Love After Death/C2 Chapter 1
+ Add to Library
Love After Death/C2 Chapter 1
+ Add to Library

C2 Chapter 1

Kaagad akong tumakbo papalabas ng silid na iyon noong makita ang aking tunay na sitwasyon. Masyadong madali ang lahat nang nangyari. Kanina ay inaaalo ko lang ang aking ina na huwag umiyak tapos ngayon ay ako pala ang dahilan ng kanyang pagluha. Ako pala ang namatay.

P-Pero patay na ba talaga ako? Wala na ba talaga? O baka naman panaginip lang ‘to dahil kung oo, gusto ko nang gumising. Gusto ko nang umalis sa bangungot kong ‘to. Ayoko na! Gusto kong mabuhay muli!

“Hindi pa ako patay. H-Hindi pa… please hindi pa ako patay!” Napasalampak ako sa sahig at doon na tuluyang umiyak.

May kasalanan ba ako? Parusa ko na ba ‘to? Bakit ako namatay?

“Bakit?!” sigaw ko sabay suntok ng kamay sa semento. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa walang humpay na pag-agos ng aking mga luha.

Masyadong biglaan ang lahat. Masyado pa akong bata. Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong patunayan. Marami pa akong gustong maabot.

Masakit mamatayan pero mas masakit ang malaman na ikaw mismo ang namatay. Masakit makita na wala ka nang magawa kahit na gusto mo pang mabuhay…kahit gusto mo pang lumaban.

Napasinghap ako at wala sa sariling napatayo. Luminga ako sa paligid ngunit muling napaiyak lamang dahil hindi ko alam ang pupuntahan. Sinapo ko ang noo habang naghahanap ng pwedeng mapuntahan kahit pansamantala lang.

Saan na ako ngayon pupunta? Aakyat na ba ako kaagad sa langit? Pero ayoko pang umalis dito. Kahit konting panahon pa, gusto ko pang manatili rito.

Muli akong naglakad nang matamlay nang may makitang pwedeng maupuan. Nasa tapat lamang ito ng ospital na napapalibutan ng mga halaman at mga bulaklak, kumbaga, parang mini-garden. May iilan ding mga upuan ang nandito ngunit kahit saan na lang naman ako maupo ay ayos lang dahil mag-isa naman ako.

Pagkaupo ay isinubsob ko kaagad ang aking ulo sa pagitan ng dalawang mga palad para mag-isip at unawain ng mabuti ang nangyari sa akin.

Bakit ako namatay? Bakit hindi ko maalala kung paano ako namatay?

“Mag-isa ka lang?”

Napatigil ako sa narinig. Kaagad kong iwinaksi ang mga tanong sa aking isipan. Baritonong boses ngunit may haplos ng lambing at pag-aalala. Lalaki ito panigurado.

Hindi pa ako nag-angat ng tingin at nakapirmi pa rin ang aking mukha na nakasubsob. Siguro ay may pasyenteng dumating dito, umupo at ngayon ay kinakausap niya.

Ngunit ilang segundo ang lumipas at kinain ng katahimikan ang paligid. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon ko. Wala akong amor na tumingin sa mga tao ngayon. Mapapaisip lang ulit ako at ayaw ko na noon. Nakakapagod na.

“Miss, bingi ka ba?”

Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang makaramdam nang mahinang pagtapik sa aking balikat. Dahil doon ay napaangat na ako ng tingin.

Ramdam ko ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang tao sa aking harapan. Halos maglapit na ang aming mga mukha. Ang buhok nito ay bahagyang ginugulo ng hangin at dinadala ang iilang hibla sa kanyang noo. Ang kanyang mga malamlam na mga mata ay seryosong nakatitig sa akin na tila binabasa ang buo kong pagkatao.

“Ay, bingi nga siguro,” dagdag nito sabay upo sa aking tabi.

Hindi ko alam ang gagawin. Nakikita niya ako? Paano? Patay na rin ba siya?

“Na-nakikita mo ako?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Agaran ang pagkunot ng aking noo dahil sa pagsilay ng isang matamis ngunit maliit na ngiti mula sa kanya.

Itinukod niya ang dalawang kamay sa kinauupuan bago tumingin sa akin. Tumawa pa ito ng mahina. “Akala ko bingi ka.”

