+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Pahina 13

Pahina 13

Out of Control

Third Person's Point of View

Nabura ang ngiti ni Cane nang bumaba ang tingin niya sa nanginginig na mga kamao ni Tenere. Nasa harapan niya ito tulad nina Lihtan at Simone.

"Prinsesa Shea..." pagbibigay galang ng tatlong tagasunod ni Prinsipe Halis at gumilid kay Cane na tila humaharang sa maaaring gawin ng Prinsesa sa binibining pinababantayan sa kanila ni Prinsipe Halis.

Napansin 'yon ni Prinsesa Shea at ngumisi sa dalagang si Cane na tila may malalim na iniisip habang nakatingin sa likod ni Tenere.

"Tanggalin mo ang taklob mo." utos ni Prinsesa Shea kay Cane na hindi niya nilingon.

"KINAKAUSAP KITA!!" dahil sa sigaw na 'yon ay nag-angat ng tingin si Cane na kunot ang noo.

"Ako ba ang kausap mo?" nagtatakang tanong niya sa Prinsesa na nainis sa naging tanong niya.

"Sino pa bang iba?! Boba!"

"Hindi mo binanggit ang pangalan ko kaya akala ko iba ang kausap mo." mahinahong sambit ni Cane.

"Sa'yo ako nakatingin kaya malamang ikaw ang tinutukoy ko!"

"Hindi ako sa'yo nakatingin kaya malamang hindi ko alam na ako ang tinutukoy mo."

"Ha! Lapastangan!!!" nanlalaki ang mata sa galit na pagwawala ni Prinsesa Shea. Napabuntong hininga si Cane sa inaasal ng babaeng kaharap.

"P-Prinsesa Shea..." tawag ng tatlong tagasunod ni Prinsipe Halis.

Humakbang ang Prinsesa pero nanatiling nakaharang sina Simone, Lihtan at Tenere.

"Umalis kayo sa harapan ko!"

"Hindi kita hahayaang makalapit sa kanya." gigil na sambit ni Tenere na lalong nagpagalit kay Prinsesa Shea.

Seryoso at matatag na hindi rin umalis si Lihtan at Simone sa harapan ni Cane.

"Alisin sila sa harapan ko!" dahil sa utos na 'yon ay pinalibutan sila ng mga kawal at tinutukan ng napakaraming talim ng espada.

"Prinsesa Shea! Hindi mo maaaring gawin ito! Hindi ito magugustuhan ni Prinsipe Hasil!"

"Manahimik kayo! Alisin ang mga harang na 'yan! At dalhin sa akin ang babaeng 'yan!!!!"

Napaatras ang mga kawal sa matalim na tingin na binibigay ng tatlong nasa harapan ni Cane at nakaramdam sila ng matinding kilabot at takot.

Nagulat si Prinsesa Shea nang biglang nagtalsikan ang mga kawal niya.

Hindi natinag sa kinatatayuan ang tatlong nasa harapan ni Cane na manghang mangha sa ginawa ng nasa harapan niya kulang na lang tumalon talon siya habang kumikinang ang mga mata.

Pero naglaho ang kinang ng mga mata niya sa ginawa ni Tenere.

Bigla nitong tutukan ng espada ang Prinsesa.

"Umalis ka sa harapan ko bago pa ako mawala sa sarili!"

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"Tenere..." sambit ni Cane sa pangalan nito.

"Ibaba mo 'yan." pakiusap niya kay Tenere.

"Nang dahil sa babaeng 'to namatay ang ina ko!" nanginginig sa galit na sigaw ni Tenere.

Nagulat ang Prinsesa sa sinabi ng lalaking nasa harapan niya at bumaba ang tingin sa gintong kwintas nito.

"Ikaw ang anak-anakan ni Matilda. Ang halimaw niyang anak!" lalong dumiin ang espadang nasa leeg ng Prinsesa na sumugat dito.

"Humihinga ka pa pala." ngising dagdag ng Prinsesa at pilit na tinatago ang umuusbong na takot.

"Nabuhay ako at pagsisisihan mo 'yon!" napatigil sa kawalan ang kamay ni Tenere sa ginawang pagpigil ni Cane sa palapulsuhan nito.

"Prinsesa Shea!"

"H-Halimaw! Pagsisisihan mong nabuhay ka pa!"

"Cane...bitiw." madiing sambit ni Tenere kay Cane na seryosong nakatingin sa babaeng bigla na lang humugot ng espada mula sa mga kawal at itinutok sa kanya.

Ang talim ng espada ay nasa pisngi niya at kaunting galaw lamang ni Cane ay susugat na 'yon. Gamit ang isang daliri ay inalis ni Cane ang talim na nakatutok sa kanya. Parang simpleng paghawi lamang ang ginawa nito.

"Ayokong makita kang nananakit ng babae, Tenere. Kung mayroon man ay hayaan mong ako ang humarap." seryoso at malamig na baling niya kay Tenere na natigilan sa ginawa niya.

"Pero bago ko gawin 'yon, sagutin mo ang itatanong ko sa'yo." baling ni Cane sa babaeng nasa harapan.

"Ikaw ba ang nagpahirap sa taong 'to, Prinsesa Shea?" nanlaki ang mga mata ni Prinsesa Shea at biglang ngumisi.

"Anong ginawa ko?" maang-maangan nito.

"Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo sa kanya?" tunog pangbabanta na tanong ni Cane na kinasinghap ng mga nasa paligid.

Nilibot ni Cane ang paningin sa mga kawal at hindi nakita ang hinahanap niya kung kaya't binalik ang tingin sa Prinsesang tigalgal na nakatingin sa kanya.

"Kakailanganin ko ng latigo para ipaalala sa'yo, nakakapanghinayang at wala akong makita."

"L-Lapastangan!" tumalsik ang hawak na espada ng Prinsesa sa pagsipa ni Cane sa kamay nito. Hinarap niya ang Prinsesa nang tuluyan.

"C-Cane..." di makapaniwalang tawag ni Tenere rito.

"Anong nangyayari rito?!" biglang dumagundong ang sigaw ni Prinsipe Hasil na sakay ng kabayo at hindi inaasahan ang mga nangyari.

"Prinsipe Hasil!"

"ANONG IBIG SABIHIN NITO? PRINSESA SHEA! ANONG GINAGAWA MO?!"

"H-Hasil!" windang na tawag ng Prinsesa sa bagong dating.

"Ano itong ginagawa mo?!" sigaw niyang muli at humarap kay Cane na nakatitig sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang siyang sumadya para makita ako at kung bakit pinasusundan niyo ako."

"B-Binibini, w-wala akong intensyong masama sa'yo." maagap na paliwanang ni Prinsipe Hasil.

"Alam ko pero ang babaeng 'yan hindi ko maintindihan ang pinaglalaban! Umiinit ang ulo ko."

"Cane..." mahinahong tawag ni Simone dahil nag-uumpisa nang mawalan ng kontrol ang dalaga. Nabigla si Prinsipe Hasil at ang iba pa sa sinabi Cane at nakaramdam ng kaba. Hindi nila makita nang maayos ang mukha nito dahil sa kanyang taklob.

"Prinsesa ako! Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan?! Isa ka lang mababang uri! Lapastangan! Lapastangan!!"

Biglang umangat ang palad nito at dadapo na sana ang palad nito sa mukha ni Cane nang mabilis na mapigilan 'yon ni Cane.

"Wala akong pakialam sa posisyon mo, pero sa oras na dumapo ang palad mo sa mukha ko, tandaan mong may lilipad na kamao sa mukha mo. Hindi ako nananampal, nananapak ako."

"B-Bitiwan mo ako!! Aah!" malakas na binitiwan siya ni Cane at bumagsak ito sa lupa.

Tinanggal na niya nang tuluyan ang taklob niya.

"Binitiwan na kita may angal ka pa?"

"Cane! P-Prinsesa Cane!"

"Prinsipe Lucien, anong-" bago pa matapos ang sasabihin ni Prinsesa Shea ay mabilis na tinakbo ni Prinsipe Lucien ang kinaroroonan ni Cane.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" galit na sigaw ni Prinsipe Lucien.

"Ikaw...ang babaeng pumaslang sa piratang Hidalgo?" hindi makapaniwalang sambit ni Prinsipe Hasil.

Umugong ng bulungan ang paligid.

Hinapit ni Simone mula sa likod ang baywang ni Cane at inilayo ito sa dalawang Prinsipe.

"You need to calm down, Cane." mahinahong bulong ni Simone rito.

Bumaba ang mga mata ng dalawang Prinsipe sa kamay na nasa baywang ni Cane habang nakakunot ang mga noo na hindi nagustuhan ang ginawa ni Simone.

"Hindi ako singbuti ng iniisip niyo pero hindi ako masamang tao." kalmado nang sambit ni Cane sa mga ito.

"Kaya kong magtimpi pero ibang usapan kung damay ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Wala akong panahon unawain ang batas niyo, sa dami ng nilabag kong batas walang wala pa ito." walang kinatatakutang sambit ni Cane

Nabalot ng matinding katahimikan ang lahat.

"Humingi ka ng tawad, Prinsesa Shea." nakatulalang sambit ni Prinsipe Hasil sa dalagang si Cane.

"A-Ano?"

"Humingi ka ng tawad sa kanya. Sinabi ko na sa'yong h'wag mo siyang gagalawin!" sigaw ni Prinsipe Lucien na nakapagpalunok kay Prinsesa Shea. Binalik ni Prinsipe Lucien ang mga mata kay Cane at seryosong tinitigan ito.

"Prinsesa Cane..." tiningnan ni Cane si Prinsipe Lucien.

"Patawad sa nangyaring ito. Hindi na ito mauulit."

"Ayos lang..." sinuri niya ng tingin sina Simone, Lihtan at Tenere na nakatulala sa mga nangyayari at sa kanya.

"-hindi naman sila nasaktan, kaya ayos lang ako." may tipid ng ngiting sambit niya sa mga ito na nagulat sa naging sagot niyang 'yon.

Napatalon sa gulat si Tenere nang hawakan ni Cane ang nakakuyom na kamao nito.

"C-Cane..." utal at gulat na tawag ni Tenere kay Cane na marahang ngumiti sa kanya. Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang kumalma ang puso niyang puno ng galit.

"Tayo na." hila ang kamay ni Tenere ay tinalikuran nila ang lahat.

Sabay sabay na nilisan at iniwan nila ang lahat na nakatulala sa kanila.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height