MAGDALENA/C14 Meet Jake
+ Add to Library
MAGDALENA/C14 Meet Jake
+ Add to Library

C14 Meet Jake

"Hindi sa akin iyan," tanggi ko sa binigay niya.

"Bigay po niya iyan," sabay turo ng katabi kung naka upo.

Tumingin naman ako kung saan banda niya itinuro ang kamay niya. Nakita ko isang makisig at gwapo na lalaki, nginitian ko ito. Pagkatapos ay tinungga ko ang binigay na alak. Umiiyak parin ako at humihikbi habang ng tutunga ng alak. Naubos ko ang pangalawang bote kaya ng order ulit ako ng isa pa. Binilisan ko ang pag ubos ng alak dahil gusto kung magpaka lunod ng alak sa mga oras na iyon. Gusto kung maging manhid sa mga oras na iyon ang aking nararamdaman.

Lumipas ang mga oras na ka ubos ako ng anim na bote ng alak. Maraming ng tangkang kausapin ako pero hindi ko sila pinansin. Nang maubos ko na ang lahat ng luha ko at wala ng mailabas, puro hikbi nalang ako. Naisipan kung umuwi na sa hotel, dahil nakaramdam ako antok at bigat sa aking mga mata.

"Kuya bill ko!" Sabi ko sa bartender.

"A maam! binayaran na po ni sir ang bill ninyo," sabay turo nito.

"A, ganoon ba!" Sabay tingin ulit kung saan niya itinoro. Tumingin ako rito at ngumiti lamang.

"Pasabi sa kanya salamat," sabay baba ko sa upuan at naglakad.

Pasuray-suray akong nag lakad. Hindi ako nakaramdam ng hilo pero medyo malabo na ang paningin ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa bar. Nakayanan ko pa namang mag lakad lahit pa suray-suray sa daan. Hanggang sa makarating ako sa hotel. Tinulungan ako ng isang empleyado sa hotel ng mapa upo ako sa entrance ng pasokan.

"Hello maam, kaya nyo pa po ba tumayo?" Tanong ng boses babae.

Tiningnan ko ito babae ang itchura niya pero hindi maaninag ang mukha niya. "Kaya ko pa naman, na tisud lang ako," palusot ko rito. Tumayo naman ako agad pero bigla akong na tumba dahil nahilo ako ng biglaan pag tayo ko, buti nalang nasalo ako ng babae.

"Maam saang room po kayo hatid ko na po kayo," pag aalok nito ng tulong.

"305 miss," agad kung sabi.

Nilagay ng babae ang kamay ko sa leeg niya at ang isang kamay niya ay sa biwang ko. Inalalayan niya ako patungo sa elevator, hangang sa makarating kami sa kwarto ko. Binuksan ko ito at analalayan niya ako papasok sa loob at pina higa niya ako sa kama. Umalis na ang babae ng maipahiga na niya ako sa kama.

"Salamat miss," tanging nasabi ko.

"Welcome maam," at umalis na ito.

Narinig kung tumunog ang pinto pagkasara. Gusto kung bumangon pero ayaw ng katawan ko, nilalamon ang katawan at mata ko sa antok, kaya hindi rin nag tagal ay naka tulog ako.

Kinabukasan ng hapun bandang ala singko nagising ako dahil sa lamig na maramdaman ko. "Gosh napa haba ata ng tulog ko." Sabi ko sa aking sarili. Tumihaya ako at tumitig sa kisami, blanko ang utak ko sa mga oras nayon pero kung mka titig sa kisami halos matunaw ito. Nang mahimasmasan ako ay bumangon at pomunta sa banyo. Naligo ako para ma preskuhan ang aking katawan. Pagkatapus ay nagbihis sinuot ko ang spageti backlis na pang itaas at mini skirt na pang ibaba, pagkatapys ay lumabas na ako sa hotel, dahil naisipan kung mag lasing ulit. Para mawala at maging manhid ako sa aking nararamdaman para makalimutan ko rin si Dexter. Nag hanap muna ako ng maka inan dahil naka ramdam ako ng gutom at mahapdi ang sikmura ko. Pinuntahan ko ang restaurant na nakita ko ng mga nakaraang araw, dahil kahit papaano ay kabisado ko na ang lugar kung saan ako ng stay. Nilakad ko lang ito para ma re-fresh ko ang utak ko.

