C6 Pahina 6

Pahina 6

Innocence

"I'm so cool there 'no?"

Hurricane’s Point of View

Napanguso ako dahil hindi ito umimik. Inabala ko na lang ang sarili sa magandang tanawin na nasa harap ng mga mata ko. Hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataong masilayan ang napakagandang tanawin sa harapan ko.

"Where's our destination?"

Oh. Shoot. Nag-isip ako kung saan nga.

"Mang Kanor said that the monster was spotted in KIN Palacio. Doon tayo magtungo." Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango niya.

"Do you have any idea where is that damn palace, huh?" May pagka-sarcastic na tanong niya at napangiwi ako noong mapagtanto nga 'yon.

"Hehehe. Hindi mo alam? Akala ko alam mo?"

"Tss."

"Dapat pala tinanggap na lang natin yung alok ni Prinsipe Lu--"

"No fvcking way."

"May sinasabi ka, Simone?"

"Nothing."

"Tss..." sinamaan ko ito ng tingin.

"Wala nga." mahina at maamo niyang sagot at nag-iwas ng tingin sa akin. Lihim akong nagdiwang sa isipan ko dahil sa mukha nitong sumusuko.

"Huminto ka na lang sa pinakamalapit na pampang na makikita mo." tumango siya at di na nagsalita pa.

Bumalik sa isipan ko ang Prinsipeng nakilala namin. May kulay abo itong buhok, brown na mata, matangos na ilong, mapupulang labi at kung pagdating sa pangangatawan ay masasabi kong batak na batak din.

Nahuli ko na nakatingin sa akin si Simone nang seryoso.

"Nandito na tayo." nakita kong nasa buhangin na pala kami. Bumaba ako ng bangka at isinuot ang backpack kong nadala niya pala. Impressive as ever, Simone. Talagang maaasahan!

Habang naglalakad kami ay nasa likuran niya ako at siya ang nagtatanggal ng mga talahib gamit ang dagger niya. Para kaming nagka-camping. Tumagal ng isang oras ang paglalakad namin bago namin mahanap ang lagusan ng kagubatan.

Tumambad sa aming mga mata ang isang mataong lugar at maihahalintulad sa tiangge. Manghang nilakbay ko ang mga mata ko sa pamilihan at pumikit dilat sa tanawing nasa harapan ko dahil para akong napunta sa sinauna.

Hinila ko ang kamay ni Simone na nagpatianod din agad at batid kong namamangha sa nakikita.

"Ang gandang binibini at kay kisig na lalaki..." napatingin ako sa nagsalitang ginang at bumaba ang tingin ko sa pinagbibili nitong polseras, kwintas, singsing at iba pa. Saan galing ang perlas at dyamante ng mga ito? Sigurado akongmga tunay ito.

Ngumiti ako rito at nagpatuloy sa paglalakad. Humigpit ang hawak ni Simone sa kamay ko dahil sa dumarami na ang mga tao at karamihan o halos lahat ay nakatingin sa amin.

Nakita ko ang itsura ng kanilang barya at perang papel. May nakita rin akong nag-iimbak ng tubig at yari pa sa kahoy ang gamit nila. Gamit ang mahabang kahoy ay pasan nila ito na may tag-dalawang imbak na tubig. Masasabi mo agad batay sa mga kasuotan ng mga ito ang estado nila sa buhay.

Nakarinig ako ng parang nag-uunahang hakbang at biglang nagkagulo ang mga tao at nagkanya-kanyang takbo.

Nagkahiwalay kami ni Simone!

"Binibini, sumama ka sa akin! Baka mapahamak ka!" bigla akong hinila ng ginang na nagtitinda kanina at pilit na pinasok sa isang maliit na bahay.

"Anong...nangyayari?" bulong ko at punong puno ng pagtataka.

"Sasakupin na tayo. Ano na naman ang daranasin natin?" naluluha ang matandang ginang at ang mga kasama ko sa kubo.

