C16 Chapter 15
“Magandang gabi, Trisi. Ako ang liwanag at nandito ako para sa’yo.”
Parang awtomatikong tumigil ang lahat sa paligid. Ang pag-ihip ng hangin, ang paggalaw ng mga dahon, at ang mismong paghinga ko. Kahit mismo ang pagtakbo ng oras ay natigil dahil sa aking narinig at sa aking kaharap ngayon.
Bagsak pa rin ang aking katawan sa malamig na daan. Naguguluhan at hindi alam ang gagawin
