C2 Pahina 2

Pahina 2

Anue Knight

Hurricane’s Point of View

Error. I sighed heavily while massaging my chin while looking at my laptop. It's been 4 hours and I've been tracking someone with a name 'Anue Knight' but, still no progress. Maraming mukha ang lumalabas at nasa iba't ibang bansa ang mga location.

"What are you doing?" napatingala ako sa taong nagtanong.

"Kuya Storm, bakit gising ka pa?"

"I'm the one who supposed to ask you that, baby girl." nakangising ani nito. That endearment, he's teasing me!

"Get lost, Kuya Storm." isinara ko ang laptop ko at tumayo saka ito sinamaan ng tingin ngunit kalaunan ay ngumiti nang matamis.

"What is it this time?" nag-cross arms ito.

Sasabihin ko sanang hanapin niya ang gusto ko ipahanap pero... Napapikit ako nang mariin dahil muntik ko nang malimutan ang pakiusap ng ginang na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Nevermind. Matutulog na ako. Matulog ka na rin."

"You're acting strange. I don't like it. I hate it." malamig na sabi nito at napalunok ako sa isip ko.

Dang, I need to be careful.

"You're exaggerating, Storm. Gusto ko lang sana ipahanap sa’yo 'yong mga umatake sa akin kanina. Ang kaso baka kung anong gawin niyo-"

"Names." dumilim ang mukha nito. Geez, I'm sorry for those guys earlier but kailangan nilang humarap kay Lucifer. Totoong may mga nagtangka sa akin kanina pero nagawan iyon ng paraan ni Simone. Siya ang nagpatumba sa mga ninjas na sumugod sa amin kanina.

"I don't have any idea."

Napabuntong hininga siya at hinilot ang sentido.

"Alright, I'm going to ask Simone first thing in the morning. Go to your room and rest." Saglit na sumulyap ito sa laptop ko at binalik ang tingin sa akin.

Parang pilit niyang binabasa ang nasa isip ko. We’re really Henderson-Thurston. Ngumiti ako at saka humalik sa pisngi nito.

"Good night, Storm."

"Good night,"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang makapasok sa kwarto ko. I'm sure na nagduruda si Storm. This is our advantage and disadvantage. Our instincts, reflexes and senses are hella strong. Thanks to our great genes, we are truly amazing.

Binuksan kong muli ang laptop ko at pinasadahan ng tingin ang mga mukhang nasa screen. Some of them ay hindi na nag-eexist at ginawa para malito ang kung sinumang humanap sa taong 'yon. I stared at the screen blankly hanggang sa huminto ang mata ko sa batang babae na nasa edad na apat na taong gulang.

"What's making you busy, Cane?" biglang tanong ni Kuya Thunder habang nasa hapag-kainan kami't nagsasalo ng agahan. Nakita kong ibinaba ni Daddy ang newspaper niya at pinunasan ang gilid ng labi ni Mommy. Sweet.

"This and that. Why?" nakangusong tanong ko. My brothers of mine are very protective.

"Tss, you're not wearing your necklace." walang emosyong puna ni Kuya Rain sa leeg ko. Dahil sa sinabi niya, napahinto rin ang dalawang katabi niya.

"Nasa shop pinaayos ko.." Biglang tumayo si Kuya Rain kaya napatigil kami. Naglakad ito papunta sa likod ko at isinuot ang kwintas na kahapon lang ay nasa shop at wala nang sira.

"Hehehe. Thank you, Rain." pinilit kong ngumiti. Kung paano niya nalaman kung saang shop ko ipinaayos ay di ko na tinanong. They have endless ways anyway.

Ang necklace na 'to ay hindi ordinaryo.

Tahimik na muli akong kumain. Sinadya kong sirain nang kaunti ang kwintas para hindi nila malaman ang pinupuntahan ko. It can't be helped. Alam ko namang malalaman nila lahat pero hindi ko hahayaang malaman nila ang sarili kong misyon.