Dahil wala akong maintindihan ay gumawa ako ng maliit na butas sa dingding.

Ang kaninang masayang pamilihan ay nagulo at sira sira ang mga paninda. Maraming tila kawal ang nakasakay sa kanilang mga kabayo. Nahagip ng mga mata ko ang isang magara at magandang kalesa. Binuksan ng taong sakay noon ang puting kurtina at sumilay doon ang isang babae.

"Sino ang babaeng 'yon?" bulong kong tanong.

"Ang mapapangasawa ni Prinsipe Lucien..." narinig kong sagot ng kung sino sa'kin.

Ikakasal?

Third Person’s Point of View

Marahas na bumukas ang isang silid at pumasok ang galit na si Lucien.

"Anong ibig sabihin nito, Amang Hari?! Wala akong alam sa kasal na ito!"

"Huminahon ka, Prinsipe Lucien." pakiusap ng kanyang ama at pinalabas ang mga tagapagsilbi. Nanatiling matalas ang mga mata niya sa kanyang ama.

"Patawarin mo ako, anak pero hindi ko na alam ang gagawin. May bantang ibig tayong sakupin ng Hideus. Alam mo ang kakayahan ng mga ito-"

"Kaya gagamitin mo ako na sarili mong anak? Ipagkakalulo mo ako?"

"Tungkulin nating protektahan ang nasasakupan natin! At bilang Prinsipe, tungkulin mong pangalagaan ang nasasakupan natin-"

"Isa kang Hari! Hindi isang inutil! Hindi isang asong sumusunod sa kung anong inuutos ng iba-"

"Lapastangan! Bastos!" Napangisi si Lucien ng malasahan ang sariling dugo sa gilid ng labi dahil sa dumapong palad ng Hari sa kanyang mukha.

"Hindi ko alam kung nakarating sa’yo ang kagitingang nagawa ng mahal mong anak sa karagatan. May nagawa akong hindi kayang gawin ng isang tulad mong bulag at bingi." nanghihinang napaupo sa trono ang Hari.

"Gracia!"

"Mahal na Hari..." Lumuhod ang nagngangalang Gracia, ang taga-sunod ni Prinsipe Lucien.

"Anong ibig sabihin ni Prinsipe Lucien?"

Parang naputulan ng dila ang Hari noong marinig ang inilahad ng taga-sunod.

"May nagugustuhang babae ang Prinsipe? At ang babaeng 'yon ang pumatay sa Kapitang Hidalgo?" di makapaniwalang aniya ng Hari.

Naiintindihan ng taga-sunod ang hindi makapaniwalang reaksyon ng kanyang Hari dahil maging siya ay hindi pa rin makabawi sa pagkabigla nang masaksihan lahat ng nangyari sa karagatan.

Muli, ay bumukas ang silid...

"Prinsesa Shea.." gulat na mutawi ng Hari sa panauhing di niya inaasahan.

Ang Prinsesa ng Hideus.

Maamong ngumiti ang Prinsesa at nagbigay galang.

"Magandang Araw, Kamahalan.. Napasugod ako ng walang pasabi noong makarating sa akin ang balitang nalagay sa panganib ang mapapangawa ko." may pag-aalalang sambit ni Prinsesa Shea at nahahapong napahawak sa dibdib.

"Ibig ko siyang makita." dagdag pa ng Prinsesa.

"Prinsesa Shea, nagagalak akong makita ka. Tunay ngang napakaganda at buti mo ngunit nagpapahinga si Prinsepe Lucien ngayon. Bakit hindi mo muna ako samahan mag-meryenda? Gusto kong makilala nang lubos ang magiging manugang ko." Hindi nakatakas sa mga mata ng taga-sunod na si Gracia ang pagsimangot ng magandang mukha ng Prinsesa na hindi napansin ng Hari.

"N-naiintindihan ko. Hahaha! Kinagagalak kong paunlakan ang gusto niyo, mahal na Hari!"

