Lost in Korea/C8 Meet the girl friend
+ Add to Library
Lost in Korea/C8 Meet the girl friend
+ Add to Library

C8 Meet the girl friend

Akira POV

Abala ako sa pagvavacuum ng sahig nang marinig kong nagring ang doorbell. Pinatay ko muna ang vacuum bago ako nagpunta sa pinto para tignan kung sino iyon. Kinakabahan ako, baka kung sino ito. Baka isa ito sa mga tauhan ni Ms. Kim ay kunin nila ako.

Akira, kalma lang self! Huwag kang mag overthink. Buksan mo ang pinto. Baka importante yan o baka si doc Lee yan o si Ms. Shiona.

Okay! Huminga ako ng malalim at saka pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang isang babaeng korean na nakatayo sa harap ng pinto. Seryoso ang mukha niya na mukhang naiinip na dahil matagal kong nabuksan ang pinto.

Tumaas ang kilay niya habang nakatingin ng diretso sa kabuohan ko. Napalunok ako dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay kung ano ano na ang sinasabi niya sa isipan niya tungkol sakin. Ang seryoso ng mukha niya. Masungit. May sinasabi siya ngunit hindi ko siya maindihan kasi purong korean language ang gamit niya.

Pahiram tissue. Dumudugo ang ilong ko.

Ngumiti ako ng matamis at puno ng respeto. Nagvow ako sa harap niya upang humingi ng paumanhin sapagkat hindi ko naintindihan ang sinabi niya. “I don’t understand you. Can you speak in english ma’am?” Magalang kong pakiusap sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Nawala yong kasungitan sa mukha niya. “Oh… I’ll come back later!” Sabi niya saka niya ako tinalikuran. Ganoon nalang yon?

Sino ba yon? Mukhang bisita yata ni Shin iyon. Hindi ba siya sinabihan ni Shin na may work ang lalaking iyon ngayon? Tsk! Tsk!

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglilinis ng bahay. Mabuti nalang at marunong akong gumamit ng vacuum cleaner. Tinuroan ako ni Sia, yong kaibigan ko sa Pilipinas na isang maid din. Don’t touch me. Fast learner kaya ako. Mabilis akong matuto sa mga bagay bagay.

Pagkatapos kong maglinis ay humiga na ako sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone kong bigay ni Doc Lee. Binuksan ko ang bagong facebook account ko at saka nagtingin tingin sa newsfeed. Kailangan kong bagohin ang account ko at itago ang totoong katauhan ko para hindi ako matrace ng kahit na sino.

Ano ba yan! Wala namang kalaman laman ang newsfeed ko kasi kaunti lang ang friends ko. Si doc Lee at Ms. Shiona lang. Puro picture ni Ms. Shiona ang nakikita ko.

“Ill find you… “

Umagaw ng pansin ko ang isang post sa facebook. Nagtataka ako kung paanong andito ang post na ito sa newsfeed ko. Tinignan ko ang profile ng nagpost at nakakapagtakang blangko lang ang account na iyon at ito lamang ang post ng may ari. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang post na iyon. Dali dali kong blinock ang account na iyon at saka pinatay ang cellphone ko. Bigla kong naalala si Ms. Kim dahil sa post na iyon kaya hindi ko maiwasan ang mapaluha dahil sa takot at kaba. Niyakap ko ang sarili ko at saka humagulgol ng iyak.

Third person’s POV

“Eomma helpp meee!” Sigaw ng isang batang dugoan habang hawak ito ng isang lalaki. Umiiyak ang bata at habang patuloy na pumipiglas ngunit sadyang malakas ang lalaki na may hawak nito dahil kahit anong gawin ng bata ay hindi ito makawala.

“Shinaaa! Please don’t hurt my daughter! Im begging you!” Pagmamakaawa niya habang nakaluhod sa lupa at patuloy na umiiyak at sumisigaw.

“Eomma!” Hindi na niya narinig ang ibang sinabi ng bata dahil nawalan na siya ng malay matapos makatanggap ng isang malakas na hampas sa ulo niya.

Nagising siya mula sa bangongot na yon. Tulala siyang nakatingin sa ere habang iniisip ang kanyang panaginip habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Niyakap niya ang kanyang sarili habang binubulong ang pangalan ng anak na ngayon ay hindi niya alam kung saan itinago ng mga kalaban niya.

“Ma’am inomin niyo na po ang gamot ninyo.” Aniya ng kanyang nurse bitbit ang isang tray na may lamang gamot at pagkain. Kasama ng nurse ang isang lalaki na may malaking ngiti na nakaukit sa kanyang mga labi. May dala itong boquet ng bulaklak na mukhang mamahalin dahil sa ganda nito.

Tumingin ang babae sa lalaki at saka umiyak nang umiyak. “Nasaan ang anak ko? Nasan si Shina? Hinahanap niya ako!” Tanong niya sa lalaki. Ang lalaki lamang ang nakakaalam kung nasaan ang anak niya, kung saan ito itinago ng mga kalaban niya… Iyon ang akala niya.

