C7 Pahina 7

Pahina 7

Lihtan

Hurricane’s Point of View

Nakahiga ako kaharap ito na mahimbing ang tulog. Napangiti at sinulyapan ko ang itim na ibon na nasa uluhan namin.

“Twit twit...”

“Binabantayan mo ba siya?” nakangiting tanong ko sa ibon niya habang nakatingin ako sa mga mata nitong nangungusap.

Nakahiga kami ngayon sa sementadong bato. Nakakahanga ang hinihigaan namin dahil sa nakakaginhawa nitong temperatura. Ang sarap higaan. Hehehe.

Binalik ko ang tingin sa maamong natutulog sa tabi ko nang unti-unting dumilat ang maganda nitong mga mata. Nginitian ko ito at nilapat ko ang palad ko sa noo nito.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” nakangiting tanong ko.

Parang hindi ito makapaniwalang nasa harapan niya ako.

“N—Nandito ka...”

“Hehehe. Binantayan ka namin ng ibon mo.” Napatingin kami pareho sa itim niyang ibon. Nakita ko ang pagngiti niya nang makita ang ibon niya.

“Dino...”

“Dino ang pangalan niya?”

Tumango siya. Pinagmasdan ko ito.

“Ako si Cane. Ikaw, anong pangalan mo?” masayang pagpapakilala ko. Natahimik ito sa naging tanong ko at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga maganda nitong mga mata.

“Halimaw...”

“Hah?”

“Halimaw. Iyan ang tawag sa akin ng lahat.” mahinang sambit nito at malungkot na nag-iwas ng tingin. Nanatili kaming nakahiga habang magkaharap.

“Hindi ko tinatanong ang tawag nila sa’yo. Ang tinatanong ko ay ang pangalan mo” nakangusong sambit ko

Natigilan siya at gulat na napatingin sa akin. Nagtagal ang pagkatulala niya sa akin at nagbaba muli ng tingin.

“Wala akong pangalan.” malungkot na sagot niya. Ako naman ngayon ang natigilan. Wala siyang pangalan? Kumirot ang puso ko.

Pinagmasdan ko ito muli nang mabuti. He’s like a newborn offspring. So pure, so innocent. I can feel many emotions, his sadness. His innocence is like a light in this dark cave, in this dark world.

“Lihtan...”

“Hah?” naguguluhang nag-angat ito ng tingin muli sa akin. Nginitian ko ito nang matamis at ginulo nang marahan ang buhok nito.

“Simula ngayon, iyon na ang pangalan mo. Tatawagin na kitang ‘Lihtan’” nakangiting sambit ko.

Nakita ko ang pagkinang ng maganda nitong violet na mata. Parang may mainit na humaplos sa puso ko nang masilayan ang napakagandang ngiti nito.

“M—May pangalan na ako?”

“Oo, nagustuhan mo ba, Lihtan?” Nakangiting tumango ito sa akin.

“Lihtan...” nakangiting bulong niya sa sarili niyang pangalan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inabot ang kamay ko sa kanya.

“Masaya akong makilala ka, Lihtan.”

Napahinto ako nang hindi ko maramdaman ang pagsunod ni Lihtan sa akin.

“Lihtan?” taka kong tawag dito na hindi mapakali sa pagtingin sa paligid.

“H—Hindi ako dapat nandito, Cane.” natatakot na sambit nito sa akin

Nilapitan ko siya at kinuha ang nakabalot niyang mga kamay nga sinuotan ko ng itim na gloves na baon ko. Hehehe, sakto sa kanya. Nahirapan akong kumbinsihin siyang wag nang isuot ang maskara niya.

Gusto kong ipakita sa maganda niyang mga mata ang magagandang bagay sa mundong ginagalawan niya. Gusto ko siyang alisin sa madilim na mundong kinalakihan niya at ipakitang kahit na gaano karahas ang mundo ay matatago pa ring kulay at kagandahan.

Napangiti ako dahil hindi niya napapansin na pinagtitinginan siya ng mga kababaihang nagnining sa paghanga na nakatingin sa kanya.

“Samahan mo ako. Wag kang matakot. Kasama mo ako.” inabot ko ang kamay ko habang naka-puppy eyes na nakatingin sa kanya.

“N—Ngunit Cane baka mapahamak ka dahil sa akin.” natatakot niyang sambit.

“Walang mangyayaring masama, akong bahala. Tara na Lihtan.” hinila ko ito at wala na siyang nagawa pa. Hahaha.

