C7 6

MATAPOS ang mabilisang pag-aayos ay bumaba si Lahynna para lang salubungin ng nakataas ang kilay na si Lanryd doon sa sala.

“May dala kang swimsuit? Pool party ‘yon ate, hindi debu.” Anitong pinasadahan ang hitsura niya.

Narinig niyang may pool party ang grupo sa bahay ni Rubick at kahit hindi siya invited ay nagpilit siyang sumama sa kapatid. Mag-iisang linggo na magmula nang mangyari ang nangyari sa sasakyan nito. Hindi na siya sinusundo at inihahatid ni Rubick. Dumistansya na ito sa kanya at aaminin niyang sobrang nami-miss niya ang binata. Nasasaktan din siya at natatakot na baka hindi na sila bumalik sa kung ano ang meron sila dati. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang damdaming iyon pero hindi na niya kayang mag-isang dalahin ang pakiramdam.

Nang magtrabaho siya sa DJP, noon niya nalaman ang iba’t-ibang chismis patungkol sa ama ni Rubick. Na madami itong babae. At ang asawang si Tita Miranda ay hindi ito pakawalan maski naghahayin na ng annulment. Hindi iyon pirmahan ng ginang, sa halip ay lagi iyong nakabuntot sa asawa. At kung anu-ano pang eskandalo ni Mr. De Juego ang naririnig niya sa mga katrabaho. Siguro, iyon ang dahilan kung bakit ayaw tanggapin ni Rubick ang offer ng ama. At kung bakit ganoon nalang kapait ang pagtingin nito sa buhay.

What did happen to Rubick when he found out his father’s scandal? And when did he found out? Kaya din ba ganoon nalang ito husgahan ng makikitid na isip ng mga tao sa lugar nila? Dahil sa family background nito?

Lumaki si Lahynna sa masaya at buong pamilya at hindi niya iyon ipagpapalit sa ano pa mang bagay sa mundo.Doon palang ay nage-gets na niya kung gaano kalungkot at kasakit ang buhay ng binata. Na itinatago lang nito ang lahat sa paglilibang at pagtatrabaho.

Minsan ay nagkayayaan sila ng mga katrabaho na sa restaurant ni Tita Miranda, mag-lunch. Sa entrada ay nakita na niya si Rubick na nag-aasikaso ng bunton na papeles sa isang mesa roon sa loob ng dining. Pero nang makita siya ay sandali lang itong sumulyap at mabilis nang sinamsam ang mga papel saka pumasok sa isang pinto sa loob rin ng restaurant. At nahuhulaan na niyang opisina iyon. Minsan nalang rin ito tumambay sa kanila kasama ang iba pang kaibigang grupo ng mga DOTA players. May pakiramdam siya na sinasadya nitong dumistansya sa kanya.

Nasasaktan siya sa ginagawang pag-iwas ni Rubick sa kanya. Pero hindi niya rin alam kung tama pa bang magpatuloy ang pagkakaibigan nila matapos ang nangyari sa loob kotse nito. Ah! Mababaliw na siya sa kakaisip at hindi na niya kayang patagalin pa ang ganitong set up nila ni Rubick.

Inirapan ni Lahynna ang kapatid. “Anong masama sa suot ko?”

Nakasimpleng mini dress siya na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Flat sandals. At inilugay lang ang tuwid na buhok. Nagpahid din siya ng light make-up. Light lang naman. Tipong make-up na walang make-up. At wala siyang makitang mali roon.

Sa lalo niyang pagtataka ay ngumisi si Lanryd.“Sinong pinagpapagandahan mo, ate? Si Rubick ba?”

Kinutongan niya ang kapatid para ‘di nito mahalata ang parang nasukol na daga na reaksyon niya.

“Hindi ko kailangang magpaganda dahil matagal na akong maganda.”

Makahulugan ulit ang pagngisi ng kapatid sa kanya. Pagkuway sumeryoso na ito.

“Ate, masarap maging kaibigan si Rubick, pero maging boyfriend? Hassle, ate. Huwag nalang.”

Hindi alam ni Lahynna kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng kapatid. Hindi niya alam kung approved ba ito kay Rubick o hindi,ganitong pinuri nito ang lalaki pero siniraan din sa huli. Close friends ang dalawa kahit magkalayo ang edad kaya ‘di niya talaga ma-gets si Lanryd kung ano ba talaga ang verdict nito sa kaibigan.

“Ewan ko sa ‘yo. Tara na nga!”

Tumalikod siya rito at hinanap ang kanilang ina. Deretso sa garden para mamaalam. Oo, nauna pa ang pag-aayos niya kaysa pamamaalam. Alam naman kasi niyang papayagan siya nito lalo pa at kasama si Lanryd.

SAMBAKOL ang mukha ni Lahynna habang papunta sa comfort room bitbit ang kanyang bag na may nakalagay na swimsuit. Paanong hindi? Kabungad-bungad nila sa pool area ay isang hindi magandang eksena ang unang-unang nakita niya.