"Where did you go last night, Storm?" tanong ni Daddy na diretso ang tingin kay Kuya Storm. My dad is a very calm and gentle man. Kahit kailan ay hindi siya nagalit sa amin but nakakatakot siya kapag seryoso pati na rin si Mommy. Sa kanila ako pinakadapat mag-ingat dahil sooner or later, malalaman rin nila.

Ininom ko ang fresh orange juice na nasa tabi ng pinggan ko.

"I eliminate those bastards who dare to harm her. They came from a ninja institute."

"What?" sabay na tanong ni Rain at Thunder at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Hmm, are you okay my daughter?"

"I'm fine daddy, nandyan naman si Simone." nakangising sagot ko. Nakita ko rin dito ang pag-aalala.

"Let's go shopping today, anak. How does it sound?" nakangiting tanong ni Mommy. Mabilis akong pumayag dahil bonding na rin namin 'yon.

"Sure Mommy!"

~¤~

"Mom?"

"Hmm?"

"Bakit ang daming jacket?"

"Baka kailanganin mo. Ninilhan ko rin ang mga kuya mo at ang Daddy mo. Hahaha."

"K-Kailanganin?" naguguluhang tanong ko. Nakangising humarap ito sa akin.

"Are you familiar with this line baby? Na 'papunta ka pa lang, pabalik na ako?'" Di ko na napigilang mapalunok at mapanguso. Hinila ako nito at nagpatuloy kami sa pamimili.

"Ako na ang bahala sa mga kuya mo. Hahaha. Mag-focus ka sa misyon mo. Ganyan din ako nung mga nasa edad mo ako. Lagi nating wine-welcome ang piligro."

"Mom...you're so cool. Hahaha!"

"But I'm still worried pero alam ko namang kakayanin mo ang lahat dahil anak ka ng magulang mo."

"Anak niyo ko, Mommy."

"Hahahahahaha! May sinabi ba akong hindi?"

"MOMMY NAMAN EH!" Dahil sa sinabi ni Mommy ay nakahinga ako ng maluwag.

"Your Dad and I actually know it, baby girl."

"Your Dad and I actually know it, baby girl."

"Your Dad and I actually know it, baby girl."

"Your Dad and I actually know it, baby girl."

What?

"Let's not talk about this matter here. Let's go and buy a first aid kit for your journey."

...

"W-What? Patay na po ang ginang na nakausap ko kahapon?" gulat na bulaslas ko. Nasa opisina ako ngayon nina Daddy at Mommy.

"Sadly, natagpuan siyang patay pagkaalis mo anak." marahang sambit ni Mommy. Kung ganoon ay alam nila umpisa pa lang. Nakita kong parehong nakatingin sa akin ang mga magulang ko at di ko maiwasang mapalunok.

"Matagal na naming alam ng Daddy mo na mayroong lugar na hindi alam ng lahat." Kung ganoon, matagal na pala nilang alam.

"We are protecting that country, Hurricane." Hindi ko naitago ang pagkagulat at pagkalito sa sinabing iyon ni Daddy. Country? All I know is isa iyong malaking isla.

"Tama ang narinig mo, anak. Isa iyong bansa na mas malaki pa sa Pilipinas."

"W-What? Pero paanong walang nakakaalam?" Mas lalo akong nahihiwagaan sa lugar na 'yon at mas dumarami ang dahilan ko para magtungo roon.

"Tell me my daughter. Why do you want to go there?" tumingin ako sa mga mata ni Daddy at naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Mommy sa kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Dahil...gusto kong... Gusto ko na.." napabuntong hininga ako at seryosong tiningnan si Daddy.

"-tulungan ang tatlong halimaw na sinasabi nila." nakita ko ang pag-guhit ng gulat sa mata ni Daddy at pagngiti kalaunan. Binagsak ko ang tingin ko sa kamay naming dalawa ni Mommy at napangiti rin.

