C20 19
“BELLE…”
Ngumiti si Lahynna habang ang isang kamay na hawak ni Rubick ay inihaplos sa gwapo at parang pagod nitong mukha. Anong nangyari at ganoon ang hitsura nito? Noon niya naisip ilibot ang mga paningin sa paligid. Napansin pa niya na may nakakabit na dextrose sa kanya.
“Anong pakiramdam mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Sabihin mo lang, tatawagin ko na ang doktor
