C4 Chapter 3
I feel like I was floating into the clouds. Butterflies are flying while giants are strolling and stomping their feet around. Ilang segundo ang itinagal ng yakap ni Oliver sa akin. Hindi ko na alam kung bakit ako komportable sa loob ng mga bisig niya pero nahanap ko na lang ang sarili na yumakap din sa kanya pabalik.
I admit, even if it’s weird but the warmth and comfort that his hug brought to me was something. Ngunit napahiwalay lamang ako sa kanya noong maramdaman biglaang kuryente na naman sa amin.Hindi ko alam kung paano iyon nangyari kaya mas minabuti ko na lamang na kumalas sa yakap.
I know that was weird dahil kaluluwa na nga lang kami. So, bakit pa kami nakukuryente? O ako lamang ang nakakaramdam ng kuryenteng iyon? Dahil sa tuwing nararamdaman ko iyon ay parang ako lamang ang nagbibigay reaksyon sa amin, o sadyang ayaw niya lang talagang ipahalata?
After that emotional scene that I had shared with my parents ay sinabihan ako ni Oliver na umakyat sa kwarto ko para magpahinga kahit na hindi ko alam kung paano ako papasok gayong hindi pa ako nakakahawak ng mga bagay. But thankfully, he could do it! Habang iniwan namin sina Mama sa hapag ay siya namang pagnakaw ng oportunidad ni Oliver na buksan ang pinto ng kwarto ko at doon ako nagpalipas ng gabi.
Hindi ko na siya tinanong kung saan siya natulog dahil bago pa ako tuluyang kainin ng antok ay nagpaalam siyang aalis muna.
Days after my death ay nalaman kong sa isang pribadong lugar sa hindi kalayuan sa bahay namin ako ibuburol. At dahil doon ay mas naging busy ang pamilya ko.
Marami man akong tanong tungkol sa kanya kagaya ng kung bakit siya nakakaramdam ng pagod at bakit siya nakakahawak pa ng mga bagay ay hindi ko na rin iyon nasabi sa kanya dahil ayokong lumabas na pakialamera. Baka bigla niya akong layuan at hindi na tumulong sa akin. At isa pa, ilang araw pa lang kaming nagkakakilala kaya nakakahiya pang magtanong sa kanya ng kung ano-ano. Siya lang naman itong madaldal kadalasan.
Oliver is a big help to me. Kung wala siya ay hindi ako makakapasok at makakalapit sa pamilya ko. Kung wala ang tulong niya sa akin ay baka kahit sa sarili kong burol ay hindi ako makapunta. Kahit na minsan ay nakikita ko siyang nakatitig kay Kuya at mukhang masama ang tingin nito sa kanya.
“Oliver, bakit mo na naman tinitingnan si kuya Joaquin?”
Nandito kami ngayon sa loob ng lugar kung saan ako nakaburol. Punong-puno ang mga upuan ngayon dahil sa mga kamag-anak namin at iilang mga kaklase at guro ko noong elementary hanggang college. Punong-puno rin ng mga puting bulaklak ang paligid ng aking kabaong. Ultimo pati sa sahig ay nakakalat pa ang mga bulaklak.
Sa tulong ulit ni Oliver ay nakaalis kami ng bahay pagkatapos na masiguradong nakaalis na rin ang pamilya ko. Siya ang nagbukas ng pinto at gate ng bahay namin. Kagaya ng ginawa namin para makapunta kami ng bahay noon, naglakad na naman kaming dalawa patungo rito.
Sinundan ko ang tingin ni Oliver at tama nga ako dahil si Kuya nga ulit ang tinitingnan niya. Napakurap naman ito bago bumaling sa akin. Nakatayo lang kaming dalawa sa may dulong pinto ng lugar na ito. Parang bahay na rin kasi ito kung tutuusin dahil may tatlong malalaking kwarto rito na para sa mga bisita at isang kusina.
“I’m not looking at your brother, Trisi,” mariing sabi nito sa akin habang umiigting ang panga.
Oh? Galit ba ang isang ‘to?
