C4 Pahina 4

Pahina 4

First Monster

Tinanggal niya ang suot na maskara at naghilamos sa sapa. Pinagmasdan niya ang repleksyon sa tubig.

Mabilis na nahuli ng kamay niya ang malaking isda. Ang isdang nahuli niya ang magiging tanghalian niya. Pumutol siya ng manipis na sanga at tinusok sa isda. Nagsimula siyang gumawa ng apoy sa isang kweba na pahingahan niya o pansamantalang tirahan.

Matyagang hinintay niyang maluto ang isda, habang nakatingin dito ay bumalik sa isip niya ang nangyari noong isang araw. Ang pagkapit ng batang babae sa kanya. Mabuti na lang ay hindi hinawakan ng batang 'yon ang kamay niya.

"Twit twit" huni ng alaga niyang itim na kalapati na kasama niya mula pa nang magkaisip siya.

"Dino." Tawag niya sa pangalan ng kalapati niya. Binigyan niya rin ito ng nahuli niyang isda at sabay na kumain.

"Ayos lang kaya siya?" Mahinang tanong niya sa sarili. Bumalik sa isip niya ang nangyari bago niya maharap ang mga bandido.

Tahimik siyang umiinom ng binili niyang alak ng biglang...

"Hoy, anong ginagawa ng tulad mong malas dito?" Hindi niya pinansin ang tanong ng lasing na lalaki at muling tumikim ng alak. Bago sa kanya ang lasa dahil unang beses niya itong matikman.

Parang umiikot ang tiyan niya at kahit na kakaiba ang lasa ay gusto niya pa ring uminom. Naging kuryoso siya dahil may narinig siyang nag-uusap tungkol sa 'alak' na nakakalimot daw ito ng problema at nagbibigay saya at ibang pakiramdam. Sinundan niya ng palihim ang nag-uusap na 'yon hanggang sa makita niyang pumasok ang mga ito sa kubo kaya sumunod siya hanggang sa ito na ang sitwasyon niya.

"Hoy! Tinatanong kita!" Nag-init ang ulo niya at parang nagdilim ang anyo ng makita ang pag-agaw ng lalaki sa alak niya. Takot na nanonood ang ibang nag-iinuman at lumayo.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Bakit hindi pa siya nasanay sa trato ng mga ito sakanya? Pinandidirian at kinatatakutan. ‘Yan ang laging tingin na ibinibigay sa kanya.

Hindi niya maintindihan dahil sa nakita niya ay mas lalong uminit ang ulo niya at hinawakan sa leeg ang gumugulo sa kanya at inihinagis. Nasira ang dingding ng kubo dahil sa lakas ng hagis niya. Dinampot niya ang bote ng alak at lumabas. Doon ay nakita niya paglayo ng mga mamamayan. Binuhos niya ang galit sa gumulo sa kanya at sinapak. Pag-angat niya ng tingin ay nahagip ng madilim niyang mga mata ang batang babae na may luha sa mga mata at ang mga matang 'yon ay sumisigaw ng 'tulong' sa kanya. Tila natauhan siya at nang makita niya ang kalagayan ng bata ay binato niya ang bandidong may hawak dito.

Nang mapabagsak na niya ang mga bandido ay umalis na siya.

Napatigil siya sa pagmumuni ng maramdaman niyang may nawawala sa kanya! Natatarantang nilibot niya ang tingin.

Hurricane’s Point of View

Pagmulat ko ng mga mata ko ay ako na lang ang mag-isa sa silid. Nasaan si Simone? Kinusot ko ang mga mata ko. Bumangon ako at napagtanto kong nasa pirate ship kami. Pumasok ako sa palikuran nila at naghilamos. Nakita ko sa hinigaan ni Simone ang pamalit kong damit. Napangiti ako dahil sinaunang-sinauna talaga ang estilo. Dirty-white ang kulay, hanggang sa pulso ang haba ng manggas, at ang pang-ibaba ay mahaba rin. Binigkis ko ang kulay itim na tela sa baywang ko at tinupi hanggang siko ang mahabang manggas. Sinuklay ko ang hanggang baywang kong buhok at hinayaang nakalugay.

Paglabas ko ay sinalubong ako ng magaang sinag ng araw at humapas sa mukha ko ang masarap sa pakiramdam na hangin. Nakarinig ako ng mga kaluskos, pagbagsak at singhap. Dahil sa hangin ay nililipad ang mahaba kong buhok kaya sinakop ko ito gamit ang isang kamay para maalis sa paningin ko ang pagharang ng ilang hibla ng buhok ko. Nakita ko na ang mga pirata pala ito.

"Magandang umaga sa inyo!" Nakangiting bati ko at nagtaka ako dahil wala akong nakuhang pagbalik-bati.