-

Hurricane’s Point of View

Napatayo ako ng makita si Simone na palinga-linga sa labas.

"Saan ka pupunta?" pigil ng mga nasa loob ng kubo.

"Hinahanap na ako ni Simone"

"Hindi ka pwedeng lumabas!" Pagsilip ko ulit sa butas ay wala na si Simone. Napabuntong hininga ako. Idagdag pangumulan nang malakas at gabi na.

"Nagugutom na ako, ama." napatingin ako sa isang paslit na kinakalabit ang kanyang ama at sa iba pa. Sampu pala kami rito. Lumiwanag ang paligid dahil sa taong nagbukas ng gasera at doon ay mas malinaw ko silang nakikita.

Kinapa ko ang bulsa ko at nilabas ko ang limang happy dreams chocolate na pinapapak ko habang naglalakbay kami ni Simone. Hehehe.

"Gusto mo?" alok ko.

"Ano po 'yan?" tuwang tanong ng bata.

"Tsokolate!"

"Tsokolate? Ano yon?" Napakamot ako sa kilay ko. Paano ko ba ie-explain? Binuksan ko na lang at kinain ang isa at binigay sa bata. Ginaya ako nito.

"Ang sarap!"

"Talaga? Pahingi! Pahingi!" Nagulat ako noong tumingin ang lahat sa akin at kunot ang mga noo.

"Taga-rito ka ba? Bakit may dala kang kakaibang pagkain?"

Magsasalita na sana ako nang maalala kong walang dapat makaalam kung saan kami galing.

"May nagbigay na ginoo sa akin kanina." ngiting sagot ko.

Mukhang naniwala sila sa napakaba-

"Hindi kataka-taka dahil sa ganda mong taglay ay gugustuhin ng mga kalalakihang mag-alay sa'yo." napanganga ako sa sinabi ng ginang na humila sa akin kanina. Talaga? Napanguso ako dahil napakaimposible noon

"Tumila na ang ulan. Saan ka ba nakatira, binibini?" tanong nila. Napabuntong hininga ako at nagpagpag na at tumayo.

"Uh, mga mersineryo po kami at di pa kami pamilyar sa buong lugar. Maaari ko po bang malaman kung nasaan ako?" marahang tanong ko.

"Nasa KIN Palacio ka, binibini. Talaga bang mersineryo ka?" gulat na tanong nila. Ngumiti lang ako.

"Mauuna na po ako. Maraming salamat sa pagpapa-"

"Sandali! Isuot mo ito, binibini dahil baka mapahamak ka oras na masilayan ng mga bandido at mga masasamang tao ang iyong mukha. "

Isinuot ng isang ginang ang tila jacket na umabot hanggang talampakan ko ang haba at may hood na tumatabon sa ulo ko. Hindi madaling maaaninag ang mukha ko. Namamanghang hinawakan ko ang napakagandang tela at napakalambot pa. Kulay abo ito.

"Ang ganda. Maraming salamat po...maraming salamat." ngumiti ito at tumango.

"Mag-iingat ka, binibini, mag-ingat ka." Malawak ang aking ngiting sumaludo ako sa kanila at lumabas na ng kubo. Mahigpit na hinawakan ko ang straps ng backpack ko at tumanglaw sa kalangitang napakaraming bituin.

Ang ganda...

Napabuntong hininga ako. Ngayon, saan ko hahanapin si Simone?

Tumingin ako sa paligid, ginamit kong flashlight ang cellphone ko at naglakad patungo muli sa kagubatan upang humanap ng mapagpapahingahan hanggang sa lumiwanag nang muli at saka ko hahanapin si Simone. Ayos lang kahit sa sanga ng puno dahil minsan ay doon ako nakakatulog. Tatalon na sana ako sa punog napili kong tulugan nang may maapakan ako.

Isang...espada?

Sinuri ko ito. Kakaiba dahil walang handle, mabigat at nababalot ng tela ang hawakan na kung hindi mag-iingat ang gagamit nito ay nasisiguro kong malalim na hiwa sa kamay ang aabutin.

