C18 17
“WHAT do you mean?” Pinilit ngumiti ni Lahynna maski nahuhulaan na niya ang ibig nitong sabihin.
“Putulin na natin ang napagkasunduan natin dahil hindi tamang nakipag-deal ako sa ‘yo ng ganoon. I was an asshole by doing that. You deserved more than that, Lahynna Belle.”
Natigilan si Lahynna. Napawi ring bigla ang kanyang mga ngiti. Bumangon siya bigla at naupo nalang sa damuhan patalikod rito