Napailing iling ang lalaki at sinubokang pakalmahin ang babae na umiiyak at hinahanap ang anak niya. Nawawala na ito sa sarili at nagsimula nang magwala habang sinisigaw ang pangalan ng kanyang anak. Hinawakan siya ng nurse at lalaki at pinilit siyang pakalmahin ng mga ito.

“Shhh tahan na tahan na. Alam mo naman diba ang kasundoan natin. Ibibigay ko si Shina sayo kapag naibigay mo sakin ang hinihingi ko.” Bulong nito sa kanya habang hinahaplos nito ang buhok niya.

“Hindi ko na mahanap si Akira. Nagtatago siya, nagtatago siya! Pakiusap tulongan mo nalang akong mahanap si Shina kahit hindi ko natupad ang pangako ko sayo.” Umiling iling na paliwanag niya sa lalaki habang patuloy na lumuluha. Nawawala na siya sa katinuan. Napapraning na siya at hindi na siya mapakali kakatingin kahit saan.

Ang hindi niya alam ay sinasamantala ng lalaki ang kahinaan niya at aliw na aliw ito habang inaasar siya at pinagkakatuwaan. Ang hindi niya alam ay may nilalagay itong gamot sa inumin niya kaya mas lalo siyang nawawala sa katinuan.

Ngumiwi ang lalaki. Tumayo ito at napasigaw ang nurse nang bigla nitong sinampal ang kawawang babae na mas lalong umiyak matapos makaramdam ng sakit. “Tsk! Hanggang di mo siya mahahanap. Hindi ko ibibigay si Shina sayo!” Parang bata na sabi ng lalaki, dahilan para mas lalong humagolgol ang kawawang babae na paniwalang paniwala sa kanya. Tumawa ng malakas ang lalaki bago sampalin ulit ang babae sa kabilang pisnge. “Uto uto!”

Sinenyasan ng lalaki ang nurse na turokan ng pampatulog ang babae na agad namang sinunod ng nurse. Ilang sandali pa ay tuloyan nang nakatulog ang babae na basang basa ang pisnge dahil sa luha. Namamaga ang magkabilang pisnge nito dahil sa tinamo nitong sampal na nagmula sa kamay ng lalaki. Napangisi naman ang lalaki habang nakatingin sa babae. Hinaplos niya ang mukha nito.

“Kahit kailan wala kang kwenta! Dapat lang yan sayo. Isang mangmang at uto uto!” Natatawang sabi ng lalaki bago nito nilisan ang silid na kinaruruonan ng babae.

Akira POV

Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa si Shin nito kasama ang babae—yong babaeng nagdoorbell kanina. Naguusap sila nito na hindi ko maintindihan dahil korean language ang ginagamit nilang language.

Next time, mag aaral na talaga akong mag korean. Char!

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagluluto ng paborito kong ulam… Ang adobo! Yeah! I’m cooking filipino food. Balak ko sanang ipatikim kay Shin ngunit sa lagay na ito ay dalawa silang magsasalo nito. Anyway madami naman ito kaya hindi naman siguro kulang ito sa aming tatlo. Oh yes! Saming tatlo! Ako nagluto nito kaya dapat may shares din ako. Gutom na kaya ako. Alangan namang papanuorin ko lang silang kumain. Alam kong maid ako at hindi dapat ako sumabay sa kanila o ano pero kasi nagugutom na ako. Saka role ko rin dito ang mag panggap na sistah ni Shin kaya 50 50 lang ang pagiging maid ko dito. Easy pissy lang naman maglinis ng bahay.

“Akiraaa!” Malambing na tawag sakin ni Shin. Ano kaya ang gusto niya? Tss! Nagdala pa siya ng babae. Ang sabi niya ayaw niyang magpapasok ng babae dito. Tsk! Sinungaling!

Napalingon naman ako sa gawi nila at nakita kong parehas silang nakatingin sakin. Sinimangutan ako ng babae habang nakataas ang kanyang kilay. Anong pinuputok ng buchi nito? Ano gusto ba niyang magpagalingan kami sa pagiging maldita?

Napatingin ako sa kamay niyang nakakakapit sa braso ni Shin. Pasimple akong napairap. Kung makakapit, parang unggoy. Naku! Nakakaloka! Bagay talaga sila. Bagay na bagay!

Hindi ako nagseselos ha! Hindi talaga! Pake ko sa kanilang dalawa. Kahit yumakap pa yang babaeng yan kay Shin na parang Tarsier. Wala akong pake! Pero bakit nga ba naiinis ako? Ay shet! Secret ko lang iyon! Huwag kayong chismosa! Okay?

Naglakad sila papalapit sakin. “Chunya! I want you to meet Akira my sister!” Pakilala ni Shin sakin. Tsk!