“Weh? Matagal ko nang napapansin na palagi kang nakatitig sa Kuya ko e. Bakit? Crush mo ba si Kuya?” Sinundot ko pa siya sa kanyang tagiliran dahilan para mapatalon ito ng kaunti.
Aha! Sa tagiliran pala ang kiliti ng kaluluwang ‘to!
Akmang susundutin ko na sana siya ulit nang hulihin niya ang kanang kamay ko at pinirmi iyon sa loob ng kanyang malaking kamay.
He’s looking at me now with those dark and tantalizing eyes of him.
“Stop it, Trisi. Hindi ko nga tinitingnan ang kuya mo,” ani nito sa isang pangungumbinseng boses.
Ngunit imbes na makinig ay isang nakakalokong ngisi lang ang ibinigay ko sa kanya. Tumikhim ako para umayos ng tayo at mabawi sa kanya ang kamay ko bago magsalita.
“You know what, Oliver? Kaluluwa ka, kaluluwa na rin naman ako kaya okay lang kung sasabihin mo sa’kin ang sekreto mo. Promise, wala akong pagsasabihan kahit si San Pedro pa.” Inilapit ko pa ang kanang kamay sa aking puso bilang tanda ng pangangako ko sa kanya.
His forehead creased after hearing what I said. Confusion is also visible on his eyes.
Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na.
“Promise talaga Oli, hindi ko sasabihin sa ibang kaluluwa. Sige na, sabihin mo na.” Mas lumapit pa ako sa kanya at kumurap-kurap para masabi niya lang sa akin. I could sense it. I know he’s hiding something from me. Hindi niya titingnan si Kuya kung wala lang!
“What are you talking about, young woman?” Pinitik naman niya ang noo ko kaya nasapo ko kaagad ito.
“Aba! Nagmamaang-maangan ka pa ha? Sabihin mo na kasi na bet mo ang Kuya ko at bakla ka kaya tinititigan mo siya palagi!”
Halos hindi na maipinta ang mukha ni Oliver dahil sa mga narinig.
Gotcha, Oliver! I knew it! Bakla siya. Bet niya ang Kuya ko.
“What did you say? Ako, bakla? Talaga lang Trisi, hmm?”
Hawak-hawak ko na ang tiyan ko dahil sa kakatawa. Kung siguro ay buhay pa ako ay malamang pinagtitinginan na kami ngayon.
“You—You could have told me. P-para naman natulungan kitang mag-HAHAHAHA magparamdam sa Kuya ko.” Sabay punas ng luha sa mata ko dahil sa sobrang tawa.
I don’t know why am I so happy teasing this spirit on my side now. Kasi dapat ay malungkot ako sa mismong burol ko. Dapat ay nagmumukmok ako sa gilid kasi nasa burol ako ng sarili kong katawan. Pero sa halip ay heto ako, tumatawa dahil sa kaluluwang si Oliver.
Dahil sa sobrang pagtawa ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala ito ng husto sa akin. At dahil nga mataas siyang kaluluwa, yumuko pa ito para pagpantayin ang mga mukha namin. Hinanap niya ang mga titig ko habang ako naman ay patuloy pa rin sa pagpunas ng iilang butil ng luha na patuloy na kumakawala mula sa mata ko dahil sa sobrang pagtawa.
Akala ko ay aalis din siya sa harapan ko ngunit napansin kong ilang segundo na ang lumilipas ay ganoon pa rin ang posisyon namin. Papalapit pa nga nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Doon lamang ako nabalik sa aking wisyo nang mapagtantong sobrang lapit na ng aming mga mukha sa isa’t-isa.
I stare at his eyes. They are both shining now with amusement and naughtiness. I can sense that he’s making fun of me dahil ilang beses na akong napapalunok.
Damn, you spirit!
“What did you say again, Trisi? Bakla ako?” He said in a husky voice.
Hindi pa rin nagbabago ang posisyon namin. Nakatitig pa rin siya sa akin. Nabibwisit ako kasi hindi man lang ako makagalaw o hindi ko man lang siya matulak.
