+ Add to Library
+ Add to Library

C11 Pahina 11

Pahina 11

Scars and Madness

Hurricane’s Point of View

Nagulat kami nang biglang tumayo si Tenere at tumakbo paalis.

Napabuntong hininga si Lihtan.

"Nabigla siya." sambit ni Lihtan.

"Bakit kasi binigla mo? Loko ka rin e." sambit ni Simone na kinatango ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ko ng nakanguso.

"Naramdaman ko lang."

"E? Talaga?"

"At isa pa, nakita ko siyang sinipa ang pader kanina."

"Bakit niya naman gagawin 'yon?" tanong ko.

"Sa galit." kunot ang noong sagot ni Lihtan sa akin.

Natahimik ako at nahuli ko si Simone na nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sumandal sa kinauupuan ko.

Hindi ko akalaing makikita namin agad ang hinahanap namin.

"Cane..." napatingin ako kay Lihtan sa mahinang pagtawag niya sa akin kung kaya't napaseryoso akong tumingin sa kanya.

"Bakit gusto mong hanapin ang mga tulad ko. Anong...dahilan?" halos bulong na tanong niya. Tinitigan ko siya.

"Bakit... Bakit gustong gusto mo 'ko isama?" sunod na tanong niya ulit.

Ibinaba ko ang tingin ko sa basong pinaglalaruan ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Bukod sa interesado ako, marami pang dahilan."

"At ano ang ibang dahilan, Cane?"

Napangiti ako sa kanya dahil malaya na siyang nakakapagsalita ng mga gusto niya iparating. Hindi na siya nahihiya at komportable na sa amin. Tiningnan ko ang kabuoan ng kanyang magandang mukha, nasasanay na rin siyang hindi nagtatago sa likod ng kanyang maskara. Nadagdagan ng kakaibang emosyon ang mga mata niya.

"Masaya ako para sa’yo, Lihtan." nakangiting sambit ko at kita ko ang pagkabigla niya. Tiningnan ko si Simone na tinaas ang baso niya sa harap ni Lihtan.

Wala sa sariling tinaas din ni Lihtan ang baso niya. Hindi ko siya pinainom ng alak dahil mabilis siyang tamaan.

Napangiti ako sa kanilang dalawa at lumipad ang isipan ko kay Tenere.

Nang hilain niya ang kamay ko ay alam ko ang isa pang dahilan kung bakit niya ginawa 'yon. At alam kong napansin din 'yon nina Simone at Lihtan.

Lahat ng nabubuhay sa mundo ay may kaniya-kaniyang malalalim na kwento at ngayon iniisip ko, anong meron sa’yo, Tenere.

Nararamdaman kong mabuti siya, masayahin pero may pader siyang hinaharang sa sarili niya. Para siyang nakakulong doon tulad ng kay Lihtan. Takot din siya pero may kung anong bagsik akong nararamdaman sa kanya.

Napabuntong hininga ako at tumatangong napanguso.

Nararamdaman ko na mahihirapan ako sa kanya.

"Let's find a place to stay." tumango ako sa sinabi ni Simone.

May nahanap kaming murang matutuluyan para sa isang linggo. Magkasama sina Lihtan at Simone samantalang mag isa lang ako sa kwarto.

Gabi na at nakatulala ako sa kisame habang inaalala ang mga mata ni Tenere na may halong galit sa akin bago umalis.

Bakit...Tenere?

Napasulyap ako sa pinto. Alam kong pinakikiramdaman ako ni Simone, kung aalis ako ay mabilis niyang malalalaman.

Napatingin ako sa pinto at nakita ko ang anino ni Simone kaya dahan dahan akong umupo.

"Sleep."

"Matutulog naman talaga ako."

"Kung anuman ang gusto mong gawin ipagpabukas mo na."

"Di naman ako aalis."

Hindi siya nagsalita at naglakad patungo sa akin at marahang tinulak ang mga balikat ko pahiga. Sa sobrang lapit niya'y nararamdaman ko ang paghampas ng paghinga niya sa noo ko.

"S-Simone?"

"Hmm?" kunot noo at nakapikit na tanong niya at biglang dumilat.

"Magpahinga ka na. Wag kang mag-alala, hindi ako aalis." malumanay na sambit ko at hinawakan ang dalawang pisngi niya.

Napabuntong hininga siya at muling tumayo ng diretso.

“H'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo, Simone.”

Ipinikit ko na ang mga mata ko at bigla kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko na kinangiti ko. Inayos niya ang kumot ko at pagkatapos ay narinig ko ang yabag ng mga paa niya paalis.

Napabuntong hininga ako, at tulad ng pinangako ko sa kanya ay tuluyan na 'kong natulog. Hehehe. Baka bumuga ng apoy si Simone.

zzzZZZ

Tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw na nagmumula sa butas ng kisame.

Bumangon ako at nagtungo sa kwarto nila Simone. Nasaan sila? Nagtanggal muna ako ng muta. Walang tubig sa palikuran nila.

Lumabas muna ako. At sa paglabas ko ay lumipad si Dino sa aking balikat.

