C5 Pahina 5

Pahina 5

The Red Hair

"Prinsipe Lucien"

Lucien Kin’s Point of View

Nagtataka na tiningnan ko ang natatarantang kawal na pumutol sa plano kong pamamahinga.

"Lapastangan, ano sa tingin mo ang ginagawa mo kawal? Magpapahinga--" itinaas ko ang kanang kamay ko para tumigil si Gracia, ang aking taga-sunod.

"Ayos lang, Gracia. Anong dahilan ng pagpunta mo?" Tanong ko sa kawal.

"Patawad mahal na prinsipe! Ang mga piratang Hidalgo ay balak na umatake."

Hidalgo..

Nang marinig ko 'yon ay mabilis kong nilisan ang aking silid. Sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin at ang malakas na pag-ulan.

"M-Mahal na Prinsipe..." Mahigpit na hinawakan ko ang espada ko sa aking tagiliran. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.

"Ilipat sa ligtas na lugar ang mga babae, bata at matanda. Mga kawal, maghanda sa paglaban." malamig na pahayag ko.

"Pero mahal na--"

"Inuutusan ko kayo bilang prinsipe niyo."

"Masusunod!" Nakita ko ang paglakad ng dating Kapitan na si Kapitan Yoshi. Seryoso ang mukha nito at malamig ko itong tiningnan. Alam ko ang galit na nararamdaman niya ngayon.

Ang mga Hidalgo ang kumitil sa buhay ng dati niyang mga kasamang pirata, maging ang kakayahan ng kanang kamay niya ang kinuha rin ng mga ito. Siya lang ang nakaligtas. Mahabang istorya kung paano ko siya nakilala.

"Lalaban din ako." Tulad ng inaasahan ko ay iyon ang sasabihin niya.

"Kahit na wala nang silbi ang kanan kong kamay ay lalaban ako kasama mo, Prinsipe Lucien."

"Sige, gawin mo, Yoshi." sagot ko at tinalikuran na ito.

"Salamat, prinsipe."

Natagpuan ko ang sarili kong lumalaban sa mga pirata. Hindi ko na mabilang ang mga nakalaban ko. Totoo ngang malalakas at magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban ngunit hindi dapat ako sumuko. Kailangan kong gawin ang lahat ng paraan para mapabagsak ang mga halang na piratang ito.

Para sa mga walang labang sakay ng barkong ito, para sa mga nakaranas ng karahasan na dulot ng mga piratang ito ay lalaban ako ng may dangal.

Hindi ako tutulad sa aking ama.

"Aah!"

Ramdam ko ang hindi matatawarang lamig. Ang pagkidlat, ang hampas ng dagat, ang pagdaing at pagbagsak ng mga walang buhay na pirata at ng mga kawal. Hindi ko ininda ang pagod at pagkirot ng braso kong walang tigil sa pagdugo.

"PRINSIPE...ISANG PRINSIPE?" Hinarap ko ang pinanggalingan ng boses na mula sa likod ko.

Malaki ang pangangatawan, may malaking pilat sa pisngi. Ang Kapitan ng Hidalgo...Islaw.

"Islaw..."

"Isang karangalan na alam niyo ang pagkakakilanlan ko, mahal na prinsipe?" Nakangising turan nito at halata ang kasabikan nitong mapaslang ako. Nararamdaman ko ang nag-uumpaw na kagustuhan nito na makita ang kamatayan ko. Humigpit ang hawak ko sa espadang ko at seryoso itong tiningnan.

"Limpak na halaga ang makakamit ko kapag ginawa kitang bihag. Ano kayang gagawin ng Hari oras na malaman niyang hawak ko ang anak niya?"

"Nasisiguro kong mataas ang halaga ko kumpara sa tulad mo."

"Hahahaha. Totoo ngang may tabas ang dila ng prinsipe ng KIN Palacio! Nakakapanghinayang lang dahil baka hindi mo na magamit 'yan!" Bigla itong sumugod. Nagsalpukan ang mga hawak naming espada. Nararamdaman ko ang pagmanhid ng braso kong may tama.

