+ Add to Library
+ Add to Library

C15 Chapter 15

Pahina 15

Sacred

Tenere’s Point of View

Natapos ang pagkain namin na tila nalimutan na ang presensya nina Haring Agnol, Prinsipe Lucien, Prinsipe Hasil at Prinsesa Shea.

Naramdaman ko pagbabago ng paligid. Naging seryoso ang lahat maliban sa kanya na kalmadong nakatingin ng diretso sa Hari na tila ba hindi nagkakalayo ang posisyon sa buhay, at parang mas malaking tao pa siya kung tumingin dito.

Nagulat ako nang lumapit si Cane sa akin.

"Anong pangalan ng Hari?" mahinang tanong niya na kahit sobrang hina ay narinig pa rin ng lahat dahil sa sobrang katahimikan.

"Haring Agnol." wala sa sariling sambit ko at napahinga nang malalim. Pumikit ako upang pigilan ang galit na namumuo na naman sa akin at laking gulat ko nang sa pagdilat ko ay nasa harapan pa rin ng mukha ko ang mukha niya at nakatingin sa mga mata ko na parang inaalam ang iniisip ko. Dahan dahan siyang umatras nang hindi pinuputol ang mga mata sa akin at nakita ko ang pagbuntong hininga niya.

"Haring Agnol, paumanhin sana'y hindi mo masamain ang pagtatanong ko," mahinahong sambit niya.

"Hahahaha. Wala kang dapat ipag-alala, binibini."

Nakangiting tumango si Cane sa Hari. Ang mga mata niya ay walang takot na sinalubong ang mata ng kaharap.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang kailangan niyo sa amin?" kalmadong tanong ni Cane.

Nakita ko ang pagbalatay ng paghanga ng dalawang Prinsipe at ng Hari sa kanya.

Walang sinuman ang nakipag-usap ng ganyan kay Haring Agnol na kinatatakutan ng lahat.

"Hahahahaha. Nakakatuwang binibini, ipagpaumanhin mo ang biglang pag-imbita namin sa'yo."

"Wala kayong dapat ipag-alala, nasiyahan at nasarapan kami sa mga inihain. Maraming salamat."

Alam ko ang pinupunto ng Hari na 'siya' lamang ang inimbita at pilit 'kaming' isinasama ni Cane. Hindi ko alam kung napapansin 'yon ni Cane o nananadya ba siya?

Bumaba ang tingin ni Cane sa basong may lamang alak na pinaglalaruan niya at parang may malalim na iniisip.

Napakatahimik at lahat kami ay nakatingin lamang sa kanya.

"Para saan ang imbitasyon na ito, Haring Agnol?" marahang tanong ni Cane sa Haring kanina pa siya pinagmamasdan.

"Ito ang anak kong si Prinsipe Hasil, at Prinsesa Shea at si Prinsipe Lucien na kanyang mapapangasawa." pakilala ng Hari sa mga ito. Napatiim-bagang ako sa sinasabi ng Hari.

"Nakilala ko na sila." nakangiting sambit ni Cane at tiningnan ang mga ito at nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumingin si Cane sa amin!

"Hehehe. Sila naman ang mga kasama ko. Si Simone, Lihtan at Tenere." tipid na yumuko si Lihtan na napapakamot sa batok at si Simone naman ay walang pakialam na nakasandal at tumango. Napipilitang tipid na yumuko na lamang ako.

Ano bang ginagawa mo, Cane?

"May nakarating sa aking mga tungkol sa iyo, binibini." Seryoso bagamat nakangiting sambit ng Hari.

"Hm, kung ganoon ay may nalalaman kayo sa amin?"

"Sa iyo lamang." madiin ngunit nakangising sambit ng Hari na tila dumidilim na ang mukha.

"Ngunit, Kamahalan, parte sila ng buhay ko. Kasama sila." madiin at nakangiting sambit ni Cane

Napanganga ako sa sinabi niya.

"At nasisiguro kong may nalalaman talaga kayo sa amin." mahinahong sambit ni Cane at binaba ang hawak na alak at ipinatong ang dalawang siko sa mesa at pinatong sa magkadikit na kamay ang baba.

Napahalakhak ang Hari.

"Hindi ako makapaniwala ngunit nais kong malaman, totoo bang ikaw ang pumaslang kay Kapitan Hidalgo, binibini?"