"Magandang umaga, Dino. Hehehe." nang sabihin ko 'yon ay muli siyang lumipad. Naglakad pa ulit ako. Sinundan ko ng tingin ang mga taong nag-iimbak ng tubig at naglakad sa pinagkukunan nila.

May balon silang pinagkukunan at labis akong nahabag sa nakikita ko.

Mahaba ang pila ng mga taong nakalinya sa balon. May mga kawal na naniningil. Kitang kita ng mga mata ko kung paano ingatan ng mga taong ito ang bawat tubig na nakukuha nila. Isinuot ko ang taklob ko at mabilis na naglakad sa uugod-ugod na ginoo habang buhat ang iniingatan niyang biniling tubig.

"Saan niyo po ito dadalhin? Tutulungan ko na kayo, Tay." sambit ko na kinagulat ng matanda. Sinamantala ko 'yon at binuhat ang dalawang hawak niya.

"S-Salamat."

Tumango lang ako rito at marahang ngumiti. Hindi naman sobrang layo ang tinutuluyan nila kaya mabilis kong inihatid. Bumalik ako sa mga pumipila at paulit ulit na ginawa ang pagbubuhat.

"S-Salamat iha, tanggapin mo 'to."

Gaya ng mga nag alok ng bayad ay hindi ko 'yon tinanggap.

"Ayos lang. Hehehe, sige po una na 'ko, paalam!" kaway ko sa mga anak ng ginang.

"Salamat ulit!"

Bumalik ulit ako sa pila.

"Bilisan mo, Wani!"

"Sandali lang, Wano! Hintayin mo 'ko."

Nilapitan ko ang mga bata.

"Saan niyo dadalhin 'yan? Tulungan ko na kayo. Hehehe."

Bigla silang napaatras at takot na tumingala sa'kin.

"Hindi ko aagawin 'yan." mahinahong sambit ko.

"Hindi kami naniniwala!" sabay na sigaw nila.

"Magpatulong na kayo sa malakas na binibini, tinulungan niya rin kami..hindi ba mga kasama?" nagulat ako nang may magsalita mula sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang bata

"Lahat sila tinulungan mo?" gulat na tanong ng kambal sa akin. Nalilito ako kung sino si Wani at Wano.

"A-Ang dami nila..." gulat na sambit nila kaya tuluyan kong nilingon ang mga nasa likuran ko.

Oo nga. Ngayon ko lang napansin dahil hindi naman ako nakaramdam ng pagod.

Tinanggal ko ang taklob ko at nginitian ang kambal.

"Tulungan na kayo ni Ate Cane ah? Amin na 'yan." nilagay ko sa magkabilang balikat ko ang dalawang kahoy na may tag-isang tubig.

Nakita ko ang pagkagulat at mangha ng kambal at hindi nalalayo ang reaksyon ng dalawang bata sa mga nasa paligid. Ipinagkibit balikat ko na lang 'yon.

Umabot ng limang minuto bago namin marating ang tinutuluyan nila at hindi nauubusan ng kwento ang kambal tungkol sa kuya nila. Ang nakakapagtaka lang ay hindi nila alam ang pangalan. Sobra ang pagkabilib nila rito dahil marami raw itong kayang gawin at malakas din daw kaya lang may lagnat daw ito ngayon.

Pagkarating namin sa bahay nila ay pinasalamatan ako ng mga magulang nila. Nahabag ako sa kalagayan ng kanilang ina nang bumaba ang tingin ko sa putol nitong paa. Mabilis kong inalis ang tingin do’n nang hindi nila napapansin at tiningnan na lang ang mukha nila.

"Salamat iha. Inunahan na naman ako ng batang 'yan. Ako sana ang mag-iimbak." nakangiting sambit ng kanilang ama

"Ang lakas ni Ate Cane, ama! Maganda at mabait pa!" sambit ni Wano.

Nalaman ko na kung sino ang sino sa kanilang dalawa. Si Wano ay may nunal sa pilikmata na hindi agad makikita at si Wani na may maliit nunal sa labi na hindi mo rin agad mapapansin.

"Walang anuman po. Hehehe."

Nag-bow ako at binitbit ang isang imbak na tubig dahil nasabi ng kambal na para 'yon sa kanilang kuya.

"Sige po. Ihahatid ko muna 'to sa kuya nila."

"Salamat ulit iha. H'wag niyo masyadong pagurin ang ate Cane niyo." magaang ngiti ng kanilang ina.

"Opo, Nay!"

Malapit lang naman ang tinutuluyan ng kuya nila.

"Kuya! Kuya! Kuyaaaaa!"

Natawa ako sa inasal ng kambal. Binuksan nila ang pinto at pumasok na rin ako ngunit nanlaki ang mata ko sa nakita kong taong nakapamaluktot sa sahig.

"T-Tenere..."

Tenere’s Point of View

Nasisilaw na nag-angat ako ng tingin. Namamalikmata ba 'ko? Kumalabog nang malakas ang dibdib ko...

"KUYA! AYOS KA LANG?!"

Nanatili akong nakatulala sa kanya...

"C-Cane..." nanghihinang sambit ko sa pangalan nito. Binaba niya ang hawak niya at lumapit sa akin.

