Lost in Korea/C9 City lights
+ Add to Library
Lost in Korea/C9 City lights
+ Add to Library

C9 City lights

Hindi ko maexplain ang pagpalit ng mood nitong si Chunya Park. Tss! Bipar ata ang babaeng ito eh. Tss! Ang weird niya.

Tinuruan ko naman siya kung paano lutuin ang adobo. Sa totoo lang ANG HIRAP NIYANG TUROAN LECHE! Buti nalang at sa huli ay natuto rin siya pero ugh hindi pa rin niya kuha ang lasa! Ang tabang pero nevermind. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang tabang ng luto niya pero baka magalit siya.

“Im glad you learned!” Ngiting sabi ko saka tinignan ang luto niya. Lol! Pwedi na akong lumutang dahil sa kaplastikan ko. Ewan ko ba pero naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa pagiging makulit at clingy niya. Mabait naman siya at cute rin pero kasi naiinis ako. Okay! Nagseselos ako! Oo! Nagseselos ako kasi sinabi niyang boyfriend niya si Shin. Ang toxic ng ugali ko ano. Pero hindi ko kasi mapigilan. Naiinggit ako kasi libre niyang nahahawakan si Shin. Ang higpit ng kapit niya sa braso ni Shin. Humihiling ako na sana kaya ko ring gawin yon.

“Akira are you okay?” Tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya saka napanguso. Eh kasi naman. Ang cute niya, nalusaw bigla yong inis ko sa kanya. Ibinaba ko ang tingin ko sa stove at saka kumuha ng asin na nasa likuran namin. Nilagyan ko ng kaunti ang adobo saka huminga ng malalim. “Just add a little bit of salt… “ Ano bang english ng ‘para magkaroon ng lasa?’. Shuta nagloloading yong utak ko.

Tinignan niya ang kawali saka tumango at ngumiti. Lumulubo yong pisnge niya at lumiliit yong mata niya. Ang cute cute niya. Para siyang siopao. Paano ba ako maiinis sa kanya? “Kamsahamnida Akiiii! Please teach more!” Magiliw na sabi niya saka pumalakpak ng malakas. Narinig kong tumawa si Shin na akala ko ay umalis na at nagtungo sa kung saan. Pero nandoon lang pala siya sa couch, nakaupo at nanuod samin.

Tss! Bat ba siya nanunuod?

Nagpatuloy kami sa pagluluto na kami lang din ang kumain.. I mean siya lang kasi lol naman ako gutom. Pinanuod ko nalang siyang kumain. Napanguso ako. Ang cute niya kumakain. Ang lakas pa niya kumain kasi ang lalake ng subo niya.

“Akiiii?”

Nilingon ko siya. “Yes?” Kuno’t noong tanong ko sa kanya.

Ngumiti siyang bumuntong hininga habang pinagmasdan si Shin. “You are so lucky because you have a brother like Shin.” Sabi niya.

Phew! Mabuti naman at naniwala siyang magkapatid kami ni Shin. Ngumiti ako at sinabayan siyang pagmasdan si Shin na nakatingin din samin.

Oo nga! Ang swerte ko nga siguro kung kapatid ko talaga si Shin pero no way! Gusto ko boyfriend ko siya. Hihihi! Ay charing taken na pala ang lalaking yon. Aww! But I am still lucky tho kasi sa milyon milyong fans ni Shin. Ako yong nabigyan ng opportunity na makita siya at makasamang tumira sa iisang bahay. Siguro kapag nalaman ito ng mga fans niya, baka sabunotan nila ako. Maniniwala kaya sila katulad ni Chunya na kapatid ko si Shin gayong ngayon lang ako sumulpot?

Lumipas ang ilang oras at nagpaalam na siya kay Shin para umuwi. Naguusap sila sa korean kaya hindi ko na naman siya maiintindihan. Nalaman ko lang na uuwi na siya dahil sa hand gestures niya. Para akong pipi na hindi makaintindi ng salita at ang mga senyas lamang ang naiintindihan. Sinubokan ko namang mag aral ng Korean noong nasa Pinas pa lamang ako kaso hindi ko makabisado lahat. Nahihirapan ako.

Matapos niyang makipagusap kay Shin ay lumapit siya sa akin at ang hindi ko inasahan ay ang yakapin niya ako.

“Thank you Akira for the chitchats and for teaching me how to cook. Maybe next time, we can bond again. Let’s go to the mall or let’s have a roadtrip!” Masayang aniya niya.

Nagkatinginan kami ni Shin. Umiling siya na ang ibig sabihin ay hindi pwede. Napanguso ako. Gusto ko pa naman gawin ang sinabi ni Chunya. Gusto kong mamasyal sa Korea. Hindi ko pa kasi nagawa yon since kailangan kong magtago.

