C25 24
“BELLE, ang tagal mo naman diyan?”
Napaigtad si Lahynna nang marinig ang pagkatok ni Rubick sa pinto ng banyo.
Pagkauwi nila galing honeymoon ay doon na siya sa Poblacion idineretso ng asawa. Nabili na pala nito ang two-storey house na madalas niyang panoodin kapag nagro-roadtrip sila noon. Nagbabalak pa nga itong kumuha ng stay-in maid para gumawa ng house chores pero pinigilan niya ito
