C12 Chapter 11
“Tri, this is Solana. Kaibigan ko,” nahihiyang wika ni Kuya habang ipinapakilala si Solana sa akin. Napakamot pa nga ito sa kanyang batok pagkatapos sabihin ang mga iyon sa akin. Matamis namang ngumiti sa akin si Solana habang ako naman ay binigyan din siya ng palakaibigang ngiti at tango.
Ibinalik ko ang mga tingin kay Kuya na ngayon ay parang tuod na lamang na nakatayo sa gilid ni Solana