Huminto kami sa mga nagtitinda ng mga matatamis na pagkain. Tumusok ako ng bilog na kulay puti at tinikman. Napangiti ako at tumusok muli at tinapat sa bibig ni Lihtan.

“Tikman mo. Ang sarap nito, Lihtan!” Nginuya niya ang sinubo ko sa kanya. Nagningning pareho ang mga mata namin at sabay na tumango.

“Masarap nga, Cane.” manghang sang-ayon niya. Hihihi.

“Kay gandang binibini at ginoo.” sambit ng ginang na nagtitinda sa harapan namin. Nginitian ko ito.

“Narinig mo ‘yon, Lihtan? Maganda ka raw.” nakangiting baling ko kay Lihtan na namumula. Hehehe.

“Bigyan niyo po kami ng tag-iisang kilo nito, nito at nito. Hahaha.” sambit ko sa ginang.

“Libre na lang ang isang kilo para sa inyo. Maswerte ako dahil kayo ang unang bumili sa aking paninda at masaya akong nakikita kayong nasasarapan sa mga luto ko, binibini.”

“T—Talaga po? May discount kami?”

“Ha? Ano ‘yon, binibini?”

“Ah eh, hahaha. Ang ibig ko pong sabihin ay kasing-ganda ng anyo niyo ang sarili niyong kalooban!” Natawa ito nang mahina.

“Salamat, binibini.” Binalingan ko si Lihtan at nakangiting itinaas ang hawak kong nakabalot sa malinis na tela. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa akin. Eh?

“Lihtan? Ayos ka lang?” Bigla siyang ngumiti na saglit kong ikinagulat.

“Ang kisig ng ginoo na ‘yon.”

“Sino sila? Prinsesa at Prinsipe ba sila?”

“Ang ganda niya.” Iniabot kong muli ang kamay ko at wala na ang pagdadalawang isip niyang kinuha angkamay ko.

Masaya kaming tumikim ng maraming putahe na naka-display sa bawat madaanan namin. Mabuti na lang nakagawa ako ng paraan na makahanap ng pera. Hehehe. Binenta ko ang mga ilang candies, marshmallows, chocolates at kung ano ano pang baon ko sa bag ko habang natutulog si Lihtan. Napahinto kami sa mga nakahanay na hikaw, kwintas, singsing at mga polseras. Habang nagtitingin-tingin ako ay napahinto ako nang may itapat si Lihtan na hikaw sa akin.

“Bagay sa akin?” nakangiting tanong ko.

“Bagay sa’yo, Cane.” nakangiting sagot niya.

Bibilhin ko na sana nang biglang magkagulo ang buong paligid.

“Cane...” tinago ako ni Lihtan sa likuran niya at tinakluban ang ulo ko ng suot kong kapa. Pilit kong tiningnan ang pinagkakaguluhan ng mga mamamayan ng KIN Palacio.

“Kung sino man sa inyo ang tumulong sa babaeng malas na ito ay ganito rin ang mangyayari sa inyo!”

“At kung sino man sa inyo ang nakakaalam sa kinaroroonan ng batang malas ay bibigyan ng pabuya! Hahahahahaha!”

Natigilan ako nang may makitang matandang ginang na namumutla habang naglalakad. Nanunuyo at namumutla ang mga labi, puno ng pagod ang mukha, madumi ang kasuotan, may mga pasa ang katawan at puro sugat ang walang sapin na mga paa.

“Kawawa naman.” narinig kong bulungan ng mga nasa paligid namin. Kinalabit ko ang nasa harapan namin.

“Sino po siya?” tanong ko sa lalaking tinanong ko. Bigla itong namula.

“S—Siya si Alicia, binibini.”

“Bakit siya tinatrato ng ganyan?” tanong kong muli.

“Dahil tinulungan ni Ginang Alicia ang batang malas.”

“Batang malas?”

“Ang batang malas na humawak sa kamay ng halimaw.”

Batang malas...

"May gulong nagaganap sa Kaharian ng KIN."

"Anong meron po?" Tanong ko dahil sa hindi mapintang mukha nito.

"May matandang ale na nagngangalang 'Alicia' at pangatlong araw na raw itong walang pahinga na pinaglalakad, ang balita ko’y hindi na magtatagal 'yon dahil walang kain at inom 'yon." kwento ni Mang Kanor.

"Anong kasalanan?" Tanong ni Mang Juan na mas bata ng dalawang taon kay Mang Kanor.

Pinagkrus ko ang bisig ko sa dibdib ko at seryosong nakinig.

