Lost in Korea/C7 I'm sorry
+ Add to Library
Lost in Korea/C7 I'm sorry
+ Add to Library

C7 I'm sorry

Akira Pov

“Good morning sweetheart!” Bati ni Shin, dala ang isang tray ng pagkain.

Napakurap kurap ako sa nakita ko. Namamalik mata ba ako? Woah totoo ba to? Si Shin… Tinawag niya akong sweetheart at binati pa niya ako? Akala ko ba ayaw niya sa akin?

Nanaginip lang yata ako. Tulog pa ako. Oo! Ganoon nga! Tulog ako!

“Here’s your breakfast. Kumain kana!” Sabi niya saka lumapit sakin. Totoo ba talaga ito?

Napaitlag ako dahil sa gulat dahilan para mauntog ako sa headboard ng kama. Napapikit ako sabay himas sa ulo ko. Nang imulat kong muli ang mga mata ko ay walang Shin na may dalang pagkain ang nakatayo sa harap ko.

Nag iilusyon lang talaga ako. Hindi yon totoo. Imaginations ko lang iyon. Fake Shin yon. Baka may multo dito tapos ginaya lang ang mukha ni Shin. Tas naglaho nang ipikit ko ang mga mata ko. Haystt…

Tatayo na sana ako, ngunit nakaagaw ng pansin ko ang isang cup noodles na hindi pa nabubuksan na nakapatong sa lamesang nasa gilid ng kama ko. Kinuha ko iyon at saka napansin ang isang letter na nakapaskil dito. Saan naman ito galing?

Hey Akira, about last night. Im sorry.

-Shin

Tss… Manigas siya. Totoo palang naroon siya sa harapan ko kanina. Ambilis naman niyang maglaho. May lahi yatang super sayans yon. Makapal muks niya di porket fan niya ako ay kikiligin na ako sa sorry niya. Ang tindi kaya nang ginawa niya sakin kagabi. Ang lamig lamig sa labas tapos pinalabas niya ako. Nagkalagnat tuloy ako. Abnormal ba siya?

Pero… Eh! Ano ba! Secret lang natin to ah. Pero kinilig talaga ako. Hmm… Slight lang naman. Kakaloka ang pagiging marupok ko jusko. Hindi ako makapaniwala na siya pala ang pamangkin ni Doc Lee. Kyaaaahh! Tas makakasama ko pa siyang tumira sa iisang bahay.

OMG! Dininig ng langit ang hiling ko. Wish ko lang namang makita si Shin sa personal pero may pabonus pa naku! Ang gwapo gwapo niya sa malapitan.

Lumabas na ako ng kwarto at saka nagpunta sa kusina bitbit ang noodles na binigay niya. Pagkarating ko sa kusina ay agad akong nagpakulo ng tubig gamit ang heater. Alam ko kung paano ito gamitin kasi minsan din akong naging isang kasambahay dati sa isang mayaman na pamilya. Hmm… Medyo mas bongga nga lang itong kay Shin. Mukhang kakabili lang. Sana all mayaman!

Brrrrr -tunog yan ng tyan ko.

Peste gutom na talaga ako. Kinuha ko ang noodles saka ito binuksan. Ang effort naman ng lalaking to. Noodles talaga . Hindi naman ako maarte pero slight lang. Subokan niyong sabihin na sakin nagmana ang mga kapatid ko. Kundi… Kayo ang maglalaba ng damit ni Shin. Char! Dapat ako lang maglalaba don. Ako ang maid diba? Mwehehehe maaamoy ko ang amoy niya.

Saka hindi naman ako koreana kaya hindi ako sanay na ito ang almusal ko. Hmm… Pero mukha naman akong koreana kasi cute yong mata ko.

Nang kumulo na ang tubig ay kinuha ko na ito saka inihalo sa noodles para lutuin ang noodles para makakain na ako. Kinuha ko ang pampalasa na diko alam kung ano kasi nakasulat siya sa hanggul guys. Hiniwalay ko muna ang noodles sa tubig bago inihalo ang pampalasa. Mukhang masarap kasi kulay pula. Parang sinahogan ng madaming sangkap. Nakakagutom! Kumuha ako ng tinidor saka ito inihalo lahat. Buti nalang talaga may tinidor siya kasi hindi ako marunong gumamit ng chopstick. Nang mahalo na ay inikot ikot ko na ito sa hawak kong tinidor at hinipan muna bago isubo. Ngunit nang maisubo ko na ito ay nailuwa ko naman ito agad dahil sa sobrang anghang.

Dali dali akong nagtungo sa ref at kumuha ng gatas at saka ito ininom. Punyawa bakit samyang ang ibinigay niya sakin. Ang anghang shemay. Dinaig ko pa yong nagmukbang sa social media. Huhu hindi ko pa naman bet ang maanghang na pagkain. Hindi man lang ba siya aware doon. Excuse me! Hindi kaya lahat ng tao ay mahilig sa maanghang. Grabe! Isang subo ko pa lang, parang umapoy na yong bibig ko. Nakakain na ako ng maanghang na pagkain dati pero hindi naman ganito kaanghang. Jusko!

