C9 Pahina 9

Pahina 9

The Stranger

"Hahahahaha!" tawa ako nang tawa sa mga nagpe-play sa isang teatro. Mga entertainers. Hehehe.

Napatingin ako kay Lihtan nang ayusin niya ang taklob ko at nakatingin si Lihtan kay Simone kaya napatingin din ako kay Simone na natango kay Lihtan. Napapagitnaan nila ako. Parang may pinag-uusapan sila gamit ang tinginan nila. Nakakatuwa naman!

Binalik ko ang tingin sa harap ng maliit na entablado at nakipalakpak nang matapos na ang palabas. First time kasi naming tatlo makapunta rito, nakakatuwa dahil pare-pareho kaming mga ignorante. Hehehehehe.

"Are you hungry?" tanong ni Simone habang naglalakad kami.

"Wala tayong pera pambili ng pagkain." nguso ko nang maalala ko.

"Ano bang pwedeng pagkakitaan dito, Lihtan?" tanong ni Simone sa kanya.

"Paghuhuli lang ang alam ko." napapakamot sa ulo na sagot niya.

Oo nga, para sa isang tulad niyang sa kagubatan lang nakatira pagmulat sa mundo, isda lang siya nang isda. Nakaramdam tuloy ako ng awa pero hindi ko pinakita.

"Sa paglalakbay natin kakain tayo ng masasarap!" masayang sambit ko at lumipad ang mga mata ko sa kumpulan ng mga tao.

Naglakad ako patungo ro’n kaso di ko makita at di ako makasiksik. Nangingiting tiningnan ko si Simone na nakasimangot at si Lihtan na nagtataka.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa magkadikit na balikat nila. Dahil do’n ay nakita ko ang pinanonood ng mga tao. May mga babaeng sumasayaw.

Elegante ang mga sayaw nila, mabagal at paminsan-minsa'y umiindak ang mga baywang nila. Nagulat ako nang may maghagis ng mga barya at perang papel sa lupa at may mabilis na pumupulot no’n na lalaki.

"Anong nakikita mo, Cane?" tanong ni Lihtan.

"Sumasayaw na babae."

"Tss. Ang gaan mo."

"Ngunit magana siyang kumain, nakakaapat na isda siya sa araw."

"Pfft."

"Natututo ka nang mang-alaska, Lihtan. Nanghahawa ka, Simone!" mahinang sabunot ko sa buhok niya at tinawanan lang ako.

"Pero alam ko na kung paano tayo makakakain. Hehehe." tumalon ako pababa.

"At anong binabalak mo?" kunot noong tanong ni Simone.

"Sasa-waaah!" nagulat ako nang may humila sa akin!

"Shit! What the-"

"C-Cane!"

"Hulihin niyo sila, mga kasamahan niyang siguro 'yan!" sigaw ng mga kawal na humahabol sa amin!

"Patawad, binibini!" sambit sa akin ng lalaking hila hila ako!

"BITIWAN MO SIYA!" galit na sigaw ni Simone na humahabol din.

"Cane..." nag-aalalang sambit ni Lihtan kasunod ni Simone.

Parang bubuga na ng apoy si Simone.

"Teka bakit ka hinahabol?" tanong ko sa taong hila ako na gulat na tumingin sa akin.

"Ibebenta kasi nila ang napakaganda kong katawan. Nakakaawa, hindi ba? Ang isang tulad ko na hulog ng langit sa kakisigan ay pinagsasamantalahan nila. Hindi katanggap tanggap iyon!"

"E?" tanging nabulaslas ko.

"HOY ORAS NA MAAUBUTAN KITA PATAY KA SA AKIN!"

"S-Sino ba 'yon? Nakakatakot!"

"Si Simone 'yon. Hehehe."

"W-Wala na ang mga kawal." sambit ni Lihtan na nakapagpahinto sa taong hila ako at nagtago kami sa isang eskinita.

Mabilis na kinwelyuhan siya ni Simone at masamang tiningnan. Pinagmasdan ko ang humila sa akin. Itim at magulo ang buhok, may brown na mga mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at maganda nga ang pangangatawan niya. Malakas ang dating niya at totoong makisig nga siya.

"Ayos ka lang, Cane?" tumango ako sa tanong ni Lihtan at nakangusong tiningnan si Simone at ang estrangherong humila sa akin kanina.

"Aaa! Binibini! Binibini! Tulungan mo akoooo."

"Simone?" ngiwing tawag ko. Tinulak niya ito sa pader bago bitiwan at hindi tinigilan ng kanyang masamang tingin.

Natawa ako nang magtago sa likuran ko ang estranghero.

Natatawang tinanggal ko ang taklob ko at humarap dito. Bigla itong napaatras.

"Ayos ka lang?" takang tanong ko.

"Anghel..."

"Tss." singhal ni Simone kaya nauwi sa ngiwi ang mukha nito nang malipat ang tingin kay Simone.

"May sugat ka." Sambit ni Lihtan habang nakatingin sa braso ng estranghero.

Natawa ako nang bigla siyang nagpapaawang bumaling kay Lihtan. Pfft!

"Kaibigan, salamat sa pag-aalala. Masaya akong makatagpo ng tulad mo." humawak pa ito sa balikat ni Lihtan na takang taka at napanguso sa pagdadrama ng taong kaharap niya.

HAHAHAHAHAHA!

"Hindi naging madali para sa akin ang biyayaan ng napakakisig at magandang pangangatawan. Maraming gustong umangkin sa akin at hindi ko masisisi na maging ang mga lalaki'y nabibihag sa akin."

