+ Add to Library
+ Add to Library

C12 Pahina 12

Pahina 12

Prinsesa Shea

*blaaaagh*

Tenere’s Point of View

Biglang padabog na bumakas ang pinto na kinagulat ko.

"Simone, Lihtan, hehehe!"

Mabilis na nakarating si Simone sa amin at si Lihtan naman ay tumingin sa akin bago lumapit kay Cane.

"What the hell, Cane?! Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ni Simone at napakadilim ng mukha nito.

"H-Halimaw din ba siya?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Oo, hehehe. Halimaw magalit at bumubuga ng apoy." Sagot ni Cane na naging dahilan para mas lalong dumilim ang mukha ni Simone at napahawak pa sa noo.

"Ayos ka lang, Cane?" tanong ni Lihtan na sinagot ng tango at ngiti ni Cane.

"Ayos lang naman, kaya ko ang sarili ko. Wala naman kayong dapat ipagalala." nakangiting sambit niya.

Anong...ibig niyang sabihin?

Napatulala na naman akong muli kay Cane. At hindi lang ako, maging sina Simone at Lihtan na seryosong nakatingin sa kanya.

"H'wag ka umalis nang wala ang isa sa amin, Cane." bakas ang pag-aalala kay Lihtan.

"T-Tama siya, C-Cane." singit ko.

Lumingon siya sa akin at kina Simone at Lihtan.

"N-Nung hinila kita ang totoo niya'n kaya ko rin ginawa 'yon ay dahil may papalapit na mga kawal sa iyo at alam ko na ang susunod na binabalak ng mga 'yon." seryosong sambit ko.

Tumingin ulit siya sa akin.

"Alam ko." sagot niya.

"Alam din nina Lihtan at Simone 'yon."

"Ano?! E bakit sobra makabanta 'yang Simone na 'yan sa akin?"

"Para bilisin mo lalo." ngising sagot ni Simone at tumango tango rin si Lihtan.

"E bakit tinulak mo 'ko sa pader! Ang sakit ng likod ko!"

"Gusto ko lang."

"Ate Caneeee! Kuyaaaaa!"

"Nandito na kamiiiii!"

Nag-uunahang pumasok ang kambal at gulat na napatingin sa mga bagong dating.

"Waaah! Mga kaibigan mo ba sila, Kuya?" manghang tanong ng kambal.

Hindi ako nakasagot.

"Ngayon lamang nagdala ng panauhin si Kuya!" sambit ni Wani.

Napalunok ako sa kadaldalan ng kambal.

"Ang dami ng dala niyo." puna ko dahil dalawang bayong ang dala nila at tag-isa pa.

"Hindi nila tinanggap ang bayad ni Ate Cane at nagbigay ng maraming pagkain ang mga tinulungan niya kanina." sagot ni Wano.

Tinulungan??

"Anong sinasabi ng dalawang bata na 'to, Cane?" seryosong tanong ni Simone. Napaatras nang kaunti ang kambal. Kahit na sino naman ay bahagyang matatakot kay Simone pero nagulat ako sa pagkurot ni Cane sa tainga ni Simone.

"H'wag mong takutin ang kambal."

"F-Fvck...oo na!"

Binitiwan niya ang tainga ni Simone at nilapitan ang kambal.

"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ulit ni Simone. At gusto ko rin malaman.

"Tinulungan ni Ate Cane magbuhat ang mga nag-iimbak ng tubig!" kwento ni Wano.

"Ang galing niya po! Ang lakas niya! Ang dami niyang tinulungan! Binilang namin kanina! Limampu sila!" kwento rin ni Wani.

Tahimik na naglalabas ng pagkain si Cane mula sa bayong.

"Wano, Wani...dalhin niyo ito sa bahay niyo para may makain kayo hanggang gabi." sambit niya na mabilis na kinuha ng kambal at tuwang tuwa na umalis.

"May mainit na sabaw dito, Tenere. Ito ang higupin mo para mabawasan ang sama ng pakiramdam mo. Hehehe." lingon sa sambit niya sa akin.

Nilapitan siya ni Simone at tinulungang ilabas ang mga pagkain.

"Napakarami nito. Hindi natin mauubos." may panghihinayang na sambit niya. Nilingon niya si Lihtan na titig na titig sa pagkain.

"Pili ka na, Lihtan." sumunod si Lihtan at kinuha ang kanina niya pang tinitingnan.

"Ipamahagi na lang natin 'yung sobra mamaya."

Gagawin niya 'yon? Pero bakit?

