Love After Death/C3 Chapter 2
+ Add to Library
Love After Death/C3 Chapter 2
+ Add to Library

C3 Chapter 2

Busina ng mga sasakyan ang aking tanging naririnig habang tahimik lang na naglalakad. Halos kalahating oras na siguro kaming pagala-gala rito sa may lansangan.

“Sa’n ka ba talaga pupunta?”

Napatigil ako dahil sa kanyang tanong. Nilingon ko siya at nakitang medyo malayo siya sa akin. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago bumuntong-hininga.

Saan na nga ba ako pupunta? O may pupuntahan ba talaga ako?

Tulala akong napasalampak muli sa gilid ng daan. Maingay ang paligid, tanda na buhay na buhay ito habang ako ay patay na at kaluluwa na lamang.

“Hey, pagod ka na ba?”

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo na siya ngayon sa aking harapan habang ang kalahati ng mukha ay natatakpan ng dilim ngunit kitang-kita pa rin seryosong tingin nito sa akin.

Pagod ba ako? Hindi ko alam. Gulong-gulo ang utak ko sa lahat ng nangyari ngayong araw.

Pagak akong napatawa kasabay nang pagtulo ng aking luha. Umiling ako at pinahiran ang mga mata. “H-Hindi ko alam. Gusto ko na lang magpahinga ngayon. G-Gusto ko na lang umuwi sa pamilya ko.”

Kaagad kong narinig ang kanyang paghingang malalim. Kasunod noon ay ang padukwang niya sa aking harapan. “Trisi, if you want to go home, then let’s go home. I’ll take you to your house para makapagpahinga ka na.”

Para akong batang paslit na tumango sa kanya. Pagkatapos ay muli akong humugot nang malalim na hininga at tumayo. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng bahay namin. Mabilis akong lumapit doon at akmang bubuksan na sana ang gate namin nang makarinig ako ng paghingal.

Kumunot ang aking noo at binaha ng tanong ang aking isip.

“Bakit ka nakaupo riyan? Napagod ka ba?” pagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, imbes ay umupo lamang siya sa gilid ng daan habang patuloy pa ring hinihingal.

“A bit. My feet are just aching but it’ll be good soon. Don’t worry.” Itinuro niya ang mga paa habang inuunat ang mga iyon. He straightened his legs as if he’s on the beach right now, sunbathing.

Imbes na punahin ang naging pwesto niya ay hindi na lamang ako umimik. Maingat ko siyang nilapitan at tumabi na lang muna sa kanya.

Muli kaming natahimik habang siya ay nakatingalang nakapikit. Sandali ko siyang tiningnan at nakitang nagtataas-baba ang kanyang dibdib kasabay ng kanyang Adam’s apple.

Naramdaman ko ang biglaang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa nakita. Mabilis akong umiwas ng tingin at sinaway ang sarili. Para mapigilang tingnan siya, itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa mga paa ko. Iginalaw ko pa ang mga daliri nito ngunit wala talaga akong maramdamang pangangalay o pagod man lang.

Siguro ay hindi lang sanay si Oliver na maglakad nang ganoon katagal. Baka kasi palagi itong nakasakay sa kanyang sasakyan. Mukhang mayaman kasi siya, base na rin sa kanyang pananalita’t kasuotan.

Ilang segundo pa ang aming inilagi sa labas bago mapalingon ulit sa bahay. We we’re both startled by a bark of a dog. Dahil doon ay kaagad akong napatayo at lumapit sa gate ng bahay namin. Bubuksan ko na sana iyon ngunit laking gulat ko na lang nang hindi ko iyon mahawakan.

Pasalin-salin ang aking tingin sa dalawang mga palad ko. What’s wrong with my hands? Bakit hindi ako mahawak?

Ngunit muli akong nagambala nang malakas na tahol. I saw my dog coming and barking at me as if he sees me. He even managed to open the gate for him! I know, I know, we taught him this. He’s really a good boy!

Nang makalabas ay kaagad ako nitong nilapitan at nagpatuloy sa pagtalon at pagtahol. Doon nanlaki bigla ang mga mata ko. Oh my gosh! Dogs can see ghosts, right?

“Epi, baby can you see me, hmm?” Hinimas ko ang kanyang ulo dahil patuloy pa rin ito sa pagtahol at nagtatatalon na tila’y nakikita niya talaga ako.

“Is he your dog?” Narinig kong tanong ni Oliver na ngayon ay ramdam ko rin ang kanyang presensya sa aking likuran.

Tumango lang ako bilang sagot. Muli kong hinimas ang ulo ng aking aso nang bigla na naman akong mapahinto.

“Alam mo, uso gumamit ng dila’t laway kapag nagsasalita. Huwag puro tango, baka mabali buto mo sa leeg.”

My jaw immediately clenched and I could feel that my blood’s boiling. Unti-unti akong lumingon sa kanya gamit ang mga matang gusto nang manaksak sa sobrang inis.