Pagsilip ko kay Simone ay nakahawak siya sa kanyang sintido na parang namomoblema sa mga naririnig niya.

BWAHAHAHAHAHA.

"Tumigil ka, nakikiusap ako sa’yong baliw ka." sambit ni Simone.

"Naiintindihan ko na nalulungkot ka rin para sa akin. Tsk..tsk..tsk.. Salamat sa pag-aalala mo."

Mas lalo akong natawa at hindi ko na talaga napigilan pa.

"Hahahahahahahahahaha!"

Nang tumigil ako sa pagtawa ay nakita kong titig na titig sila sa akin.

Nagulat ako nang kunin ng estranghero ang kamay ko at halikan ang likod nito.

"Ako si Teńere, binibini. Anong pangalan ng anghel na kaharap ko?" ngiting ngiting tanong niya.

"Hehehe, ako si Cane!"

"Cane..." banggit niya sa pangalan ko.

Biglang napalayo si Tenere sa akin nang hilain ni Simone ang kwelyo nito.

"Bakit ka hinahabol? Magsabi ka ng totoo." seryosong tanong ni Simone.

Nabura ang ngiti ni Tenere.

"Dahil dito..." may nilabas siya sa bulsa niya. Isang napakagandang kwintas.

"Ninakaw mo?" tanong ni Lihtan na kunot ang noo.

"Sila ang nagnakaw nito sa akin at binawi ko lang! Mukha ba akong masamang tao?" pagpapaawa muli niya kay Lihtan na napakamot na lang sa ulo.

Pfft!

"Bakit nasa kawal ang kwintas mo?" tanong ko. Tumingin ito sa akin ng nakakunot ang noo.

"Dayo ba kayo? Saan kayo nagmula?" balik tanong niya.

"H'wag ka nang matanong." sagot ni Simone.

"Sandali. Nobyo mo ba ang lalaking ito, binibini?"

"Hindi pero pag-aari ko siya" nakangiting sagot ko habang nakatingin sa kwintas na hawak niya. Napatingin ako kay Tenere na hindi nakasagot at nakita kong nakanganga.

"Eh siya?" turo niya kay Lihtan.

"Ako ang taga-pangalaga niya." nakangiting sagot ko ulit at ngumiti kay Lihtan at nginitian din ako pabalik.

"E?"

"Bakit?" tanong ko at napatingin kay Simone na nakangisi at mukhang di na badtrip.

"B-Binili mo siya?" turo niya kay Simone.

"Hindi, di naman mapapantayan ng kayamanan ang halaga ng isang tao."

Bigla itong napatulala at napalunok na nag-iwas ng tingin.

"Pasensya na ulit kung nahila kita."

"Ayos lang." nakangiting sagot ko.

"A-Anong pinag-uusapan niyo kanina bago kita mahila?"

"Tsismoso." napasimangot si Tenere sa sinabi Simone.

"Wala kasi kaming pambili ng makakain at balak kong sumayaw kaya lang walang musikero."

"Marunong ako!" tuwang sambit ni Tenere.

"Talagaaaa?"

"Tutugtugan kita. Hahaha. Damay niyo ako sa pagkain."

"Sige walang prob-" naputol ang sasabihin ko nang hilahin ni Simone ang braso ko.

"Hey, do you think na papayagan kita?" seryosong tanong niya.

"Ha?"

"Hindi pwede."

"E?"

"H'wag kang makulit."

"Bakit hindi?"

"Kasi, hindi magandang tingnan." nag-iwas ng tingin na sagot niya.

"Di mo pa nga ako nakitang sumayaw nanlalait ka na. Grabe ka Simone ah!"

"H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

"Wala kang bilib sa akin, Simone."

"Shit! That's not what I meant."

"........"

"Damn it, iba na lang ang pagkakitaan natin."

"Yun lang ang pinakamabilis na paraan at isa pa, may naiisip ka bang iba pang paraan?"

Siya naman ang hindi makasagot. Bumuntong hininga siya at napahawak sa sintido niya.

"H'wag kang mag-alala, Simone hindi lang ako ang sasayaw dahil kayong dalawa rin Lihtan ay sasayaw kasama ako. Hahahahahahahahahaha."

Katahimikan...

"W-What?" namumutlang tanong ni Simone na sinagot ko ng ngiti.

"You're...kidding." di makapaniwalang sambit ni Simone.

"Hindi ako nagbibiro."

"Hindi ako marunong" sagot ni Lihtan. Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Kaya natin 'to, Lihtan!" determinadong sambit ko at bigla itong tumango na kinangiti ko.

"FIST BUMP" sambit ko at tinaas ang kamao ko at kamao niya at pinagbangga.

"Pis bam?"

"Oo pis bam. Hehehe."

"Fist bump, Simone."

"Tss."

"No."

"Fist bump, Simone."

"...no."

"Fist bump, Simone!"

"Fuck yeah. Tss."

Napahagalpak ako ng tawa sa kanya at hinarap na si Tenere.

"Fist bump, Tenere."

"Pis bam. Hahaha."

"Pero sino ang kukuha ng mga pera?" tanong ko.

"Ako na lang. Kaya kong tumugtog habang umiikot sa mga manonood."

"Magaling, Tenere!"

"This is embarrassing." bulong ni Simone na kinatawa ko. Ganyan nga, Simone. Kailangang maalala mo 'to for the rest of your life. Hahahahaha.

#Pisbam

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height