"Simone, Lihtan, tulungan niyo si Tenere." sambit ni Cane pero bakit doble ang ibig sabihin sa akin no’n? Napabuntong hininga ako sa isipan ko dahil kung ano ano ang mga naiisip ko. Mas pinili kong bumangon mag-isa ngunit bago pa man ako maduwal ay mabilis na may sumambot sa aking magkabilaang braso.

"Wala namang masama kung tatanggap ka ng tulong, Tenere." mahinahong sambit ni Cane nang hindi lumilingon habang nag-aayos ng pagkakainan.

"Hindi lahat ng tulong ay tunay..." sambit ko nang makaupo sa harapan niya.

"Hindi lahat magkakatulad. Nagkataon lamang na may makikilala kang ganoong klaseng tao dahil may dahilan at para magbigay leksyon sa’yo." sagot niya ng hindi tumitingin sa akin habang kumukuha ng para sa kanya.

"Hindi ako naniniwala."

"Wala naman sa plano ko ang paniwalaan mo 'ko. Kumain ka na."

Napalunok ako at kunot noong kumain na lamang.

"Saan kayo galing kanina?" tanong niya kay Simone at Lihtan.

"Nag-imbak ng tubig para sa’yo pero nag-imbak ka rin pala." naiiling na sagot ni Simone sa kanya.

"Marami bang imbakan dito?" ngumunguyang tanong niya.

"Oo, Cane." sagot ni Lihtan.

"Oh." tumatangong sambit niya at hindi ko maintindihan kung bakit ang bawat reaksyon ng kanyang mukha ay sinusundan ko. Kahit anong iwas ko, bigla na lang napupunta sa kanya ang mga mata ko.

"Ginising niyo na lang sana ako." sambit niya.

"I told him not to." hindi ko maintindihang sambit ni Simone.

"Bakit naman?" nakangusong tanong ni Cane.

"Para mas humaba ang pahinga mo." sambit ni Simone.

"Magsabi kayo kung saan kayo pupunta, 'di 'yung basta niyo kong iniiwan." nakasimangot na sambit ni Cane. Nakita kong nagulat sina Simone at Lihtan. Maging ako.

"S-Sa susunod magpapaalam na 'ko, Cane." mabilis na sambit ni Lihtan.

"Wala akong sinabi na 'magpaalam' ka Lihtan ang sabi ko lamang magsabi kayo sa akin." kunot noong sambit ni Cane.

"Paano na lang kapag may nangyaring masama sa inyo tapos wala akong kaalam-alam."

"Kailangan mo ring magsabi sa amin kung ganoon." seryosong sambit ni Simone.

"Ayos lang sa akin. Hehehe. Usapan natin 'yan ah! Pinky Swear. Hehehe."

"T-Tss." si Simone na pinagdikit ang daliri nila.

"Pinky Swear, Lihtan!"

"Pingke twer." sambit ni Lihtan.

"Hehehe. Pingke twer, hehehe."

Binaba ko na lang ang tingin ko sa kinakain ko at mabilis na tinapos.

Nagpaalam muna si Cane na maliligo. Tinanong niya si Simone kung sasama habang natatawa na kinamula ng mukha ni Simone. Sa huli ay naiwan si Lihtan kasama ko. Hindi ko alam kung bakit pa kailangang maiwan siya. Nanatili na lang akong nakapikit.

"Natagpuan ko siya sa kagubatan." biglang sambit ni Lihtan.

Nanatili akong nakapikit.

"Komportable siyang natutulog sa sanga at nakatarak sa puno ang sandata ko at nasa bandang uluhan niya." kwento niya na parang hindi makapaniwala hanggang ngayon.

"Nang magmulat siya ng mga mata, hindi siya nagulat at binigyan ako ng matamis na ngiti. Nang mahulog ako ay sinalo niya 'ko. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano niya nakayanan ang bigat ko."

Anong klaseng babae nga ba siya?

"Natawa pa siya nang bumigay ang sanga na sinabitan niya at sabay kaming bumagsak. Noong oras na 'yon ay iyon ang unang beses na nakarinig ako ng pagtawa. Tawang masaya at hindi nangmamaliit, nandidiri at natatakot. Iniwan ko siya pero hindi ko magawa. Inalagaan niya rin ako nang magkasakit ako at hindi ako iniwan. Binantayan niya ako at tinanong niya ang pangalan ko. Nang sabihin kong halimaw ang tawag sa akin ay inulit niya ang tanong niya dahil wala siyang pakialam do’n. Alam mo bang siya ang nagbigay sa akin ng pangalan?"

Dumilat ako nang hindi tumitingin sa kanya.