Kita ko ang pagbasa niya ng kanyang pang-ibabang labi at pagkatapos ay marahang tumingin sa aking mga mata papunta sa aking mga labi.
Doon na ako napalunok ng matigas. Sa hindi mawari at inaasahang pagkakataon, ramdam ko ang muling pagtibok ng puso ko.
Simula noong namatay ako ay hindi na muling tumibok ang puso ko pero ngayon ay kakaiba. Mas kakaiba pa nga noong nabubuhay ako. Tila may mga higanteng naglalakad sa loob ng dibdib ko at pinapalo ng sobrang lakas ang puso ko.
Naririnig kaya niya ang tibok ng puso ko?
“Trisi…” medyo paos ang boses niya noong tinawag niya akong muli. Napakurap na naman ako dahil lumalapit na naman ang kanyang mukha sa akin.
Tangina. Anong balak niya? Hahalikan niya ba ako katulad sa mga napapanood ko? Pero hindi naman ‘to drama! Dang! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Hindi naman ako ganito noon. Hindi ko nga pinapansin ang mga lalaking pilit na nagpapapansin sa akin!
Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko pero pinipilit ko pa rin na tumayo at huwag matumba sa harapan ng isang ‘to. Hindi pwede!
Damn, Trisi! Hindi na naman bago sayo ang ganito hindi ba? Gawain mo rin ito noong senior high school ka palang! Hindi ‘to big deal! Binibiro ka lang niya!
Pero sa hindi malamang kadahilanan, na para akong timang, oo, ay ipinikit ko ang aking mga mata.
“Trisi! Beshie, bakit?! Hindi ko kaya! Huwag mo akong iwan! Bakit? Bakit ngayon pa, Trisi! Ang daya mo! Ang daya-daya mo!”
Kaagad akong napamulat noong marinig ang isang malakas na sigaw habang humahagulhol. Hindi ko alam kung ilang segundo ang itinagal ng pwesto kong iyon pero noong pagmulat ko ay wala na si Oliver.
Muntanga ka talaga, Trisi! Binibiro ka lang pero nagpadala ka naman!
Umiling lamang ako sa sariling kahihiyan at napatingin sa unahan para makita kung sino ang umiiyak.
Si Maggie, ang isa sa mga kaibigan ko. Kasama niya ang iba pa naming kaibigan din. Simula senior high school kami ay kami na talaga ang magkakasama. Mula sa galaan hanggang sa kabulastugan minsan. Minsan ay may hindi pagkakaintindihan pero naaayos din naman kaya sobrang nagpapasalamat akong may mga kaibigan akong katulad nila…maasahan.
Imbes na panoorin siya mula sa kinatatayuan ko ay napagdesisyunan ko na lang na lumapit sa kanya. Pagkarating sa harap ng aking kabaong ay nagsitayuan naman ang iilang mga kaibigan ko at sinamahan si Maggie habang patuloy pa rin itong umiiyak.
Tiningnan ko lang sila. Bakas din sa mukha nila ang pagluluksa. Ngunit imbes na malungkot para sa kanila ay may kung anong humaplos sa aking puso dahil sa nakikita. Ramdam ko ang pagluluksa nila sa akin kaya ibig sabihin lamang noon ay itinuturing talaga nila akong kaibigan.
Minsan na rin kasi akong nagduda sa pagkakaibigan namin noong may kumalat na tsismis sa university about sa cheating issue ko noong midterm tapos ay wala man lang ni isa sa kanila ang nagtanggol sa akin. Pero iwinaksi ko iyon at inintindi na baka natatakot lang din sila madamay sa issue ko at mabahiran ng masama ang mga records nila sa school.
Bumalik iyong trust issue ko naman sa kanila noong narinig ko ang pag-uusap ng iilang mga estudyante sa CR na sila Maggie raw ang nagsabi sa kanila na dakilang malandi raw ako. Na kung maraming tao ang nakatingin ay aayaw ako sa mga lalaki pero kapag kami na lang daw ay doon na lumalabas ang tunay na kulay ko. Nalaman ko pa nga na may sex scandal daw akong pinanood nila kahit na hindi naman talaga kita ang mukha ko. Halos hindi na ako pumasok noon dahil sa issue kong ‘yon. Hindi alam ng pamilya ko dahil pilit kong tinatago. Ayaw ko silang madamay pa.