"Nasa mukha ko bang kaya kong pumatay?" tanong ni Cane nang seryoso.

Anong ibig niyang sabihin?

"Kung ganoon ay hindi mo pinatay si Kapitan Hidalgo?" gulat na tanong ng Hari.

Kaming lahat... Saglit na sumulyap si Simone kay Cane at ngumisi.

"E? Tinatanong ko po kung naniniwala kayo na kaya kong gawin 'yon?" balik tanong ni Cane.

"H-Hindi ako makapaniwalang magagawa mo 'yon."

"Hindi makapaniwala..." mabagal na sambit ni Cane at nakaramdam ako ng kaba.

"Tunay bang pinaslang mo si Hidalgo, binibini?" seryosong tanong ng Hari.

"Hindi ko na matandaan ang mukha ng taong 'yon, ang natatandaan ko lang ay interesado siya sa akin at gusto niya ako ihiga sa kama niya. Inalok niya rin ako ng kanyang kayamanan." kwento ni Cane na tila inaalala ang nangyari.

Saglit na sumulyap siya kay Prinsipe Lucien na seryosong nakatingin kay Cane.

"Sinabi kong hindi ako interesado sa kama niya at sa kayamanan niya." may ibig ipahiwatig na sambit ni Cane na diretsong nakatingin sa Hari.

"Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, Kamahalan. Wala akong makapang pagsisisi, lalo na nang makita ko ang pagkawala ng takot at pangamba sa mga mata ng mga taong naroroon. Mali man sa paningin ng iba pero wala akong makitang rason para buhayin ang taong 'yon." kalmadong sambit niya na nakapagpatahimik muli sa aming lahat.

Napatulala ako sa kalmado at maamong mukha ni Cane. Sino ka ba talaga, Cane?

"Gusto kita para aking anak na si Prinsipe Hasil." seryosong sambit ni Haring Agnol.

"Mahal na Hari." apilang sambit ni Prinsipe Lucien. Napatingin ang Hari rito.

"Nandirito ako upang ihinto ang kasal na inaasahan niyo." seryosong sambit ni Prinsipe Lucien.

"P-Prinsipe Lucien! Hindi mo maaaring gawin 'yan!" pagtutol ni Prinsesa Shea.

"Malinaw na wala akong alam at hindi ako pumayag sa pagpapakasal sa’yo, Prinsesa Shea." madiing sambit ni Prinsipe Lucien.

"Bakit gusto mong iurong ang pagpapakasal, Prinsipe Lucien?" madilim na sambit ni Haring Agnol na nagtitimpi na sa galit.

"Dahil may iniibig na akong iba." seryosong sambit ni Prinsipe Lucien at bumaling kay Cane na seryosong nakatingin sa baso ng alak at marahang pinaglalaruan.

Napakuyom ako ng mga kamao ko sa ilalim ng hapag.

"Binibining Cane..." tawag ni Prinsipe Hasil sa atensyon ni Cane. Nag-angat ng tingin si Cane dito.

"Gusto kita." walang gatol at seryosong sambit ni Prinsipe Hasil. Narinig ko ang pagsinghap ni Prinsesa Shea.

Naramdaman ko ang pag-ayos ng upo ni Simone. Nahuli ko si Lihtan na seryosong nakatingin sa akin at lumipat ang tingin kay Cane at ramdam ko rin ang pag-aalala nito para kay Cane.

"Hm, salamat." marahang sagot ni Cane at ngumiti rito.

Napanganga kaming lahat sa naging sagot niya.

"Gusto kong ikasal ka kay Prinsipe Hasil." sambit ng Hari! Kinabahan ako.

"Hindi maaari, Kamahalan." parang nabunutan ako ng tinik sa sinabing 'yon ni Cane ngunit hindi mawala wala ang kaba ko sa naging pagtutol niya sa Hari.

"Mangyayari 'yon, binibini sa ayaw at sa gusto mo." mariin at seryosong sambit ng Hari.

"Sino ka para diktahan ako, Kamahalan?" malamig na tanong ni Cane.

Umusbong ang matinding kaba ko sa mga nangyayaring palitan ng salita sa paligid.

"Lapastangan! Anong karapatan mo para sagutin ng ganyan ang Hari!" galit na sigaw ni Prinsesa Shea at sobrang sama ng tingin kay Cane.