Si Shin ang nagpaliwanag kay Chunya na hindi ako pwedeng lumabas. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano yon kasi Korean ang ginagamit nilang salita. Haystt! Mag aaral na talaga akong magsalita ng Korean.

Nang makalabas na si Chunya ay nilapitan ko si Shin para tanongin siya. “Anong dinahilan mo kay Chunya?” Hindi kasi pwedeng sabihin ang totoo kaya alam kong nagdahilan siya.

“Sinabi kong bawal ka lumabas.” Sabi niya saka ngumiti.

Napakunot noo ako. “Bakit? Bakit ako bawal lumabas?” Amp! Hindi talaga pwedeng complete sentence? Pinapahirapan pa akong hulaan ang kasunod na sasabihin niya.

“Kasi hindi mo kayang maglakad ng matagal dahil may rayuma ka.” Sabi niya habang tumatawa ng mahina.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang hampasin siya sa braso. “Anims! Anong sinabi mo? Anong tingin mo sa akin? Matanda?” Walanghiya! Kaya pala tumatawa siya kanina habang pinapaliwanag niya iyon.

Alam kong pwede rin magka rayuma ang mga bata o mga teens pero hindi naman halata sakin na mayron akong ganoon. Tapos itong si Chunya ay naniwala naman. Hmm… Siguro okay na yon. Atleast hindi na ako mahirapang magpaliwanag sa kanya.

Nakatitig lang ako kay Shin na nakangiting nakatingin sakin. Napipikon ako sa kanya pero hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Siya kasi eh! Nakakarupok err! Hindi pa rin ako makapaniwalang nakita ko na sa personal ang taong matagal ko ng pinapangarap. Dapat ba akong magpasalamat kay Ms. Kim? Kahit binigyan niya ako ng trauma. May maganda pa ring naidulot ang kalokohan niya.

Naglinis muna ako ng kusina bago ako pumunta sa veranda nang may ngiti sa labi. Tinignan ko ang buong paligid. Gabi na kaya city lights at mga ilaw sa bahay bahay ang nakikita ko. Ang ganda! Parang mga alitaptap yong mga lights na nagkalat sa paligid. Nakaka relax tignan. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Nasa kapatagan kasi yong bahay namin sa Pilipinas kaya hindi ko makikita ang mga ilaw. Malayo ang mga bundok at wala akong pamasahe para pumunta doon upang pagmasdan ang mga ilaw.

“Ang ganda no?” Komento ni Shin na hindi ko alam na nasa tabi ko pala. Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakangiti habang nakatanaw din sa mga lights. Ang payapa ng mukha niya. Mas lalo yata siyang gumagwapo sa paningin ko.

Ngumiti ako ng malawak. “Sobra!” Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang ninanamnam ang malamig na ihip ng hangin. Aware naman akong may feelings ako kay Shin dahil fan na fan niya ako. Pero hindi ko lang alam kung ang tingin ko sa kanya ay isa pa ring celebrity na gusto kong masungkit o siya bilang tao na gusto kong mahalin magpakailanman.

Alinman doon sa dalawa ang tingin ko sa kanya. Ang mahalaga ay may pagmamahal akong maialay sa kanya. Siguro sapat na iyon at sa abot ng makakaya ko ay sasamahan ko siya sa anumang hirap at ginhawa. Sana ay ganoon din siya sakin kahit na impossible yon.

“Ang ganda ng South Korea no. Haystt… Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon, siguro naeenjoy ko ang stay ko dito!” Lalo na at kasama kita Shin. Siguro ay ito na ang pinaka masayang bahagi ng buhay ko. Araw araw akong magpapasalamat sa Panginoon dahil sa biyayang ito. Dito ko naramdaman na kontento na ako at wala na akong mahihiling pa. Ang isang bagay na lang na iniisip ko ay ang pamilya ko. Soon kapag binigyan ako ni doc Lee ng pera. Ipapadala ko talaga sa kanila yon. Pero hindi ko nga lang alam kung paano. Maybe maaari kong mapakiusapan si doc Lee na siya ang magpaabot nito sa pamilya ko. Hindi ko pa nga sila nacontact dahil wala naman silang cellphone. Haystt… Miss ko na sila.

“Paano ba nangyaring nadala ka ni Kim dito?” Tanong niya sa akin habang nakatanaw pa rin sa syudad.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko isinalaysay sa kanya ang buong nangyari. Syempre hindi kasama yong sa part niya. I don’t want it to share it for now. Nakakahiya kaya kapag nalaman niya kung gaano ako kapatay na patay sa kanya. Baka pagtawanan pa niya ako at asarin.

“Im sorry!” Ani niya.

Nagtaka naman ako. “Para saan?”