After that, I decided to cut ties with them kasi masyado nang masakit ang mga naririnig ko. Pero aaminin ko, umasa ako noon na hihingi sila ng tawad…na kakausapin nila ako kasi kilala na nila ako pero wala. Hinayaan lang nila ako…hinayaan lang nila akong bumitaw sa pagkakaibigan namin.
Alam kong may mali ako dahil hindi ako sigurado noon at magulo ang utak ko. Maraming tanong sa isipan ko at kailangan ko sila noon pero walang sila na dumating para man lang damayan ako. Pero ngayon, hindi ko ‘to inaasahan. Dumalaw sila sa akin kaya ibig sabihin lang noon ay may naiwang pagmamahal pa sa kanilang puso para sa akin.
Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Maggie kaya bigla na lang lumapit si Hannah sa kanya sabay haplos sa likod niya bilang pag-alo rito.
“Hush now, Maggie. Wala na tayong magagawa. Patay na si Trisi. Let us help her soul to rest in peace,” malambing wika ni Hannah habang nagpunas naman ng luha si Maggie.
“Maggie, don’t over cry here. Nakakahiya ka talaga kahit kalian,” sita naman ni Marian sa kanya na pumantay sa pwesto nina Hannah at Maggie. Pareho na silang nakadungaw ngayon sa kabaong ko.
“Why? Is it effective?” Tumaas pa ang kaliwang kilay ni Maggie habang nakikipag-usap sa dalawa.
Ang kaninang mukha na punong-puno ng pagluluksa ay napalitan ng mga ngisi na animo’y nasisiyahan sila sa nakikita.
“You’re really a good actress, Maggie. Siguro ay pati kaluluwa ni Trisi ay napaniwala mo na ngayon,” ani Hannah at sabay na tumawa ng mahina ang tatlo.
Kaagad akong napakuyom ng mga kamay dahil sa narinig. These ill-mannered people! They don’t have any rights na insultuhin ako sa harapan ng kabaong ko!
“She really deserved this. Trisi was such a slut. Ngayong wala na siya ay paniguradong buong-buo na ang atensyon na maibibigay ni Gary sa akin,” nakangising sabi ni Hannah.
“You’re right, girl. Trisi was a slut. Hell, she was even flirting with Jacob. Eh alam naman niyang gusto ko iyon pero nilandi niya pa. ‘Yan tuloy at maagang nawala. Hashtag, deserved,” wika ni Maggie sabay paikot ng kanyang mga mata.
Sumiklab ang nakaksunog na inis at galit sa aking sistema. Akala ko ay dumalaw sila dito para makiramay o bilang mga naging kaibigan ko man lang pero hindi! Nagawa pa talaga nila akong bastusin kahit na nasa harapan sila ng kabaong ko! I thought they were my friends. I thought that at least, at my funeral they would respect me. Instead, they just showed their real colors now by insulting ang bad-mouthing me in front of my coffin… in my own burial.
I couldn’t believe them! Para lang sa lalaki ay ganito na ang ugali nila? They would really lower theirselves for men? The fuck!
Patuloy pa rin ang iyak-iyakan ni Maggie sa’kin habang nagkunwaring humihikbi naman si Hannah noong lumapit si Gary sa kanya. He’s one of the most well-known students in our university. Bukod kasi sa may itsura ay mayaman ito, matalino, at member ng basketball team ng paaralan. This is why naging ultimate crush siya ni Hannah kaya siya noon nagpatulong sa amin na magpapansin kay Gary pero it turned out na sa akin pala may gusto ang ginugusto niyang lalaki.
I already told her before na wala akong balak pansinin si Gary dahil alam kong masasaktan at um-okay naman ito. Ngumingiti at nakikipag-interact pa nga ito sa akin noon pero ngayon, palabas lang pala ang lahat at may lihim na galit sa akin. Well, hindi na lihim dahil alam ko na!