Lalong kumunot ang aking noo at halos magdugtong na aking mga kilay sa kanyang mga sinabi. Ngunit imbis na pagtuunan iyon ng pansin ay tiningnan ko na lamang siya nang mabuti. Hindi ko pa mawari kung patay na ba ito o hindi. Mukhang buhay kasi. ‘Yung porma, ang pormal.

He’s wearing a white polo shirt and a maong jeans. Nakasapatos din ito kaya nakaka-confuse. Well, ano bang inaasahan mong suot ng mga patay, Trisi? Naka-white dress lang? Eh, ikaw nga naka-uniporme pa!

“So, na-nakikita mo nga ako? Patay ka na rin?” nag-aalangang tanong ko sa kanya habang siya naman ay nakangisi pa rin habang nakatingin sa akin.

“Anong sa tingin mo?” panghahamong tanong niya habang nakangiti at nagtaas-baba pa ang kaliwang kilay.

“Ahm, may third eye ka?” tanong ko habang nagkakamot sa ulo ko. Hindi ko nga alam dahil hindi ako sigurado.

Saglit siyang tumitig sa akin bago tumawa nang malakas. Para bang isang malaking joke ang sinabi ko kaya siya ganito ngayon.

Nilingon ko ang palagid para makasigurado. Ang mga guard na nasa labas ay patuloy pa rin na nag-uusap habang ang mga taong napapadaan sa aming puwesto ay patuloy lang sa paglalakad.

Confirmed! Patay na nga ang isang ‘to.

“Third eye? Naniniwala ka pa dyan? Hindi na ‘yan uso ngayon, noh!” sagot niya sa akin habang hinihingal mula sa pagtawa.

Napatungo naman ako at nag-isip. Trisi, ano ka ba? Naniniwala ka pa rin ba sa third eye na yan? Mukhang tama ang lalaking kasama mo ngayon. Wala ng third eye. Multo na lang talaga!

“So, patay ka nga.” At ako naman ang ngumiti sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero may kung anong gumuhit bigla sa dibdib ko at bigla akong napangiti. Siguro ay dahil alam kong may kasama ako. Pero mali naman yata na masaya akong may kasamang patay ngayong alam ko ang nararamdaman ng isang patay na at nasaksihan ko ang pamilya ko kung paano sila masaktan.

Hindi ito sumagot, bagkus ay sumeryoso ang tingin nito sa akin sabay tumango lamang bilang sagot sa aking tanong.

“Condolence,” wala sa sarili kong naiusal sa kanya. Ramdam ko naman ang pagtayo nito at pumunta sa aking harapan.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ngunit kaagad iyong nawala nang ngumiti na naman ito sa akin.

“Condolence? Patay ka na rin, hindi ba? So, condolence rin?” pabiro nitong sabi sa akin kaya maski ako ay napangiti na rin ulit.

“Ang weird naman nito. Pareho na nga tayong patay tapos pareho pa tayong nagsasabihan ng condolence.” Nagpakawala na naman siya ng isang malakas na tawa.

Napatitig akong muli sa kanya. Paano niya nagagawang tumawa kahit alam niyang patay na siya?

Napailing ako. It’s none of your business, Trisi.

“Tara, gala tayo?”

Napakurap ako dahil sa kanyang tanong. Bakit kami gagala? At saan naman? Kaluluwa na lang kami.

“Ayaw mo ba?” tanong niya sa akin. Nawala bigla ang ngiti sa kanyang mga labi.

Umiling ako bilang sagot kahit ang totoo ay hindi ako sigurado.

“Ang tipid mo naman sa laway, Miss. Sige ka, kapag hindi ka nagsalita, mapapanis yang laway mo.” Bigla ulit siyang humalakhak nang malakas na parang nanonood lang ng isang funny movie.

Muling kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Kanina pa siya tawa nang tawa. Ni hindi ko pa nga siya nakikilala.

Napansin niya yata ang aking reaksyon kaya bigla itong tumigil sa pagtawa at tumikhim. “Hindi ba nakakatawa yung joke ko? Joke kasi ‘yun. Ano, gusto lang kitang patawanin. Masyado ka kasing seryoso. Patay ka na nga tapos seryoso ka pa. Walang thrill ang kamatayan mo niyan!” he exclaimed, then laugh again.

Agaran ang pagsiklab ng inis sa aking dibdib. How could this man be so insensitive? Hindi kami close! Hindi ba ‘to makaramdam na hindi lahat ng patay ay gustong patay na sila? Yes, I’m already dead but how dare him pull a joke about it?

