C3 Pahina 3

Pahina 3

The Start of the Mafia Heiress

Adventure

"Anong kailangan niyo sa akin?" walang emosyon na tanong ng batang nag-ngangalang 'Anue Knight'.

Bata nga ba?

Nasa isang squatters area ako kasama si Simone na nakatayo sa likuran ko habang ako naman ay nakaupo kaharap si Anue Knight. Nasa loob kami ng tahanan niya. Ngumiti ako at inamoy ang mabangong aroma ng kape na gawa nito, kakaiba.

Sa totoo lang ay kahit na wala ang tulong ng taong nasa harapan namin ay makagagawa ako ng paraan para makarating sa lugar na 'yon, lalo pa sa mga impormasyong binigay sa akin ng mga magulang ko. Nakita ko ang litrato ng batang nasa harapan namin doon at nang makita ko ito nung nagta-track ako ay balak ko na talagang tunguhin ang kinaroroonan nito. Ang sabi rin kasi ng instinct ko'y kailangan ko muna dumaan sa mga kamay ng batang ito bago magtungo roon. Kahit kailan ay hindi ko pinagdudahan ang instinct ko.

"Nabanggit ni Eloa na marami kang nalalaman." Bakas ang pagkalito sa maamong mukha ng batang kaharap ko.

"Bago siya pumanaw ay nagkausap kami." nagseryoso ang mukha nito.

"Eloa..hah. Anong nakita niya sa’yo?" seryosong tanong nito.

"......."

Napabuntong hininga ako sa ugali na ipinapakita nito.

"Sinasabi mong interesado ka sa tatlong halimaw. Siguro naman ay alam mong sa oras na malamang taga-labas ka'y mapapahamak lang kayo. Alam niyong hindi dapat ito malaman ng ibang karatig bansa dahil hindi mangingimi na magpahayag ng digmaan ang mga taga-roon."

"Maihahalintulad ang pamumuhay nila sa sinaunang panahon.." tumango ako sa sa nilahad nito. Alam ko ang lahat ng sinasabi niya.

"Simula ng mamatay ang mga kinikilalang 'Hari' ng bawat kaharian ay hindi na naging mapayapa ang pamumuhay doon. Umiral ang napakaraming kaguluhan at karahasan na nakakalungkot."

Hindi bata ang kaharap ko dahil parang mas matanda pa sa magulang ko ito pero paanong ganito ang anyo nito? Nanahimik na lamang ako at taimtim na pinakinggan ang lahat ng sinasabi nito. Maraming tanong na bumabagabag sa akin pero mas magandang sarilihin ko na lamang o ako na lamang ang tumuklas.

"Tayo na." biglang sabi nito at sa kauna-unahang pagkakatao ay ngumiti ito.

"Simulan na natin ang paglalakbay."

KIN Palacio

Third Person's Point of View

"Ina! Ina! Imulat mo ang iyong mga mata." tumatangis na sambit ng bata habang nasa kanlungan niya ang ulo ng kanyang ina na wala nang malay, wala nang buhay...

"Dalhin ang batang 'yan! H'wag niyong gagasgasan, malilintikan tayo!"

"Bitawan niyo ako! Ina! Ina! Huhuhu!"

Ang mga nakasaksi ay tila wala lang at isinawalang bahala ang mga nakikita dahil sa takot na sila'y madamay.

Ang grupong nang gugulo ay ang mga bandido. Araw-araw na naglilikha ng gulo, ang sinumang maibigan nilang babae ay kanilang dinudukot at dinadala sa pamilihan upang ibenta sa mataas na halaga, at sapilitang naniningil ng buwis. Walang magawa ang mga mamamayan dahil kapag nanlaban sila ay sa kulungan ang bagsak nila. Sila lang ang lalabas na mali at isa pa, kasabwat ng mga bandidong ito ang mga gwardyang nagkalat sa paligid.

Natigil ang pang-gugulo ng mga bandido nang may tumalsik na katawan sa kanilang harapan. Nakita nila ang malaking butas ng dingding na pinagmulan nito.

"Aaaah! H-Halimaw! Saklolo!"

Mula sa butas ay lumabas ang isang estrangherong lalaki. Balot ang kanyang mukha ng metal na maskara at kapansin-pansin ang kakaibang kamay nito. Nagsiatrasan ang lahat. Sa kabilang kamay ay may hawak itong bote na naglalaman ng alak.