Bumuntong hininga siya. “Im sorry for what tita did to you.” Sincere ngunit malungkot na sabi niya. “I called her tita because I used to call her tita before since her daughter was a great friend of mine.”

Bakit siya ang nagsosorry? Teka… Si Ms. Kim may anak? At close ni Shin?

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Hindi mo naman kasalanan yon. Ano kaba! Pero teka nga… May anak pala si Ms. Kim?” Curious na tanong ko.

Tumango siya. Napansin ko na ang lungkot lungkot ng mga mata niya. “Oo… May anak siya. Pero sa susunod ko na siya ipakilala sayo. Hindi ko kasi kayang mag kwento ngayon. Saka kahit na. Gusto ko pa ring mag sorry sayo lalo na dahil sa ginawa ko kagabi. Hindi ko alam. I’m sorry Akira.”

Ngumiti ako ng matipid saka tinapik ang balikat niya. “Tapos na yon. Alam kong nabigla ka lang kaya nagawa mo yon. Lalo na at may girlfriend ka pala kaya siguro medyo sensitive ka kapag may ibang babae na lumapit sayo.”

Nag angat siya ng paningin at tumingin siya sakin. Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. May nakakatawa ba don? “Ang totoo nyan ay bukod kay Tita Shiona at Chunya ay ikaw ang pangatlong babaeng nakapasok sa bahay ko.” Sabi pa niya.

“Huh? Nasan na ang mama mo?” Tanong ko.

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko at nakita ko ang pangingilid ng luha niya na ikinabigla ko. Omg! Mukhang may nasabi akong mali. I’m sorry Shin!

Ngumiti siya ng matipid pero yong mga mata niya ay napupuno ng kalungkotan. “My mom passed away after the moment I was born. Hindi ko siya nakita.” Malungkot na sabi niya. “I never experienced to have a mom.” Dagdag pa niya. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata kaya nilapitan ko siya at niyakap.

Hindi ko naman inasahan yon. “Im sorry. Hindi ko alam.” Hinagod ko ang likod niya para pagaanin ang loob niya.

Agad siyang humiwalay sa yakap at lumayo ng kaunti sakin. Tumingin siya sakin at ngumiti. “Ayos lang yon. Hindi naman kasalanan ang magtanong.” Awts! Bakit ko ba siya niyakap? Ayaw niya pala yon. Pero okay lang. Ang weird din naman kasi ng ikinilos ko.

Muli kong tinanaw ang city lights. Biglang nagrehistro sa isip ko ang itsura ng pamilya ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi malungkot. “Kumusta na kaya sila… “

“Sino?”

Napayuko naman ako at hindi naiwasang magpakawala ng luha. “Pamilya ko. Sila ang rason kung bakit ako nandito. Gusto ko silang iahon sa hirap.” Naiiyak na sabi ko. “Pero ibang kapalaran ang sumalubong sakin dito. Hindi ko inakala to.” Dagdag ko habang patuloy na umiiyak. Ang sakit sakit kapag naalala ko yong mga pinagdaanan ko sa kamay ni Ms. Kim. Kung hindi siguro ako nakatakas ay baka mas malala pa doon ang sasapitin ko.

Lumapit naman siya sakin at hinagod ang likod ko. “Shhh… Don’t say that. Andito kami. Hindi ka namin papabayaan okay. Makakauwi ka rin.” Saka niya ako niyakap ng mahigpit. Ayaw niyang magpayakap pero kusa rin niya akong niyakap. Napangiti ako kahit umiiyak ako. Napagaan niya bigla ang pakiramdam ko.

“Kumusta pala ang sugat mo?” Tanong niya sakin nang matapos ang yakapan moments namin.

Tinignan ko ang balikat ko at sinubokang igalaw ito. “Hindi na siya gaanong masakit. Naigalaw ko naman ng maayos ang balikat ko pero medyo kumikirot pa siya.” Sagot ko. Matibay kaya itong katawan ko kaya mabilis naghilom ang sugat ko.

Inakbayan niya ako saka inakay sa loob. “Tara palitan natin ng bandage ang sugat mo.”

Nahihiya akong ngumiti. “Ay ako nalang. Kaya ko naman eh. Tinuruan ako ni doc Lee kung paano.” Sinubukan kong makawala sa akbay niya pero mas lalo niya akong inilapit sa kanya at mas lalo niyang hinigpitan ang akbay niya. Naku po! Yong puso ko nagwawala na.

“Let me do it. Nasa pamamahay kita kaya priority kita.” Sabi niya sabay kindat.

Napanganga ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa pisnge ko at yong puso ko ay mas lalong nagwawala.

Omg! Shin Lee. Paano mo nagawang baliwin ang buong sistema ko?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height