Kanina lang sobrang seryoso na namin. Tapos ngayon mukhang lumuwag na naman ang turnilyo niya sa utak.

“Joke lang syempre. Ang cute-cute lang kasi ng aso mo… magkamukha kayo,” wika niya at sinundan ng isang mahinang pagtawa. Lumapit ito kay Epi at hahaplusin sana ang ulo ng aso pero hindi niya naituloy dahil tinahulan lang siya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang biglaang takot pati ang paglunok nito ng kanyang laway.

“Karma mo ‘yan. Masyado ka kasing maingay. Pasalamat ka at kaluluwa ka na dahil kung hindi ay kanina ka pa niya nilapa!” Bahagya akong napatawa dahil sa aking mga sinabi ngunit mabilis din akong tumigil nang marealize na tumawa ako dahil sa kanya.

Ang weird, Trisi. Itigil mo ‘to!

“Epi, nasa’n ka? Pasok ka na dito, boy.”

I froze when I heard my brother’s voice. Papalabas na ito ng bahay kaya bigla akong nataranta. Kailangan ay may gawin ako para makapasok kami sa loob.

Patuloy pa rin sa pagtawag kay Epi si Kuya kaya naman I patted Epi’s head more making him sit on the cold concrete road.

Please, please kuya lumabas ka buksan mo lang ang gate para makapasok kami. Gabi na rin kasi kaya hindi na masyadong makita si Epi mula sa labas kung hindi lalapitan. Kulay itim pa naman ang balahibo nito.

“Oliver,” pagtawag ko sa kanya ngunit mukhang hindi niya ako narinig kaya nagsalita na lang akong muli. “Oliver, kapag lumabas si kuya, pwede bang mauna kang pumasok. Papalayuin ko lang saglit si Epi para mahabol ni Kuya at para hindi kaagad ma-lock ang gate,” pagmamadaling sabi ko sa kasama. Ngunit kagaya kanina ay wala itong sinabi at mataman lang na nakatingin kay kuya.

Kanina ang ingay lang niya tapos ngayon ay halos hindi na siya nagsasalita.

“Oliver, narinig mo ba ako?” pag-uulit ko sa kanya dahil mukhang wala ito sa sarili niya.

Napapisik siya. “O-Oo naman.” Napaayos siya ng tayo at nakita ko si Kuya na binuksan ang gate at nakalabas na.

“Epi, baby can you run away for now? Kahit hanggang dyan lang sa puno ng mangga?” Sabay turo ko doon sa puno ng mangga sa hindi kalayuan.

Tumahol naman ang aso sa akin at tumayo. Hinimas ko pang muli ang kanyang ulo at pinatakbo na siya para makalayo.

“Epi, balik na rito boy! Gabi na!”

Napakamot na lamang si Kuya sa kanyang batok bago habulin si Epi na patuloy pa rin sa pagtakbo papuntang puno ng mangga.

I took that opportunity to sneak inside our house. Halos mawindang na ako sa sobrang kalabog ng aking dibdib. Nauna na ring nakapasok si Oliver at hinihintay ako sa pintuan ng bahay. Halos magdiwang naman ako sa saya dahil sobrang lapit ko na sa aking pamilya.

Makikita ko na ulit sila.

Akmang hahakbang na sana ako papalapit sa pinto namin nang biglang mapatingin ako kay Oliver na mukhang may malalim na iniisip habang nakatingin sa gate na nakabukas.

“Oli, nakakahawak ka ba ng bagay?” Napapisik siyang dahil tila nagulat ito sa tanong ko pero kaagad naman na nakabawi at tiningnan ako.

Hindi ko maaninag kung anong klaseng emosyon ang nandoon sa kanyang mga mata. Madilim ang ekspresyon ng mukha habang diretso ang titig sa akin.

Kaagad na gumuhit ang kung anong pakiramdam sa aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa nararamdaman. Nakatingin pa rin sa akin si Oliver at nandoon pa rin ang dilim ng kanyang tingin.

Ilang segundo pa nagtagal ang pagtitig namin sa isa’t-isa nang biglang napakurap ako’t napalingon nang makarinig ako nang pagbukas ng pinto.

“Joaquin, ipasok mo na si Epi. Gabi na.”

Paalis na si ate sa kanyang pwesto mula sa pintuan kaya mabilis akong tumakbo roon at akmang pipigilan sana siya sa pagsasara ng pinto ngunit nahanap ko na lamang ang aking sarili na nasa gitna ni ate at Oliver.

Nasa harapan ko si Oliver habang si Ate naman ay sa aking likuran. Iniharang ng kaluluwang kasama ang kanyang kamay at braso sa itaas na bahagi ng pinto para hindi ito sumara nang tuluyan. Bakas naman sa mukha ni ate ang pagtatanong. Pinilit pa niya na isarang muli ang pinto ngunit malakas ang pagharang ni Oliver kaya nagmumukha tuloy na parang mabigat at may sira ang pinto na hindi magalaw ni ate.

