LUSCIOUS VENGEANCE/C3 KABANATA 2 - OFFER
+ Add to Library
LUSCIOUS VENGEANCE/C3 KABANATA 2 - OFFER
+ Add to Library

C3 KABANATA 2 - OFFER

Padabog kong binitawan ang styrofoam na naglalaman ng mga balut na paninda ko. Ala-una na ng madaling araw at iniisip ko pa rin ang tungkol sa kaganapan kanina sa palengke. Panigurado na mang-uusisa ang mga tindera bukas kaya iniisip kong magpapaliban na lang muna sa pagtitinda.

Halos ihampas ko na ang ulo ko sa sementong sahig.

At talagang iniisip mo pa ang iniisip ng mga marites, Greta! E wala naman talagang ibang gagawin ang mga iyon kun’di pumutak nang pumutak!

Malamig na ang hangin at uulan pa yata kaya inihanda ko na ang payong. Habang naghahanap ako ay nag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyon sinulyapan ang nakita kong tumawag si Kristine.

“Amelia! Nababaliw ka na ba?”

Ipinilig ko ang ulo at napakunot-noo. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi naman sa inaano kita, ah, dahil baka ginagawa mo ito para sa kapakanan ng Lola mo. Pero talagang inilipat mo sa private room?” pasigaw niyang tanong sa akin.

“Huh? Hindi ako nag-utos—”

“At nabayaran na raw ang pang-isang buwan na pananatili rito sa hospital—”

“Ano!” Agad akong napatayo nang marinig iyon. “Paano nangyari iyon?”

“Ikaw dapat ang tanungin ko, Greta Amelia! Nagtitinda ka na ba ng illegal? Itong sinasabi ko, humanda ka talaga sa akin!”

“Hindi, Kristine...”

Natigil ako sa pagsasalita nang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Ibinaba ko muna ang cellphone ko at agad na lumapit sa sasakyan sa pag-aakalang customer iyon. Pero biglang lumabas ang nagda-drive.

Laking gulat ko nang nakita ko ang lalaki kanina. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at pinatay ang tawag.

“Anong ginagawa mo rito—”

“I should be the one to ask you that. Why are you still here on the street when I have already paid your grandmother's hospital bills?” seryosong tanong niya ikinalaki ng mga mata ko.

“Ikaw! Ikaw ang nagbayad?” namamangha kong tanong. Imbes na matuwa ako ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Nakita kong tumingin-tingin pa siya sa paninda ko.

Hahawakan niya pa sana ang mga itlog na paninda ko kaya agad ko siyang nilapitan.

“Huwag mo nga hawakan ang mga itlog ko!” galit kong asik at tinampal ang kaniyang kamay.

Binigyan niya naman ako ng nakakaloko pero nakakainsultong ngiti. “Bakit ko pa hahawakan ang itlog mo kung may itlog din naman ako?”

Mas lumapit pa siya sa puwesto ko at mas lalong ngumisi.

“Dalawa pa,” bulong niya sa may bandang tainga ko.

Agad akong pinag-initan ng pisngi sa sinabi niya. Umatras agad siya habang ako naman ay naka-estatwa sa lupa.

Matunog ulit siyang napangisi kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata at sinampal.

“Bastos!” nanggagalaiti kong sigaw.

“If you could only be my fiancée then—”

“Ah! Fiancée! Kaya binayaran mo ang hospital bills dahil ipapakasal mo ako sa iyo? Ganoon ba? Huh!”

Umawang ang labi niya at kalaunan ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

“Well, I’ve been waiting for years—”

“E ‘di walang kuwenta ang paghihintay mo dahil kahit kailan hindi ako pakakasal sa iyo!”

Umalis ako sa kaniyang harap upang magliligpit na sana ng gamit ko nang mabilis niyang nahablot ang aking kaliwang kamay.

“Be my fiancée and listen to every word I said first, Greta!” Lapit niya sa akin.