And with Jacob, sadyang nagkakausap lang talaga kami after classes kasi same street lang naman ang inuuwian namin. We’re friends bago pa man siya makilala ni Maggie kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang galit nila sa akin.
Heto na naman. Ramdam ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko, hindi dahil sa ibang nararamdaman kung hindi ay dahil sa galit at inis sa mga taong ganito.
I thought, nandito sila para makiramay dahil kaibigan nila ako pero hindi pala. So, this is how fucked up friendship, huh? Kaya siguro wala rin akong maituring na bestfriend habang nabubuhay pa ako noon ay dahil sa mga kagaya nila. Yes, I have trust issues when it comes to my friends pero hindi naman umaabot sa ganito. Ang mas malala pa ay nasa lamay ko sila.
Wala sa sarili kong kinabig ang isa sa mga stand ng bulaklak na nakatayo malapit sa pwesto namin ngayon at natumba iyon sa gilid nina Maggie. Kitang-kita ang takot sa mga mata nila at nagpapanic na umalis dahil sa nangyari. Mabilis namang tumayo si Kuya mula sa kanyang pwesto at marahang pinatayong muli nag bulaklak.
Nagpupuyos pa rin ang aking dibdib sa galit dahil sa mga inakalang kaibigan.
Ang ibang mga tao naman ay nagulat din kanina. Maski ako ay nagulat sa nagawa ko. Natumba ko iyong stand ng bulaklak! Nahawakan ko ang isang bagay!?!
Pagkatapos ng komosyon na sanhi ko ay lumabas na ako ng lugar na iyon para makalanghap ng hangin at makapag-isip ng mabuti. Kailangan ko nang makakawala ng galit ko.
Sa hindi malamang kadahilanan ay pinaikot ko ang tingin sa buong lugar para maghanap. Kanina pa siya wala rito. Kailangan ko ang ingay ng bunganga ng isang ‘yon para man lang maibsan ang inis ko.
Nang hindi ko makita si Oliver ay napa-upo na lamang ako sa isa sa mga upuan na narito habang nasa lilim ng punong Mangga. Yumuko ako at pinagmasdan ang batalyon ng mga itim na langgam na gumagapang sa semento paakyat sa kabilang puno.
“So, you can touch things now, huh.”
Napapisik ako nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na may halong panunukso. Kaagad akong nag-angat ng tingin upang makita siya.
So, he’s back kanina pa? Nakita niya kasi iyong ginawa ko. Or he didn’t leave at all? Baka nagtago lang kasi nga ay binibiro niya ako kanina?
Imbes na sagutin ang tanong niya ay sinamaan ko na lang siya ng tingin. Hindi nakakatawa ang biro niyang iyon. Nagmukha akong tanga kakahintay sa halik niya.
What the heck, Trisi? Anong pinagsasasabi mo? Gusto mo talagang halikan ka ng kaluluwang ‘to? At kailan ka pa naging ganito, huh? Maghunos-dili ka nga, self!
Halos sabunutan ko na ang sarili sa mga iniisip. Ang harot ng utak mo ngyaon, Trisi! Jusmiyo marimar!
“Bakla!”
Tinakpan ko kaagad ang aking bunganga ng isang kamay dahil sa nabitawang salita. Tangina Trisi, tumigil ka na. Ano bang nangyayari sa’yo?
“You’re teasing me again.” Ngumisi siya sa akin at sa isang kurap ay nandito na siya sa harapan ko.
Mataman niya ulit akong tinitigan gamit ang mga matang tila binabasa ang buong pagkatao ko. His dark and deep eyes are looking at me intently as if I’ll slipped if he tries to blink. Iyong titig niyang parang pinusasan niya ako at walang balak pakawalan.
Dumukwang siya sa harapan ko habang hindi pa rin tinatanggal ang titig sa akin. He then exhaled lazily and smirk. Nanoot sa aking mga tainga ang kanyang may kalaliman ngunit mapang-akit na boses.
“Call me gay again and I will not hesitate to kiss you, young woman.”