MAGDALENA/C10 Unang araw na Magisa
+ Add to Library
MAGDALENA/C10 Unang araw na Magisa
+ Add to Library

C10 Unang araw na Magisa

"Aalis ka pa ba?"

"Oo, binisita lang kita dito,"

"Ganoon ba, sige ingat ka."

Hinalikan niya ako at ginulo ang buhok ko. Umalis na nga ito. "Siya nga pala ito pang kain mo baka gabi na ako maka balik bukas," sabay abut niya ng brawn invelop na papel.

Kinuha ko naman ito, at tuluyan na nga siyang umalis. Humiga ako sa kama. Hindi ako naka tulog kaya nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Bumangon ako at pinuntahan ang bayo para maglinis ng sarili. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto, humiga uli at naka titig sa kisame, halos matunaw na ito sa kakatitig ko. Hanggang sa dinalaw ako ng antok kaya pinikit ko ang aking mga mata.

Nagising ako bandang alas tres ng hapon. Maingay sa labas kaya nagising ako. Bumangon at umonat ako, pagkatapos ay pumunta sa kusina. May nakita akong naka box na pagkain, kumain na ako dahil naka ramadan din ako ng gutom. Nang matapos akong kumain ay naisipan kung lumabas sa cottage at nag lakad-lakad sa dagat ng malapit ng magtago ang araw ay umupo ako sa gilid ng dagat at pinanood na lumubog ang araw. May campfire sa gilid unahan kaya naisipan kung makitambay rito. Ilang minuto ay may lumapit sa akin at ng salita ito mula sa aking likuran. "Okay kalang ba?" Tanong nito.

"Okay lang naman ako Dex,"

"Hindi kaba na board?" Tumabi ito sa akin.

"Hindi naman, nag-lakadlakad ako kanina eh," sumandal naman ako sa braso niya.

"Mabuti naman kung ganon, hindi kaba nilalamig?"

"Hindi, mainit na man ang hangin na galing sa apoy,"

Ilang minuto din kaming nakaupo sa gilid ng campfire na iyon. Naisipan naming pumasok na sa cottage.

"Kumain kana ba?" Tanong ko rito.

"Tapus na."

Dumiretso na kami sa kwarto. Alam kung pagud siya kaya hinayaan ko siyang matulog. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang ay nakatulog nga ito. Galing ako sa banyo pagbalik ko ay tulog na siya. Dahil ayaw ko siyang magising kaya naisip kung sa sofa nalang ako humiga. Nagdala ako ng isang unan at kumot, ni lagay ko sa sofa nag unan at humiga narin ako. Kahit mag hapun akong tulog, pero nakaramdam pa rin ako ng antok sa oras nayon kaya mabilis lang ako naka tulog.

Nagising ako ng naramdaman kung, may sinag ng araw na dumampi sa mata ko galing sa pintuan salamin sa labas. Tinginan ko ang paligid nasa kama na ako katabi ko si Dexter. "Hindi ko man namalayan na binuhat niya ako," bulong ko sa aking sarili.

Bumalik ako ng pikit dahil ayaw kung magising ko si Dexter, hanggang sa nakatulog nga ako agad. Nagising ako dahil sa naririnig kung ingay ng mga bata sa labas na naglalaro. Pagtingin ko sa sa tabi ko ay walang tao, kaya napabalikwas ako ng bangon at bumaba sa kama para tingnan sa kusina kung andon si Dexter. Tanging pagkain lamang ang nakita ko roon.

"Siguro pumunta na naman siya sa trabaho niya," sa isip ko.

Kumain nalang ako, kahit wala akong gana pero pinilit kung kumain dahil ayaw ko naman na bumagsak ang katawan ko. Pagkatapos kung kumain ay naisipan kung maligo sa dagat. Ilang oras din akong nag babad sa dagat hanggang sa dumilim na ito. Nakaramdam ako ng lamig sa katawan kaya umahon na ako at bumalik sa cottage. Nag banlaw ako sa banyo pagkatapos ay naisipan kung mag ikot sa labas para bumili ng pagkain. Nag tanong-tanong ako sa mga tao na taga roon kung saan banda pwede makabili ng pagkain. Tinuro nila kung saan iyon banda pero medyo kalayuan iyon sa cottage. Pinuntahan ko parin ito dahil hindi naman nakakatakot dahil marami naman tao sa daan. Nakita kung may umuusok sa unahan kaya binilisan ko ang lakad. Ng makarating na ako ay agad akong pumili ng gusto kung ipa luto dahil BBQ seafood ang restaurant na nakita ko.