"Cane..." nag-aalalang sambit ni Lihtan. Tipid na nginitian ni Cane si Lihtan.

"H'wag kang mag-alala, Lihtan. Magiging maayos din ang lahat." mahinahong sambit niya sa kalagitnaan ng mabigat na tensyon sa paligid upang pakalmahin si Lihtan na nag-aalalang nakatingin sa kanya at ginulo niya ang buhok nito.

Kumalma naman si Lihtan at tumango. Bumuntong hininga muna si Cane bago binigay ang atensyon sa mga nasa harap.

"Paumanhin, ngunit sagrado ang pagpapakasal sa pamilya namin." mahinahong sambit niya sa mga ito.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Prinsipe Hasil.

Nakangiting bumuntong hininga si Cane at parang may naalalang masaya.

"Iba kasi kami magmahal, kapag may nagustuhan kami pinaghihirapan namin, pinaglalaban namin, pinangangalagaan at tapat. Sumusugal, at isang beses lang magmahal ang mga tulad namin at panghabang buhay na 'yon." nakangising sambit ni Cane at may kakaibang kislap ang mga mata.

"Kapag nagmahal ka, nagmahal ka. Walang masama, pero hindi ibig sabihin no’n ay kailangan mong ipilit. Ang nagmamahal ay marunong umintindi at nagbibigay kalayaan, hindi nananakit at masaya dahil masaya ang taong mahal niya."

Ngumiti siya nang matamis sa Hari na natulala rin sa kanya. Kaming lahat.

"Isang beses lamang, kapag tinamaan kasi kami ay mahirap nang isalba."

Mas lalong tumindi ang paghanga ko sa sinabi niya.

"Kapag napapahamak ang mga mahal namin, kahit si Kamatayan pa ang sumalubong sa amin ay sinusuong namin. Matindi kasi kami magmahal, hehehe. Kaya paumanhin kung tatanggihan ko ang gusto mong mangyari, Kamahalan, dahil nasa kamay ko ang kalayaan ko." tumayo siya.

Wala sa sariling sumunod kami ng tayo.

"Paalam." yumuko siya sa mga ito.

"Tayo na, Simone, Lihtan at Tenere." sambit niya habang nakangiti sa amin.

"Binibini! Hindi ako susuko." narinig kong sambit ni Prinsipe Lucien.

Itinaas niya ang kamay niya rito habang patuloy na naglalakad.

Nakatulala akong nakatingin sa likod niya habang naglalakad.

"This way tss." hila ni Simone sa braso ni Cane.

"Hehehehe, dito pala."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Malikot na nagpagala-gala ang ulo niya sa mga nilalakaran namin at sobra ang pagkamangha.

Ngunit ako ay hindi ko magawang mamangha sa pasilyong nilalakaran namin dahil sa mga masasalimuot na alaalang nagpapaalala sa akin.

"May problema ba?" narinig kong takang tanong ni Cane. Nagtaka ako at napatingin sa mga humarang na kawal.

"Hindi maaaring makaalis ang kasama niyo." nakatingin sa akin ang mga kawal.

"Bakit?" seryosong tanong ni Simone.

Pinaligiran kami ng maraming kawal.

"H'wag niyo silang idamay! Umalis na kayo, Cane." seryosong sambit ko.

Nagulat kami nang biglang may tumalon sa harapan namin!

Anong ginagawa dito ng lalaking nagpahirap sa amin kakahabol?!

Umikot ang ulo nito at may kagat itong rosas sa labi.

"Para sa'yo, aking binibini."

Inabot niya 'yon kay Cane na tuwang tuwa namang tinanggap.

E?

"Woah!" gulat na sambit ni Cane nang bigla siyang buhatin!

"Hey, what the hell are you doing?!"

Hindi niya pinansin si Simone.

"H'wag kang mag-alala, aking binibini. Akong bahala sa’yo at itatakas kita."

Nagulat kami nang itakbo niya si Cane!

"Waaaaah!"

"Habulin sila!" hinabol namin ang may buhat kay Cane! Sino ba 'tong may sira sa ulong ito!

Nagpaulan na naman ng mura at pagbabanta si Simone. Nakita ko namang tawa nang tawa si Cane sa mga nangyayari!

