C21 20
“IT’S been awhile, Hynna.”
Ngiti lang ang isinagot ni Lahynna kay Szade nang magkahulihan sila ng tingin matapos niyang pumasok sa Miranda’s Best—ang restaurant nina Rubick na mina-manage ng mag-ina.
Medyo nag-aalala na kasi siya. Parang may nagbago kay Rubick magmula nang lumabas siya ng ospital. Mas madalas na ito sa restaurant kaysa sa DJP at si Tita Miranda ang pumapalit rito