Pinili ko ang chicken legs, pusit at bangus, inabot ko ito sa taga ihaw. Maraming tao ang naka tingin sa akin. Halos ang mga tao na kumakain doon ay na papatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil alam ko naman na namangha lang sila sa kagandahan ko. May many grocery din sa lugar naiyon kaya pumasok ako doon at namili ng anong pwede kung mabili. Soft drinks at chips and mineral water, bumili din ako ng limang boti ng alak na ten percent alcohol nabili ko sa store nayun. Meron din silang souvenir na t-shirt at scarf pati sleepers. Pinili ko ang sleepers and scarf binili ko ang mga ito. Pagkatapos ay binalikan ko ang pina ihaw ko. Tapos na itong naluto kaya inabot na ito ng nag iihaw sa akin.

"Three hundred pesos po ma'am,"

"Ate pasama po ng isang rice,"

"Sige po ma'am,"

Inabot na niya sa akin ang orders ko. Inabot ko na rin sa kanya ang bayad niya. Medyo mabigat ang dala ko pero kinaya ko iyun dahil kahit maliit akong babae ay malakas naman ako. Maslalong namangha ang mga tao na makita nila ako na hindi lang ako maganda ay malakas pa ako. Umalis na ako sa lugar na iyon. Ilang minuto ay nakarating na ako sa cottage, wala parin si Dexter. Wala akong gana kumain kaya nag inom na lang ako ng halak. Umabot ng madaling araw ay natapos ko na lang ang limang boti ng alak, wala parin akong nakikitang Dexter. Nainip ako sa kaka antay kaya naisipan ko nalang na matulog. Pumasok ako sa kwarto pagkatapos kung linisin ang mga pinag gamitan ko. Humiga na ako sa kama, dahil sa alak ay mabilis ako naka tulog.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa hangin na dumadampi sa mukha ko. Bumangon ako at tiningnan ang kusina, may pack lunch sa mesa pero wala akong nakitang Dexter. Usual lagi ko ng ginagawa nag kumain mag isa dahil ilang araw narin ang nakalipas na hindi ko nakikita si Dexter, tangin pagkain nalang na nasa mesa ang lagi kung naabutan. Hapun na ako nagising wala ako sa mood nag muni-muni kaya bumalik ako sa kwarto pagkatapus kung kumain. Humiga ako sa kama habang naka titig sa kisama. Ilang minuto ang lumipas ay may narinig akong may ng bukas ng pinto. Bumangon ako agad baka ibang tao ang pumasok. Nakampanti ako ng si Dexter ang nakita ko.

"Hi, okay kalang ba?" Agad niyang tanong.

"Oo naman,"

"Uhm, aalis pala tayo ngayon pa balik ng manila, anjan sa ni Jay naayos na ang sasakyan niya,"

"Talaga?" Agad akong ng impaki ng mga gamit namin.

Kundi lang naman ang gamit namin dahil iyong mga pinamili lang ang tanging gamit namin. Nang matapus akong mag imapake ng gamit ay si Dexter na ang ng bit-bit nito. Lumabas na kami sa cottage at tinungo ang van.

"Hello kuya Jay, kumusta kana?"

"Okay lang po ma'am, buti nalang naayos agad ng sasakyan kaya maaga ako naka punta dito.

"Okay lang iyun, enjoy naman dito kahit papano,"

"Sige po ma'am, pasok na po kayo."

Pumasok na ako sa loob, si Dexter naman pagtapus niyang mailagay ang mga gamit sa van, ay kina usap niya ang namamahala sa resorts. Ilang sandali lang ay natapus na silang mag usap. Papunta na si Dexter sa van. Magkatabi parin kami sa upoan, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil ito. Ngumiti naman si Dexter dahil sa ginaw ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height