“You know what, umalis ka na lang. Kanina ka pa nag-iingay dito at nakakaistorbo. And for your information po, a joke over someone’s death will never be funny. Ang insensitive mo!” Mabilis akong tumayo at kaagad na nagmartsa paalis mula sa lalaking ito.

I don’t know him, yet he can speak to me as if we’re close and I don’t like it! Tsaka ngayon lang kami nagkakilala tapos kung makapagsalita tungkol sa pagkamatay ko ay parang joke lang ‘yon sa kanya?

Kung siya masaya dahil patay na, ako hindi! Hindi ko pa tanggap!

Hindi ko alam kung saan pupunta dahil sa biglaang inis na naramdaman pero nahanap ko na lamang ang sarili na papalabas na ng hospital na ito.

Siguro ay uuwi na lang ako ngayong gabi. Doon ako sa bahay matutulog.

Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil naririnig ko ang pagtawag niya sa akin. Hindi ko siya nililingon dahil naiinis pa rin ako.

Nahawakan ko ulit ang aking dibdib. Kung ano-anong mga emosyon na ang nararamdaman ko dahil sa lalaking iyon. Kanina ayos naman siya kausap pero simula noong magbiro siya tungkol sa kamatayan ko ay hindi na. How can he joke about someone’s death? Ang bastos lang kasi para sa akin.

“Miss, wait for me! Saan ka pupunta?” sigaw niya sa akin ngunit hindi ko pa rin siya nililingon.

Mas binilisan ko na lang ang paglakad-takbo. Ayoko nang makasama ang isang kaluluwang ganoon! Ayoko sa mga insensitive.

Akmang tatawid na sana ako papuntang kabilang daan nang makaramdam nang kagat ng kamay sa aking kanang braso. Kaagad akong napatigil sa aking kinatatayuan at inis siyang hinarap.

Kaagad akong sinalubong ng seryosong titig niya sa akin. Nawala ang kaninang kapilyuhan sa kanyang mga mata at mukha. Binalot niya ang mga ito ng kaseryosohan at lungkot. Tama, lungkot ang mas nakikita ko na ngayon sa kanyang mga mata.

“B-bitawan mo nga ako.” Nagpumilit akong makawala mula sa pagkakahawak nito sa akin ngunit mas malakas at makapit iyong kamay at pagkakahawak niya sa akin kaya hindi pa rin ako nakawala.

It was useless. Nakakainis!

“Sorry,” direktang sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin. Kasabay noon ay ang paglambot ng hawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na niyang mabitawan ako. “I’m really sorry, miss. I know, I was insensitive for talking to you like that especially about your death. Gusto ko lang kasi ng may kasama,” humina ang kanyang boses doon sa panghuling mga sinabi. Pagkatapos ay yumuko ito at nagsimulang maglakad papalayo sa akin.

Suminghap ako at humugot ng malalim na hininga. Nag-sorry siya sa akin and it was genuine. Nakita’t naramdaman ko ang kanyang sensiridad. Tsaka, wala namang patutunguhan kung maiinis at magagalit ako sa isang ‘to. Kaming dalawa lang naman ang kaluluwang pagala-gala rito. Mas mabuti na rin ang may kasama kaysa sa wala.

Mabilis akong umalis sa kinatatayuan at hinabol siya. “It’s Trisi, stop calling me miss.” Huminto ako at naghintay nang kanyang magiging reaksyon.

Napaarko nang bahagya ang gilid ng aking labi dahil sa tumigil din siya sa paglalakad at napalingon sa akin. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago humakbang papalapit sa akin.

“Apology accepted,” pagpapatuloy ko noong tuluyan an siyang nakalapit.

Sumilay kaagad ang isang ngiti mula sa kanya. “Nice one! Nice meeting you, Trisi. I’m Oliver, by the way.” Parang nanalo lamang sa lotto ang kanyang boses habang nagsasalita. Inilahad pa niya ang kamay sa akin.

Napailing ako’t tinanggap ang kanyang kamay habang nakatitig sa kanya. His name is Oliver, huh. Sounds familiar to me pero hindi ko na alam kung saan ko ba narinig o nabasa.

Ilang segundo palang ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay ngunit dali-dali akong kumalas nang makaramdam ng kuryente?

Kuryente! Bakit may kuryente?

As if hearing what’s on my mind, he suddenly speaks. “Ganyan talaga ‘yan. May kuryente dahil meant to be,” wika niya sabay pakawala ng isang kindat at ngiti sa akin.

What the heck?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height