Mafia Heiress Possession: Hurricane Thurston/C17 Pahina 17: Finally Completed
+ Add to Library
Mafia Heiress Possession: Hurricane Thurston/C17 Pahina 17: Finally Completed
+ Add to Library

C17 Pahina 17: Finally Completed

Pahina 17

Finally Completed

Tenere's Point of View

Pakiramdam ko ay hindi maubos-ubos ang mga kawal. Hindi ko mabilang sa sobrang dami.

"Ayos ka lang, Tenere?" tanong ni Lihtan sa tabi ko at tumango naman ako.

"Kagagaling mo lang sa sakit kaya nanghihina ka na." sambit ni Taki. Ininom ko na ang bilog na bagay na binigay ni Cane sa akin. Kaya bumuti na ang pakiramdam ko pero kulang pa rin sa pahinga.

"Ayos lang ako." sambit ko sa mga ito at tumingin kay Simone na tumataas baba na rin ang balikat tanda ng pagod. Napakalakas ni Simone. Nakita ko kung paano siya makipaglaban.

At ang babaeng 'yon na pinagsisipa ang mga leeg ng mga sumusugod sa kanya. Ang paa at kamay nito ay parehong ginagamit. Kung titingnan parang napakasimple pero ang epekto no'n sa mga sumusugod sa kanya ay hindi.

Nakita kong hindi lang ako ang nakatingin kay Cane.

"Simone, sino ba talaga kayo?" tanong ko kay Simone na binabalot ang mga kamao ng makapal na tela. Saglit na sinulyapan niya kami at pinagpatuloy ang seryosong pagbibilot ng kamao niya. Ang mga sumusugod sa amin ay nagsisimula nang mag-atrasan.

"I am Simone, and she's my reason for living." sambit ni Simone pero hindi namin maintindihan dahil sa lenggwahe niya.

Bumuntong hininga si Simone at humarap sa amin ng nakangisi. Sumulyap siya kay Cane at may kakaibang kislap ang mga mata niya.

"Kayo na lang ang tumuklas."

"Tara na." nagulat ako nang makita si Cane na nasa likuran na namin at kunot ang noo na nakatingin sa kalangitan kung saan biglang nag-uunahan sa paglipad ang mga puting ibon.

"Dino..." lumapag sa balikat ni Cane ang itim na ibon ni Lihtan.

Nang tingnan ko ang kabuuhan ni Cane ay doon ko lang napansin na punit ang palda niya.

"Lihtan, pamilyar ka ba sa kagubatan na 'to?" tanong ni Cane kay Lihtan.

"Hindi."

"Taki..."

Nakita kong nagulat si Taki na kanina pang tahimik.

"H-Ha?"

"May naaamoy ka bang malapit na karagatan?"

"O-Oo, aking binibini!"

"Pumunta tayong lahat doon." sambit ni Cane at tumingin sa akin nang seryoso.

"Maraming mga patibong sa kagubatan na 'to, Cane." sambit ni Lihtan habang nakatingin sa isang malalim na hukay.

"Sa mga puno tayo dumaan." sambit ko at tumango sila.

Nakasunod kami kay Taki na nangunguna. Kasunod ni Taki ay si Cane, Lihtan, ako at si Simone.

Nang makarating kami sa karagatan ay pumasok kami sa isang kweba na nakita namin.

Nang makaupo kami ay narinig ko ang paghikab ni Cane at papikit-pikit na kinangiti ko.

"Nakaantok..." nakangusong sambit niya.

Biglang tumayo si Lihtan.

"Saan ka pupunta, Lihtan?" tanong ni Cane.

"Kukuha ng isda."

"Wow! Gusto ko-"

"Sasamahan na kita humuli."

"Pero-"

"Kukuha ako ng kahoy sa malapit." natatawang sambit ko.

"Dito lang ako sa tabi ng aking binibini, hehehe." -Taki

Hinila ko ang damit nito sa leeg at hinila.

"Waaaah!" -Taki

"Sasama ka sa akin!"

"Ayoko mawalay sa aking binibini!" -Taki

Habang nangunguha ako ng mga kahoy ay abala naman sa kapipitas ng kung ano ano itong kasama ko.