Nilapitan niya ang kaninang tumalsik na hinagis niya at sinapak. Nawalan ito ng malay. Sunod na binalingan ng madilim niyang mga mata ang lalaking may hawak umiiyak na bata dahil sa pagkamatay mula sa atake sa puso ng kanyang ina. Binato niya ang hawak na bote at sumapul sa mukha ng bandido.

"Pangahas kang halimaw ka! Patayin niyo 'yan!" Sumugod nang sabay-sabay ang mga bandido. Walang kahirap hirap na pinabagsak niya ang mga ito gamit ang tag-iisang atake lamang. Walang imik na nilisan ng estranghero ang lugar.

"S-Sandali...ginoo!" Napatigil ang estranghero noong kumapit sa laylayan ng damit niya ang batang babae.

"M-Maraming salamat!" Nakaramdam ng takot ang bata at bumitaw sa estranghero.

"Hindi ko mapapatawad ang halimaw na 'yon sa ginawa niya sa mga kasamahan natin!" Galit na asik ng pinuno ng mga bandido.

"Pinuno'ng Balgo, nakatakas ang babaeng ipapadala sana dahil sa pangingialam ng halimaw na 'yon!"

"Hanggang ngayon ay hindi makagalaw ang mga nakalaban ng halimaw! Balita ko ay nabali ang mga buto ng mga ito." di nila maiwasang mapalunok.

Humithit sa hawak nitong tobacco ang kanilang pinuno. Napapagitnaan ang kanilang pinuno ng dalawang babae at paminsan minsang hinahalikan ng salitan at naglilikot ang mga kamay.

"Nakakapagtaka ang pangingialam nito, at pagsulpot."

"Nagkataon pa na sa teritoryo natin naligaw ang halimaw na 'yon."

"Bihira lang 'yon magpakita at mahihirapan tayong tugisin ito."

"Tss! Kung dala ko lang ang pana ko ay sasapulin ko ang utak noon! Anong karapatan niyang banggain tayo?!"

"H'wag mong mamaliitin ang halimaw na 'yon. Nakita mo ba ang kakaibang kamay noon? Kaya ka noong pagpipirasuhin o kahit isang pitik lang ay talsik ka na."

"At ang sabi sabi pa'y ang sinumang humawak sa mga kamay noon ay mamalasin! Magaling din 'yon humawak ng espada!"

Nanatiling abala ang kanilang pinuno sa mga katabing babae ngunit ang atensyon niya rin ay nasa mga tauhan niya.

"Malas." nakangising asong sambit ng kanilang pinuno. Ang kanilang Pinunong Balgo ay isang tusong nilalang. Apat-napung taong gulang, kahit na may kaedaran na ay matikas parin ito kung titignan. Ito ay may mahabang balbas at may taas na 6'5”.

"Halughugin ang buong baryo. Hanapin ang babae." nakangising utos ni Balgo. Nagkatinginan ang kanyang mga tauhan at sabay-sabay na nagtayuan at ngumisi rin.

"Iha, kailangan mo nang lumuwas. Magpakalayo-layo ka." aligaga at di mapakaling paulit-ulit na pagsilip sa butas ng isang matandang babae. Nag-aalang tiningnan nito ang batang babae na parang anak na rin ang turing niya.

"P-pero Aling Alicia, wala na po akong mapupuntahan." lumuluhang sambit ng babae, sapo ang mukha.

"Papatayin ka nila Balgo." nag-aalang turan ng matandang babaeng nagngangalang Alicia.

"W-wala na ring saysay ang mabuhay. Wala na si inay. Nag-iisa na lamang ako. Gusto ko nang mamatay. Ayaw ko na sa impyernong 'to! Ayaw ko na!!"

Biglang kumalabog ang pintuan na yari sa kahoy.

"Dito ka lang. H'wag na h'wag kang aalis, maliwanag ba? Nakikiusap ako sa’yo, Eloisa."

"A-Anong nangyayari, Aling Alicia?" Dinala ng matanda ang dalaga sa isang silid at binuksan ang isang sikretong pinto sa sahig at ipinasok ang dalaga.

"Wala na akong panahon para ipaliwanag ang nangyayari. Magpakalayo-layo ka. Kunin mo ito." binigay nito ang isang balot ng tela at lumuluhang hinawakan ang mukha ng bata na walang tigil sa pag-iyak.

"Aling Alicia.."

