C42 41
Side story…
NAALIPUNGATAN si Rubick bandang alas-dos ng madaling araw. Mukhang tulog na ang lahat dahil wala na siyang naririnig na ingay mula sa labas. Tapos na sigurong mag-inuman ang kanyang mga kamag-anak. Bumangon siya mula sa kama. Nakakaramdam siya ng pag-ihi at nagkataon na ang silid na gamit niya ay walang sariling banyo