Akala ko ay ipipilit pa ni ate ang ginawa kanina ngunit nagkibit-balikat na lamang ito at tuluyang umalis sa kanyang pwesto at lumabas ng bahay. Mabilis akong napabuntong-hinga dahil pakiramdam ko ay nabunot na bigla ang tinik sa aking lalamunan.

“Salamat,” I said and softly turned my back on him para makapasok sa loob ng bahay.

Mula sa pintuan ng bahay ay rinig na rinig ko na ang pag-iyak ni mama. Kaagad kong hinanap ang pwesto nila at nakitang nasa hapag sila ni papa.

“Jonathan, naramdaman ko ang anak natin kanina. Sigurado ako, siya ang humaplos ng likod ko. Ramdam ko, siya iyon. Si Trisi ang kasama natin kanina sa hospital,” sunod-sunod na pagpapaliwanag ni mama kay papa habang walang humpay pa rin ang pag-agos ng luha ng aking ina.

“Tahan na, Trinidad. Hindi magugustuhan ni Trisi na makita kang ganyan. Alam mo naman ang anak mong ‘yon, hindi ba? Ayaw ka niyang nakikitang umiiyak.” Marahang hinahaplos ni papa ang likuran ni Mama para patahanin ito ngunit imbes na tumahan ay mas lalo lamang itong umiyak.

Wala sa sarili akong lumapit sa aking mga magulang at niyakap silang pareho. Kahit hindi ko sila maramdaman at kahit hindi ko na sila mahawakan ay mananatili pa rin ako sa tabi nila. Kahit na unti-unti akong nabibiyak sa pira-piraso dahil sa nakikita ay hindi ko sila iiwan ngayon. Mahal na mahal ko sila… mahal na mahal ko ang pamilya ko.

“Bakit? Bakit sa anak pa natin kailangang mangyari ‘to? Masama na ba akong ina para mawalan ng anak? Masama ba tayong magulang, Jonathan? O baka may kulang? Baka kailangan lumuhod ako mula sa pinto ng simbahan papuntang altar? Iyon ba? Kaya Niya ba kinuha ang anak natin kasi kulang ang pagdadasal ko? Kulang ba ang pagmamahal ko para sa Kaniya? Jonathan, bakit si Trisi pa? Bakit ang anak pa natin?” Humagulhol nang tuluyan ang aking ina. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang umiyak na lamang sa sulok habang tinitingnan ang mga magulang kong maghinagpis dahil sa aking pagkamatay.

“M-Ma, Pa, I-I’m sorry po. I’m s-sorry kasi n-namatay ako. Sorry po. H-Hindi niyo kailangang sisihin ang sarili niyo. M-Mahal na mahal ko po kayo.” Hindi ko na halos maituwid at matapos ang gustong sabihin sa mga magulang ko. Sobrang nilulukot ng lungkot at sakit ang buong sistema ko dahil sa nakikita.

I did my best to hug them kahit hindi ko sila mahawakan. Sa ganito man lang sana ay mayakap ko pa sila. Kahit sa ganito lang, kuntento na ako.

I hugged them more again. Wala na akong pakialam kung maramdaman man nila ako o hindi. Ang importante ay masabi ko sa kanila na mahal ko sila kahit na hindi na nila ako naririnig.

“Trisi.”

Natigil ako mula sa pagkakahulog nang tuluyan sa sakit nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Napaangat ako ng tingin at kaagad na nahanap siya. He’s staring at me as if he’s telling me to let them go already pero ayaw ko pa kahit na nagsalita na si mama na nararamdaman na naman niya ako.

Umiling lang ako sa kanya at muling babalik pa sana sa pagyakap sa mga magulang ko nang makaramdam ako ng kagat ng kamay sa aking braso.

I stared at it. Naramdaman ko rin ang pagtigil at pagpirmi ng pagkakahawak nito sa akin. Ramdam ko ang pagpigil niya sa akin ngunit mas nangingibabaw ang init ng kamay niyang sinisigurado akong magiging maayos ang lahat.

Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hilahin nang marahan at ikulong sa kanyang mga bisig. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan ang pagyakap niya sa akin.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at hindi ko iyon mapaliwanag kung bakit. I felt his hand caressed the back of head while slowly burying my head on his chest.

Naguguluhan, binalak ko sanang tingnan siya ngunit naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin dahilan para mas umiyak lang ako sa kanya.

Inside his arms, I could feel my body is melting as if I am surrendering a battle that I know I would never win. I could feel the assurance that everything’s will be good soon. It’s as if his hug is caressing me right now, hushing me from the pain, and empathizing for my sorrow. His hug is giving me calmness of mind that I needed right now. Inside his arms, I found peace and genuine solace.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height