Hindi ko na rin mapigilang matawa nang malakas sa mga nangyayari habang naghahabulan.

"WAAAAH! AKING BINIBINI! INAAWAY AKO! NAKAKATAKOT SIYA!"

"HAHAHAHAHAHAHA!" -Cane

"HOY IBALIK MO SIYA!!!" -Simone

"WAAAAH! DI KO SIYA BABALIK!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" -Cane

"AAAARGH!" -Simone

"PFFT!" -Lihtan

"BWAHAHAHAHAHAHA!" -tawa ko

"Lagot ka ginalit mo si Simone, bubugahan ka niyan ng apoy! Hahahahahaha." -Cane

"WAAAH! A-APOY?! WAAAAAH!!"

Mas lalong tumulin ang takbo nito na kinanganga namin. M-May ibibilis pa siya?!

Umabot na kami hanggang sa kagubatan at natakasan na namin ang mga kawal.

Hinihingal na nakatingala kaming tatlo sa puno. Nakatayo ito sa sanga habang buhat ang tawa nang tawa na si Cane.

"Ibaba mo siya!" sigaw ni Simone.

"C-Cane... Ibalik mo si Cane." hingal na sambit ni Lihtan.

"HAHAHAHAHAHAHA!" hagalpak ko ng tawa at napaupo sa madamong lupa at tuluyan nang humiga.

Nakita kong tumalon na ito mula sa puno at ibinaba si Cane at mabilis na nagtago sa likuran nito.

Natawa ako nang pilit abutin ni Simone ang taong nasa likuran ni Cane at umikot ikot.

"WAAAAH! AKING BINIBINI! TULUNGAN MO AKO!"

"HAHAHA. TAMA NA 'YAN SIMONE."

"Tss." sa huli ay sinamaan na lang ng tingin ni Simone.

"Nakakatakot siya aking binibini." sumbong niya pa kay Cane.

"H'wag mo na takutin, Simone. Hahaha."

"Tss. Pinahirapan mo pa kami! Anong ginagawa mo do’n?!" tanong ni Simone at umamba ng lapit na siyang kinaatras nito.

"S-Sinundan ko ang aking binibini. Hehehe." baling niya kay Cane na nagpipigil ng tawa.

"Bakit?! Bakit mo siya susundan?!"

"N-Nag-aalala ako!" nakangusong pagdadabog nito.

"A-At hihingi din sana ako ng tawad sa ginawa ko noong nakaraan. Hehehe. Patawad, aking binibini!"

"Ayos lang."

Parang nakahinga naman ito nang maluwag at biglang kumunot ang noo at nagtatakang tumingin kay Cane. Napangiwi na lamang ako dahil siya pa ang may ganang tumingin ng ganoon.

Gumaya rin ito ng upo kay Lihtan na nakatingin din dito. Titig na titig si Lihtan na tila nangingila.

"Siya si Lihtan, siya naman si Tenere at 'yon naman ay si Simone. Ako si Cane, hehehe, ikaw? Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ni Cane.

"Taki, hehehe. Ako si Taki! Taki ang pangalan ko. Si Taki na katabi mo! Si Taki na kaharap sila! Taki! Taki! Takiiii." paulit ulit na pakilala nito at may paiba iba pa ng boses.

Baliw.

Natawa ako nang makita si Simone na nakatayo pa rin at hawak ang noo.

"Tumigil ka, isa ka pang baliw."

"Taki! Taki! Takiiii!" paulit ulit na sambit ni Taki.

"Taki..." mahinang tawag ni Lihtan sa pangalan ni Taki.

Nagkamayan pa ang dalawa.

"LIHTAN, KINAGAGALAK KITANG MAKILALA! AKO SI TAKI! TAKI! TA-"

Tinakpan ni Simone ang bibig nito na kinatawa naming lahat.

"Utang na loob, ihahagis na kita kapag hindi ka pa tumigil"

Maraming beses na tumango ito. Napabuntong hininga si Simone at umupo sa tabi nito.

Pfft!

"Bakit pinigilan kang lumabas ng mga kawal, Tenere?" tanong ni Taki na parang matagal na kaming magkakilala.

E? Ayos 'to ah, hahaha!

Pero natahimik ako sa tanong niyang 'yon. Pumikit ako at napabuntong hininga. Tahimik lang sila at halatang gustong malaman.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height