"Para kasing ang lungkot lungkot nila. Gusto ko silang makilala at damayan. Hindi ko alam kung paano ko sila makukumbinsi na sumama sa akin."

"Hmm? Just be yourself, anak." binigyan ako ng napakagandang ngiti ni Mommy at inilagay niya ang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Ang laki na ng baby girl namin, dalaga na. I'm really proud of you, anak."

"Salamat Mommy. Salamat din Daddy."

Itinaas ni Daddy ang magkabilang bisig niya kaya masayang tumayo ako at yumakap dito. Hinalikan niya ang noo ko.

Ang Daddy at Mommy ko talaga ang pinakatinitingala ko sa lahat.

"Ako rin!" nakiyakap din si Mommy kaya pareho kaming natawa ni Daddy.

"Ano ito?" takang tanong ko nang may ibinigay itong puting folder na may kakapalan.

"Lahat ng gusto mong malaman ay nandiyan." Tumango ako sa sinabing 'yon ni Mommy na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"That old lady trusted you. Hindi 'yon nagbibigay ng impormasyon o nag-iimbita. The reason why we are not doing anything is because we respect their decision. Ayaw ng mga naroroon na malaman ng mundo na nag-eexist ang bansa nila dahil maraming aangkin sa mga ito. They love their freedom and they are different from us and more importantly anak, They are dangerous."

"Do they know the outside world?"

"Yeah, the rulers of that country but ang mga mamamayan doon ay hindi. Malalaman mo ang malaking pagkakaiba kapag naroon ka na." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. May kanina pang tanong na bumabagabag sa akin.

"Nakapunta na po ba kayo roon?"

"Yeah, na-meet namin ang mga kinikilalang 'Panginoon' o 'Namumuno' roon at nagkaroon ng kasunduan."

"Kasunduan?"

"Kasunduan na walang mangingialam sa bansa nila. Matagal na 'yon pero dahil sa may katandaan na rin ang mga ito ay bago na ang mga namumuno. Komplikado ang relasyon sa pagitan natin at ng bansang 'yon."

"Paano kung matuklasan ng iba ang bansa nila?"

"Hindi nila hahayaang makalabas ng buhay ang makakatuklas noon."

"Pero anong ginawa niyo para hayaan kayong makaalis?" Kinilabutan ako noong sabay na ngumisi ang mga magulang ko.

Uh-oh.

"Dinisiplina namin sila nang kaunti.'" natatawang sabi ni Mommy.

"Hindi kami interesadong sakupin ang bansang 'yon kaya nakiusap sila na h'wag ikalat ang nalaman namin. Pumayag kami at pinrotektahan ang bansang 'yon na hindi malaman ng lahat. The End."

Nakatulalang lumabas ako ng silid at nakita ko si Simone na nakaabang. Naglakad ako at sumunod naman ito sa akin.

Pagpasok ko ng kwarto ko, may dalawang malaking itim na backpack sa kama ko at may sticky note na nakadikit na may pangalan ko at sa isang backpack ay may pangalan ni Simone.

"Mom, you're really the best." natatawang sambit ko sa sarili.

Iniwan ko si Simone doon at nagtungo sa bathroom. Nakatapis na lumabas ako habang bino-blower ang buhok ko. Nabitawan ni Simone ang folder na binabasa niya nang makita ako at namumulang nag-iwas ng tingin. Aligagang pinulot nito ang folder at nilapag sa kama at saka tumayo at tumalikod sa akin.

"L-Lalabas muna ako." sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Bubuksan na sana nito ang pinto ng magsalita ako.

"Wait, Simone." lumapit ako sa kanya at noong nasa likod na niya ako ay kita ko ang pagkaestatwa nito at pigil ng kanyang hininga. Nakangiting nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.

"Please lock the door and wait for me." bulong ko. Hindi ko pa naipipikit ang mga mata ko ay wala na ito sa harapan ko. Napahalakhak ako nang marinig ang mahihinang mura nito.

He's so cute.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height