"Hurricane." tawag ng nasa likuran ko sa akin. Nakita ko si Simone. Pareho kami ng pang-ibaba pero wala siyang pang itaas kaya maliwanag na nakikita ko ang maganda nitong pangangatawan.

"Simone, bakit basang basa ka?" Lumapit ako sa kanya at tumingala.

"Tumulong ako humuli ng isda." seryosong sagot niya.

"Eh? Lumangoy kayo tapos humuli?" Tumango siya. Kung ganoon ay ang pamamaraan nila ng pangingisda ay sila mismo ang sisisid?

Hmm...napangiti ako.

"Uunahan na kita sa balak mo at sinasabi ko sa’yong hindi kita hahayaan." napanguso ako at sasagot sana nang may nagdatingan na mga pirata na mukhang kasama niyang sumisid.

"Hahahahahaha! Napakarami nating nahuling mga isda!"

"Magaling sumisid at humuli si Simone."

"Oo--" Biglang namilog ang mga mata ng mga kararating lang na pirata nang mapatingin sa akin. Bakit ganyan ang mga reaksyon nila? Anong nangyayari?

"Are you hungry?" Naagaw ni Simone ang atensyon ko. Umiling ako dahil hindi pa naman ako nagugutom.

"Hindi pa naman. Magpatuyo ka na at magbihis baka magkasakit ka, Simone." ngumiti ito sa sinabi ko. Itong taong 'to once in a blue moon lang ngumiti nang ganyan at bigla bigla na lang ngingiti nang hindi ko inaasahan. Napangiti ako dahil baka may mga nakasundo na siya rito. Mukhang maayos na ang pakikitungo sa kanya at di gaya kagabi na may masamang tingin ang binibigay sa kanya. Nakita ko na napahinto ito sa paglalakad at humarap ulit sa akin na parang nagdadalawang isip na iwan ako.

"Ayos lang ako, bilis na!"

"You behave."

"Yeah yeah. Shoo shoo."

"Tsss." Haharap na sana ako sa mga pirata pero nagulat ako noong may yumakap sa akin.

"I told them that you are a 'princess'. We can't reveal ourselves." bulong niya sa tainga ko at mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

Princess?

Ako? Prinsesa?

"Ang sarap naman nito!" nagtawanan ang mga pirata sa sinabi ko o sa itsura ko? Alam kong madusing na ako dahil sa kinakain kong inihaw na 'desa' kakaibang isda, ngayon ko lang natikman at may ganitong klaseng isda pala. Napakayaman sa likas na dagat ng bansang ito.

"Hahahahahaha. Marami pa rito, Prinsesa Cane."

"Hehehe. Salamat, Juan." nakita ko ang galak sa mga mata nila. Nasa edad 18 hanggang 37 ang mga piratang ito at nasa bente ang bilang nilang lahat. Ibinahagi nila ang mga naging paglalakbay nila, ang pakikipagsagupaan nila sa mga masasamang pirata, sa mga gustong sumakop sa kanila at ang may kagustuhang agawin ang barko nila.

"Ngayon lang kami nakakita ng napakagandang Prinsesa na kumakain ng ganitong luto at nakasabay pa naming." Naaaliw ako sa pakikipagkwentuhan sa mga pirata samantalang Simone naman ay nasa tabi ko at paminsan-minsan ay nakikisama rin sa mga pirata. Pero hindi na talaga maaalis sa kanya ang pagsagot niya nang seryoso. Pero ayos lang dahil unti-unting masasanay rin siyang makisalamuha at hindi parating ako ang kasama at kausap. Ayaw kong isarado niya ang sarili sa iba at sa akin lang umiikot ang mundo niya. May kalayaan pa rin naman siya.

"May gulong nagaganap sa Kaharian ng KIN."

Binigyan ako ng maiinom ni Simone na agad kong tinanggap at nakinig sa kwento ni Mang Kanor. Siya ang pinakamatanda sa mga pirata, kayumagi ang kulay, kulot ang itim nitong buhok at brusko itong kumilos. Napapangiti ako kapag ito ang nagku-kwento dahil may kasamang action, expression at sound effects pa itong nalalaman.

"Anong meron po?" Tanong ko dahil sa hindi mapintang mukha nito.

"May matandang ale na nag-ngangalang 'Alicia' at pangatlong araw na raw itong walang pahinga na pinaglalakad. Ang balita ko’y hindi na magtatagal 'yon dahil walang kain at inom 'yon." kwento ni Mang Kanor.

"Anong kasalanan?" Tanong ni Mang Juan na mas bata ng dalawang taon kay Mang Kanor.

Pinagkrus ko ang bisig ko sa dibdib ko at seryosong nakinig.