"Magpatuloy kang mabuhay. Matanda na rin ako at hindi ko na kayang samahan ka hanggang sa dulo. Lagi mong tatandaang mahal na mahal ka namin ng iyong ina." huling habilin ni Aling Alicia at tuluyan nang sinara ang lihim na lagusan.

"Aling Alicia... Aling Alicia..."

Sa batang sampung taong gulang lamang ay ano ang magagawa niya sa malupit na mundong ginagalawan niya? Wala na ang ama't ina niya. Wala nang natira sa kanya.

Hurricane’s Point of View

Nagkamalay ako at nakapiring ang mga mata. Ang tanging naririnig ko lang ay ang hampas ng tubig at nasisiguro ko ng nasa karagatan kami sakay ng bangka.

Napakasarap ng kapeng 'yon, sinasabi ko na nga 'e.

"Simone?" Untag ko sa pangalan nito.

"I'm here," sagot naman nito. Nakahinga ako nang maluwag at naramdaman kong hindi naman nakatali ang mga kamay at paa ko. May naramdaman akong tumabi sa akin at napangiti ako nang malanghap ang pamilyar na bango nito kaya sumandig ako sa balikat nito. Natawa ako nang mahina noong nanigas ito bigla.

"Magkasintahan ba kayo?" Narinig kong tanong ni Anue Knight.

"Tss no." bagot na sagot ni Simone.

"But he's mine." seryosong sagot ko naman at tumahimik ang buong paligid. Apat kaming nakasakay ng bangka at siguro'y bangkero ang isa. Makalipas ang limang minuto ay nagsalitang muli si Anue nang seryoso.

"Masyado kayong agaw-pansin. Baka ito pa ang ikapahamak niyo lalo pa ang kasuotan niyo ngayon." parang namomroblemang sabi pa nito. Nanatili lang akong nakikinig.

"Ship.." biglang salita ni Simone sa mahinang tono.

"Hey, walang takip ang mga mata mo?" Nakasimangot na tanong ko. Napakadaya.

"May paparating na mga pirata. Malaking problema ito." kinakabahang sambit ng bangkero nang tanggalin ko ang piring ko.

"Shit! Where's the pirate ship?!" Excited kong tanong dahil ito ang unang pagkakataong makikita ko 'yon.

Nakita ko ang pagpapakawala ng buntong hininga ni Simone sa inasal ko kaya napanguso ako. Sinamaan ko ito saglit ng tingin at hinanap ng mga mata ko ang sinasabi nilang 'ship'. Saka ko lang napansin na madilim na pala at ang nagsisilbing ilaw ay isang gasera. Nasisiguro kong napakaganda ng karagatang ito kapag maliwanag na.

"Mukhang sina Kapitan Matias na 'yan." sa sinabing 'yon ni Anue ay nakahinga nang maluwag ang bangkero. Nakita nito ang paninitig ko sa kanya at parang nahihiyang nag-iwas ito ng tingin.

"Ikaw 'yong nagturo sa amin kung nasaan si Anue di ba? Maraming salamat?"

"G-Greg ang pangalan ko. Ikinagagalak ko kayong makilala."

"Salamat, Greg ah?"

"W-Walang anuman"

"Tss." singhal ni Simone na hindi ko pinansin. Nalipat ang tingin ni Greg kay Simone at parang natatakot.

"ANUE!" Sigaw ng di pamilyar na boses at namalayan ko na lang na may malaking barko sa harapan namin.

"KAPITAN MATIAS!" Bati rin ni Anue habang kumakaway. Ilang saglit pa'y may hagdan na gawa sa lubid ang bumagsak sa bangkang sinasakyan namin. Nakita kong parang sanay na umakyat si Anue gamit 'yon. Excited na gagaya na rin sana ako nang maramdaman ko ang pag-alalay sa baywang ko. Noong nilingon ko kung sino 'yon, si Simone pala. Nginitian ko ito pero nakasimangot pa rin. Dahil sa pagiging kj niya sa kasiyahan ko ay binatukan ko siya. Napanganga naman 'yong bangkero.

"Shit! Para saan 'yon?" Inis na tanong nito pero di ko pinansin at umakyat na. Pagkaapak ko pa lang sa ship ay hindi na maipinta ang mukha ng mga pirata. Dream come true na ba ito? Waaah! Ang astig ng mga suot nila. Naiimagine kong magsuot ng tulad ng damit nila!