Napanguso ako.

Kanino kaya ito?

Sa huli ay binitbit ko rin 'to sa pagtalon...at maya-maya pa'y nakatulog na ako.

Nagising ako sa huni ng mga ibon at pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko pero higit sa lahat, ang nakapagpagising sa akin ay ang taong nakapatong sa sangang hinihigaan ko at nakatitig sa'kin habang dahan-dahang kinukuha ang espadang binaon ko sa puno na nasa uluhan ko lang.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata ng taong kaharap ko ng idilat ko ang mga mata ko. Nagkatitigan kami ng limang segundo at ilang saglit pa'y ngumiti ako at bigla itong nawalan ng balanse at muntik nang mahulog kung hindi ko nahawakan ang kamay nito.

Ang kamay nitong tila may hasang, matulis at mahaba ang kuko.

Sa sobrang gulat ko'y naalis ko ang pagkakakapit ko sa puno at bubulusok na sana kami kung hindi ko naisabit ang mga binti ko sa sanga ng puno. Bilog na bilog pa rin ang mga mata nito at muli ay ngumiti ako rito. Akala ko'y tapos na ang lahat ngunit bumigay ang sangang kinakapitan ko na naging resulta ng pagbagsak namin pero wala akong naramdamang sakit dahil binalot ako nito ng kanyang katawan at ngayon ay nasa ibabaw na niya ako.

Bumagsak ang bakal at kinakalawang nitong maskara at tumambad sa'kin ang napakaamo at kisig nitong mukha. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatulala sa isa't isa. Inangat ko ang palad ko sa pisngi nito at nanlaki ang mga mata ko!

"May sakit ka!"

"...."

Tiningala ko ang backpack, kapa at ang espadang tingin ko ay pag-aari niya. Tatalon na sana ako nang naunahan niya ako at kinuha ang espada niya at nilagay sa lalagyanan sa likuran niya at binagsak ang backpack at kapa ko. Nang tumalon siya ay pinulot niya ang maskara niya at lilisanin na sana ako pero mabilis at maagap kong hinawakan ang kahanga-hanga nitong kamay.

Parang napapaso na binawi niya ang kamay niya.

"Saan ka pupunta? Dito ka nakatira?" tanong ko.

"....."

Gusto kong marinig ang boses niya. Nagulat ako ng itaas niya ang kamay niya at may tinurong direksyon. Ang lagusan, akala siguro niya'y naliligaw ako.

Naalala kong may sakit siya!

Umalis na siya nang tuluyan. Susundan ko sanang muli ito nang makarinig ako ng kaluskos at may papasugod na toro sa akin. At nakita ko kung gaano kabilis na napunta ito sa harapan ko at pinatumba ang toro. Ang nakapagpabigla sa akin ay ang pagbitbit nito ng backpack ko at pag-abot ng kapa ko.

Nangingiting sumunod ako rito at makulit na sinabit ang kamay sa laylayan ng damit nito. Hehehe. Paminsan minsan naman ay sumisilip ako sa kamay niya.

Napahawak ako sa tiyan ko ng marinig ang pagrereklamo nito sa gutom. Napansin niya 'yon at ngumiti lamang ako. Biglang bumilis nang kaunti ang lakad niya at nakarating kami sa magandang kweba. Kumikinang ang mga bato at malapit dito ay isang ilog. Ang sarap maligo sa waterfalls na 'yon.

Pinaupo ako nito at iniwanan, lumapit siya sa ilog at mabilis na nilubog ang kamay at napapalakpak ako sa tuwa at gulat nang makahuli siya ng malaking isda!

Nakita ko ang tipid na ngiti nito at pagkatapos ay pumutol ng manipis na sanga at tinusok sa isda. Mabilis din siyang nakalikha ng apoy gamit ang mga maliliit na bato sa kweba.

"Salamat, hehehe." nilantakan ko kaagad pagkaluto ang isdang bigay nito.