"Ang grupo ng mga bandido na si Balgo ay naglikha na naman ng gulo sa mga mamamayan roon. Ayon sa kapatid kong naninirahan doon ay may matandang may sakit sa puso ang ilang araw nang hindi nakakapagbigay ng buwis at bilang kabayaran ay ang anak nitong batang babae ang kukunin nila."

"Anong gagawin nila sa batang babae?" Tanong ko at nagkatinginan ang mga pirata.

"Ibebenta sa pamilihan sa mataas na halaga lalo na k-kung maganda at ang sinumang makabili sa mga ito ay magiging pagmamay-ari nila, magiging alipin o kahit ano pang gustuhin nila."

May nakita akong itim na kalapati na lumilipad sa kalangitan, ang ganda.

"Hindi naisakatuparan ng mga tauhan ni Balgo ang pagdakip sa batang babae dahil sa paglitaw ng isang lalaking may suot na maskara, balot ang katawan ng purong itim, nakasuot daw 'yon ng itim na kapa, may kakaibang kamay at natakot sila dahil nagpag-alaman nilag isa palang 'halimaw' ang lalaking nakamaskara." natigilan ako sa narinig ko. Kakaibang kamay... Halimaw...

"Nabigla ang lahat dahil sa pakikialam nito at balita ko'y hanggang ngayon ay hindi pa rin magaling ang mga pinatumba nitong bandido. Bali-bali raw ang mga buto kaya mas tumindi ang galit ng grupo nila 'Balgo' at may mga nakakitang hinawakan pa raw ng batang babae ang lalaking nakamaskara Dahil sa pagkalat ng pangyayaring 'yon, kumalat na malas ang batang babae dahil humawak ito sa malas at magbibigay ito ng sumpang kamalasan sa buong baryo ng lugar na 'yon. Hinalughog ng grupo ni Balgo ang mga kabahayan sa baryo upang hanapin ang batang babae para parusahan. Kasabwat din ng mga grupo ni Balgo ang ilang gwardya na nagkalat sa palasyo. Dahil sa naniniwala ang mga mamamayan sa lugar na 'yon na malas ang batang babae ay tumulong na sa paghahanap ang mga ito, sa takot na malasin."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Anong klaseng nilalang ba ang mga naninirahan sa KIN PALACIO na 'yon? Ang sarap nilang iuntog sa pader at ang sarap laslasin ng leeg ng mga bandidong 'yon.

Uminom ako tubig para kumalma.

"May nakakita na pinatuloy nung Aling Alicia yung batang babae pero noong halughugin ang tahanan ng matanda ay wala roon. Wala itong sinasabi kung nasaan ang bata at dahil sa pagtulong niya sa bata ay pinahirapan ito at hindi patitigilin sa paglalakad hangga't hindi nagpapakita ang bata." Pagtatapos ng kwento ni Mang Kanor.

"P-PRINSESA!" gulat na sigaw ng mga pirata sa akin. Napatingin ako sa hawak kong baso na nabasag ko na pala sa palad ko nang di ko namamalayan..

Bakit ganoon mag isip ang mga taong 'yon?

"Dumudugo ang kamay mo!"

"P-Prinsesa.."

"Kayo... naniniwala ba kayo na malas o masamang tao ang sinasabi niyong halimaw?" Malamig na tanong ko at tiningnan ang mga ito isa isa. Gulat ang naka-rehistro sa mga mata nila.

"AKO HINDI AKO NANINIIWALA SA MALAS DAHIL YUNG MGA GANOONG KLASENG TAO AY NAGHAHANAP LANG NG PAGBUBUNTUNGAN NG SISI SA LAHAT. MGA HINDI SILA NAG-IISIP, MAPANGHUSGA AT HINDI MAKATARUNGAN. AYAW KO SA MGA GANOONG NILALANG. MGA BULAG SILA. NAKIKITA NAMAN NILANG WALANG GINAGAWANG MASAMA AT TUMUTULONG, MASAMA PA RIN." Natahimik ang lahat at tanging paghampas ng tubig sa dagat lang ang naririnig at ang mga huni ng ibon. Napatingin ako sa katabi kong si Simone na nakahalumbabang nakatingin sa akin at nakangisi.

"Mahal kong Prinsesa, anong ginagawa sa mga ganoong nilalang?" Nakangising tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napanguso. Ano nga ba?

"Kailan kayo nagkita ng kapatid mo, Mang Kanor?" Baling kong tanong sa kanya. Napalunok ito bago sumagot.

"Noong isang araw." Nung isang araw ay nasa KIN Palacio na pala kami.

"Nasaan si Kapitan Matias?" Tanong ko at tumayo.

