C8 Pahina 8

Pahina 8

The Wanted, Red-hair-Princess

Third Person's Point of View

"Prinsipe Lucien..." tawag ni Gracia sa pinaglilingkuran niya.

"May balita ka na ba?" malamig na tanong niya rito at saglit na tiningnan ito at nabigo siya sa pag-iling nito.

"Nandirito si Prinsesa Shea."

"Nasaan?"

Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan nito.

"Impostora!? Sinong pangahas ang gumamit sa aking pangalan!?" nang-gagalaiting sigaw ni Prinsesa Shea.

Napahinto siya sa tangkang pagpasok sa silid.

"I-Iyon ang kumakalat na balita. Na pinalaya mo ang mga bihag at tinulungan." nanginginig na litanya ng kanyang utusan. Mabilis niyang pinaalam sa Prinsesa ang naririnig niyang usap-usapan patungkol dito na labis niyang kinabigla dahil kilala niya ang Prinsesang kaharap niya at alam niyang hinding hindi ito gagawa ng mabuti sa iba.

"Paanong mapagkakamalang isa 'yong Prinsesa!?"

"N-Napakaganda raw po nito. Sobrang ganda, may asul na mga mata at pula ang buhok."

Napahawak siya sa buhok niyang paalon at itim na itim.

"Saan mo nakita ang babaeng tinutukoy mo?" gulat na napabaling si Prinsesa Shea sa Prinsipe.

"Prinsipe Lucien! Masaya akong pinuntahan mo ako."

"Saan ko makikita ang babaeng nilahad mo kanina?" tanong niyang muli sa utusan ng Prinsesa na hindi niya pinansin.

"Ako na ang bahalang magparusa sa impostor na 'yon, Prinsipe Lucien."

"H'wag mo siyang gagalawin." seryosong pahayag niya na kinaatras ni Prinsesa Shea.

"Kilala mo ba ang impostor na 'yon? Sino siya!?" nagtitimpi sa inis na tanong ni Prinsesa Shea.

"Hindi na mahalagang sabihin ko sa’yo ang pagkatao niya at inuunahan na kita. H'wag mong sasaktan ang babaeng 'yon."

"Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan! Ako ang mapapangasawa mo at hindi mo ako maaaring tratuhin ng ganito! Baka nakakalimutan mo-"

"Ngayong nalaman ko kung gaano katotoo ang masamang pagkatao mo, binigyan mo ako ng malaking dahilan na hindi ituloy ang ikasal sa’yo. Hindi ko maaatim na makasama ang babaeng tulad mo."

Hindi makapaniwalang napaupo si Prinsesa Shea sa narinig. Buong buhay niya ay walang tumarato sa kanya ng ganoon at hindi niya mapigilang masaktan sa sinabi ng Prinsipe.

"Prinsesa S-Shea..."

"Hindi ako makapapayag..." galit na sambit nito at ngumisi sa maitim na balak.

-

"Gracia, nandirito si Prinsesa Cane. Alamin mo ang nangyari tungkol sa sinasabi nilang bihag."

"Masusunod, Prinsipe Lucien."

Nang mawala si Gracia ay may taong nagsalita mula sa likuran niya.

"Lucien." ngising bati ng nasa likuran niya at seryosong humarap dito.

"Hasil." tawag niya sa ngalan ng Prinsipe ng Hideus ang nakakatandang kapatid ni Prinsesa Shea.

Ang huling pagkikita nila ay mga bata pa lang sila at ngayon na lamang muling nakita niya ang malaking pagbabago ng anyo nito.

"Mukhang may pinagkakaabalahan ka at narinig ko ang ginawa mo kay Hidalgo." malamig at seryosong sambit ni Prinsipe Hasil.

"-at sa babaeng may pulang buhok." nagtagis ang panga niya sa huling sinabi ng kaharap.

"H'wag ka magkakamali, Hasil."

"Ha! Interesado ako sa babaeng kinababaliwan mo, Lucien."

Mabilis na dumapo ang kamao niya kay Prinsipe Hasil.

"Hahahahahahahahahaha!"