"Kakaiba talaga ang aking binibini." sambit ni Taki na kaswal na nakaupo sa sanga at nakangiting nakatingin sa hawak niyang pulang bulaklak.

"Hindi siya sa'yo."

"Aking binibini siya!!" nguso pa nito.

Baliw.

Napabuntong hininga ako.

"Anong pagkatao kaya ang mayroon ang aking binibini? Habang tumatagal, mas nagiging mahiwaga siya sa akin." nakangiting sambit niya at nang tingalain ko ito ay nakatitig ito nang mabuti sa hawak niyang bulaklak.

"Mahiwaga rin ikaw." seryosong sambit ko at binuhat ang mga kahoy na nakuha ko at muli itong tiningnan. Tumalon siya pababa.

"Talaga?" inosente at may kakaibang ngiting tanong niya.

Inunahan ko ito sa paglakad. Pagkabalik namin sa kweba ay nakita naming natutulog si Cane habang nakaupo at nakasandal. Kasabay lang namin na dumating sina Simone at Lihtan.

"Kawawa naman ang aking binibini."

"Sanay siyang matulog kahit saan." seryosong sambit ni Simone at tumingin kay Taki na bahagyang lumayo sa kanya. Hahaha.

Takot talaga siya kay Simone.

"-kahit sa gitna ng digmaan makakatulog 'yan sa isang tabi."

Napanganga kami at natahimik.

"Biro lang." biglang ngising sambit ni Simone.

"Akala ko totoo! Ibang klase talaga ang aking binibini!"

Nagsimula nang magpaapoy si Lihtan na tinulungan din ni Simone.

"Paano kayo nagkakilala, Simone?" tanong ko at umupo. Gumaya rin si Taki na malaki ang tainga kulang na lang idikit sa mukha ni Simone

"Magmula nang hilain niya ako palayo sa impyerno ay ibinigay ko na ang sarili ko sa kanya." seryosong sambit ni Simone na maging si Lihtan ay napatingin sa kanya.

"Kaya pag-aari niya ako." Nag-angat siya sa amin ng tingin at saglit na sumulyap kay Cane na mahimbing ang tulog. Tipid na ngumisi siya at binalik ang tingin sa amin.

Anong nakaraan ang mayroon sa'yo, Simone?

"Wala ba siyang kinatatakutan?" biglang tanong ni Taki.

Tumingin si Simone sa kanya.

"Hindi ko pa siya nakitang matakot." sambit ni Simone.

"-wala siyang inaatrasang hamon, kaya naman sumasakit ang ulo ko sa mga ginagawa niya." buntong hininga ni Simone.

Nakita naming nagising si Cane at mukhang narinig ang sinabi ni Simone. Nakasimangot at nakanguso siya.

"Grabe ka talaga sa akin, Simone!"

"Tss."

"Hehehehe, ano bang pinag-uusapan niyo?" umupo siya sa tabi ni Simone at humalumbaba.

"Paano kayo nagkakilala ni Simone, aking binibini? Hehehe".

"Aah..." nakangiting tiningnan niya si Simone na bumuntong hininga dahil sa pag-ulit ni Taki sa tanong ko.

"Hahahaha. Hindi ko ikukwento kung hindi niya sasabihin." napangiti naman si Simone at umiling iling.

"May kinatatakutan ka ba, aking binibini? Hehehe."

"Hm..." tumango si Cane.

Si Simone ay napatigil sa pag-iihaw at nag-abang din sa isasagot ni Cane na nakakunot noo.

"Kanina ko naramdaman." sambit niya pa habang nakatulala sa kawalan.

"-natakot akong mapahamak kayo at masaktan. Ayokong makitang nasasaktan kayo." buntong hininga niya pa habang inaalala 'yon.

"Ang lakas ng kabog ng puso ko! Grabe, hahahahaha!" natatawang kwento niya pa sa amin.

"Tss, sino ang may sabi na magsabi kung saan pupunta?" -Simone

"Tama si Simone, Cane. Dapat sinabihan mo kami." sambit ni Lihtan.