Nakakain na kaya si Simone? Hm, makagagawa naman 'yon ng paraan para makakain kung magutom man ito. Yun pa ba?

Nakita ko ang bahagyang panginginig nito. Mabilis na hinalungkat ko ang mga jacket na bigay ni Mommy.

"Isuot mo 'to oh."

"...."

"Di ka marunong?"

"....."

"Sige ako na ang magsu-"

"A-Ako na..." sagot nito sa akin sa kauna-unahang pagkakataon. Kumuha rin ako sa backpack ko ng gamot sa lagnat. Ang problema ay tubig.

"May tubig ka ba rito?"

May tinuro siyang balon. Parang batang nakayakap ito sa jacket at inaamoy na kinatawa ko. Tumayo ako at kumuha ng tubig sa balon. Iinumin na sana niya...

"Sandali, initin muna natin. Kailangang iniinit muna 'to para luminis."

Tumango tango ito na parang ngayon lang 'yon nalaman. Inikot ko ang mga mata ko at may nakitang palayok. Hinugasan ko muna at saka nilagay ang tubig na inimbak ko at isinalan. Muli kong pinadingas ang apoy.

"Gayahin mo 'ko para mainitan ka." sambit ko rito at tinutok nang kaunti ang kamay sa apoy at inilalagay sa pisngi. Ginaya naman ako ito.

"Oh diba? Hahahaha."

Malawak ang ngiti nito.

"O-oo nga."

Mas lalo akong nangiti sa pagsagot ulit nito.

"Oh ayan! Mainit na!" gamit ang makakapal na dahon ay inalis ko sa pagkakasalang ang palayok at nilagay sa harapan niya.

"Ihipan mo nang ihipan hanggang sa pagpawisan ka at lumamig."

"Ihipan?" inosenteng tanong nito.

"Hehehe. Oo ganito." inihipan ko ang mainit na tubig sa palayok. Sinunod ako nito. Ang cute niya. Hahaha. Pinipigilan ko ang sarili kong i-pat ang ulo nito. Nakita kong tumutulo na ang pawis nito at nawawala na ang pagkaputla.

"Tama na 'yan. Isabay mo naman ito sa pag-inom mo ng tubig." putol ko sa masyadong pagseseryoso nito sa pag-ihip. Napanguso ako noong makitang nakakunot ang noo nito sa tablet na nasa palad ko at ang nagtatakang tingin nito sa'kin.

Kaya ang ginawa ko na lang ay pinasok ko sa bibig niya at...

"Inumin mo ang tubig."

Ininom naman niya agad. Hawak niya ang lalamunan niyang parang batang ngayon lang nakainom ng ganoon. Di ko na napigilang itaas ang kamay ko at guluhin ang buhok nito habang natatawa.

"Ganyan nga, good boy."

Bigla na lang itong bumagsak at nakatulog. Alam kong ganoon ang magiging epekto ng gamot na imbensyon ng mga magulang ko. Parang pinipilit nitong labanan ang antok at ayaw pumikit.

"Ayos lang 'yan, matulog ka muna." pagkasambit ko noon ay natulog na ito nang mahimbing. Walong oras lang naman ang epekto noon.

Pinag-aralan ko ang kwebang tinutuluyan niya. Ang mga bato aymay mga diyamanteg nakalukob sa oras na baragin. Sa ilalim ng ilog ay may mga perlas.

Binalik ko ang tingin sa taong natutulog nang mahimbing ngayon at napatingala ako ng may makitang itim na ibon sa kalangitan at tumabi sa taong natutulog. Nilapitan ko ang ibon. Natatandaan ko ang ibon. Nakita ko itong lumilipad noong nasa barko ako ng mga pirata.

Umupo ako at nakipagtitigan ang ibon sa'kin. Tulad ng amo niya ay may napakagandang violet itong mga mata. Para itong nangingilala at bata tulad ng among binabantayan niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height