“I hate you Shinnnn!” Sigaw ko. Parang dragon na bumuga ng apoy ang bibig ko. Gusto kong magwala at murahin siya. Pinagtitripan yata ako ng lalaking iyon. Ang sama niya! Sarap niyang bogbogin at tadyakan. I hate him super duper!

“Sana mabaog ka Shin!” Yan! Dapat isumpa ang isang katulad niya. Desurb niyang maging lonely forever kung ganyan kasama ang ugali niya. Akala ko mabait siya kasi ang cute niya sa concert niya. Nakikipag asaran siya sa mga fans niya. Palabas lang pala yon. “Animal ka Shin Lee!”

“You hate me? Why?” Tanong ng isang familiar na boses na nagmula sa bandang likuran ko.

Gulat akong napalingon sa may hagdan at nakita ko siyang nakatayo habang nakakunot ang noo na nakatingin sakin. Nabitawan ko ang hawak kong tinidor at napalunok ako sa kaba habang tinitignan ang seryoso niyang mukha. Omg! Baka ibitay niya ako dito o baka ihulog sa bintana. Nakakatakot! Magsisimula na ba akong ipagdasal ang kaluluwa ko? Gaano kaya kataas ang building na ito? Sana hindi masira ang mukha ko kung sakaling ihulog niya ako sa building. Dapat pretty pa rin ako kahit hindi na humihinga.

Gosh! Naiimagine ko tuloy kung ano ang itsura ko kapag inihulog niya ako. Naku wag naman sana. Doc Lee help!

“Uhm… ” Peste wala akong masabi! Hindi mapakali yong mata ko sa kakatingin kahit saan. Ramdam ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko. Kabadong kabado ako beh. Ang dami kong sinabi kanina at mukhang narinig niya iyon lahat.

Inikotan ko nalang siya ng mata. Kahit gwapo siya at crush ko siya, hindi parin mawala sa loob ko yong ginawa niya sakin kagabi at pagbigay niya ng maanghang na noodles. Kunwari nakasimangot ako para huwag ipahalata sa kanya ang kaba ko. Baka kasi nagalit talaga siya sa mga narinig niyang sinabi ko kanina. Pero kasalanan naman niya iyon. Kasalanan niya lahat. Boset siya!

Nakita ko siyang naglakad papunta sakin wearing a smirk on his face. “What’s your problem? May dalaw kaba? And wait… Did you just wish na mabaog ako? Sayang naman ang lahi ko kapag hindi nasundan. Wala ng titingalaing kagwapohan ang future generation. Kawawa naman sila.” Ngumisi siya na para bang tuwang tuwa siya sa itinanong niya. Ano bang nakakatawa don eh nakakainis kaya. Tsk! Ang yabang at ang hangin pa niya. Huwag naman sanang magka ipo ipo dito. Lakas ng hangin niya eh. Huwag sana siyang umikot.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Dalaw your face. Ang hangin mo!” I rolled my eyes again. Nakakainis talaga siya. Inaasar niya ako sa mga ngiti at tingin niya. Mukha siyang unggoy.

May gwapo rin namang unggoy no. Si Shin Lee ang patunay.

Napatingin siya sa lamesa at nakita niya ang noodles na binigay niya sakin sabay tingin ulit sa mukha ko at saka humagalpak ng tawa. Ayan na naman. Boset siya! Kung sabuyan ko kaya siya ng mainit na tubig. Nakakagigil ang mga tawa niya. Nakakainit ng dugo!

“That was epic HAHAHAHA!” Hinayupak! Sinadya niya siguro yon.

“Sinadya mo yon no? Putangina ka with respect!” Dumako ang paningin ko sa mga plato. Nang akmang kukunin ko iyon at ibabato sa kanya ay pinigilan niya ako. Saka ko lang narealized na wala pala ako sa pamamahay ko. Naku! Kapag naibato ko iyon sa kanya. Babayaran ko pa ang nabasag na mukha—ay este nabasag na plato. Mukhang mamahalin pa naman ang mga plato niya. Plus din ang mukha niyang pwede mong ihambing sa mamahaling plato. Total sarap basagin ng mukha niya. Charot lang! Malalagot ako kapag nagkataon. Baka masabunotan ako ng mga fans niya kapag inaway ko siya.

“Sorry. I didn’t know that you are not into spicy food.” Paliwanag niya habang natatawa pa. Sincere ba talaga ang paghingi niya ng sorry? Parang pilit lang eh. Tumatawa kasi siya. Lakas makabwesit. May ganito palang ugali ang Shin na ito.

“Whatever!” I rolled my eyes again. “May pagkain kaba dito, bukod sa spicy noodles mo? Gutom na ako eh!” Nakangusong sabi ko. Hinimas ko ang tiyan ko na kanina pa umiiyak. Naku! Kawawa naman ang mga babies ko.

