko.

“Fck para saan yon?” Galit na tanong ko kay Tito habang hinimas himas ang pisnge ko. Huwag naman sanang magkapasa. May photoshoot akong pupuntahan bukas. Hindi pwedeng masira ang gwapo kong mukha.

“Para iyan sa pagtrato mo na parang hayop kay Akira. Tsk! Mas hayop ka pa sa hayop! Anong klase kang lalaki ha?” Galit na sigaw niya. Muli niya akong inambaan ng suntok na naiwasan ko naman.

“I told you hindi ako tumatanggap ng tao sa pamamahay ko.” Sagot ko saka siya tinalikuran.

“Where is she? Kung ayaw mo sa kanya. Samin nalang siya titira.” He asked. Good! Mabuti at siya na ang nagsuggest.

“Nandun sa veranda.” Walang emosyong sagot ko.

Gumuhit ang gulat sa kanyang mukha. “Gago ka! Aware ka namang malapit na ang winter season. Bakit mo siya doon pinagstay? Napakasama mo!” Tumakbo siya papunta sa veranda. Sumunod naman ako at nakita ko yong babae na nakahiga sa sahig at nanginginig na sa lamig. Namumutla na ang kanyang mga labi dahil sa ginaw.

Napayuko ako. Kinagat ko ang labi ko. Nakaramdam ako bigla ng konsensya dahil sa ginawa ko. I am being so bad to her.

“Hey Akira! Wake up!” Nag aalalang tawag ni Tito sa babae na Akira pala ang pangalan. Nakaramdam ako ng inis sa paraan niya ng pagtrato nito. Para niya itong anak at takot siyang mapahamak ito. I hate it. I don’t like him being like that.

Nagmulat ng mga mata ang babae. Nang makita niya si Tito ay sunod sunod nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. “Kuya Pogi ayaw ko na dito. Ibalik mo nalang ako kay Ms. Kim. Mas okay pa dun kaysa dito!” Nanghihina niyang saad.

Ms. Kim? Sounds familiar…

Binuhat siya ni Tito saka pinahiga sa sofa na nasa sala. Hinipo ni tito ang noo ng babae at napailing iling siya. “You are burning Akira. I’ll go get your medicine.” Tumayo si tito at tinalikuran kami. Nagtungo siya sa kusina kung nasaan ang mga stock ng gamot na binili ko just in case of emergency.

Sinundan ko si tito sa kusina. Nakakrus ang mga braso ko habang nakatingin ng seryoso sa kanya. “Ms. Kim?” I asked out of curiosity.

Lumingon si Tito sakin. Tinignan niya ako ng masama. Huminga siya ng malalim at saka nagpatuloy sa paghahanap ng gamot.

“If you don’t want to help her and let her stay in your condo. Dadalhin ko nalang siya sa bahay namin. “ Malamig na sabi niya.

“Who’s that girl ? Bakit ang bait bait mo sa kanya? Binayaran mo ba yan para landiin ako?” Ilang taon na kasi akong single. Gusto nilang magkaroon ako ng girlfriend. Ngunit hindi pa dumadating ang babaeng pinapangarap kong makasama ulit. Kaya palagi kong inaayawan ang mga gusto nila.

Nilingon niya ako at mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Umigting ang panga niya at akmang susuntokin na naman ako ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Napabuntong hininga siya. Sa ganoong paraan niya pinapakalma ang sarili niya.

“Napakahayop mo. Ipinadala ko siya dito upang may makasama ka---” I cut his words.

“I don’t want an accompany with a---” He cut my words too.

“You know Kim right?” He asked.

Oh .. Now I remembered.

“Your ex? Yong nangingidnap ng babae para gawing prostitute?” Tumango naman siya.

“Yes she is and that girl… “ Tinuro niya ang sala kung nasaan si Akira. “Is one of her victim” Sabi niya na ikinagulat ko.

Ang babaeng iyon? Biktima ni Kim?

Napatingin naman ako sa sala at narinig kong umuungol ang babae habang umiiyak at sumisigaw. “Huwag po! Please maawa po kayo!”

“Akiraa!” Nag aalalang sabi ni Tito. Kinuha niya ang gamot na nahanap niya at saka siya bumalik sa sala at ginising si Akira na sa tingin ko ay nanaginip ng masama.

Nakaramdam naman ako ng awa sa babae. At the same time ay nagagalit ako sa sarili ko. Fck! Ang sama mo Shin! Ang sama mo!

“Hindi ko siya pwedeng dalhin sa bahay. Alam ni Kim ang bahay ko. Nakikita ko siyang dumadaan sa bahay minsan kaya may chance na makikita niya si Akira. Kaya gusto ko siyang itago sa ibang bahay. Nanganganib ang buhay niya.” Mahinang sabi niya. Itinaas niya ang manggas ng suot ni Akira at may nakita akong bandage doon. “3 days ago, I saw her on the road. May tama siya ng bala sa balikat. She doesn’t deserve it. She is innocent.”

Nagulat ako sa sinabi niya habang pinagmasdan ang braso ni Akira na ginagamot niya. “I’ll help her.“ I said out of nowhere. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon pero gusto kong tulongan ang babaeng ito.

Lumingon si tito sakin. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “What did you just said?” Nakakunot noong tanong ni Tito. Ang oa niya talaga mag react. Para siyang bading.

“I’ll help her!” I repeated.

Kim is powerful. May connection siya sa mga authority kaya hindi siya nahuhuli. But I will try my best to help her. Gusto kong bumawi sa babaeng to. I will use my connections to help this lady.

“Are you sure?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Tsk! He is being so OA!

Tumingin ako sa babae at tumango. “Yes I am sure! I will try my best to help her.”

Sumilay ang ngiti sa labi ni tito. “Well then… Just make sure that she is safe always.” Muli niyang ibinalik ang tingin kay Akira na ngayon ay nakatulog na ulit. She must be tired. Namumula ang mukha niya dahil sa taas ng lagnat niya.

“And one more thing is… Make her happy.”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height