C12 11
“ANONG meron at dinadalaw ako ng lahat?”
Nakangiting sinalubong ni Rubick si Lahynna. Napakaganda nito sa simpleng floral white dress at strap sandals. Nakalugay lang din ang tuwid nitong buhok na nililipad ng hangin. Bahagyang mamula-mula ang malalambot na mga labi. A natural color of her lips… She was as simple as ever. Simple yet devastatingly beautiful. A simplicity he used to adore