"Lihtan...Lihtan...ang ipinangalan niya sa akin. Sobrang saya ko dahil sa wakas may pangalan na ako." ramdam ko ang tuwa niya.

"Tinanong ko siya kung bakit hinahanap niya ang mga tulad natin at ang sagot niya masaya siya para sa akin."

Bumuntong hininga siya.

"Hindi man niya direktang nasagot ang tanong ko. Sa sinabi niyang 'yon...kontento na ako. Na masaya siya dahil masaya ako." tumayo siya at lumabas. Nanatili akong nakatulala at marahang pumikit.

Pinatong ko ang braso ko sa sa mukha ko at bumuntong hininga.

Third Person's Point of View

"Prinsipe Halis." malambing na sambit ng babaeng nakayakap kay Prinsipe Halis.

Nagkatinginan ang mga asawa niya...ang anim na asawa niya.

"Anong iniisip ng aming asawa?" ngiting tanong ni Donna at dinampian ng halik ang leeg nito.

"Umalis muna kayo." malamig na utos niya.

"N-Ngunit-"

"Aalis kayo o ipapakaladkad ko kayo palabas nang hubad?"

Walang nagawa ang mga babae kung hindi sumunod.

"Kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Prinsipe Hasil." inis na sambit ni Tina at padabog na umupo sa kanyang malambot na higaan.

"Ilang beses na niya tayong tinatanggihan. Nakakapagtaka." sambit ni Donna

"Mula nang bumalik siya mula sa KIN Palacio ay naging ganyan na siya.." -Clara

Nanatiling tahimik sina Carlota, Fely at Agatha na malalim din ang iniisip dahil sa pagbabago ni Prinsipe Hasil.

Natatakot silang bigla na lang itapon ng Prinsipe dahil nararamdaman nilang wala na itong gana ni isa sa kanila. Kung dati-rati'y para silang nagpapaligsahan para makuha ang atensyon nito ay ngayon...heto sila at magkakasama sa iisang silid.

Narinig 'yon ni Prinsesa Shea na napadaan lamang at napangisi.

'May bagong kinahuhumalingan ang demonyo 'kong kapatid' isip isip niya at ngingisi ngising pumasok sa silid ng kapatid.

Nakita niyang nakatayo na ito at nakatalikod sa kanya habang nagbibihis.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Prinsipe Hasil.

"Dinig ko'y tinatanggihan mo na ang mga asawa mo? Narinig ko silang nagpupulong. Nakakatuwa."

Hinarap niya ang kapatid matapos makapagsuot nang tuluyan.

"May pupuntahan ako kaya sabihin mo na ang pinunta mo rito." seryosong sambit ni Prinsipe Hasil. Nabura ang ngisi sa labi ni Prinsesa Shea.

'May kakaiba nga sa kanya ngunit wala na akong panahon na ungkatin kung ano man 'yon.'

"May impostor na nagpapanggap na ako sa KIN Palacio at hanggang ngayo'y hindi pa mahanap kaya naman gusto kong utusan mo ang mga kawal mo na maghalughog dito sa ating Kaharian."

"Ha...Impostor?" hindi makapaniwalang sambit ni Prinsipe Hasil.

"Anong mayroon ang impostor mo 'ngayon' at gusto mong mahanap?" nakangising pagdidiin pa ni Prinsipe Hasil at nagkaroon ng kaunting interes sa sinasabi ng kaharap.

"Ang impostor na 'yon at ang pumatay sa pinuno ng mga Hidalgo at ang babaeng 'yon ay iisa." nakangising sambit ni Prinsesa Shea na nakapagpagulat ng 'kaunti' sa Prinsipe.

"At kaya ka nandito ay para humingi ng tulong?"

Nagulat ang Prinsesa sa naging sagot ng kaharap.

"Kailangan mo akong tulungan, Hasil! Bago pa man siya matagpuan ni Prinsipe Lucien! Sa akin lang siya!"

"Interesado sana ako sa mga sinasabi mo ngunit mas malaki ang interes ko sa pupuntahan ko ngayon."

"A-ANONG SINABI MO?! SANDALI! HASIL!"

"Wala akong panahon para pagbigyan ka kaya makakaalis ka na."

Iniwan niyang tulala at puno ng inis ang kapatid.

"P-Prinsesa Shea..." nanginginig na tawag ng alipin niyang si Wanda dahil baka guluhin at masira nito ang buong kwarto ng Prinsipe.

"AAAAAH! Sino ba ang mga babaeng 'yan? Ang sarap nilang patayin!!!"

Hurricane’s Point of View

Tatlong beses na napa-'aching' ako!