Napailing iling siya saka tumawa ng mahina. “Ofcourse I have!” Nagtungo siya sa ref at kumuha ng… Hotdog? Omg! Looks so yummy! Napakurap kurap ako sa hawak niyang hotdog sabay napalunok. Waaaahhh! Sherep! Ang lulusog!

Pwedeng yong hotdog mo nalang Shi? Hihihi!

Gagu ka Akiraa saan kaba nakatingin? Behave ka nga! Hindi ka pinalaking ganyan ni mama. Ikalma mo ang sarili mo.

Inabot niya sakin ang hotdog niya este yong hawak niya saka isinenyas sakin ang stove niyang mamahalin. Ngunit nanatili lang akong nakatayo sa harap niya at nakatingin sa kanya.

“What? Cook it” kunot noong utos niya.

Napanguso ako. “Bakit ako?”

“Bakit ikaw? I thought you are my maid here.” Nagsimula na siyang mainis sakin.

Mas humaba ang nguso ko. “Di ako marunong gumamit nyan.” Tinuro ko ang stove.

May ganyan yong amo ko dati kaso hindi naman nila pinapagamit sakin. Sa dirty kitchen lang ako nagluluto at nagsasaing ng pagkain. Ewan ko, takot yata sila na baka masira ko ang gamit nila.

Bumaling naman ang tingin niya sa stove. Napabuntong hininga siya bago muling ibinalik ang tingin sakin. “C’mon let me teach you.” Sabay hawak sa wrist ko at hinila ako papunta sa stove. Ang lamig ng kamay niya. Nakakakiliti!

Tinuroan niya ako kung paano iyon gamitin. Siya narin ang nagluto ng almusal samantalang nanuod lamang ako sa kanya. Nagprito lang naman siya pero ang galing niya. Ang sexy niya tignan habang nagluluto. Dagdag mo pa yong serious look niya habang nakatingin sa kalan. Ang gwapo niya talaga. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ngayon.

Nakatingin lang naman ako sa kanya pero pakiramdam ko busog na ako. Parang kompleto na ang araw ko at hindi ko na kailangang kumain pa ng almusal.

Sabay naming kinain ang niluto niya habang naguusap ng kung ano anong bagay na related sa aming dalawa. Masaya naman pala siya kasama. Sadyang nabigla lang talaga siya kagabi kasi hindi siya sanay na may ibang tao sa pamamahay niya. Grabe pala siya mabigla. Ang sakit sa damdamin niya mabigla. Nakakaiyak pala kapag nabigla siya. Nakakaloka siya.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga plato. Samantalang si Shin naman ay naligo dahil may lakad siya. Napangiti nalang ako dahil hindi ko inakala na yong hinahangaan kong lalaki dati ay kasa kasama ko sa isang bubong ngayon. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakalutang sa cloud 9. Mas lumalalim tuloy yong paghanga ko sa kanya.

“Alis na ako. Ikaw na ang bahala sa bahay natin ah!” Paalam niya. Omg! Bahay daw namin? Uwaaaaahhhhh!

Napamaang nalang ako sa nakita kong postura niya. He’s wearing a blue long sleeve polo? Habang naka tuck in naman ang black slack na tinernohan niya ng black tick tack shoes at shades. Kaloka ang gwapo! Para siyang Ceo sa isang magarang kompanya. Ang fit pa ng suot niya, hapit na hapit sa masculado niyang katawan. Makalaglag panty ang peg.

“Si-sige i-ingat!” Nauutal kong sabi. Pinagpawisan ako kahit malamig naman ang paligid.

Ngumiti naman siya sakin, yong ngiting nagpapawala ng mga mata niya. Omay gulay ang singkit ng mata niya. Ang cute tignan. Ginulo niya ang buhok ko bago niya ako tinalikuran. Lalabas na sana siya ng bahay ngunit napahinto siya at muling lumingon sakin na ipinagtaka ko.

“Bakit?”

Dumako ang tingin niya sa balikat kong may sugat kaya napatingin din ako doon. Oo nga pala! Hindi ko pa ito nagagamot. Mamaya siguro pagka alis niya.

“Don’t forget to put medicine on your wounds. Take care of yourself okay!” Paalala niya saka niya ginulo ulit ang buhok ko. Ano ba! Magulo na nga yong buhok ko tapos ginugulo pa niya lalo. Pero… Nalusaw din yong inis ko nang muli niya akong ngitian. Sumilay pa yong malalim niyang dimples. Dagdag kakisigan at kapogian.

“Alis na ako ha. Bye!” Kinawayan muna niya ako bago siya lumabas ng condo.

Samantalang ako naman ay nanatili lang na nakatulala at nakanganga habang nakatingin sa saradong pinto kung saan siya lumabas. Waaahhh! Putek ang gwapo ni Shin. Napahawak ako sa pisngi kong mainit. Ang gwapo gwapo niya!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height