"Mahina. Bakit hindi ka na lang tumulad sa iyong ama?" Dumilim ang paningin ko dahil sa sinabi nito.

Hindi ako tulad ng aking ama!

"Bawiin mo ang sinabi mo!" inipon ko ang buo kong lakas na nakapagpaatras sakanya at sa espadang hawak niya.

"Hah. Pinapahanga mo ako, Prinsipe Lucien pero kulang pa rin." nakangising pahayag nito at dahil sa pagbuhos ko ng buong lakas ko ay hinang hina na ako. Nakita ko ang papasugod nito sa akin at pagwasiwas ng espada para wakasan ang buhay ko pero hindi 'yon natuloy nang biglang may pwersang tumulak sa akin. At kung hindi ko naikapit ang isang kamay ko ay nahulog na ako sa malakas na alon ng dagat.

"Yoshi.." si Yoshi na tumulak sa akin ang tumanggap sa atake na dapat ay para sa akin. Natulala ako sa nasaksihan ko.

"Buhay ka pa pala, Yoshi? Hahaha. Pagmasdan mo, wala na ring silbi ang isa mong kamay!"

"Hayop ka talaga Islaw! Demonyo!"

"Hahahahaha. Tatapusin na kita." Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Ito na ba ang katapusan ko? Humihina na ang kapit ko. Nanghihina na ang buong katawan ko.

Ama...magkakaroon ba ng pagbabago sa oras na mawala ako?

Napangiti ako nang mapait at bumitaw na ng tuluyan ngunit...

Laking gulat ko nang...

May...

Kamay na humuli sa mga kamay ko.

Natulala ako sa natunghayan ko...

"H'wag kang bibitaw." may ngiting sabi niya.

Napaka...ganda niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ako pataas. Paano...paano niya ako nagawang hilain mag-isa?

"S-Sino ka?"

Ngumuso ito at tumambol nang malakas ang puso ko. Parang papatayin ako sa kaba habang nakatingin sa babaeng kaharap ko.

"Tawagin mo na lang akong 'Cane'." yumuko ito at pinulot ang espada ko.

"Sa’yo ba 'to?" Wala sa sariling tumango ako.

"Hihiramin ko muna." Tumagilid ito sa akin at hinarap si Kapitan Islaw na nakataas ang espada at patama na sana sa ulo ni Yoshi. Tulad ko ay nakatulala.

"Prinsesa! Prinsesa!" Sigaw ng mga pirata. Alam kong hindi ito kabilang sa mga Hidalgo. Doon ko lang napansin na may isa pang barko ng mga pirata at lumalaban din sa mga piratang Hidalgo.

Prinsesa?

Nilingon niya ang mga ito at kinawayan at binalik ang tingin sa harap.

"Kapitan Matias..." bulalas ni Yoshi nang may humila sa kanya.

"Kaibigan, masaya akong makita kang muli." sambit ng tinawag niyang Kapitan Matias.

"Kay gandang binibini!" May paghanga at pagnanasang pahayag ni Kapitan Islaw Hidalgo. Nagpakawala ng isang nakakabighaning ngiti ang babae. Napalunok ako dahil doon. Dahil may dalang kilabot ang magandang ngiti ng mapupulang labi nito.

"Salamat sa papuri."

"Bakit hindi ka sumama sa akin? Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo kung papayag kang maging babae ko." Nagtagis ang panga sa sinabi nito at nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na galit.

"Kung matatalo mo ako, mapapasa’yo ako." nagulat ako sa sinabi ng babae. Nababaliw na ba siya?!

"Prinsesa Cane!" Sigaw ni Kapitan Matias pero hindi siya pinansin.

Huminto ang pag-ulan, lumiwanag ang paligid at tumatama sa magandang babae ang pagsibol ng araw. Piping napasinghap ako nang makita ang kaseryosohan nito. Sobrang bilis ng pangyayari at nakita naming lahat ang pakikipagsabayan nito kay Kapitan Islaw Hidalgo. Mabilis at elegante itong lumalaban. Walang takot ang maamo nitong mukha.