"Mapapatay kita oras na hawakan mo siya!"

Kilala niya si Hasil, ang likaw ng bituka nito at ang iniisip sa mga oras na 'to. Hayok sa babae tulad ng halimaw nitong ama.

"Kung mapipigilan mo, gawin mo." huling sambit ni Prinsipe Hasil at iniwang madilim ang mukha si Prinsipe Lucien.

Hurricane’s Point of View

"Maraming salamat sa inyo at lalo na sa’yo, ginoo." baling ni Alicia kay Lihtan.

Hinatid namin sila sa 'Hideus' dahil may natitira pa siyang malapit na kamag-anak dito.

"Oo nga, mabuti na lang kabisado ni Lihtan ang mga lagusan dito." napayuko si Lihtan sa sinabi ko at ngumiti. Hehehe.

"Paalam!" kumaway din ako pabalik kanila Eloisa at Alicia.

"Tara na rin!" sambit ko nang kami na lamang tatlo ang natira.

"Saan?" seryosong tanong ni Simone.

"A-lis na 'ko, mag-iingat kayo." sambit ni Lihtan at mabilis kong hinarangan ito na kinagulat niya.

"Sama ka sa amin."

"Hah?" naguguluhan at gulat na sambit nito. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at ngumiti nang malawak.

"You're scaring him, Cane."

"Sama ka sa paglalakbay namin, Lihtan! Sama ka! Sama ka! Sama ka!" pangungulit ko pa at nagulat ako nang takbuhan ako nito ng namimilog ang mga mata!

"Pfft! I told you, you're scaring him." nakangising sabi pa ni Simone.

"Waah! Paano ko siya makukumbinsi sumama!"

"Ano nga bang gagawin mo?"

"Aaah! Di ka nakakatulong, Simone!"

Nilayasan ko siya at hinanap si Lihtan. Tawa lang ito nang tawa.

Pero napahinto ako nang may matanaw ako.

Dinagundong ako ng kaba.

"Hey, what's the problem?" tawang tanong ni Simone na sumunod pala sa akin.

"Simone..."

Mabilis siyang tumabi sa akin at sinundan ang tinitingnan ko. Hindi maganda ang kutob ko rito.

"Find him. Ako na ang bahala rito." seryosong sabi ni Simone sa akin. Tumango ako nang seryoso at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ang mga paparating na bandido.

Hinanap ko si Lihtan. Wala siya sa kweba! Tumingala ako sa langit.

"Dino..." sambit ko at nakita kong lumipad ito sa ibang direksyon at pinasusunod ako.

Hindi ko pinansin ang mga matutulis na halamang nadaraanan ko at ang nasa isip ko lang ay makarating kay Lihtan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya.

Lihtan’s Point of View

Pinilit kong tumakbo palayo sa taong kauna-unahang napalapit sa akin, sa taong hindi natatakot sa akin, sa taong nag-alaga sa akin.

Ang pagsama sa kanilang paglalakbay ay makakasama lamang sa kanila. Mababait sila at hindi ko kayang madamay sila sa kamalasan ko.

"Totoo ba ang nakuha mong impormasyon na nandirito ang halimaw?"

"Oo, nasisiguro ko!"

"Ha! Limpak na pera ang makukuha natin."

Kunot ang aking noo habang nakatingin sa mga taong alam kong ako ang tinutukoy. Napakarami nila at maraming armas na ang iba pa'y kinakalawang na. Napahigpit ang hawak ko sa espada ko. Ayaw ko mang makapanakit ay wala akong magagawa kundi lumaban nang mag-isa.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang sumagi ang imahe niyang nakangiti sa akin sa isip ko. Pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa lalo pa at kasama ko sila.

"Ang halimaw!"

Seryosong tumingin ako sa mga ito at bago pa sumugod ang mga ito ay may biglang humarang sa harapan ko.

May kapa na kulay abo, ang pigura niyang kahit malayo o nakatalikod man ay makikila ko.

"Cane, anong g-ginagawa mo?"