"May nag-iisip sa akin. A-aching! Aching! Grabe!" nangongongo na sambit ko.

"Hindi lang pag-iisip achuuu! Pinag-uusapan din sigu-aaaaching! Waaaah! Naiiyak na ko. Huhuhuhu." ngawa ko at pisil ang ilong ko.

Napaiwas ng tingin si Tenere at Lihtan siguro dahil sa itsura ko. Huhuhu.

"Tss. Nagbabad ka kaya ka nagkakaganyan." sambit ni Simone.

Iiinom ko ng gamot ito bago matulog. Hehehe.

Nandito pa rin kami sa tinutuluyan ni Tenere. Hehehe. At nakaupo kami sa harapan ng bonfire. Ang lamig kasi.

Gumawa ako ng maraming shapes gamit ang mga kamay ko at gumawa ng ibon sa anino ng apoy.

"Ano itoooo?" natatawang tanong ko sa kanila.

"Dino..." natawa ako sa sagot ni Lihtan.

"Ibon 'to, Lihtan. Si Dino tulog na sa balikat mo." napanguso ito. Hehehe, bara ka ngayon. Hahaha.

"Eh itooo?"

"A-Ahas!" -Tenere

"Itooo?"

"Pis bam!" -Lihtan

"Hahaha ito?"

"Tamsap!" -Tenere at Lihtan

"Ito?"

"PINGKE TWER!" -Tenere at Lihtan

"Yehey!!!"

I'm proud of them *clap clap clap*

Rinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Simone.

"Simone, ano 'to?"

"Turo ko sa mukha niya."

"Ako."

"Mali! Daliri tawag dito! Bwahahahaha."

Nauwi ang gabi naming apat na naglalaro ng anino at sa huli ay sinamahan akong turuan ni Simone sina Lihtan at Tenere na naaaliw sa ginagawa namin.

Ang cute nila. Hehehehe!

Ngunit habang abala sila ay pasimpleng napatiim ang panga ko at naging blangko ang mga mata ko dahil sa tatlong taong kanina pa nakamasid sa amin o mas tamang sa akin.

Bumuntong hininga ako.

Hangga't hindi sila gumagalaw nang masama ay mananahimik ako at isa pa, ayaw kong putulin ang kasiyahan ng mga kasama ko.

"Mauna na kayo, Lihtan at Simone. Magpapaiwan ako rito." nakita kong nagulat sila.

Hindi ako pwedeng umalis dito lalo na't hindi ko alam ang dahilan kung bakit may sumusunod sa amin.

"Cane, hindi mo na kailangan-" hinarap ko si Tenere, kilala niya kaya ang mga iyon?

Napabuntong hininga ako.

"Sige, babalik kami bukas." sagot ni Simone.

"Mauuna na kami, Cane."

"Mag-iingat kayo!" nang makaalis na sina Simone at Lihtan ay umupo ako sa bangko na malapit sa hinihigaan niya.

"Dito ka na lang humiga."

"Hindi na dito na lang ako." pigil ko sa tangkang pagbangon niya. Nakita ko sa apoy na nagmumula sa gasera ang pagtutol niya.

"Kaya kong makatulog nang nakaupo at nakatayo, Tenere."

"E?"

"Hahahahaha, oo nga."

Binalot kami ng katahimikan. Napatingin ako sa gamot na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin iniinom.

"Cane..."

"Hmm?"

"Cane..Cane...Cane." paulit ulit na sambit niya sa pangalan ko.

"Tenere..Tenere...Tenere" pag-uulit ko rin ng pangalan niya na kinatawa niya.

Nakita ko ang kamay niya na kanina pang nakahawak sa kwintas na nasa leeg niya at napangiti bago tumingin dito na nakatingin sa akin.

"Matulog ka na, Tenere."

Kinaumagahan ay tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nakita kong tulog pa rin siya. Sinalat ko ang leeg at noo niya at bumaba na nang kaunti ang lagnat niya. Nagising siya kaya tinanggal ko agad ang kamay ko.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin sina Simone at Lihtan at masasabi kong may bumabagabag sa kanilang dalawa.

"Kailangan na nating umalis dito." seryosong sambit ni Simone.

"Oh...anong problema?" tanong ko nang nakanguso.

"T-Totoo bang ikaw ang pumatay kay Kapitan Hidalgo, Cane?" tanong ni Lihtan at saglit akong natigilan.

"Ano..?" gulat na sambit ni Tenere.

"Pinaghahanap ka ng mga kawal ng Prinsesang nagngangalang Shea. Nagsisisi akong pinagamit ko ang pangalan-"

"Hayaan niyo sila." walang ganang sambit ko at sumuntok suntok sa hangin dahil sa bahagyang pangangalay ko.