Nilagay niya ang braso ko sa balikat niya at seryosong inalalayan nang walang kahirap hirap. Sa bigat kong 'to nagawa niya pa akong madala sa papag na hinihigaan ko.

"Kuya..."

"Ayos lang ako, Wani Wano."

Tiningnan ko si Cana na nililibot ang tingin ang tinutuluyan ko.

"Nasaan ang damitan mo?" tanong niya.

"B-Bakit?" nanghihinang tanong ko.

"H'wag mo ko sagutin ng tanong." mahinahon ngunit seryosong sambit niya na kinalunok ko.

'Bat ganyan siya.'

"Nandoon po, Ate Cane." hinila siya ni Wani sa ilalim ng papag ko. Mabilis kong pinigilan ang kamay niya.

'Wag...'

"Wani...Wano...pwede niyo bang ibili ng mainit na makakain ang kuya niyo?" tanong niya sa kambal ngunit ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin.

Binigay niya ang maliit na telang nakabalot sa baywang niya at narinig kong kumalansing ang maraming barya ro’n. Napaiwas ako ng tingin dahil ako ang nagbigay sa kanya nung lalagyanan.

"Waah! Ang dami nito!" manghang sambit ng kambal.

"Ibalik niyo ang sobra." seryosong bilin ko sa kambal.

"Kahit hindi na. Sa inyo na 'yan." nagulat ako sa sinabi ni Cane.

"Pinaghirapan mong kitain 'yan." pigil ko at nakaramdam ng kaunting inis.

"Pinaghirapan 'natin' hindi mo kinuha ang hati mo kaya para sa’yo talaga 'yan." madiin na sambit niya at sinalubong ang tingin ko. Kunot noong umiwas ako ng tingin at napanguso.

Bakit parang pinapagalitan ako ng mga mata niya?

"S-Sige po ate Cane!"

Nang makaalis na sila ay napalunok ako nang isara niya ang pinto sa loob.

Kinuha niya ang damitan ko at nakita ro’n ang mga sandata ko. Wala naman siyang reaksyon at kumuha ng damit ko.

"Hubad."

"Ha?"

Bumuntong hininga siya.

"Basang basa ka ng pawis, kailangan mong magpalit." mahinahing paliwanag niya.

Bumuntong hininga ako at hinubad ang damit ko. Sinilip ko ang itsura niya pero blangko lang ang mukha niya habang nakatingin sa katawan ko at biglang nagtagis ang panga niya.

Siya na ang tuluyang na- alis ng damit ko at nagpunas sa pawis ko.

"H-Hindi ka ba magtatanong kung saan galing ang mga ito?" nakayuko at malamig na tanong ko.

Pinagpatuloy niya lang ang pagpunas sa katawan ko. Magaan at parang nag-iingat na h'wag akong masaktan.

Pero...bakit?

"Anong itatanong?"

Alam ko na alam niya ang tinutukoy ko. Hinawakan ko ang kamay niya na huminto sa balikat ko.

"Ayos lang. H'wag mong pilitin magsalita."

"H-Ha?"

"Naiintindihan ko."

Umalis siya sa harapan ko at kinuha ang damit ko. Siya pa mismo ang nagbalot at tali sa akin.

Nagkatinginan kami at nagulat ako nang ngitian niya ako at guluhin ang buhok ko.

Tumalikod siya at nagtungo sa pinto.

"A-Aalis ka n-na?"

"Hindi. Ipapaalam ko lang kina Simone at Lihtan na ayos lang ako." nagtaka ako sa sinabi niya.

Pumalakpak siya at may pumito nang may tunog. Maya maya pa'y may lumipad na itim na ibon sa kamay niya. Naghila siya ng isang hibla ng buhok niya at itinali sa paanan ng ibon at lumipad ito pagkatapos niyang gawin 'yon.

"Salamat, Dino!" kaway niya pa sa ibon.

E?

Sinara niya ulit ang pinto at humarap sa akin. Bumaba ang mata niya sa inimbak na tubig at binuhat nang parang wala lang. Iginilid niya lang.

"May maliit ka bang tela riyan?" tanong niya at naglakad lakad na parang may hinahanap.

Kinuha niya ang maliit na palanggana at nilagyan ng tubig.

"S-Sa damitan ko."

Nang makahanap siya ay piniga niya iyon sa tubig at marahang pinunas sa mukha ko.

"Bakit mo ginagawa ito?"

"Kailangan ba laging may dahilan para tumulong?"

Hindi na naman ako nakaimik sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo tinatanong kung saan galing ang mga latay sa katawan ko?" tanong ko habang pinagmamasdan siya. Sumeryoso ang mukha niya.

"Dahil kapag sinabi mo baka ubusin ko ang mga gumawa niyan sa’yo." malamig na sambit niya na kinagulat ko.

Anong...sinabi niya?

Pinunasan niya ang mukha ko. Wala akong makapang pagkadisgusto sa kanya. Pero nararamdaman ko ang galit niya na hindi para sa'kin.

Napalunok ako.

Sino ba talaga ang babaeng 'to?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height