Eina was flirting with Rubick.

Buong akala pa naman niya ay wala nang balak mag-usap ang dalawa dahil sa kinasangkutang issue ng mga ito. Dahil kung siya naman si Eina, wala na siyang mukhang ihaharap sa lalaking tinanggihan ang kanyang anak ng harapan at kalat pa iyon sa buong lugar nila.

But sad to say, Eina was not her. Hindi sila pareho dahil adobe ang mukha ng pinsan niya.

“Ang kapal talaga ng mukha!” nanggigigil na sambit niya habang naghuhubad sa loob ng comfort room.

Nakaharap siya sa malaking salamin na naroroon sa loob. Kitang-kita niya kung gaaano kaasim ang pagmumukha niya ng mga sandaling iyon.And why the hell would she feel that way? Bakit ba niya ini-stress ang sarili sa malandi niyang pinsan?

Alright! Masama na kung masama na nag-iisip siya ng hindi maganda at hinuhusgahan niya sa kanyang isip si Eina. But whatever she thinks of her cousin will only be inside her mind. She breathed in and out. Hindi siya dapat magpaka-stress. Wala siyang dapat na pakialam kahit mag-make-out ang dalawa sa mismong harapan niya.

“Hmp!”

Pero ang mas nakakainis ay hindi niya talaga gusto ang huling idea. Hindi yata niya gusto, maski isipin man lang na may ibang babaeng hinahawakan si Rubick.

Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng comfort room at muling dumeretso sa pool area. Napakalaki ng bahay nina Rubick pero wala namang tao maliban sa mga katulong. Sa pagkakaalala niya ay may kapatid itong lalaki. Pero wala rin doon ang Kuya nito.

Gusto tuloy niyang maawa sa binata. Hindi na siya magtataka kung bakit nasabi ng kanyang ina noon na wala itong totoong pamilya. Dahil wala talaga itong pamilya na inuuwian sa bahay. Kaya siguro idinadaan nalang nito ang kalungkutan sa mga pa-party-party na ganoon. Ano ba ang aasahan niya sa isang malungkot na anak-mayaman na wala nang mapaglagyan ng kayamanan nito?

Her heart, once again, went out for him. He was such a lonely beautiful man.

Ibinaba ni Lahynna ang kanyang bag sa lounger na malapit sa swimming pool habang pinapanood sina Eina at Rubick sa may gazebo. Kahit may kaunti pa din siyang inis ay ‘di na ganoon kaasim ang pakiramdam niya. Mas lumalamang ang kagustuhan niyang intindihin si Rubick. Sabik ito sa atensyon at pagmamahal at nakukuha lang nito ang lahat ng iyon sa piling ng mga kaibigan.

At sa piling ng mga babaeng lumalandi rito! Huh!

Siguro, saka nito nararamdaman ang halaga at existence nito kapag nilalandi ito ng mga babae. Pero hindi niya gagawin iyon. Hindi dapat ganoon ang treatment sa lalaking broken.

“Look at me, Rubick. Look at me…” Mahinang sambit niya sa sarili habang pinapanood ang bawat galaw ng binata.

Gusto niyang tapunan siya nito ng pansin, maakit ito ulit sa kanya at gustuhin nitong gawin nila ulit ang ginawa nila sa kotse nito dahil siya ay sabik na maulit iyon.

And as if on cue ay bumaling nga ito sa kanya. Titig na titig ang magagandang pares ng kulay tsokolate nitong mga mata sa direksyon niya. Like she was the most beautiful woman in the place. Nang mapunit ang magandang ngiti sa mga labi nito ay para bang bumukas ang kalangitan sa mismong tapat ng binata. Papadilim na dahil dapit-hapon pero parang kay liwa-liwanag pa din ng paligid ng mga sandaling iyon.

As if his smile lightened the whole place.

Napakagwapo talaga nito. He was so bewitching!Napakaganda ng katawan nito na boxer lang ang suot. At parang nakikita niya ang sarili na iniaalampay ang mga braso sa malalapad nitong mga balikat. She was as of touching his strong muscled chest… feeling his stone-hard body against her. Nanuyo ang lalamunan ni Lahynna sa mga naiisip. Darn but she was really aching inside!

He is a friend, for goodness sake! Why was she lusting for him?

But then, she couldn’t contain her excitement when he started to move. He walked without loosing their eye contact. Ganoon nalang ang pagwawala ng diwa niya. Hindi na siya makapaghintay na makalapit ito at gusto nalangna takbuhin at salubungin.

Saan ba kasi nagtago ang kanyang consciousness patungkol sa lalaking ito at ngayon lang niya nalaman na may ganoon palang epekto sa kanya ang kaibigan?

Pero kung kailan malapit na ito sa kanya ay saka naman may pumutol sa nakakaengkantong koneksyon na nabuo sa pagitan nila ni Rubick.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height