"Hindi ko na uulitin. Hahaha."

"Anong nangyari?" seryosong tanong ko.

"Nakaharap ko ang Hari Agnol, kasama doon sina Prinsipe Hasil, Prinsesa Shea at ang Reyna..."

Napaupo ako nang maayos.

"-ang totoo niyan ay gusto rin dalhin si Tenere sa Hideus ngunit hindi ako pumayag." kumamot siya sa ulo nang samaan siya ng tingin ni Simone

"Dapat ay hinayaan mo na k-kunin na lang ako."

"Ikukulong nila tayo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Alam ko, Cane, pero hindi ka kasamang makukulong."

"Kung makukulong ka man ulit ay sasamahan kita kahit saan pang kulungan."

Natulala at napalunok ako sa sinabi niya.

"Sama rin si Taki! Aking binibini! Sama si Taki! Taki! Ta-"

Pinasok ni Simone ang naluto niyang isda sa bibig ni Taki na nagsisimula nanaman.

"Itikom mo ang bibig mo." -Simone

"Sasamahan ko rin kayo, Cane." sambit ni Lihtan.

"Sige! Sige! Sama sama tayo magpakulong para masaya. Hihihi." pumapalakpak pang sambit ni Cane.

E?

Seryoso ba sila sa mga sinasabi nila?

"Shama Chaki!! Yamyamyam." -sambit ni Taki habang punong puno ang bibig.

Inabutan ako ni Lihtan ng isda at wala sa sariling tinanggap ko 'yon.

"B-Bakit kasama kayo?"

"Ayaw mo ba sa amin sumama? Ayaw mo kami kasama?" malungkot na tanong ni Cane.

"H-Hindi gusto pa kita-" naramdaman ko ang sama ng tingin ni Simone.

"Ang ibig kong sabihin gusto ko kayo kasama. Hehehe."

"Talaga? Sasama ka na sa amin?" masayang tanong ni Cane.

Tumango ako at napalunok.

Nagulat ako nang dambahin ako nito ng yakap.

Natulala ako sa ginawa niya.

Niyakap niya ako.

Niyakap ako ni Cane nang mahigpit.

"Salamat naman at sasama ka na sa paglalakbay namin! Yehey!" nang lumayo siya ay tuwang tuwa siyang tumingin sa akin.

"Sama Taki! Taki gusto sama! Waaah! Aking binibini, sama ako."

"Sige! Sama ka rin!!" mabilis na pagpayag ni Cane.

"WAAAAH!" sabay pa silang tumalon talon sa sobrang tuwa.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lihtan sa tabi ko.

"Pisbam, Tenere." sambit ni Lihtan na may tipid na ngiti. Natawa ako at...

"Pisbam, Lihtan. Pisbam, Simone." sambit ko at pinagdikit ang mga kamao namin at gumaya rin sa amin.

Sabay naming tiningnan ang dalawang paikot-ikot na tumatalon at tawa nang tawa.

Matilda, gusto kong malaman mo na may mga kaibigan na ako. May mga kasama na ako, at masaya ako. Wala ka nang dapat ipag-alala dahil natagpuan ko na ang tahanan ko. Sa piling ng mga taong kaharap ko. Hindi ko alam kung ano ang mga kahaharapin namin sa mga susunod na araw, nakakapagtaka na hindi ako natatakot. Lalo na dahil alam kong hindi na 'ko mag-iisa, hindi na ako nag-iisa. May isang napakagandang tao ang naglahad ng kamay sa akin, na inabot ko. Hindi ko alam kung bakit gusto niya kami tipunin ang tulad namin. Hindi ko alam ang dahilan niya pero makita ko pa lamang ang masayang mukha niya, ang mga ngiti niya at marinig ko pa lamang ang boses at pagtawa niya ay nawawala na ang pag-aalinlangan ko at ang gusto ko na lang ay sumama sa kahit saan pa man siya pumunta.

Gusto ko pang mas lalo siyang makilala.

Hindi naman imposibleng magkaroon ako ng mga taong magpapahalaga sa akin, ng mga kaibigan, ng tulad nila, tulad niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height