C18 Pahina 18: Poisonous Taki (1st Part)
Pahina 18
Poisonous Taki (1st Part)
"Lihtan..." lumapit ako sa kanya at umupo sa batong inuupuan niya.
Nakaharap siya sa dagat.
"Wala na naman siya, Cane." sambit ni Lihtan.
Alam ko ang tinutukoy niya.
"Nag-aalala ka kay Taki?" ngiting tanong ko. Parang bata na tumango si Lihtan at hindi ko mapigilang guluhin ang buhok niya sa taglay niyang ka-cute-an