"Magandang Gabi! Ako si Hurricane, nasa pangangalaga niyo po kami ng kasama ko ngayon! Ikinagagalak kong makilala kayo mga kagalang galang na pirata!" Masiglang bati ko at parang prinsesa na yumuko at kunwari may imaginary palda.

"A-Anghel..."

"Ang ganda niya."

"Hulog ba siya ng langit?"

"Pero mula sa siya sa dagat."

"Isang anghel na sirena?"

Naguguluhan ako sa sinasabi nila. Biglang nahawi ang mga pirata at naglakad patungo sa amin ang kanilang Kapitan Matias? Napatitig ako sa mukha nito.

"Ako si Kapitan Matias. Iinagagalak din naming makilala kayo." kinuha nito ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Biglang humarang sa harapan ko si Simone na naging dahilan para mabitawan ni Kapitan Matias ang kamay ko at nakipagkamay kay Kapitan Matias.

"Simone." matigas na pakilala niya sa Kapitang nakabawi na sa pagkagulat at makahulugang tiningnan kaming dalawa.

Bakit kaya?

"Marahil ay pagod na kayo. Ihatid niyo sila sa kanilang magiging kwarto at bigyan ng komportableng kasuotan."

"Masusunod, Kapitan!" Nakita ko ang sama ng tingin ng mga pirata kay Simone. Naputol ang pag-oobserba ko nang kuhanin ni Simone ang kaliwang kamay ko at hinila. Ano kayang problema nito at mukhang badtrip?

Pumasok kami sa isang silid.

"Nariyan na ang mga damit niyo.”

"Salamat" nakangiting sagot ko sa pirata. Napaiwas ito ng tingin at parang namumula ang pisngi.

"Ayos ka lang?"

"Paumanhin, napakaganda niyo kasi binibini.N-ngayon lang kami nakasilay ng katulad niyo."

"Hahahaha. Maraming salamat sa papuri mo?"

"A-Antonio po ang pangalan ko." nakangiting pakilala nito. Hindi nalalayo ang edad namin sa kanya. Mukhang siya ang pinakabatang pirata sa kanila. Biglang napawi ang ngiti nito kaya napatingin ako kay Simone na nakapamulsa sa likuran ko na seryosong nakatingin kay Antonio.

"Ah! Ito naman si Simone. Pagpasensyahan mo na ito. May pagkamahiyain at seryosong tao kasi siya pero mabait 'yan hindi lang halata. H'wag mo na lang pansinin ang pagsusungit niya. Hahaha." Siniko ko si Simone at itinabi sa akin.

"Smile." utos ko rito. Napahalakhak ako sa klase ng ngiting ibinigay niya kay Antonio.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, ginoo. Mauuna na po ako. Sana'y maging komportable po kayo." nagpipigil ng ngiti na sabi ni Antonio

"Sige! Salamat ulit." nang makaalis na ito ay hinarap ko si Simone na naka-cross ang bisig sa dibdib.

"Learn to socialize, Simone. Act a little friendly, can you?" Sermon ko rito at umupo sa papag na higaan. Mayroong dalawang papag at doon siya sa kabila. Nilibot ko ang tingin sa kwarto na may ngiti sa mga labi at binalik ang tingin kay Simone na nanatiling nakahalukipkip.

"Kapag hindi ka umayos ihahagis kita sa dagat at babalik ka pabalik ng Pilipinas."

"You're smile is different. Mukhang masayang masaya ka." pokerface na puna niya at naupo sa gilid ng papag at ipinatong ang baba sa isang kamay habang nakatungkod ang mga siko sa hita nito.

"-At lumalabas ang kadaldalan mo." dagdag niya pa. Tama nga siya. Siguro dahil sa excitement? Gusto kong malaman ang lugar na 'to! Tapos may pirate pa! Ibig sabihin may iba pang mga pirata? Naalala ko pa ang mga espadang nasa gilid ng mahaba nilang kasuotan! At ang sumbrero nila! Ang iba pa sa kanila'y may kakaibang hairstyles! Lalo na 'yong balbas ni Kapitan Matias. Napahagikhik ako nang maalala 'yon. Nahuli ko ang pag ngiti ni Simone.

"Yan! Ganyan ngumiti ka nang ganyan bukas. Ay hindi, araw-araw!"

"What? Inuutusan mo ako?"

"Oo inuutusan kita." Inirapan niya ako. Pasalamat siya at alam kong straight siya.

"Let's sleep, good night." biglang higa nito at tumalikod. Napahikab ako.

"Yeah, good night."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height