"Ang grupo ng mga bandido na si Balgo ay naglikha na naman ng gulo sa mga mamamayan roon. Ayon sa kapatid kong naninirahan doon ay may matandang may sakit sa puso ang ilang araw nang hindi nakakapagbigay ng buwis at bilang kabayaran ay ang anak nitong batang babae ang kukunin nila."

"Anong gagawin nila sa batang babae?" Tanong ko at nagkatinginan ang mga pirata.

"Ibebenta sa pamilihan sa mataas na halaga lalo na k-kung maganda at ang sinumang makabili sa mga ito ay magiging pagmamay-ari nila, magiging alipin o kahit ano pang gustuhin nila."

May nakita akong itim na kalapati na lumilipad sa kalangitan, ang ganda.

"Hindi naisakatuparan ng mga tauhan ni Balgo ang pagdakip sa batang babae dahil sa paglitaw ng isang lalaking may suot na maskara, balot ang katawan ng purong itim, nakasuot daw 'yon ng itim na kapa, may kakaibang kamay at natakot sila dahil nagpag-alaman nilang isa palang 'halimaw' ang lalaking nakamaskara." natigilan ako sa narinig ko. Kakaibang kamay... Halimaw...

"Nabigla ang lahat dahil sa pakikialam nito at balita ko'y hanggang ngayon ay hindi pa rin magaling ang mga pinatumba nitong bandido. Bali-bali raw ang mga buto kaya mas tumindi ang galit ng grupo nila 'Balgo' at may mga nakakitang hinawakan pa raw ng batang babae ang lalaking nakamaskara Dahil sa pagkalat ng pangyayaring 'yon, kumalat na malas ang batang babae dahil humawak ito sa malas at magbibigay ito ng sumpang kamalasan sa buong baryo ng lugar na 'yon. Hinalughog ng grupo ni Balgo ang mga kabahayan sa baryo upang hanapin ang batang babae para parusahan. Kasabwat din ng mga grupo ni Balgo ang ilang gwardya na nagkalat sa palasyo. Dahil sa naniniwala ang mga mamamayan sa lugar na 'yon na malas ang batang babae ay tumulong na sa paghahanap ang mga ito, sa takot na malasin."

"May nakakita na pinatuloy nung Aling Alicia yung batang babae pero nang halughugin ang tahanan ng matanda ay wala roon. Wala itong sinasabi kung nasaan ang bata at dahil sa pagtulong niya sa bata ay pinahirapan ito at hindi patitigilin sa paglakad hangga't hindi nagpapakita ang bata." Pagtatapos ng kwento ni Mang Kanor.

Nag-aaalalang nag-angat ako ng tingin kay Lihtan na halatang walang ideya sa mga nangyari. Sa batang tinulungan niya.

Sisisihin niya na naman ang sarili niya na kasalanan niya.

“Gaano katagal na itong nangyayari?” tanong kong muli. Nag-isip ito sandali at muling sumagot.

“Magli-limang araw na binibini. Walang pahinga na pinapalakad ang ginang. Ang mga nagbibigay ng inumin at pagkain dito ng pasikreto ay nadadamay sa parusa.”

“S—Salamat sa pagsagot.”

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Lihtan habang seryosong nakatingin sa ginang na naglalakad. Hahakbang na sana ako nang...

“Cane.” mabilis na pigil ni Lihtan at umiling.

“Wag ka pupunta ro’n, Cane, dito ka lang. Ayaw kong mapahamak ka, Cane.” nababahala at puno ng pag-aalalang sambit ni Lihtan sa akin.

“Lihtan...”

“ALICIA! A—Alicia, anong ginawa nila sa’yo?”

Mabilis na binalik ko ang tingin sa direksyon ni Alicia. May nakaluhod na batang babae kay Alicia.

“E—Eloa...anong g—ginagawa mo rito?” nanghihinang tanong ni Alicia.

“Alicia...patawad. Patawad at nadamay ka dahil sa akin.” lumuluhang sambit ng bata.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay ni Lihtan mula sa pagkakahawak sa kamay ko at gulat na nakatingin sa bata.

“Ang batang malas! Nandito ka lang pala! Pinahirapan mo pa kami. Hahaha!”

Hinila ng isa sa mga malalaking bandido ang bata. Nandilim ang mga mata ko at nakita ko na lang ang sarili ko na binigyan ng sapak ang may hawak sa bata na mabilis na nawalan ng malay.

Damn.

“CANE!” sigaw ni Lihtan na hindi makapaniwala sa ginawa ko.

“Sino ang pakialamerong ito?!” nagbabaan sa mga sakay na kabayo ang mga bandido at nilabas ang espada, itak, kutsilyo at iba pa nilang mga lumang armas.

