C8 7

“Hey, Hynna! Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-sexy.”

Malapad ang ngiti ni Lief na lumapit sa dalaga. Isa sa miyembro ng barkada. Kasing edad lang nito si Lanryd. Tatlong taong mas bata sa kanya.

At hindi niya maintindihan pero parang nababastusan siya sa paraan ng pagtingin at pagpuri nito sa kanya samantalang alam naman niyang purong admiration lang naman talaga ang purpose ng mga salita nito. Pero bago pa siya mailang kay Lief ay nginitian na niya ito at hinila pabalik ang kanyang kaluluwa.

“Hey, Lief?” Tinapik niya ito sa braso matapos makalapit sa kanya. “What happened to Ate? Mas matanda pa din ako sa ‘yo, ano? Nakita mo lang akong naka-two piece, hindi mo na ako iginagalang?” pagbibiro niya rito.

Tumawa si Lief. “Nagbago na ang pagtingin ko sa ‘yo. Ayaw na kitang tawaging ate.”

“Ano?! Bad ka!”

Tawa lang ulit ang isinagot nito sa kanya. Pagkuway inabot ang kanyang siko. “Doon tayo. Masarap ang barbeque.”

Itinuro nito ang backyard kung saan nakalatag ang mahabang mesa na puno ng pagkaing inihanda ng mga katulong sa bahay nina Rubick. Wala siyang nagawa kundi ang lingunin nalang si Rubick na tumigil sa paglalakad sa gilid ng pool at ngayon ay itinulak na ni Lanryd sa tubig. Nagkulitan na ito at ang iba pa habang siya naman ay tangay-tangay na ni Lief.

Ganoon nalang ang pagbalot ng panghihinayang sa buo niyang pagkatao. Kung bakit ba naman kasi nakakaramdam siya ng ganoong uri ng damdamin kay Rubick?

Oh, lust! That was the exact term. Lust was already there even before. Natutulog nga lang iyon sa kanyang sistema. At nang tawirin nila ni Rubick ang hangganan ng pagkakaibigan nila sa pamamagitan ng hindi naman basta at simpleng halik, tuluyang nagising ang bahaging iyon ng kanyang pagkatao. Damdaming meron na pala siya para kay Rubick noon at hindi lang siya aware.

“Hynna...” May iniabot na baso si Lief kay Lahynna.

Bigla tuloy naalarma si Rubick dahil alak ang laman noon. Kumawala siya sa mala-sawang pagkakalingkis ni Eina sa braso niya at malalaki ang hakbang na lumapit sa pool area. Nasa akma na ng pag-inom si Lahynna nang agawin niya ang baso mula rito.

“Hey!” angal ng dalaga sa biglang pagsulpot niya. “Akina nga iyan!”

“Bawal sa ‘yo ang uminom, ‘di ba?” pasitang sambit niya at tuluyang itinapon sa bermuda grass ang laman ng baso.

Hindi niya maintindihan si Lahynna. Hindi na ba nito mahal ang buhay nito para gawin ang mga ipinagbabawal rito ng doktor?

Yes. May sakit si Lahynna. Idiopathic Dilated Cardiomyopathy. Alam niya ang pinagdaanan nito, mahigit anim na buwan na ang dumaan. Ang pag-atake ng sakit nito na kamuntik na nitong ikinamatay. Kung may isang buwan ding hindi nakasama sa barkada nila si Lanryd at ‘di rin sila nakatambay sa bahay ng mga ito dahil kailangan ni Lahynna ng total rest.

Kung gaano katagal noon si Lahynna sa ospital ay halos makatira-tira na din siya sa ospital sa mga ganoong panahon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na umiyak ang mga magulang nito habang nasa ICU ang dalaga. At kung gaano karaming beses niya ding tinapik ang braso at balikat ni Lanryd para palakasin ang loob nito. Pero para bang sa bawat pagtapik ay loob niya ang pinatatatag. Pilit naniniwala na makaka-survive ito.

Lihim lang siyang nakasuporta dahil ‘di naman siya nagpapakita kay Lahynna noon. Hindi niya kayang makita ang sitwasyon nito sa loob ng ICU, baka mauna pa siyang mamaalam sa mundo.

Ginusto niyang hunting-in noon si Szade. Ito ang nagbigay ng matinding sama ng loob sa dalaga na dahilan ng pagkakaroon ng atake. Pero dahil hindi iyon magawang sisihin ng mga magulang ng dalaga sa nangyari rito, pinilit niya ring pababain ang galit niya kay Szade.

‘It is not his entire fault. Hindi maiiwasan na ‘di aatakihin si Hynna dahil inborn na sakit niya iyan. Ang pwede lang nating gawin ay magdasal para sa kanya. Masasayang lang ang oras natin sa galit.’ Iyon ang narinig niyang sinabi ng Mama ni Lahynna sa Papa nito noong gustong kumprontahin ng huli si Szade.

Hindi biro ang naging agony at takot nilang lahat, lalo na noong mag-flat line ito. Indeed, it was a big miracle she survived it. Anim na buwan na din ang dumaan magmula nang mangyari iyon pero hindi pa din niya makalimutan.

Pagkatapos ay ganito na makikita niyang iinom ito ng alak na bawal naman rito?

What is wrong with this woman?!

“Hindi naman ako maglalasing. Titikim lang ako.” Pangangatwiran pa ng babae.

“Oo nga naman, Kuya Rubick! Titikim lang. Di ko naman siya lalasingin.”

“Sige, pero ipapaalam ko muna ito kay Lanryd bago niyo gawin iyan. Ewan ko lang kung ‘di kayo mapagalitan ng parents mo, Lahynna Belle.”