Mariin ko siyang tiningnan at agad galit na dinuro. “Payapa ang buhay ko kahit wala akong ama at ngayon na namatay siya, iiwanan niya ako ng responsibilidad kahit wala naman siyang karapatan?”

Nagtatagis ang bagang ko habang dinuro-duro ang kaniyang dibdib.

“Puwes! Kung gusto ninyong babayaran ko ang putanginang utang na iyan ay maghintay kayo hanggang tumanda ako para mabayaran ‘yan. Pero asahan niyo na kahit magtrabaho ako buong buhay ko hanggang sa mamamatay, hindi ko kayang mabayaran ang ganoon kalaking halaga—”

“Para walang problema, Greta! I will pay for your grandmother's recovery expenses, as well as, the debt of your father will be solved!”

Nilapitan ko siya at mabilis na sinampal. Tumagilid ang kaniyang ulo pero ang buwesit na ito ay hindi man lang nagpapakita na nasasaktan siya sa sampal ko.

“Hinding-hindi ako isang pambayad utang. Hindi ako bayaran. At mas lalong hindi ako pakakasal sa iyo, naiintindihan mo?” giit ko.

Nakaharap din siya sa akin. Ngayon, hindi maipaliwanag ang ekspresyon niya. Galit o pagkasuklam o inis. Pero anong pakialam ako? Tama ang sinabi ko! Kinokontrol nila ako! Pinipilit nila ako sa isang kasunduan na wala akong kamuwang-muwang!

“Do you think I want to do this to you, hmm?”

“E ‘yon naman pala, e! Kaya umalis ka na at huwag mo na akong singilin ulit sa utang na wala akong kinalaman—”

“Greta, we need to do this. I need to do this—”

“Bakit, huh?” Putol ko sa sinabi niya. “Ipapakulong niyo ako? Ipapapatay niyo ako?”

Kinuha ko ang kaniyang kamay at inilagay iyon sa leeg ko.

“Sige! Sige, patayin niyo na lang ako kung iyan man ang tanging paraan para hindi ako maugnay sa lecheng utang na iyan!”

Inalis niya ang kaniyang kamay sa leeg ko at masamang tumingin sa akin.

“I’ll pay for everything you are selling. You go home—”

“Hindi ko kailangan ng tulong mo. At babayaran ko ang ibinayad mo sa hospital para sa lola ko.”

Tumingin lang siya sa akin saglit bago niya ako tinalikuran at naglakad papunta sa kaniyang sasakyan . Mabilis din siyang umalis.

Napapikit ako nang mariin at umupo sa upuan ko. Sapo ko ang noo habang sumulyap ako sa kalsada na ngayon ay wala ng sasakyan na dumadaan.

Iniisip ko ang ginawa ng sarili kong ama. Hindi ko siya nakilala nang lubusan pero kung makalagay siya ng pangalan ko sa kontrata ay parang binuhay niya ako o sinustentuhan man lang! Napakakapal ng mukha niya para gawin sa akin ito! Para ilagay ako sa sitwasyon na ito! Wala siyang karapatan!

Tumulo ang luha sa galit at pananakit ng dibdib.

Labis akong nasusuklam sa katotohanan na kahit hindi ko pa nakikita ang aking ama ay iniisip kong mabuting tao siya. Na gusto kong makasama siya, makita siya, o makilala man lang siya.

Kinasusuklaman ko ang sarili ko sa pagiging positibo sa kan’ya sa kabila ng sama ng pakiramdam ko noon pa man..

Iiiwas ko na sana ang paningin nang may napansin akong papel sa may lagayan ng mga itlog.

Tumayo ako at kunot-noo akong kinuha ang papel.

May numerong nakalagay roon at sa ibaba pa ay may nakasulat na note at pangalan.

If you need help. Don’t hesitate to think about my offer.

-Marcus Amadeus de Rossi.

Hinaplos ko ang noo ko at agad na inilukot ang papel at tinapon sa basurahan. Napapikit ako at napasulyap sa mga bituin sa langit.

Kailan ba ako makararanas ng kaginhawaan na walang kapalit?

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height