“Oh I didn’t know that you have a sister. Hmm… Btw, I am Chunya Park, Shin’s future girlfriend!” Pakilala niya sakin. Abot hanggang tenga ang ngisi niya na sobrang nakakainis. Bakit ba siya ngumingiti? Kinikilig ba siya? So eww!

“She lives in the Philippines and she’s here to have a vacation.” Tugon ni Shin habang napakamot sa ulo niya. Parang nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan namin ng Chunyang ito.

Wtf? Siya? Future jowa ng asawa ko? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tss! Hindi hamak na mas maganda ako sa kanya. Tss! Ampangit ng taste mo Shin. Hindi naman ako nagseselos. So what ang ganda ganda ko kaya.

“What you got here?” Tanong ni Shin sabay tingin sa niluluto ko. “Mmm what’s that? Mmm smells good huh!”

“I am cooking adobo, Pilipino’s pride.” Proud kong sagot habang nakangiti ng matamis. Tapos ko na itong lutuin at nailagay ko na ito sa mangkok, ready na to serve. Napapikit ako nang maamoy ko ito. Yum ang bango!

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ni Shin habang nakatingin sa niluto ko. Lumungkot bigla ang mga mata niya na hindi ko maintindihan kung bakit. Ngunit gayon paman ay nakikita ko pa rin sa kanyang reaction na natatakam siya sa niluto ko kaya sinabihan ko siyang kumain na. Tumango siya at kumuha ng chopstick saka siya kumuha ng isang pirasong karne. Hinipan muna niya ito bago isinubo.

Napatango tango siya. “Delicioussss!” Sinabi niya iyon habang nakatingala sa kisame.

Nag thumbs up siya para ipakita ang pagkagusto niya sa pagkain na niluto ko. Tss! Nakakaloka siya magreact. Pero napangiti pa rin ako. Kinikilig ako kasi nagustohan niya ang pagkaing niluto ko. Dream ko kasi iyon eh. Na kapag nakita ko siya ay ipagluluto ko siya ng adobo. Masaya ako na natupad ang hiling kong iyon.

Nilingon ko ang bisita na kanina pa naglalaway sa hinanda ko. Parang baliw bakit hindi siya kumuha. Hanggang tingin lang kasi siya habang nagspasparkle ang mga mata niya. “Why don’t you try it?” Pagaalok ko sa kanya. Panay pa kasi ang pacute niya. Bat di nalang niya ako diretsohin?

Kumuha siya ng pair ng chopsticks at kumuha rin ng isang piraso mula sa mangkok. Sinubo niya ito at saka nginuya nang nginuya habang tumatango. Nag thumbs up siya na ang ibig sabihin ay nagustohan niya ang niluto ko.

“Yeah it is! It’s delicious. Mmm… Your sister is a great cook Shinnyyy darling!” Masaya niyang komento bago kumapit ulit sa braso ni Shin. Lol! Nagmumukha na talaga siyang tarsier sa ginagawa niya.

Shiny amp ginawa niya pang babae ang baby ko. Tss! May pa darling darling pa nga. Lol! Hindi naman bagay!

Kumuha siya ng plato at pinuno niya iyon ng adobo. Grabe ang takaw naman ng babaeng to. Excuse me! Hindi ikaw ang nilutoan ko nyan. Si Shin naman ay tatawa tawang kinakamot ang ulo niya. Ano kayang nakakatawa? Sarap niyang batokan.

“Ang sarap mo magluto Akira!” Komento rin ni Shin. Kumuha siya ng plato at naglagay na rin ng adobo sa plato niya.

“Abugh! Hindi pwedeng ako lang ang masarap, kaya dapat masarap din ang luto ko.” Sabi ko sabay irap. Natawa naman ang loko. Tinignan ko ang rice cooker. “Baka gusto niyong mag kanin? Nagsaing ako kanina.” Tanong ko sa kanila. Sinalin naman ni Shin sa salitang korean ang tinanong ko. Tumango sila pareho kaya kinuha ni Shin ang rice cooker at dinala iyon sa lamesa na pinagkainan namin.

Kumuha na rin ako ng adobo dahil kanina pa ako gutom. Naninigurado lang baka pag lingon ko, ubos na. Tss! May kasama pa naman kaming matakaw dito. Nakakapagtaka lang… Ang nipis ng katawan niya tapos ang takaw niya. Hindi halata dahil ang liit niya.

“Akira teach me how to cook it please!” Parang batang pakiusap ni Chunya nang matapos kaming kumain ng lunch.

“Manigas ka!” Bulong ko. Nakakairita!

Tumaas naman ang kilay nya. “What did you say?” Mataray niyang tanong.

Nginitian ko siya habang nakakunot ang ilong ko. “I said sure. I will teach you!” UGH! Kairita! Ang kulit niya!

Napapalakpak naman siya at napasigaw. “Yeyyyy kamsahamnidaaa!” Sabi niya sabay yakap sakin. Omg! Ang clingy po niya!

Tss! Paano ko ba pakikisamahan ang babaeng to? Pakicomment nga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height