Sino...ang babaeng ito?

"Umiwas ka, tatamaan kita sa braso." Bago pa makaiwas si Islaw ay tumarak na sa braso niya ang espadang hawak ng babae.

"Sabi ko sa’yo umiwas ka." Bumagsik ang mukha ni Islaw at bakas ang iritasyon at galit dahil parang pinaglalaruan lang siya ng kalaban niyang babae.

Ngumisi ang babae.

"Anong problema?"

"Kakaiba kang babae. Gusto kong mapasakin ka!" Napabuntong hininga ang babae at pumikit. Laking gulat ko nang sumugod ito ng nakapikit!

May mga singhap akong narinig at doon ko lang napansin na tumigil sa pakikipaglaban ang lahat sa tatlong barko at nasa kinaroroonan namin ang buong atensyon. Umawang ang mga bibig ng mga ito at nang ibalik ko ang tingin sa harapan ko ay napanganga ako noong tumama ang kamao ng babae sa tiyan ni Islaw! Tumalsik ang dugo sa bibig ni Islaw at nanlalaki ang mata.

Nabitawan ni Islaw ang espada niya at doon ko lang napansin na hindi na pala hawak ng babae ang espada ko at nasa tabi ko na. Lumipad ang paa ng babae sa mukha ni Islaw at tumalsik ito sa malayo. Dumilat ang bughaw nitong mga mata. Pinulot niya ang espadang pagmamay ari ni Islaw at hinagis at tumarak sa puso nito. Hinangin ang kulay pula nitong paalon na mahabang buhok na tumuyo na at umaabot hanggang sa baywang niya.

Nagulat ako nang maglakad ito papunta sa akin pero mas nabigla ako nang tumalon ito sa barko! Napatayo ako at nakita ko ang pagbagsak nito sa isang bangka na may sakay na lalaki.

"Prinsesa!"

"Simone!"

"Prinsesa Cane..."

"S-sandali...saan kayo pupunta?" Hindi ko alam kung bakit desperado ang tinig ko noong tanungin 'yon. Ngumiti ito sa direksyon ko.

"It's none of your business." sagot ng lalaking kasama niya. Kumunot ang noo ko sa sagot nito at sa lenggwahe.

"I'm not asking you." mukhang nabigla rin ito sa pagsagot ko.

"Hahaha. Cool!" Binalik ko ang tingin sa babae at para akong mamamatay sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

"Tss." singhal ng kasama niyang Simone ang tawag at sinimulang mag-sagwan.

"Simone, sandali lang." Sumunod naman ito kahit na labag sa kalooban. Blangkong tiningnan ako ng lalaking nagngangalang Simone.

"Hindi na rin kami magtatagal. Hindi ko matutukoy kung saan kami pupunta."

"Bakit hindi muna kayo manatili?" Tanong ni Kapitan Matias sa tabi ko. Nakahilera rin ang mga tauhan nitong pirata.

"Prinsesaaaa!" Sabay-sabay na tawag ng mga ito.

"Salamat, Kapitan Matias at Prinsipe...?"

"Lucien Kin..." pakilala ko nang seryoso habang nakatingin dito na parang kinakabisado ang buong detalye nito.

"Prinsipe Lucien, maraming salamat sa paanyaya pero kailangan na talaga naming umalis. Maging ligtas sana ang paglalakbay niyo." yumuko ito at nang magtaas ng tingin ay tumango ito. Nagsimula nang lumayo ang bangka na di ko alam kung saan galing...pero...

"M-Magkikita pa ba tayo?" Di ko mapigilang tanong at di ko alam na pigil pigil ko na pala ang paghinga ko. Ngumiti lang ito hanggang sa lumayo na nang lumayo sa paningin namin.

Unti-unti akong bumagsak at nakaramdam ng matinding pananakit ng katawan pero wala doon ang isip ko kundi sa unang babae na nakapagpatulala sa akin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height