"Narinig ko ang pangalan ko. Anong maipaglilingkod ko sa’yo, Prinsesa?" Tanong ng boses mula sa likuran ko.

"Maaari bang dalhin mo kami sa KIN Palacio?" Seryoso at diretsahang tanong ko. Ngumiti ito at pinagmasdan ako.

"At bakit? Paano mo ako makukumbinsi?" Mapaghamong ngumisi ito. Ginantihan ko ito ng ngisi at mariing tiningnan. Nakita ko ang pagkabigla nito.

Umihip ang malakas na hangin at iba ang pakiramdam ko sa simoy na dala nito. Umatras ako na ikinapagtaka nila.

"Mukhang may panganib na parating. Kapitan Matias, nasaan si Anue?" Kanina ko pa hindi nakikita ang isang 'yon.

"Umalis na sila." seryosong sagot niya. Tumango ako at nakita ang pagdilim ng kalangitan at unti-unting pagbagsak ng malalaking butil ng ulan.

"KAPITAN! KAPITAN! MAY NATATANAW AKONG MGA PAPARATING NA PIRATA! A-ANG MGA PIRATANG HIDALGO!" sigaw ni Antonio na nasa taas.

Hidalgo?

Pirata?

"Paano mo nalaman na may paparating na banta? Sino ka ba talaga?" Mahinahon ngunit may diing seryosong tanong ni Kapitan Matias.

"Una sa lahat, maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin. Pangalawa, hindi ako 'Prinsesa' na nagmula sa mga kaharian dito. Pangatlo, hindi kami kalaban.." lumapit ako rito at ngumiti saka hinarap ang iba pang mga pirata na nasa akin ang atensyon.

"There's another ship." seryosong ani ni Simone.

"Anong sabi niya?"

"Hindi ko maintindihan ang lengwahe."

"Ako rin."

May kulay puting malaking barko nga akong nakita at may puting bandila pero hindi ko masyadong makita ang simbolo.

"Ang barkong panglakbay ng KIN Palacio! Mapapahamak ang mga maharlikang sakay noon oras na sugurin ito ng mga Hidalgo." pahayag ni Kapitan Matias na nasa tabi at nakatanaw.

Base sa mga sinasabi nila ay mukhang masamang tao ang mga piratang 'yon.

"Pamilyang Hidalgo ang bumubuo sa mga piratang iyan. Mukhang patungo sila sa KIN Palacio para kunin ang mga produkto nila." dagdag pa nito. Nagkakalapit na barko ng mga Hidalgo sa puting barkong panlakbay ng KIN Palacio.

"Ang mga Hidalgo ang pinakakinatatakutang mga pirata sa karagatan. Sampung taon nang naghahari-harian ang mga 'yan."

"Kung mamamatay ba ang Kapitan nila ay wala nang problema?"

"Sinasabi mo bang kaya mong patayin ang Kapitan ng mga Hidalgo? Wala pang Kapitan na pinapanganak na makakatalo sa kanya. Maraming kumalaban at sumubok na pabagsakin sila pero walang nagtagumpay."

"Baka naman hindi ipinanganak na 'Kapitan' ang tatapos sa buhay niya?"

"Sandali. Nahihibang ka na ba? Isa ka lang babaeng may mala-anghel na kagandahan. Hindi mo alam ang mundong pinapasok mo." Parang nauubusan ng pasensyang paliwanag nito at hindi malaman ang gagawin.

"Habang nagpapaliwanag ka kanina akala ko ay handang handa kang tumulong, anong pumipigil sa’yo?" Lumalakas ang hangin at ang ulan. Nanatiling seryoso ang tinginan namin at hindi ako magpapatalo o magpapasindak lang dahil dito.

"Kapitan Matias, tingnan mo sila.." turo ko sa mga tauhan niya.

"--nag-aabang sila sa’yo ng utos. Isang salita mo lang ay handa ka nilang sundin. May tiwala sila sa pamumuno mo at nakikita mo ba sa mga mata nila na kahit na anong mangyari ay wala silang pagsisisihan?" Hindi makapaniwalang tiningnan ako nito at ang mga kasamahan niya.

Pumikit ito nang mariin at sa pagdilat niya ay...

"MAGHANDA! SUSUGOD TAYO SA MGA HIDALGO!" Sigaw ni Kapitan Matias.

"Awoo! Sugod!" Hiyawan ng mga pirata.

"Nanindig balahibo ko sa sagutang 'yon!"

"Ito ang unang beses na may sumagot kay Kapitan."

"Ang galing mo, Prinsesa!"

"H'wag kang mag-alala poprotektahan ka namin!"

"Tama!"

Hinarap ko ang mga ito at ngumiti.

Mukhang mapapalaban talaga kami.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height