Bumaba ang tingin ko sa lupa. Dinaluhan ko ang nahihirapang sa paghingang si Alicia.

“Anong pangalan mo?” baling ko sa bata na gulat na nakatingin sa akin.

“E—Eloa...”

“Gusto kong makinig ka sa sasabihin ko kung ayaw mong mamatay si Alicia. Kailangan ko ang tulong mo.” seryosong sambit ko. Sunod sunod itong tumango.

“Kumuha ka ng maligamgam na tubig at malinis na tela, at malinis na inumin.”

“O—Opo!”

“Saan ka pupunta, batang malas?” harang ng mga bandido.

Bago pa nila mahawakan ang batang si Eloa ay may dalawang bulto ang sumipa sa kanila.

“Am I late?” malamig na tanong ni Simone.

“Not bad.”

Nagkatinginan sila ni Lihtan. Parehong nagtataka ang mga mukha nila sa isa't isa. Pareho silang may hawak na espada.

Cute.

Nang makarating ang natatarantang si Eloa ay mabilis kong ginawa ang dapat kong gamit. Pinakiramdaman ko ang sikmura ni Alicia, ang paghinga, pulso at mga mata.

Tinanggal ko ang taklob ko upang mas matingnan ng maayos ang kalagayan ni Alicia.

Pinunasan ko ang mukha nito para mahimasmasan at pinatong ang may kainitang tela sa tiyan nitong nanlalamig at pinainom ito ng nakabukod na tubig sa kopita.

Nakahinga ako nang maluwag nang kahit papaano ay umaliwalas ang pakiramdam nito.

Nagtaka ako dahil wala akong naririnig na kahit ano dahil sa katahimikan ng paligid.

Pagtingin ko kay Eloa ay nakatulala ito sa akin.

Eh?

“P—Prinsesa ka po ba?” tanong nito.

“Prinsesa? Anong g—ginagawa ng isang prinsesa rito?” tanong ng mga bandido sa paligid.

“Mawalang galang na po sa aming kapangahasan, saang kaharian po kayo nagmula, Prinsesa?” tanong nila.

“Nagkakama—”

“Siya si Prinsesa Shea, anong karapatan niyo'ng tutukan siya ng armas?” nagulat ako sa sinabi ni Simone.

Naguguluhang tiningnan ako ni Lihtan.

“Pumarito ang Prinsesa dahil sa nabalitaan niyang nangyari sa kanyang paboritong alalay na pinagmamalupitan niyo.” malamig na sambit muli ni Simone.

Napasinghap ang mga bandido at nagsiluharan.

“Parusahan niyo po kami, Prinsesa Shea sa aming kahangalan! Hindi po namin alam...” sambit ng mga ito.

“Kailangan namin ng mga kabayo, para sa aming paglalakbay patungo sa Hideus.” napangiti ako sa sinabi ni Simone nang maunawaan ang ginagawa niya.

Oh...Simone, really.

“Lihtan...” tawag ko kay Lihtan.

“Cane...” nilapitan niya ako.

“Maaari mo bang buhatin si Alicia? Kailangan na nating umalis dito.” bulong ko rito at mabilis namang ginawa nito ang pakiusap ko.

Nakaalis kami nang payapa.

“How are you, Simone? Hehehe.” tanong ko habang nakasakay kami sa kabayo. Nasa likuran ko siya.

“Tss...nakalimutan mo na may kasama ka.” simangot na sagot niya na kinatawa ko.

“Alam ko na magkikita pa rin tayo. Hahahaha.”

Napabuntong hininga ito.

“Is he the one?” tukoy niya kay Lihtan na sakay si Alicia sa harapan nito at si Eloisa na nasa likuran nito nakakapit.

“Yeah, nagkasakit kasi siya.”

“How is he?”

“Magaling na siya,” nakangiting sagot ko.

“Simone, tawagin mo siyang ‘Lihtan’ ah? Nagustuhan niya ang pangalang ibinigay ko. Hehehe.”

Natahimik si Simone. Nang silipin ko siya ay nakita kong nakatingin siya kay Lihtan na kinangiti ko. Siguradong magkakasundo sila.

“Lihtan...” sambit ni Simone nang pumatay kami sa kabayo ni Lihtan.

Gulat at inosenteng tumingin si Lihtan kay Simone. Cute.

“Simone.” pakilala ni Simone kay Lihtan at inabot ang kamay kay Lihtan.

Napangiti ako sa tanawing nasa harapan ng aking mga mata. Ang mga kamay nila na magkahawak.

“Ako si...Lihtan.” nakangiting pakilala ni Lihtan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height