C6 5

“You can hate me now, Belle. Hell I care! There, are you happy now?” Singhal nito sa kanya. “Bakit kailangan mong gawin sa akin ito? Pinilit kong magbago. At hanggang ngayon, pinipilit kong ayusin ang buhay ko. Pero sa ginagawa mo, pinaparamdam at pinapaalala mo lang sa akin na kahit anong gawin ko, hindi ko na mabubura ang kahapon ko.”

He was a broken man. Kitang-kita niya ang pagtakas ng pait at sakit sa mga mata ni Rubick. Ang matinding galit. Kung kanino ay hindi niya alam. Sa kanya ba? Dahil prinovoke niya ito? Tapos ngayon ay pinagsisisihan nito ngayon ang ginawa?

Parang may humiwa sa dibdib niya sa parte na iyon ng mga naiisip.

And what the hell he was saying? Naguguluhan siya. Ano bang binago nito sa sarili? Eversince she met him, he was a nice man. At patuloy na umaangat ang paghanga niya sa pagkatao ng lalaki habang nagtatagal na nakikilala niya ito. Wala siyang nakitang masama o mali kay Rubick, maliban sa mga tsimis na kumakalat noon sa Poblacion. Kahit ang nangyaring iskandalo patungkol dito at kay Eina ay hindi niya masyadong pinaniwalaan. Kilala niya ang pinsan at kilala ang reputasyon noon. Nakakahiya mang aminin sa sarili dahil pinsan niya ito pero naniniwala siyang si Eina ang nagsisiksik ng sarili kay Rubick. Ang pagkakamali lang ni Rubick, pinatulan nito si Eina.

Pero kasi lalaki lang ito. Naiintindihan niyang mahina ang mga lalaki sa makamundong pagnanasa. Heto nga sila ngayon at…

Naipikit niya ang mga mata. Hindi na niya alam ang iisipin at sasabihin. Ni hindi niya rin alam kung ano pa ang mangyayari pagkatapos nito.

Matapos ang marahas na buntong-hininga, pinatakbo na ni Rubick ang sasakyan at pareho silang walang imik habang nagbibiyahe.

What the heck?!

Kasalanan niya. Bakit niya kasi ginawa iyon? Bakit niya sinabi iyon?

Kung nagsisisi man siya dahil naging biglang malamig ang aura ni Rubick, may isa naman siyang bagay na hindi pinagsisisihan.

The kiss… the kiss was definitely awesome she could trade anything she had just to have that mind-blowing kiss again. Oo, inaamin niyang nagustuhan niya ang nangyaring halikan, gustong-gusto. Kahit pa nga sabihing mali iyon. Magkaibigan sila..

Gustong sampalin ni Lahynna ang sarili. Ano ba itong pinag-iiisip niya?

Kumawala ang malalim na buntong-hininga ni Lahynna at pilit pinapatay ang apoy na sinindihan ni Rubick sa kabuuan niya.

“I love the way you kissed me, Rubick.” Pikit-matang inilabas niya ang totoong nararamdaman. Naghuhumiyaw sa isip niya ang babala. Ang boundaries na dapat ay hindi niya tinatawid. Pero hindi niya mapigil ang sarili.

Bakit ba parang ang layo-layo ng DJP at hanggang ngayon ay nasa biyahe pa din sila?

“Open your eyes, Belle. Saka mo sabihin sa akin iyan.”

At parang masunuring bata, binuksan ni Lahynna ang mga mata at sinalubong ang masusuyong tingin ni Rubick.

“Gusto ko ang ginawa mo at wala akong makitang mali roon maliban sa magkaibigan tayo.”

“‘Yon na nga e. Magkaibigan tayo. And I just crossed the line.”

May mahapding epekto sa kanya ang sinabi ni Rubick. Ang dating kasi sa kanya, parang nagsisisi ito. Pero pinilit niya iyong baliwalain. Nandito na sila. Nagawa na nila. Huli na para magsisi pa. At wala namang nagsisi sa una.

Marahas na ipinilig ni Rubick ang sariling ulo at muling deretsong itinuon ang mga mata sa daan. “Kilala man ang pamilya namin dahil sa pera, but it’s not enough, Belle.” Puno ng insekyuridad ang boses ni Rubick at ngayon lang niya ito narinig na ganoon.

Maliban sa hiwalay ang mga magulang ni Rubick, wala siyang makitang hindi maganda patungkol sa binata. At the age of twenty-seven, he was everything a woman would dream for a man. Magandang trabaho ang pagma-manage nito sa food business ng ina maski pa sabihing pa-bandying-bandying lang ito palagi. Napaka-gwapo nito at maski reserved type ay masasabi niyang mabait.

At ang mga taong tahimik at reserve daw ay malalim magmahal. Kaya nasisigurado niyang napakaswerte ng babaeng mamahalin ni Rubick.

“A-Anong kinalaman noon sa paghalik mo sa akin?” ‘Sa masarap na halik na ibinigay mo sa akin?’“At na hindi kita magugustuhan?” Nalilitong tanong niya.

“Don’t you get it?” Isang malalim na buntong-hininga at muli, walang emosyong bumaling ito sa kanya. “I hate relationships. Serious relationships didn’t stay long. Nakita mo naman ang parents ko. Besides, as the old saying goes: Kung ano ang puno, iyon ang bunga.” Puno ng pait na sambit nito. “‘Wag ka nang magpanggap na hindi mo alam kung ano ang usap-usapan tungkol sa akin.” Mapaklang umismid ito. “Maliit lang ang lugar natin at magkatabi pa. And who knows, baka nga tama sila.”

Why, the bitterness sliced her heart. Sa tinagal-tagal nilang nagkakasama ni Rubick na parang kapamilya na din ito, hindi niya kahit kailan na-trace na masyado pala nitong dinadamdam ang usap-usapan ng mga tao patungkol dito. But didn’t he have any faith in her? Kailan ba siya naging isa sa mga mapanghusga? Hindi ba nito nakikita na hindi judgemental ang pamilya niya?

“But don’t get me wrong. Hindi ako tumatalikod sa obligasyon. Kung napatunayan ni Eina at pumayag si Eina na ipa-DNA test ang anak niya at lumabas na ako ang ama, pananagutan ko sila. Pero dahil ayaw niya, hindi na din ako nagpilit pa. Besides, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko anak ang anak niya.”

She believes him. Hindi niya alam kung paanong ganoon kadaling naniwala ang isip ni Lahynna sa mga sinabi ni Rubick ganitong ipinapahiwatig nito kung gaano ito kakomplikadong tao.

But why they were together? Why they were this close?

Darn! You were friends, remember?

“So, help yourself not to cross the line between us, Lahynna Belle. Because I can’t offer you anything. I fuck, but I don’t do love.”

May pakiramdam si Lahynna na may bahagi niya ang nahati sa dalawa dahil sa kapaitang naramdaman mula sa mga ibinatong salita ni Rubick.

What kind of people made him like a beast?

Hanggang sa marating nila ang DJP ay nanatiling tahimik silang pareho ni Rubick. Siya ay dahil hindi alam kung ano ang pinakatamang sabihin. Si Rubick ay hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height