"Paano kita makukumbinsing sumama sa akin?" seryosong tanong niya na kinabigla ko. Hindi niya ako nilingon at hinugot ang espada niyang gawa namin ni Simone.

"Sino ka? Hindi mo ba kilala ang halimaw na 'yan!"

"Halimaw ka rin ba?"

"Isa ka ring halimaw! Malas!"

Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit. Anong karapatan nila sabihan siya ng ganyan! Hindi siya halimaw

"Kapag sinabi ko baka hindi niyo kayanin." may bantang sambit ni Cane. Nakita ko ang pagkaputla ng mga ito.

Tinanggal niya ang taklob sa ulo niya at hindi ko alam kung bakit dahil natulala at parang nanigas ang mga ito sa kinatatayuan nila.

"Ako ang tagapangalaga niya, tawagin niyo na lang akong si 'Kamatayan'. Ako ang tagapag-paranas ng impyerno sa mga halang ang kaluluwa...tulad niyo."

"-oras na itutok niyo ang mga sandata niyo sa taong 'to, ako ang makakalaban niyo."

Nagsipag-atrasan ang iba.

Cane...paanong...

"Hindi kami masamang tao, pero hindi ako sing-bait ng iniisip niyo." humakbang siya ng isang beses na nakapag-paatras muli sa mga ito.

"Nasa sa inyo kung gusto niyong dumanak ang dugo sa kinatatayuan natin ngayon. Ngayon, aalis kayo o ako ang magpapaalis sa inyo nang kulang kulang?"

"SAGOT!" mabagsik na sigaw niya maging ako ay napaatras.

"M-May a-araw d-din k-kayo s-sa amin!"

"Hoy saan kayo pupunta! Sandali!"

Hindi ko alam kung bakit nag-uunahang tumakbo ang mga ito.

"Grabe! Naubos ang lakas ko ro’n! Hahahahaha!"

"T-tinakot mo sila." gulat na sambit ko.

"Hindi ah, seryoso ako ro’n."

"Hmm, kung sasama ka sa akin hindi ko maipapangako na 'di ka masasaktan pero Lihtan, maipapangako ko naman na hindi ka lalaban nang nag-iisa." nakangusong sambit niya at nag-angat ng tingin sa akin "...sama ka sa akin, maglakbay tayo nang sabay." nakangiting dagdag niya.

Parang bumagal ang oras at lumipad si Dino sa balikat niya. Pakiramdam ko mas tumingkad at kumulay ang paligid ko habang nililipad ng sariwang hangin ang may kapulahan niyang buhok, ang labi niyang may ngiting nakasilay at ang mga mata niyang bagamat seryoso at masaya ay ramdam ko ang pagiging totoo ng lahat sa kanya.

"Sama ka amin, siguradong magiging masaya 'yon." inuwang niya ang kamay niya.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakangiti at hawak ang kamay niya.

Salamat...sa napakaganda at saya na araw na 'to.

Salamat...

"I'm glad you convinced him." sambit ni Simone na hindi ko maunawaan kaya nagtataka ko itong tiningnan.

"Hehehe. Bilib ka na sa'kin ulit? Di ko naman siya titigilan kahit anong mangyari."

"Tss."

"Kukunin ko muna 'yung gamit ko diyan muna kayo. Hahaha." natatawang tumakbo si Cane papalayo. Susundan ko sana siya ngunit pinigilan ako ni Simone.

"H'wag kang mag-alala, babalik siya." nakangising sambit niya habang nakatanaw sa daang tinahak ni Cane.

"Maniwala ka sa sinabi niya kanina. Kilala ko ang babaeng 'yon at nasisiguro kong hindi ka magsisising sumama sa amin." malalim na sambit ni Simone na parang may pinanghuhugutan.

"Hindi ko man mapigilan na sumakit ang ulo ko sa mga kalokohan niya, hindi ko siya kayang iwan kahit buhay ko pa ang itaya ko. At dahil mahalaga ka sa kanya, hindi rin kita pababayaan." tinapik niya ako sa balikat at tinalikuran ako at naiwan akong tulala. Napayuko ako at napangiti habang nararamdaman ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height