Ilang minuto sa paglalakad ay nakarating ako sa restaurant na sinsabe ko. Nag order ako ng beef caldereta at margarita. Hindi nag tagal ay dumating ang e norder kung pagkain at alak ay agad akung kumain. Ilang minuto ay natapus akong kumain nerelax ko muna ang aking tummy. Nang medyo na digest na ang food na kinain ko ay ininim ko na ang alak. Nang maubos ay umorder ako ng limang basong malalaki. Makalipas ang ilng minuto ay ng order ulit ako ng limang basong malalaki na margarita. Ilang oras ang nakalipas ay naisipan kung lumipat ng bar. Tinawag ko ang waitress gamit ang sign language. Tumango naman ito, at ilang minuto ay dumating na ito dala ang bill ko. Binayaran ko na ito at agad umalis sa restaurant na iyon. Nilakad ko patungon chelax bar dahil hindi naman ito magkalayo na lokasyon. Pagkarating ko ay agad akong umopo sa harap ng counter. Nag order agad ako ng isang bote ng tiquilia. Nag salin agad ako sa baso at ininum, pagka inum ko ay nagsalin agad sa baso at ininum agad. Binilisan kung ininum ang alak, mabilis ko na ubos ang isang bote. Nag order agad ako ng isa, pagka bigay ng bartender ay nag salin ako sa baso at ininum agad. Nka ubos agad ako ng anim na bote mg tiquilia. Hindi ako umiyak this time dahil tanggap ko na para sa iba si Dexter, hindi para saakin. Nang maubos ko ang nasa baso ay may tumabi sa akin na lalaki.

"Isang bote pa para sa kanya," sabi nito sa bartender.

Tumingin ako rito ng marinig ko ang boses niya. "Salamat a," at ngumiti ako.

Nag salin ako sa baso at ininum ito. Nag salin ulit ako sa baso at ininum ulit ito.

"Dahan-dahan lang, parang galit kana man sa alak," sabi ng lalaki na katabi ko.

"Gusto kung malasing kaya binibilisan ko." Ganting sabi ko naman rito.

"Mukhang ang bigat-bigat naman niyang dinadala mo ah,"

"Sobra, pero okay na ako, gusto ko lang magpaka lasing para maging manhid na ako."

"Kung ano man iyan, hindi alak ang gamot diyan. Kundi ikaw lang din, sarili mo."

"Pinipilit ko, ito pa unti-unti pero kailangan ko ang tulong ng alak,"

"Uhm… sa bagay choice mo iyan, iba-iba naman tayo ng choice para maka move on,"

"Tama ka diyan." Sabay inum ng alak.

Inubos ko ang laman ng bote, ng hingi ulit ako ng isa png bote ng alak, binigyan naman ako nito. As usual binilisan ko itong ubosin dahil hanggang kaya ko pang lumunok ng alak ay hindi ako titigil sa pag inum. Naka ubos ako ng kinsing bote ng alak. Naramdaman ko ng bumibigat na ang pakiramdam ko ay naisipan ko ng umalis. Aakma na akong baba sa upoan ay bigla ako na tumba buti nalang at nasalo ako ng lalaki.

"Salamat," sabi ko.

"Saan kaba naka tira hatid na kita,"

"Diyan lang sa unahan, pero wag na kaya ko pa naman," tangi ko rito.

Naka hakbang ako ng lemang beses ng napa upo ako, buti nalang sa sofa ako na tumba. Kinakalma ko ang sarili ko. Lumapit naman sa akin ang lalaki na katabi ko kanina.

"Hayaan munang ihatid kita," sabi nito.

"Gusto mo talaga akong ihatid?"

"Oo para safety kang maka uwi,"

"Payag ako pero mag lakad lang tayo."

"Sige okay lang,"

Agad akong tumayo pagkasabi niya. Bigla naman ako napa sandal sa dib-dib niya dahil na out of balance ako pag ka tayo ko.

"Ay, sorry! sorry!" Sabi ko at umakbay na ako rito.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng bar. "Saan banda ang daan mo?" Tanong nito ng nasa labas na kami ng bar.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height