C41 Chapter 41:Unexpected Encounter
Walang nagawa si Shantal kundi sumunod kay Brent kahit di pa sila tapos kumain. Nang lumingon siya sa table na inuupuan ni Catherine napansin niyang hawak nito ang cellphone, inisip niyang abala ito sa pagbabasa ng messages ngunit sa kasalukuyang iyon lihim silang kinunan nito ng larawan at sinend sa pinsan nitong si Mike Chan. Binalita niya rito na nakita niyang magkasama ang mag-asawa