"CANE!!" sigaw nilang tatlo na kinagulat ko.

"A-Ano?" utal na tanong ko dahil sa gulat!

"Nagugutom na 'ko. Hehehe."

Lumabas ako at mabilis silang sumunod. May natira pa akong pangbili ng makakain namin. Natawa ako nang mahina dahil sa himbing ng tulong ng tatlong tila ninja na sumusunod sa amin.

"Magandang Umaga!!!" nahulog sila sa mga sanga na hinihigaan nila at gulat na napatingin sa amin.

"Sino ang nagpadala sa inyo para sundan kami at para gutumin kayo?"

"Ha?"

"Kakain kami, sunod kayo sa'min. Hehehe."

"Haaaa?"

Nag-umpisa na 'kong lumakad habang nasa likod ng ulo ko ang dalawang kamay ko at napangiti.

The more the merrier. Ang saya kapag madaming kasalo.

"Magandang umaga, binibining Cane!"

"Magandang umaga, Ate Cane!"

"Magandang umaga rin sa inyo!" balik bati ko sa mga nadadaanan namin.

Pumasok kami sa pinagkainan namin nina Simone, Lihtan at Tenere.

"Upo na rin kayo." nakangiting sambit ko sa tatlong ninja.

Nagkatinginan ang mga ito at sabay na umupo. Nakayuko ang mga ito samantalang sina Simone, Lihtan at Tenere ay seryosong nakatingin sa mga ito.

Tumayo ako para ibigay ang mga kakainin namin. Nang bumalik ako kasama ang mga may dala ng makakain namin ay ganoon pa rin ang naabutan ko.

"H'wag niyo silang titigan ng ganyan." nakangiting sambit ko at pumagitna ng upo sa kanila.

"Kumain na tayo." sambit kong muli.

"Why did you invite them?" tanong ni Simone at seryosong tumingin sa akin.

"Para kumain?"

"Hindi mo dapat-"

"Simone..." seryosong putol ko sa 'kanya at ngumiti.

"Kung may masama man silang balak ay kanina pa lang pagkakita sa atin ay may ginawa na sila." mahinahong sambit ko at binalingan ang mga kasama naming ninja.

"Tanggalin niyo ang mga takip niyo. Hindi kayo makakakain nang maayos. Saka na tayo mag-usap pagkatapos nating kumain. Maaari ba 'yon, Simone?" sambit ko sa mga ito at huling bumaling kay Simone.

"Naiintindihan ko..." kalmado ng sagot ni Simone.

Nang matapos kami sa pagkain ay tinuon ko ang atensyon ko sa tatlong ninja at ngumiti.

"Sinong nagpadala sa inyo?"

"S-Si Prinsipe Hasil." sagot nilang tatlo.

"Bakit? Anong kailangan niya kay Cane? Kilala mo ba siya, Cane?" sunod sunod na tanong ni Tenere at sinagot ko ito ng pag-iling.

"Ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yan." sagot ko at sumilip sa maliit na bintana.

"Kasama niyo ba ang apat na 'yon?" tanong ko sa apat na kawal.

"Hindi, mga kawal 'yan ni Prinsipe Shea." sagot ng nasa gitna.

Napabuntong hininga ako at pinagkrus ang mga braso at napanguso.

"Prinsesa Shea..."

"Anong kailangan nila kay, Cane?!" nabigla ako sa biglang pagtayo ni Tenere at pagsakal sa isa sa mga ito.

"A-Acck! Hindi namin alam! Gusto niya lang alamin ang mga ginagawa ni binibining Cane."

"Tenere...wag."

"Ngunit...Cane."

"Bitiwan mo."

Pabagsak niya itong binitiwan.

Nakita ko ang pagkakagulo ng mga nasa labas. May pamilyar na karwahe ang huminto.

"Ang Prinsesa Shea. Anong ginagawa niya rito?"

Tumayo ako nang marinig 'yon at lumabas.

"Fvck..Cane!"

"Cane!"

Pinanood ko ang pagbaba nito sa kanyang karwahe. Pansin ko ang pagkailag sa kanya ng mga tao at mabilis na inaalis ang kanilang mga tinda. Inaninag ko ang mukha nito at nakita ko na nang tuluyan at harapan.

"Cane!" biglang humarang si Tenere sa harapan ko at ganoon din si Simone at Lihtan.

Hindi ko pinutol ang paninitig dito. Kung ganoon ay siya si Prinsesa Shea. Ngumiti ako rito na siyang kinagulat nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height