Saka lumipad ang mga paningin niya kay Lanryd na may kaulayaw na babae sa may lounger. Bagong girlfriend na kailan lang pinakilala sa kanila. At nakalimutan na din niya ang pangalan. Busy iyon masyado kaya sinasamantala naman ni Lahynna ang pagkakataon.

Napapalatak tuloy siya.

Ang sumunod na nangyari ay umahon si Lahynna mula sa pool. Nagmamartsang umabot ng malaking tuwalya sa may bench at dumeretso sa front porch.

Pinigilan niya ang sariling matulala na naman sa kaakit-akit na kagandahang nakahayin kanyang harapan. Napaka-sexy talaga nito. Nakakaakit ng husto ang bawat pag-indayog ng mga balakang nito. At ang higit na nakaka-turn on ay ang katotohanang wala itong pakialam sa kung gaano ito kaakit-akit sa paningin ng mga naroroon.

Nagsimulang sumikip ang swimming trunks niya at gusto niyang umbayan ng suntok ang sarili. Just the thought and the sight of her made him fully aroused. At hindi tamang pagnasaan niya ang dalaga. Hindi rin tama ang ginawa niyang paghalik rito, last time. But she pursued him. At nawala siya sa sarili. Hindi niya na kinayang kontrolin ang sarili ng mga sandaling iyon. Kung nalalaman lang nito kung gaano na katagal niyang pinahihirapan ang sarili sa pagkontrol na mahawakan ang dalaga.

Ngayon, kailangan niyang umiwas para lang hindi nila matawid ang boundaries nila. Dahil kung magkakalapit pa ulit sila, hindi niya maipapangakong hindi niya maitutuloy ang ginagawa nila sa kanyang sasakyan nang araw na iyon.

Pinilit pakalmahin ni Rubick ang sarili. Kung gaano kahirap ay wala na siyang makuhang salita para ilarawan iyon. Ilang araw na din siyang nagtimpi. Napakahirap pakitunguhan ng kanyang sarili pagdating sa alaala ni Lahynna ng araw na iyon, sa loob ng kanyang sasakyan.

Maski pwede naman siyang kumuha ng ibang babaeng pupuno sa mga pangangailangan niya bilang lalaki ay hindi niya ginawa. Bukod sa nadala na siya kay Eina, nawalan na din siya ng gana sa ibang babae magmula nang mahalikan niya si Lahynna.

Darn! Lahynna was starting to destroy him again. Kay tagal bago niya nagawang iahon ang sarili. From being a destroyed man to a better one. Ngayong fully recovered na siya, bakit parang gusto niyang magkaroon ng relapsed? No, ayaw na niyang bumalik sa dating gawain. Tama na ‘yong mahabang panahon na pinagpipyestahan ng buong bayan ang buhay nila ng kanyang pamilya. Tapos na ang madidilim na panahon na iyon.

Naipilig ni Rubick ang sariling ulo. Susundan naman na sana ni Lief si Lahynna nang pigilan niya ang lalaki. “Ako na ang makikipag-usap sa kanya.”

“Sige. Tapos bahala kang tanggapin ang inis niya.” Sabi naman nito.

Binalewala lang niya si Lief. Susundan na niya si Lahynna nang humarang sa daraanan niya si Eina. But he dismissed her immediately. At para hindi mapahiya si Eina ay dumeretso ito kay Lief.

Nawalan na siya ng pakialam sa lahat.

Nakatutok ang atensyon ni Rubick kay Lahynna na naupo sa lounger na naroroon sa front porch. Padaskol na nagtuyo ito ng buhok.

Napapalunok tuloy siya at ‘di mapigilan ang sarili na mapatitig sa dibdib nitong gumagalaw habang walang ingat na nagkukuskos ng tuwalya sa ulo. Ah, halos mag-iisanglinggo na magmula nang mangyari ang nangyari sa loob ng Audi.

At kung hindi malakas-lakas ang control niya ay malamang na nauwi sila sa hindi dapat. She was so willing back then, at nadadala naman siya ng sitwasyon.

Oh, fuck!

Naramdaman yata ni Lahynna na nakatitig siya rito kaya bumaling ito sa direksyon niya at matalim na umirap. Sa halip na mainis ay napangiti pa ang binata.

What happened to the sweet beautiful young lass he met, two years ago?

Mas lalo itong gumanda ngayon. Pero kasabay ng pamumukadkad ng inosenteng ganda nito ang pagbabago rin nito bilang ito. She wasn’t sweet anymore. She turns to be a fierce and seductively beautiful woman. Iyon ba ang nagagawa ng broken heart sa isang babae? The sweet turns to be a fierce one?

Siguro.

Dahil malamang na malalim ang naging samahan ng dalawa ni Szade para masaktan ito ng ganoong kasobra. The thought made him furious. Hindi deserving ang Szade na iyon kay Lahynna!

And what the hell!? Kung naging malalim man ang samahan nito at ni Szade, tapos na ang lahat. At hindi na niya papayagang saktan ulit ng lalaking iyon ang babaeng…

…ang babaeng kauna-unahang nakaagaw ng atensyon niya.

Walang pakialam si Rubick kung gaano kalaki na ang naging pagbabago ni Lahynna. For him, she was still the sweet young lass he used to adore way back then. Adoration na nauwi na yata sa desire. Dahil wala na siyang ginawa kundi ang mag-imagine ng mga makamundong gawain kasama ito. At dahil ‘di naman iyon nangyayari kaya nagre-resort siya sa pagbaling sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya.

Nilagpasan niya si Lahynna at pumasok sa loob. Kailangan niya ng pansuhol para lumamig na ang ulong dalaga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height